UNTOLD CHAPTER 1
KNIGHT
"Anong pabor na naman yan ha?" tanong ni Thaddeus habang naka krus ang kanyang mga kamay.
"Palabasin mong patay ako," diritsang saad ko at natigilan naman siya at napatitig lang sa akin ng halos ilang segundo.
Namayani ang katahimikan sa amin ng ilang minuto bago niya binasag ang katahimikan.
"Knight nasisiraan ka na ng ulo o mali lang ako ng narinig sayo?" Tila nababaliw siyang napasuklay sa kanyang buhok.
Alam kong napakalaking pabor, isang katangahan at alam kong pagsisisihan ko din ito sa bandang huli ngunit ito lang ang naiisip kong paraan para maging masaya siya. Paraan upang maging malaya kaming dalawa. Isang paraan para hindi na namin masaktan ang isa't-isa. Alam kong pagsisisihan ko din ito sa huli ngunit alam ko din na magiging maganda din ang kalabasan nito. Ang hindi ko lang ay alam ay kung magiging successful ba ang operasyon ko at mapagpapatuloy ba ang aking pabor.
"I'm serious Thaddeus," seryosong saad ko at napaface palm naman siya ng wala sa oras.
"So sa tingin mo nag jojoke ako ganun? Isa akong doktor Knight baka nakakalimutan mo ha? At hindi lang ako ang nasa loob ng kwarto sa operating room. Tatlo kaming doktor, iilang mga nurses at utility ang nandun baka hindi mo alam. Alangan namang ako lang iisa ang mag oopera sayo edi sana operahan nalang kita ngayon huwag na tayong gumastos ng kuryente sa operating room. Isang malaking kahibangan ang hinihingi mong pabor Knight parang hindi ka nag-iisip. Parang hindi ikaw ang Knight Alcantara na kilala ko hindi ka nag-iisip. Alam mo bang maaaring mawalan ako ng lisensya? Ha? Saan ba pumunta utak mo naligaw ba?"
"Seryoso din ako Thaddeus. Pinag-isipan ko ito ng maayos at alam ko din na madadamay ka but I will find a way. All you need to do is to fake my death, that's all and I will do the rest," saad ko at napasuklay ng aking buhok.
"Pepekein ko ang pagkamatay mo eh paano naman kung magiging totoo na mamamatay ka? Ha?" madiin niyang saad at napasuklay din ng kanyang buhok.
"Edi palpak ang plano ko," I muttered under my breath and heard him snorted.
FLASHBACK
"What makes you think I would marry you!?" bulyaw ko sa kanya dahilan upang mapatalon siya mula sa kanyang kinatatayuan. Ramdam ko ang kanyang takot at kitang kita ang kanyang pag-uutal.
"B-because I love you," mahinang saad niya habang titig na titig sa aking mga mata at kitang kita din ang pangingilid ng mga luha sa kanyang mga mata at halatang pinipigilan niya lamang ito.
"You love me? F*ck this sh*t anong klaseng rason yan? Hindi nakakain! Hindi sapat na rason yan para pakasalan kita. I don't even love you! Naririnig mo ba ako? Hindi kita mahal at kailanman ay hindi kita mamahalin. Mamamatay muna ako bago kita magawang matitigan sa mga mata ng buong puso. But I know, I know that will never happen. Kahit anong gawin mo o kahit anong gayuma ang ibigay mo sa akin I will never love you Ms. Herrera, a desperate woman. At ito ang tandaan mo kahit na pumayag ang pamilya natin sa lintik na kagustuhan mo lahat ng makikita mong gagawin ko sayo ay pawang palabas lamang so don't let your hopes up. Huwag kang maging ambisyosa na para bang maganda kang babae. At kahit kasal na tayo remember na merong annulment na tinatawag and I will file that immediately."
"Gagawin ko ang lahat lahat para mahalin mo ako Knight. Ibibigay ko ang lahat sayo at-" agad kong pinutol ang kanyang pagsasalita dahil naririndi na ako sa kanyang boses. Mahal puro nalang mahal walang sawang pagmamahal ng isang desperadang babae sa harap ng isang lalaki.
"Para akong nakikipag-usap sa isang bingi. Para akong nakikipag-usap sa isang tanga na hindi makaintindi. Wala akong pakialam sa pag-ibig mo dahil I don't give a shit Alana. Titira tayo sa iisang bubong but that doesn't mean we will share a room. Magkaiba ang kwarto mo sa kwarto ko dahil nandidiri ako sayo. Tandaan mo na pag kinasal na tayo sa simulang araw na iyon your life will be in hell. Magiging impyerno ang buhay mo sa mga kamay ko hanggang sa ikaw na ang sumuko at humiling sa mga magulang mo na makipaghiwalay sa akin. Again I will never love you."
"Ayos lang kahit hindi mo ako mahalin Knight at ayos lang din kahit hindi tayo magkasama sa isang kwarto. Lahat ng kondisyon na gagawin at sasabihin mo ay ayos lang sa akin. Sapat na sa akin na makita ka araw-araw at nakadikit sa pangalan ko ang apelyedo mo. Ayos lang sa akin lahat Knight dahil mahal kita. Titiisin ko ang lahat dahil mahal kita. Hahayaan kitang gawin ang mga gusto mo at sana ay hayaan mo din ako ma gawin ang mga gusto ko...sayo," mahinang saad niya at napaluha. Nanginginig ang kanyang mga labi kasabay ng mga pagtulo na kanyang mga luha.
Ang totoo ay sa bawat pagpatak ng kanyang mga luha ay nasasaktan din ako. Gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang patahanin ngunit hindi ko naman magawa gawa. Hindi ko alam ngunit mahal ko pa si Samantha at hindi dapat ako mapalapit kay Alana.
"Save that for someone else Ms. Herrera."
END OF FLASHBACK
Totoo nga ang sabi ng mga matatanda huwag kang magsalita ng patapos. Minahal ko ng todo todo si Alana at dahil mahal ko siya. Gusto ko lang kung ano ang makakabuti sa kanya. Ang makakabuti para sa aming dalawa. Alam ko din na magiging masakit, alam ko din na magiging malalim ang sakit. Magiging matagal ang paghilom ngunit titiisin ko ang lahat dahil mahal ko siya.
Napangiti ako ng mapait nang maalalang napirmahan niya na pala ang mga papeles. Sa mga segundong iyon nang hinawakan niya ang ballpen ay tila bumagal ang oras at nanikip ng husto ang aking dibdib na para bang ramdam ko ang lamig ng bala.
"Nagsisisi ka na ba?" pagak niyang saad at kitang kita s akanyang mga mata ang kalungkutan na ayaw kong makita sa kanya.
"No, because I love her so please do it. I'm counting on you. I told you it is an art of letting go Thaddeus and I keep my word on that."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top