EPILOGUE
ALANA
6 years later
August 18, 2031
Isang magandang umaga ang bumati sa akin agad ko namang kinusot ang aking mga mata at napahikab. Napasarap ng husto ang aking tulog at nang uminat ako ay agad ko namang tinignan ang aking katabi. Marahil ay maaga siyang nagising at baka nasa kusina o banyo na siya at naghahanda. Napatingin naman ako sa kalendaryo at orasan sandali akong natigilan at dahan-dahang napaupo. August 17 ngayon at parang may nakalimutan ako. Sandali akong napapikit at pilit na inaalala ang lahat nang may narinig akong boses na tila sumisigaw agad naman akong napamulat at naalala ang lahat.
"Shoot! Papaanong nakakalimutan ko ang mga importanteng araw nila anong oras na ba?" Dali-dali akong tumayo at hinanap ang orasan ng aking mga mata. Malapit ng mag-alas syete at alas otso ang kanilang pasok sa skwelahan.
Dali-dali ko namang hinanap ang roba ko at ibinalot sa aking sarili. Pagkalabas ng pagkalabas ko ng kwarto ay dali-dali akong bumaba ng hagdan dahil hanggang dito ay abot ang ingay ng aking mga kambal. I have fraternal twins and I am blessed to have them both. Mga makukulit ngunit ang ku-kyut nilang tignan. Limang taong gulang na sila at nasa preschool na kaya nang sabihin naming dalawa na mag-aaral na sila ay hindi na sila magka-undagagang sabihin ang kanilang mga gustong bilhin na gamit sa skwelahan.
"Prince! Celes! babies ano na naman ba ang pinag-aawayan ninyo?" Salubong ko nang matanaw ko na silang dalawa. Kasalukuyan silang nag-aagawan ng panyo.
Agad naman silang napahinto nang masilayan ako at ngumisi-ngisi at tila nagtutulakan pa. Hindi ko mapigilang hindi sila hagkan at hindi halikan sa mga pisngi at dinig na dinig ko naman ang kanilang malulutong na tawa. Nabibigyan talaga ng buhay ang buong bahay dahil sa kanilang dalawa.
"Mommy stop pwease," saad ni Prince at inilagay ang kanyang dalawang kamay sa aking mukha dahilan upang matawa ako. Wala namang nagawa si Celestine kundi ang makitawa nalang at sabay tabon sa kanyang bibig.
Kuhang-kuha talaga nilang dalawa ang mga mata ng kanilang ama. Pati tungki ng kanilang mga ilong ay halos sa kanya at buhok lang ata ang nakuha sa akin.
"Bakit hindi niyo ako ginising? It's your day at hindi man lang ninyo ako ginising para makapagluto at mapaliguan ko na kayo at maayusan." I pouted at nagkukunwaring nagtatampo na agad namang kinagat ni Prince. Lihim kong itinago ang aking mga ngiti at umaakto paring nagtatampo.
"Don't be sad mommy pwease daddy said we should not wake you up," saad niya at hinawakan ang aking magkabilang pisngi at hinalikan ito. Agad ko namang ulit sinunggaban ang kanyang matatambok na pisngi at hinalik halikan dahilan upang matawa si Celestine. Hinila ko naman si celestine at ganun din ang ginawa ko sa kanya. Napuno ng malulutong na mga tawa ang buong sulok ng bahay dahil sa aming tatlo.
Hinarap ko naman sila at pawang nakaligo na silang pareho at nakadamit na ng maayos ngunit hindi pa nasusuklayan ang kanilang mga buhok at wala pa silang suot na mga sapatos. Dapat talaga ay ginising na lamang niya ako dahil hindi niya kaya ang mag-isang asikasuhin ang dalawang ito. Marami talaga siyang kalokohang naiisip. I wonder where he is.
"Kumain na ba kayo?" tanong ko at sabay naman silang tumango. Napakaaga nga niyang gumising at siya pa mismo ang nagluto ng agahan ng mga bata. sa susunod ay magpapaalarm na ako para hindi siya mahirapan mag-asikaso sa dalawang ito.
"Okay kunin niyo yung comb and shoes ninyo dalhin niyo dito sa akin at aayusan ko pa kayo. Bring your things na din dito okay?" saad ko at ngumiti naman silang tumango tango at sabay na kumaripas ng takbo paakyat sa taas dahilan upang mapakamot ako ng aking batok. Siguro dapat ako nalang ang kumuha dahil kinakabahan ako sa kanilang ginagawa.
"Don't run please!" sigaw ko at napahawak sa aking dibdib sa kaba dahil ang liliit palang nila pero ang liliksi na papaano kung madisgrasya silang dalawa.
Napasinghap naman ako nang may pumulupot na mga kamay sa aking bewang at humalik sa aking batok. Agad ko naman itong hinarap at nagulat na lamang ako nang siniil niya ako ng halik. Hindi narin ako nakapanlaban at tuluyan nang nalunod sa kanyang mga ekspertong mga labi at kamay na ngayon ay malayang pumapasyal sa aking likod at hinagod hagod ito dahilan upang magpakawala ako ng ungol. Narinig ko siyang mahinang napatawa at napamulat ako ng aking mga mata at kitang-kita ko ang kanyang pagngisi dahilan upang hampasin ko siya sa dibdib.
"Masyado kang matatakutin love hayaan mo na ang mga bata excited lang yan sila," tawang saad niya at di ko mapigilang hindi siya kurutin dahilan upang mapahiyaw siya sa sakit.
"Five years old palang ang mga bata sino ba naman ang hindi matatakot ikaw kasi kinukonsinte mo silang dalawa kaya minsan hindi sila nakikinig sa akin. At bakit hindi mo agad ako ginising? Alam mo naman na special day ito ng mga bata tapos hindi mo ako ginising agad, tignan mo tuloy nahihirapan ka sa kanila," saad ko at agad siyang inismiran at kumawala ako mula sa kanyang pagkakayakap.
Agad akong nagtungo sa kusina upang preparahin ang mga baon ng aking kambal nagulat ako nang matagpuan kong tapos na at ready na ang kanilang mga lunch box. Agad ko naman siyang hinarap na ngayon ay naka cross arms pa at serysosong nakatitig sa akin. Ngayon ko lang din napagtanto na naka apron lang pala siya at naka maong ni walang anumang tshirt. He was damn sexy in this view. Agad naman akong pinamulahan nang umarko ang kanyang kilay at sumilay ang mga [ilyong ngiti sa kanyang mga labi. Para kaming dalaga at binata sa aming ginagawa hanggang ngayon ay hindi parin ako sanay.
"Kaya hindi kita ginising at hindi din kita pinagising sa mga kambal dahil alam kong pagod ka. Alam ko yun dahil ako naman ang dahilan kung bakit diba. Masyado kitang pinagod," aniya at ramdam ko ang pag-akyat ng aking dugo at uminit ang aking mga tainga.
Hindi ko alam kung papaano kami nakaabot sa ganito hindi rin ako naghangad ng ganitong kasayang pamilya at asawa ngunit He will give it to you at the right time and I thank the Almighty for that. Wala na akong ibang hihilingin pa. Marami din akong naririnig na mga tsismis nung naging kami na kesyo ganito at ganyan. Natural lang naman daw na pagtsismisan kaming dalawa lalong lalo na ako ngunit ni isa sa mga salita nila ay hindi ako nagpadala. Hindi ako nagpaapi sa kanilang mga salita at hindi rin ako nasaktan. Wala akong pakialam sa kanilang sasabihin dahil hindi natuturuan ang puso. Iba't-ibang pananaw ang meron tayo, iba't-ibang desisyon ang nais nating tahakin pero nasa sa atin naman lahat ng susi kung ano ang bubuksan natin at papasukin. And this is my choice. Sabihin man nilang mali ang pinili ko, sabihin man nilang tanga ako at pangit ang naging desisyon ko at mali sa mga mata ng mga tao as long as I am happy and I am not anymore shedding tears this is what I want.
Habang tumatagal at nagkakaedad ka na ay saka mo nalang malalaman ang kahulugan ng totoong pag-ibig. You grow with each other and you cherish each other. I did love myself first and then I just found myself in his arms again. I realize that self love is the most important thing, to see the people in front of you, the right people who is there waiting for you. I guess self love is the best way to find true love and that is why I found him. Minsan na akong nalunod at nalugmok sa unang pag-ibig at akala ko ay dun na ang aking kawakasan akala ko hindi na ako kailanman makakakita nga kapareha, oo sabihin na nating masaya ako kahit nag-iisa lang ako sa buhay at hinahanap ang aking sarili nakita ko ang kasiyahan ko doon dahil nakamit ko lahat ang ga pinapangarap ko na ako lang mag-isa ngunit habang tumatanda ka pala ay naghahanap kadin ng kalinga yung masasabi mong sayo, masasabi mong mahal mo, nakikita mo pag umaga, tanghali at gabi. Masasabihan mo ng mga sekreto mo, makakasama sa tawanan, magluluto, makikita ang mga ngiti ng mga anak niyo at magpapalitan kayo kung gaano niyo kamahal ang isa't-isa.
True love is not demanding and I am so thankful for that dahil nakuha at naibigay sa akin iyon. He didn't asked me to change instead he accepted me for what I am, for who I am. Ngayon ko nga tinatanong ang sarili ko kung bakit, bakit sa tinatagal ng panahon ngayon ko lang nakita ang buong kabuuan. Tama nga si mommy that when you are truly in love you don't have to question anything at ramdam ko iyon dahil lahat ay natural lang na mararamdaman mo walang halong sakit, walang halong paghihirap at walang halong iyak. It all comes naturally. And what on what I have discovered true love is based on friendship. We enjoy each other's company and I was so blind not to see that. Masyado kong nabigay ang atensyon ko sa iba. Love and physical passion may fade but friendship will last forever.
This is my happy ending.
He is my happy ending.
My twins are my happy ending.
Napangiti naman ako nang dahan-dahan siyang luamapit sa akin na tila ba nababasa niya ang nasa isip ko.
"You can be my happy ending, love, and I can be yours. You are always worth it to wait and I will cherish and court you everyday, love you in every second and in every minute of my life, and I hope I am the same for you. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya sa araw na yun Alana. I did give up and start seeing someone else but I ended up dumping them because what I only wanted is you. Ikaw lang ang gusto ko Alana no one else. Alana ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko and the first day I saw you alam kong wala na akong ibang mamahalin pa tulad ng pagmamahal ko sayo. I love you my wife."
"You are my happy ending too and I love you masyado lang naging matagal ang pag-usad ng asawa mo," saad ko dahilan upang matawa siya.
"Ang dami kong sinabi and that is all I got?" sambit niya na may mga ngiti sa kanyang mga labi.
Tila bumagal ang pagtakbo ng oras nang dahan-dahan I tiptoed for me to reached him. Dahil sa katangkadan niya. Nagulat naman ako nang hatakin niya ang aking bewang at siniil ako ng halik na ako dapat ang gagawa para sa kanya.
"I love you Ash," sambit ko at may gumuhit na mga ngiti sa kanyang labi at ganun din ako.
Agad naman akong kumawala sa kanyang pagkakahawak nang marinig ko na ang mga batang patakbo na sa aming direksyon.
"Mommy daddy we awe weady," saad ni Celestine habang si Prince naman ay tumango tango.
"Wait magpapalit lang ako madali lang si mommy," saad ko at akma na sanang aalis nang pinigilan ako ni Ash.
"Your outfit is okay malalate na ang mga bata white robe is okay." He winked dahilan upang irapan ko siya.
Pinasadahan ko naman ang sarili ko at tama siya malalate na ang mga bata at hindi na lamang ako bababa ng sasakyan. Gusto ko kasi silang makita na papasok sa skwelahan sa unang araw nila.
"Go kids mauna na kayo sa sasakyan," saad ni Ash at dali-dali naman ang dalawang tumakbo at kitang-kita sa kanilang mga mata ang excitement.
TO BE CONTINUED
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top