UNTOLD CHAPTER 4
KNIGHT
What is love?
The ocean breeze whispers like a lover. Naririto ako ngayon sa labas at may isang estudyante na may ginagawang research about love. Hindi ko mapigilang mapaisip kung bakit yun pa ang gusto niyang iresearch. Kita ko din sa suot niyang uniporme na mula siya sa sang elite school. Nag-iisa lang siya at hindi ko alam kung papaano siya nakapasok dito sa bahay ko. I think I need to hire securities kung ganoon. I need my private life ngunit wala na akong magagawa dahil nandirito na siya.
"Hi Mr?" tanong niya na komportableng nakaupo sa upuan na para bang hindi siya bisita.
"Call me Knight," tipid kong sagot gusto ko sana siyang singhalan dahil sa napaka presko niyang dating ngunit babae parin siya. Sasagutin ko na agad ang kanyang mga tanong para tuluyan na siyang makaalis.
"Okay Knight, my name is Heictleff sounds weird right? Isa akong estudyante and kasalukuyan akong nagsusulat ng libro so I have to do my research and dahil nakita kita kaya ikaw agad ang natarget ko. Your eyes tells me something kaya nahatak ako dito sa loob wala naman kasing katao tao kaya malaya kong nagawa ang gusto ko. And I bet pagkatapos ko dito ay maghahire ka na ng mga securities mo rigt? So I need to sulit sulit this kasi baka sa sususnod hindi ko na maga ito," mahabang saad niya at kumuha ng kanyang noteboook at ballpen at nagsimulang magsulat.
"Okay first question Knight, what is love? Madali lang right? Hit it," saad niya at ang kanyang buong atensyon ay nasa kanyang notebook at inaantay akong magsalita.
"Love is complex. A mix of emotions, behaviors, and beliefs associated with strong feelings of affection, protectiveness, warmth, and respect for another person-" agad naman akong natigilan nang mag-ingay siya.
"Ennnk wrong woogle ka ba at nasesearch mo sa utak mo kung ano ang meaning ng love doon? Tama naman yang sinabi mong kahulugan ng love pero hindi na sana ako nag-abalang pumunta dito kung yan lang ang sagot mo I could search for that naman like duh malakas ang internet connection ko at hindi ako bobo. Ikaw siguro ang bobo at hindi mo knows ang meaning ng love I am doing a research so please cooperate and you might just survive or not might die charot," saad niya at kumumpas pa ng kanyang kamay. Ang sarap niya sigurong batukan at sipain paalis dito sa bahay ko.
Namayani ng ilang segundo ng katahimikan sa aming dalawa at siya naman ay nakatingin lamang sa kanyang notebook at inaantay ang aking sagot.
"Love... wala namang maling sagot pagdating sa pag-ibig. Kung ako ang tatanungin love is painful...for me. Minsan na akong nagmahal ng hindi ko inakala at hanggang ngayon nandirito pa sa puso ko. Hindi naman natin agad agad malilimutan ang taong minahal natin ng lubos. Oo lumilipas ang panahon at nagiging taon, maraming nagbabago ng hindi natin namamalayan, maraming pwedeng magbago ngunit kahit nahilom na ang sakit sa puso mo nandun parin ang bakas ng kahapon ngunit isa lang din ang ibig sabihin nun pinatatag ka ng panahon. Maybe this is my bad karma, living her alone, all by myself...hiding maybe. Ngunit wala akong pinagsisisihan dahil alam kong hindi na siya masaya sa akin. Dapat sa pag-ibig masaya kayong dalawa, bagay na hindi ko ginawa at nabigay sa kanya. May mga pangyayari na kahit anong subok, kahit anong simula kung hindi talaga kayo pwede hindi talaga. Masasaktan at masasaktan niyo ang isa't-isa. Her arrival changed my life. So I guess love for me now is painful."
"Are you happy?"
Natigilan ako sandali at sandaling itinanong s aking sarili ang katanungang iyon. Lahat ng kanyang mga katanungan ay pawang madadali ngunit bakit tila hirap akong sagutin siya agad?
"Yes, yes I am," saad ko at napangiti dahil nakaya kong sagutin ang kanyang katanungan na hindi mabigat sa aking dibdib.
"Mahirap bang bumitaw?" tanong niya at napatitig sa aking mga mata.
"Tough, yes, napakahirap lalo pa at alam mong mahal mo pa ang taong yun ngunit yan ang mga oras na hindi mo na kailangang isipin ang sarili mo. Isipin mo ang taong yun kaysa sa sarili mo," saad ko at ngumiti naman siya at nagsulat sa kanyang notebook.
Napadikwatro siya sa kanyang upuan at napahinga ng malalim, bagay na ikinatawa ko naman. Hindi ko alam pero ang cute niyang tignan. "Okay, this one is the last. Kaya kailangan mo ng ibuhos lahat lahat dito di mo lang alam baka aging successfula kong athor at pumatok sa takilya itong love story mo tsk I'll give you your share pero mayaman ka naman kaya akin nalang din share mo okay? Kung ito na ang huling pagkakataon mo, ano ang gusto mong sabihin sa kanya?"
Napatingin ako sa sahig at napangiti ng bahagya. Dinig ko ang ingay ng agos ng dagat at pagspas ng hangin sa mga puno sa katahimikan naming dalawa. Huminga ako ng malalim at napatingin sa labas.
"I will never forget the beauty I saw when I first set eyes on you," tipid kong saad dahilan upang titigan niya ako ng matagal.
Ngumiti siya at huminga ng malalim at napatingin sa kanyang notebook.
"Nakukuha naman kita Knight. Lahat ng linyang binitawan mo ay iisa lang ang pagkaintindi ko. Your love is a cowardness. Ang pag-ibig minsan ay isang duwag. Minsan talaga nasa huli lang ang lahat... tulad ng pagsisisi laging nasa huli. But napabilib mo ako kahit hindi ko gaanong alam ang buong istorya mo. Next time pag magmamahal ka ulit sana ay maging masaya ka at mapasaya mo siya. Ang pangit sigurong tumandang mag-isa kahit masalapi ka pa pero kung wala na talaga, wala ka na talagang makitang babae at wala ka pang anak andito lang ako tatanggap ng mga mana sa last will mo okay?" saad niya dahilan upang matawa ako akala ko ay iooffer niya ag kanyang sarili na maging asawa ko.
Tumayo siya mula s akanyang kinauupuan at bahagyang pinagpag ang kanyang suot na uniporme nang matigilan siya. Nakatitig siya sa gilid ng pintuan sa labas.
"Bleeding heart yun ah," saad niya at naglakad papunta sa malaking pot.
Napatayo naman ako at napamulsa. Dahan dahan naman niyang binuklat uli ang kanyang notebook at nagsulat.
"Minsan lang ako makakita nito. This is Asian bleeding heart," sambit niya na nakangiti at pinalibutan ang tanim na para bang amaze na amaze.
"Mahirap patubuin yan but it's worth it."
"Mas lalo mo lang pinapakita na hindi ka pa naka move on. Sige mauna na ako babye."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top