Chapter 1
Chapter 1
Chinito
Being born as a woman is a weakness. And my greatest regret in life was being born as a woman especially from a Chinese family.
"Jia..."
"Amma?" I quickly responded as if I was paying attention all along. Kahit na lagalag naman talaga ang utak ko.
Iniabot niya sa akin ang folder na kanina pa nila tinitignan ni Mama.
"I want you to look at your profile. See if we missed something."
Kahit na gusto kong magprotesta ay kinimkim ko na lang 'yon sa sarili at tinanggap ang folder. I carefully opened it and read.
Kung titingnan ang laman ng iilang pahina nito ay aakalain mong isang CV at mag-a-apply ako ng trabaho. It contained information about my age, height, education, Chinese zodiac sign, personality, and family values. It even included specific requirements for a suitable match!
"I have already submitted your initial registration on the Bai Fa Xiang Qin," si Mama sabay baba ng kanyang tsaa at seryoso akong ginawaran ng tingin.
"Isang swipe lang naman 'yan sa Tinder, okay na," matabil na bulong ko pero dinig naman niya dahil sa bahagyang panlalaki at pagtalim ng mga mata niya.
"Chinese marriage market is an important Chinese family tradition, Jia," istriktong paalala niya.
Ngumuso ako at inilapag ang folder sa mesa. I boredly glanced at the huge wall clock with a dragon design. Ang bagal ng oras! Kanina pa kami rito sa sala!
"Your husband must be older than you, and his family must be richer than our family," continued my grandmother after sipping on her tea. "It doesn't matter if he doesn't fall in love with you. Physical appearance is of considerable importance of course. He has to be attractive and well-groomed for it will influence job potential and future prospects. Distinguished mannerisms and posture are good indications of worthy attitudes and character..."
Humikab ako sa kalagitnaan ng paglilitanya niya. Thus, it earned me a pinch on the side of my ribs from my mother. Umayos kaagad ako.
Binalingan ni Amma si Mama. "I will leave this matter to you, Cora. Do not be a disappointment."
"Yes, Amma," agap ni Mama sabay yuko bilang pagbibigay galang sa pinakamatandang miyembro ng pamilya Chen.
"I believe that you've been training your daughter some housewife skills."
"Ever since she turned eighteen," my mother replied with pride.
My grandmother raised an eyebrow. "What about musical instruments?"
"She plays the piano, flute, and violin."
"Art?"
"She paints and does calligraphy."
Amma nodded in satisfaction. And that was the end of it.
Umuwi rin kami mula sa pagbisita sa ancestral house. Pinatawag lang naman kami ni Amma para roon.
Pareho kaming tahimik ni Mama sa loob ng sasakyan habang bumibiyahe na pauwi. Tiningnan ko siya at nakita kong nakatanaw siya sa labas ng bintana.
"You lied about my personality on the profile," sabi ko. "I am not a meek person and way far from being a submissive woman."
She sighed and finally looked at me. Kita ko ang pagod sa mga mata niya. At alam ko na dahil ito sa tripleng effort niya simula nang mag-eighteen na ako. She's pale looking dahil na rin siguro sa pagiging sobrang itim ng buhok niya.
"You do know that I'm doing what's best for you, right, Jia?" banayad na tanong niya.
Sa kabila ng katigasan ng ulo ko ay nakuha ko pa rin siyang tanguan.
"Amma, your aunties, and uncles look down on me because I am not Chinese," dugtong niya sabay sulyap sa driver namin na tahimik lang na nagmamaneho. Ibinalik niya ang tingin sa akin. Nilukob ng lungkot ang mga mata niya. "I've been doing everything just to please them for a long time. Kahit na galing ako sa mayamang pamilya, malayo pa rin ang agwat ko sa kanila dahil hindi ako Chinese. At hanggang ngayon, hindi pa rin nila ako tanggap nang buo."
"Hindi mo na naman kailangang gawin lahat para sa kanila, Ma," protesta ko. "They do not deserve you. Papa do not-"
"Jia Chen!"
Mariin kong naitikom ang bibig. She pushed the button closing the window on the back of the driver's seat. It gave us privacy.
"We can run away," pagpapatuloy ko kaagad. "They are so toxic and-"
"What about your brother?"
Awtomatiko akong napairap. "Toxic din naman siya! Lahat sila toxic!"
"Maybe your brother is going to change once your father declares him as the new Chairman," pampalubag loob na naman niya.
"I don't like this family," inis na sambit ko. "I don't like being a woman in this family and I don't want to get married with basically a stranger!"
"Jia, nasa edad ka na naman."
"I am still twenty one!" pagsabog ko. "Masyadong makaluma ang pamilyang 'to. We're now living in the modern world where there should be equality between men and women. May LGBTQ plus community na nga, Ma. They are so outdated!"
"Don't be difficult, anak. You've been trained and is fully aware of this family traditions all your life," pagod na saad niya.
I looked away stubbornly. Totoo naman ang sinabi niya pero minsan talaga, binabalot ako ng frustrations lalo na kapag naiisip ko na parte ako ng ganitong klaseng pamilya.
"Malapit na tayo sa mansiyon," anunsiyo niya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan. "Umayos ka at nakauwi na raw ang Papa mo."
Hindi ako kumibo at tiningnan na lang ang labas ng bintana ng sasakyan. Linya-linyang matatayog na pine trees ang natatanaw ko hanggang sa maubos ito. Sa dulo ay natatanaw ko na ang bakal na malaking gate ng mansiyon.
Two uniformed housemaids opened the gate. Pumasok na ang sasakyan at ipinarada na ito ng driver. Pinagbuksan niya si Mama ng pinto samantalang kusa ko namang binuksan ang pinto sa banda ko at bumaba na.
I followed my mother and we both entered the mansiyon. Tumingala ako sa malaking chandelier at pagkatapos ay iginala ang tingin sa kabuuan ng looban ng mansiyon. The walls were all painted in white and the furniture were all modern-looking. Ibang-iba sa pagiging masyadong makaluma ng tradisyon ng pamilya.
"Your father is in his study. Pay your respect first and then get changed," si Mama. "Magmamando lang ako sa kusina para sa dinner mamaya."
I nodded without saying a word and went upstairs. Paying respect to the elders of the family is one of the most important traditions as Chinese. Nilagpasan ko ang apat na kuwarto at tinungo na ang pinakadulong kuwarto kung nasaan ang study ni Papa.
Huminto ako sa tapat ng pinto at kinatok na ito. After the second knock, I heard his voice telling me to enter.
Binuksan ko na ang pinto at pumasok sa loob. Unang bumungad sa akin ang maraming papeles na nakalapag sa mesa. Papa was seated on his chair behind his desk and my brother was beside him. Pareho silang nakasuot pa ng business suits.
Ibinalik ko ang tingin kay Papa at bahagya akong yumuko.
"Wan shang hao, Papa," magalang na pagbati ko.
He only raised a hand which meant that he recognized my greeting and was already dismissing me. Dahil nasanay na sa ganitong routine ay hindi na ako kumibo pa at tumalikod na para makalabas ng study room.
I was about to open the door when I heard him call my name. Lumingon ulit ako sa kanila ni Kuya.
"How did it go with your Amma?" my father asked.
I glanced at my brother. He only gave me a bored look. Ibinalik ko ang tingin kay Papa.
"It went well, Papa."
Tinanguan niya lang ako ng isang beses at ibinalik na ang atensiyon sa mga papeles.
I got changed into comfortable dress in my room. Nang tinawag na ng kasambahay ay bumaba na rin ako at nagtungo sa dining area. Nadatnan ko si Mama na nakatayo sa gilid ng kabisera. Sa tapat niya naman ay ang bakanteng upuan para kay Kuya at nakatayo sa gilid nito ang asawa niya na si Ate Shen.
Ate Shen was wearing a white flowy dress and was looking very pale. Her eyes were super chinita when she first joined our family. But recently, parang lagi na siyang nakapikit dahil sa madalas na pamumugto nito. Siguro resulta ng pagkakaroon ng asawa na tulad ni Kuya.
I shook my head in sympathy. Nilapitan ko ang pinakamalayong upuan at tumayo na rin sa gilid nito.
Sabay kaming tumingala sa mahabang hagdanan nang matanaw na namin si Papa na bumababa. Nakasunod naman sa likod niya si Kuya. We patiently waited for the men of the family to reach the table. When they finally did, Papa sat down and the rest of us followed suit. Again, one of our traditions. You are not allowed to sit before the head of the family takes his seat.
Papa took the bowl of soup which my mother usually prepared for him and sipped on it. Pagkatapos niyang gawin ito ay inilapag na ulit niya ang bowl sa mesa. It was a signal for us, the members of his family to start eating.
We may be one of the few remaining traditional Chinese families living in the Philippines but at home it's usually a mixed of cultures when it comes to designs and foods. Hindi istrikto ang pamilya sa pagkain lalo na kung wala namang espesyal na okasyon. We didn't have to strictly eat only Chinese foods. Kagaya ngayong gabi, steak ang dinner namin.
"How's the restaurant branch in Mandaluyong, Lee?" si Papa sa kay Kuya.
"I've already changed the manager, Papa."
Our father nodded at my brother. Habang nakikita silang magkatabi ng inuupuan ay klaro ko ang pagiging magkamukha nila. Pareho silang chinito, nakasuot ng eye glasses, malaki ang noo, at parehong nangdidiscriminate ng mga babae.
"Nakahanap ka na rin ba ng pamalit sa manager sa Marikina?" Papa asked.
"I... I'm still currently looking."
May sumipang excitement sa puso ko. Out of a habit, I raised a hand. Kaagad nitong nakuha ang atensiyon ni Papa. I saw how my mother stiffened. Siguro may ideya na siya sa kung ano man ang sasabihin ko.
"I'm free, Pa. I can manage because I'm not doing anything else aside from attending my art classes," I shamelessly volunteered.
Naging tahimik ang lahat kaya dinig na dinig ang pagtama ng tinidor na hawak ni Papa sa gilid ng pinggan niya. Isang tingin ang ibinigay niya kay Mama at alerto akong binalingan nito.
"What is your most important role as a woman again, Jia?" si Mama sa walang emosyon na boses.
I had to bite my tongue to stop myself from saying sonething else. "A wife and mother."
Nagpatuloy na sa pagkain si Papa at pakiramdam ko nakahinga na ng maluwag ang lahat. I glanced at my sister in law and she gave me a pitiful look. Nagpatuloy na rin ako sa pagkain na purong pait lang ang nalalasahan. I could not wait to get away from this family.
"Magpakasal ka at pagkatapos maglayas. Solved ang problema!" si Feng, isang Tsinay na matalik kong kaibigan. Dahil Sabado naman, binisita ko siya sa munting restaurant nila sa Chinatown.
I rolled my eyes at her. Sumubo ako ng isang dumpling at nginuya na muna ito.
"It's still useless. Sila pa rin naman ang pipili ng mapapangasawa ko," reklamo ko.
Ipinagpag niya ang hawak na pampunas sa counter. Nagliparan ang mga alikabok mula rito.
"Ang papraning ng pamilya mo. Buti na lang talaga hindi mayaman ang Intsik na tatay ko tulad ng pamilya mo," komento ni Feng. "At anong year pa ba riyan sa inyo? Kung maka-discriminate ng mga babae, parang napag-iwanan na ng modernisasyon, ah. "
Mangha ko siyang tiningnan. "Wow. Your Filipino words are so deep."
"Malamang! Mas Filipino ako kaysa Chinese, 'di ba?"
Umismid ako at inubos na ang natitirang dumplings.
"Minsan pinapangarap ko na sana ipinanganak na lang akong lalaki gaya ni Kuya," hinaing ko. "And I've been having these kinds of thoughts lately. Especially now na registered na ako for marriage market."
"Tunog karne ka na ibenebenta."
Napangiwi ako sa komento ni Feng. I continued, "If I were a man, I could have more freedom to choose whatever I want. And my elders won't shipped me off to my husband."
"Pero kapag anak na lalaki ka naman, eh 'di ba expected na mananatili ka sa poder ng mga magulang mo? Gaya na lang ng Kuya mo at asawa niya."
Her statement made me grimaced. "Yeah. Sons are expected to support their parents for their whole lives and manage the family businesses while daughters are to be married off to other families. Tapos dapat sa mas mayaman pa."
"Tangina!"
Napaangat ako ng tingin dahil sa malutong na pagmumura ni Feng. Kumunot ang noo ko nang makitang nakatanaw siya sa labas ni pintuan.
"What's wrong?" tanong ko.
Tumayo siya at lumabas ng counter. Nakapamaywang niyang nilapitan ang pintuan.
"Ayaw na ayaw ko talaga sa mga Intsik na mayayaman, except sa'yo ha," iritadong sinabi niya. "Itutuloy yata talaga ng mga Cua ang balak nilang pagtatayo ng restaurant dito!"
Sumunod na rin ako sa kanya at tinanaw ang tinitingnan niya. There were men with hard hats looking at the abandoned old building. Ilan din sa kanila ay wala namang suot na hats.
"Cua? The name rings a bell," sabi ko.
"Siyempre pamilyar sa'yo. Pamilyang old rich Chinese dito sa Pilipinas. Ang dami na nilang hotels and restaurants, pati ba rito sa Binondo pinapatos pa!"
Kumunot ang noo ko at napaisip. I did not really pay attention that much to other rich Chinese families.
"Hoy! May white lady sa building na 'yan!" sigaw ni Feng na nagpalingon sa kanya sa mga lalaking naka hard hats. "Putang ina talaga! Putang ina."
"They'll think you're crazy," komento ko.
Inignora niya lang ako at itinuro pa ang ikalawang palapag ng building.
"May babaeng nagbigti riyan dahil na-realize ng tanga na hindi totoong tao ang fictional character na crush niya!" she shouted and did a cutting gesture on her neck with a weird choking sound on her throat.
Hinaklit ko siya sa braso at hinila paatras dahil nakita ko na ang iritasyon sa mukha ng mga lalaking nakatanaw sa amin.
"Putang ina naman, oh!" daing niya sabay gala ng tingin sa loob ng restuarant. "Wala na ngang masyadong kumakain ditong mga parokyano dahil sa mga kakompetensiya, tatapatan pa nila. Mga putanginang Cua!"
"Gosh, you really curse a lot."
"Pasensiya na, Mother Theresa," seryosong sagot naman niya.
Nahagip ng tingin ko ang naglalakad na yellow hat. Siguradong isa sa mga lalaki na nasa labas ng katapat na building. Kinalabit ko sa braso si Feng para tingnan niya rin ang tinitingnan ko.
We both faced the man as he entered. Mukhang isa sa mga construction workers dahil sa suot nitong simpleng puting tshirt at jeans na may butas sa isang tuhod. I could also see sweat on his forehead. Masyadong mainit sa labas.
Maski nakabukas naman na ang pinto ay kinatok niya pa rin 'to.
I stood straight 'cuz he's so tall and I did not want to feel intimidated by him. Napuna ko rin na naging tahimik si Feng sa gilid ko. I turned to look at her and saw her literally gawking at him.
Highschool pa lang ay kilala ko na si Feng. Natatameme siya kapag interesante sa kanya ang hitsura ng isang lalaki.
"Puwede bang pumasok?" baritonong tanong ng lalaki.
Since my friend suddenly turned mute, I answered him.
"Sure. Come on in."
He walked with long strides because of his long legs. He's chinito, so automatically, I did not find him attractive. He's not my type, but for my bestfriend, it's a different case.
Huminto siya sa harap mismo namin ni Feng. Binigyan niya muna kami ng palakaibigang ngiti bago iginala ang tingin sa loob ng lumang restaurant. The old restuarant seemed smaller because of his massive physique.
"Sinong may-ari nito?"
"Siya," sagot ko sabay turo kay Feng. Tulad ng ginagawa ni Mama sa'kin, palihim kong kinurot si Feng sa tagiliran para magising na siya.
"A-Ako?" baling ni Feng sa'kin na mukhang hindi pa yata nahimasmasan. Mabilis niyang hinarap ulit ang matangkad na lalaki. "Ah... Oo... A-Ako nga. I mean... Papa ko!"
"Ikaw ba 'yong sumisigaw na babae kanina?" tanong ulit ng lalaki sabay baling ng tingin sa akin.
I remembered something else. Nagbaba ako ng tingin sa suot na damit. Feng and I were both wearing identical brown jumper. I bought these clothes last year at dalawa ang binili ko kaya iniregalo ko kay Feng ang isa. Ang kaibahan lang ay puno ng white powder 'yong harapan ng kanya dahil sa paggawa ng dumplings kanina.
"A-Ako?" kandautal na naman ni Feng sabay kabadong tawa. Umiling siya nang paulit-ulit. "H-Hindi. Hindi. Mahinhin ako. Hehe." Hinawakan ni Feng ang braso ko at hinili ako palapit sabay turo sa'kin. "S-Siya 'yong parang baliw na sumisigaw kanina."
Kilalang-kilala ko ang kaibigan ko. At ramdam ko ang nerbiyos niya. Nagplaster ako ng pekeng ngiti. She's into him. My bestfriend needed me more than ever.
"Yep. Ako 'yon," I lied smoothly.
Nagkasalubong ang kilay ng lalaki. Kung makaasta siya ay para bang imposibleng sumigaw ang isang tulad ko. I felt offended. It reminded me how my brother belittle my capabilities as a woman.
Huwag mong sabihing nangmamaliit ng babae din ang isang 'to!
"Putang ina! Mga putang inang Cua!" I screamed at the top of my lungs just to prove him. Nang mapagod na ay humugot ako ng paghinga at tumayo ulit nang maayos para ngitian siya. Gosh, I felt like my chest was gonna explode any minute.
"See? Ako 'yon," I proudly stated, almost out of breath.
I could see a glint of humor in his eyes but his mouth was not smiling.
He nodded. "I see. Totoo ba 'yon? May white lady ba talaga sa lumang gusaling 'yon?"
"Aba, oo," agap ko. "Gabi-gabi siyang nagpaparamdam." Nang maalala ang sinabi ni Feng na restaurant ang ipapatayo ng mga Cua ay dinugtungan ko, "pati rin umaga, tanghali, hapon. Almost 24 hours."
"Parang business din pala."
"Tama ka. Kaya sabihin mo sa mga boss mo na huwag na riyan. Hanap kayo ng ibang puwesto. Hindi naman nauubusan ng pera ang mga Cua, 'di ba? Bigyan niyo ng kalayaan ang white lady." I added a sympathetic nod for emotional effect. "She's a woman. Be a gentleman."
He remained looking serious but his eyes told otherwise.
"I should tell my father about it, huh?" he sounded playful and I did not want to sound judgmental, but for a man like him, I did not expect that he could sound fluent in English.
"Oo! Sabihan mo kaagad ang papa-" Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang sinabi niya. "Huh? B-Bakit papa mo?"
He smirked. Mas lalo siyang nagmukhang chinito sa paningin ko.
"I'm Alec Von Cua, his son."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top