UNTOLD CHAPTER 3

THADDEUS

Ang nakaraan...

Madilim, maingay, mainit, mausok at masakit sa mga mata ang paiba-iba ng mga ilaw sa loob ng bar. Pinagmasadan ko si Knight na ngayon ay walang tigil sa pagbuga ng usok ng kanyang sigarilyo. Walang tigil din sa paglagok nga lak ang kanyang lalamunan at napapasuklay ng buhok.

Yan ang mukha ng isang miserableng lalaki ngunit kung para sa aking pananaw ay hindi naman siya miserable sa mga kamay ni Alana na ilang taon na niyang asawa.

Maganda, maasikasuhin, mabait at halos package na si Alana kung sino mang lalaki ang tatanungin. Kung siguro ay hindi naging duwag si ash sa kanyang nararamdaman para sa kanya ay siguro sila ang ikinasal ni Alana at hindi si Knight.


Hindi ko rin masisisi si Alana dahil marami ng nahulog na mga babae sa kanya at isa na siya doon ang pinagkaiba lang ay nagawa ni Alana na maikasal sa kanya kahit labag sa loob ni Knight. Isang malaking pagkakamali dahil alam ko kung ano ang magiging buhay ni Alana sa mga kamay n Knight, buhay na hindi alam ng buong angkan ng mga Alcanaara at Herrera at pati si Ash ay hindi ito alam mismo.


Ayoko naring makisali sa kanila kahit alam ko ang buong nangyayari sa loob ng bahay na yon. Gustuhin ko mang tulungan si Alana ngunit hindi ko magawa gawa at aaminin kong masahol pa ako sa isang kriminal dahil pinapanood ko ang aking kaibigan na bugbugin, tadyakan, sampalin si Alana gabi-gabi sa tuwing nakakainom siya.


Hindi kailanman karapat-dapat na saktan ang mga babae yun ang mga linya ni Knight na hindi ko kailanman makakalimutan ngunit sa nakikita ko sa pagtrato niya kay Alana ay mas masahol pa siya sa hayop.


Napalingon ako s aibang direksyon at pinanood ang mga taong walang humpay ang pagsayaw at pagtatama ng kanilang mga katawan.


"Anong oras ba tayo uuwi?" pangalawang tanong ko sa kanya dahil wala akong nakukuhang sagot kanina pa. Alam kong pigil na pigil na siya sa akin ngunit mas hindi niya alam kong gaanoo ako nagpipigil sa kanya.


"Ano bang minamadali mo at tanong ka ng tanong? Mauna ka ng umuwi kung gusto mo," asik niya na siya namang ikinagulat ko. alam kong galit na siya ngunit hindi ko inaasahan na iba ang tono ng kanyang pananalita, napailing na lamang ako dahil sa dami ng kanyang mga nainom kaya siya ganyan.

Isang napakalaging lagim na naman ito para kay Alana sa sandaling makauwi siya mamaya.

"Relax bro, I'm not leaving you here, I was just asking," saad ko at kiunha ang baso na may lamang alak at ggad itong itinungga.


Ramdam ko na ayaw niya pang umuwi dahil umorder uli siya ng ilang mga baso ng alak at agad agad naman itong itinungga hindi ko alam pero nasusuka na ako sa kakatingin s akanyang uminom nito. Napakataas ng kanyang tolerance sa alak na kahit ako ay suko na. Isinisis niya kay Alana ang lahat, oo may kasalanan din naman si Alana dahil gumawa siya ng isang arranged marriage na labag s akalooban ni Knight ngunit hindi naman iyon ang rason upang bastusin at hindi na respetuhin ito dahil kahit pagnalik baliktarin mo man ang mundo babae parin si Alana.


"Hindi kaya't hinahanap ka na ng asawa mo sa mga oras na ito o hinihintay ka na niyang makauwi," saad ko at agad na dumukot ng ngunguyaing pagkain.


"Hayaan mo siyang maghintay hanggang sa mamuti ang kanyang mga mata sa kakahintay ng anino ko," sagot niya sabay lagok ulit ng alak.


"You're being so harsh on her bro," mahinang saad ko at nag-uumpisa na ata akong mahilo kaya titigil na ako sa pag-inom dahil walang maghahatid sa aming dalawa kapag pareho kaming lasing at ayaw ko pang mamatay. Okay lang mamatay si Knight huwag lang ako.

Kukuha pa san siya ng isang alak nang may sumulpot na isang baabe saknayang harapan at dahil hindi pa naman ako lasing aya gad ko itong pinasadahan ng tingin. At kung hindi ako nagkakamali ay kilala ko ito. Galing ito sa isang mayamang pamilya ngunit bakit siya naririto? Hindi ko alam na may pariwara din siyang babae. Lahat ng mga babaeng nakikita kong itinataboy ang kanilang sarili sa isang lalaki ay mga pariwara o mga bayarang babae, mga maduduming mga babae kahit na anong yaman at mga perlas pa ang nakkabait sa kanilang mga leeg o umaalingasaw pa sila sa pera ay wala paring pinagkaiba iyon.

Hindi namna siya pinansin si Knight sa halip ay inismiran niya ito dailan upang matawa ako s akaing kianuupuan at agad naman niya akong tinitigan at inirapan. ang buong akala ko ay aalis na siya ngunit hindi parin pala siya natitibag.


"You must be alone, want me to accompany you?" Parang pusang saad niya at nagsitaasan ata ang mga balahibo s akaing batok at akala ko ay indi siya papatulan ni Knight ngunit napa face palm nalang ako ng wala pang isang segundo ay naglalaplapan na silang dalawa. Dinig na dinig ko ang ungol ng babae at napailing na lamang ako.

Napatayo naman ako at hinila ang babae paalis sa nguso ni Knight na kay sarap tadtarin ng isang baldeng hipon at asin.

"Thank you for the companionship woman, you may now leave," saad ko at para bang basahang itinapon siya at nasurpresa ako na para siyang isang papel na pwede kong eh left and right na hila.




Nagkukumahog siyang umalis sa kanyang kinatatayuan at halos matumba-tumba dahil sa mataas niyang suot na takong sa sapatos. I don't even get it kung bakit nagtatakong pa ang mga babae kung hindi naman nila ito madala dala ng maayos. Nagmumukha lamang silang pangit at tanga.


Parang laser naman ang aking mata dahil ang gaong nasa harap ko ay natatawa pa.

"What?" tanong niya at sa tingin ko ay basura na siya, isang malaking walang kwentang basura.




"We better go home now Knight, its getting late," saad ko at napabuntong hininga alam kong wala naman siyang gagawin bukas pero ako ay marami. Kaya gusto ko ng umuwi at matulog sa aking mamahaling kama.


***

PRESENT

Hindi ko lubos maisip na umabot si Knight sa ganito na parang pwede ng ipateleserye ang kanyang buhay sa telebisyon at alam kong papatok at kamumuhian siya ng mga tao at isa na ako doon. Ngunit dahil s apinsan ko siya ay hindi ko iyon magagawa.

Nung gabi ding iyon ay agad akong umalis at tumungo kay mamay. Yes, I was the one who reported what Knight was doing to Alana. I can no longer cope with the things Knight did to his wife. Sinabi ko lahat ng aking mga nalalaman kay mamay. Akala ko ay agad siyang magagalit ngunit kalmado lang siya nung mga gabing iyon. At doon ko na din napagtanto na parehong pareho ang sitwasyon ni mamay kay Alana.


Hindi ko lubos maisip na tumanda si mamay na hindi masaya sa piling ni lolo. Wala nga akong maalalang ngumiti siya sa harapan ni lolo. Kaming mga apo niya lamang ang nagpapangiti sa kanya. Ganito din ba kaya ang mangayyari kay Alana kung saka-sakali? wala na bang tsansa na makaalis siya sa piling ni Knight? Hindi naman sa ayaw ko si Knight para kay Alana ngunit ng dahil sa may alam ako naniniwala akong dapat may gawin ako and here I am talking to mamay.


Ipinangako sa akin ni mamay na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakya upang maayos ang lahat at kaialngan niyang kausapin ang kanyang apo na si Knight dahil kahit papaano ay baka may pag-asa pa ang lahat ngunit kapag patuloy pa itong mangyayari kay alana ay kailangan na niyang gawin ang nararapat at hindi naman sinabi sa akin ni mamay kung ano.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top