UNTOLD CHAPTER 5

ALANA


What is love?


Hindi ko mapigilang hindi mapangiti at tumingin sa babaeng nasa aking harapan. Sa kanyang edad ang tantiya ko ay isa pa siyang estudyante at sa kanyang itsura at postura tiyak ko din na galing siya sa isang mayamang pamilya.




"Hello my name is Heitcleff at nandito po ako para sa aking research at kayo po ang nakita ko agad. Kasi parang may sinasabi po ang mga mata niyo eh kaya bigla akong nahatak papunta dito...ngayon sa harapan niyo. Is that okay with you Miss?"








"Alana, please call me Alana at kasal na ako at may dalawang anak," saad ko na may mga ngiti sa aking labi. Nagulat naman siya at napahawak sa kanyang bibig at hindi ko mapigilang hindi makyutan sa kanya.






"Ow hindi po halata ate Alana, can I call you ate Alana nalang? Para naman may respeto alam mo na student lang ako at mas matanda ka kaysa sa akin. Kasal na po pala kayo at may dalawang anak and you are blooming with love kaya siguro madali lang sa inyo itong mga katanungan ko. Huwag po kayong mag-alala I won't take too much of your time po. So umpisahan na po natin, what is love?" mahabang saad niya at kinuha ang kanyang ballpen at binuklat ang kanyang dala dalang notebook.


Napadikwatro naman siya sa kanyang pagkakaupo at ang kanyang buong atensyon ay nasa kanyang notebook at naghihintay ng aking kasagutan.










What is love?








Noon ay hirap na hirap akong sagutin kahit alam at ramdam naman natin kung ano nga ba talaga ang kahulugan ng pag-ibig. Marahil siguro noon ay hindi ko masyadong ramdam at puro luha nalang ako luha.






"What is love...for me love is self love. Para sa akin it is self love, it's all about loving yourself first. Kailangan muna nating mahalin ng lubos ang ating sarili para makita natin ang iba, para makita natin ang ating importansya, at para makita natin ang para sa atin. Nung una I lack with those hindi ko alam na hindi ko na pala minamahal ang sarili ko yung tipong hinahayaan mo nalang ang mga tao kung ano ang gusto nilang gawin sayo and yet ikaw tanggap ka lang ng tanggap hanggang sa makita mo nalang ang sarili mo sa harap ng salamin. Ibang iba ka na sa dati tapos maluluha ka nalang at matatawa ng pagkapait pait. Then umabot sa point na yun I learn to love myself, nagpakalayo layo at hinanap ang aking sarili...nung una mahirap lalo na at pag sobra sobra kang nagmahal sa isang tao and then hahanapin mo uli yung sarili mo. Ibinigay at ibinuhos mo kasi ang lahat lahat sa taong yun to the point na wala ng naiwan sayo. But I was thankful lalong lalo na sa kaitas-taasan. Ilang taon din ang kinailangan ko, ilang taon din bago ako naging masaya ulit at bumalik sa dating ako but the best of me. And then nakuha at nakamit ko lahat ng mga pangarap ko and then nakita niya ako...nakita ako ng lalaking magiging asawa ko din pala sa bandang huli. And then we got married and have twins and have my happy ending. Ito ang kahulugan ng pag-ibig para sa akin," I sighed at agad na napatingin sa kanya na ngayon ay tulala sa akin.








"Wow that is love. You know what meron din akong nainterview and you know what he answered, love is painful and then here you are telling me love is self love. Oh my god napakagandang libro talaga ang magagawa ko nito. Okay the next question is are you happy? Super dali right? And I think I know you are but I need you to elaborate charot pero go ate push and I will take note," saad niya at hindi ko mapigilang hindi matawa ng konti. Napaka cute niya talaga at bubbly na bata.








"Yes, yes I am. I am happy sobrang saya at kulang pa siguro ang salitang masaya para sa akin. I am blessed to have a loving husband and cute adorable twins. Meron talagang forever Heit and I know you too will find it soon pagkatapos mong mag-aral okay? Aral ka muna at mahalin mo ng husto ang sarili mo okay? Ilang taon ko ding pinangarap na maging masaya, ilang taon ko ding pinangarap na mahalin din ako na tumbasan din ang pagmamahal ko and then I have it. I have them," ngiting sagot ko at nakita siyang lumuha na agad niya namang pinahid gamit ang likod ng kanyang kamay at bahagyang suminghot.








"S-sorry na carried away lang ako. Kasi inggit is me talaga and I want to find my forever too. Sabi nila walang forever but habang ini-interview kita I suddenly believe na. Kainggit ka ate Alana package talaga ang ipinadala sayo matagal nga lang but worth it naman. So okay next na tayo para maka move na ako kasi may pupuntahan pa ako eh. So habang ini-interview kita sa pagkakaintindi ko ay galing ka sa isang masakit na pangyayari at kung hindi ako nagkakamali ibang lalaki yun bago ang asawa mo ngayon. Kung sakali lang naman kasi kasama ito sa research ko eh kung sakali lang na bibigyan ka uli ng pagkakataon na may sabihin sa kanya ano yun?" saad niya at napatingin sa kanyang notebook. Hindi ko mapigilang hindi matigilan at sa bandang huli ay ngumiti ako at tumango.










"Kung sakali mang may sasabihin ako sa kanya iyon ay ang sana makita niya din ang kanyang happiness. I hope he will find his happiness but wala eh wala na siya pero I know he is happy up there. He will still remain in my heart...forever," ngiting saad ko at napangiti naman siya sa akin.












"Wow alam mo na move mo talaga ako. Gagawin ko talagang inspirasyon to para makapagsulat ng libro at pag ito pumatok sa takilya dadalawin kita ulit at magcecelebrate tayo ng bonggang bongga," saad niya at itiniklop ang kanyang notebook at isinilid ang kanyang mga gamit sa kanyang dala dalang bag.




Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at nakipag shake hands na sa akin.








"Maraming maraming salamat sa pagpapaunlak sa akin na mainterview ka, ang isang tulad mo. Thank you and I need to go," saad niya at tumango naman ako.




Inihatid ko siya sa labas nang sandaling natigilan siya at may tinignan. Sinundan ko naman ang kanyang mga mata.








"Bleeding hearts ba yun?" tanong niya na siya namang ikinagulat ko ngunit napalitan naman ito ng ngiti.










"Yes mga bleeding hearts yun na itinanim ko," sagot ko habang nakatingin sa mga namumulaklak kung bleeding hearts. Napakaganda nilang lahat at pulang pula ang kulay.














"Sa ininterview ko meron din siyang tanim na ganyan. Uso na ba yan ngayon? Makabili nga ng ganyan inggit na naman ako eh. Sige ate Alana okay na ako may dala naman akong sasakyan. Thank you babye."






























Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top