EPILOGUE 1.3
Somewhere in Malaysia
THADDEUS
Lumilipas ang panahon na tumatagal ay nagiging taon. Lumilipas ang segundo na tumatagal ay nagiging oras. Maraming maaaring mangyayari sa mga segundong tumatakbo sa orasan. At sa mga mangyayari maaari itong makalimutan at maging sekreto na lamang.
Nagulat ako nang may pumulupot sa aking bewang at nang tingnan ko ay napangiti na lamang ako. The love of my life.
"Astrid," mahinang saad ko at sinakop ang kanyang mga labi dahilan upang mapaungol siya.
Habol hiningang pinakawalan ko ang kanyang mga labi. Sabihin na nating naaadik na ako at masyado ng baliw sa kanya.
She's my life.
She's my antidote.
She is my happiness.
"Sweetheart, okay ka lang ba dito? May pupuntahan sana ako," saad ko at tila alam niya kung saan ako tutungo.
"Kikitain at kakausapin mo na naman ba siya?" tanong niya at tumango naman ako.
"Okay I guess you should. Mag-ingat ka sa pagmamaneho okay? Alam kong kaskasero kang ugok ka at pag may nangyari sayo wala ka talagang mahihita sa akin tandaan mo yan. Bumalik ka sa akin na walang kahit anumang galos kundi ako talaga ang babalat sayo ng buhay," mahabang saad niya at di ko mapigilang hindi matawa. She's so cute.
Samsara Island
1:00 pm
This place never gets old kaya gustong gusto talaga dito ni Astrid. Salted fresh air, the waves of the ocean, green grass, tall tress, blue sky, silence and peace. You are unknown to this place. Pagkatapak ng pagkatapak ko ng aking mga paa sa loob ng hotel ay agad ko siyang nakitang nakaupo at tila alam ang aking pagdating.
Agad ko siyang kinawayan ngunit wala siyang imik at sinenyasan ako na maupo at tumalikod na siya agad sa akin. Tanaw mula sa kanyang pwesto ang mga puno at dagat. Pansin ko rin na walang mga tao at kung hindi ako nagkakamali ay nirentahan niya siguro ito ng isang taon o binili na niya siguro ang buong isla. May sayad din kasi ang utak nito kaya hindi na ako magugulat kapag ganoon ang nangyari.
"Couz kamusta na?" tanong ko at wala parin siyang imik. He just snorted and give me cold shoulders.
Hinili ko ang upuan at umupo. Napahawak ako sa aking dibdib at kunwaring nasasaktan sa kanyang ginawa ngunit wala parin siyang imik.
Sandaling katahimikan ang bumalot sa aming dalawa at tanging agos lang ng dagat at pagaspas ng mga dahon ang maririnig. Napakasarap pala ng buhay niya dito tahimik at makakapag-isip ka ng maayos. Pero mas masarap ang buhay ko sa mga bisig ng aking mahal na si Astrid.
"Napabisita ka?" Basag niya sa katahimikan at agad ko naman siyang tinitigan.
Marami ng nagbago at pati siya ay nagbago narin.
"Bawal ba? Gusto ko lang bisitahin ang pinsan ko. Nag-aalala kasi ako kasi mahal kita bro mahal na mahal kita," saad ko habang tinatapik tapik ang kanyang balikat na siya namang malakas niyang pagtabig sa aking kamay.
"Ouch! Hindi lang sa salita mo ako sinaktan ha physical pa masakit na alam mo bang pwede kitang kasohan niyan?" saad ko at wala parin siyang imik. Malalim ata ang kanyang iniisip.
Di ko rin mapigilang hindi matahimik dahil sa mga napakaraming pangyayari. Hindi ko aakalain na dito siya aabot.
Years passed and I am not a doctor anymore. I decided to quit privately na siya namang itinanong ni daddy kung bakit dahil kaya niya namang asikasuhin lahat kaya niyang pagtakpan lahat but I insisted on quitting and I was surprised nang hindi ako pinagalitan ni daddy instead he embrace me and talk to me. Pagkatapos ng mga nangyari noon ay nung mismong araw ding iyon ay nakapagpasya na ako.
Ilang taon din akong naging doktor sa hospital namin but that was not my passion, I want business, I want to deal and that is what I want. I became a high-powered raider of the Philippines base sa survey at mga high-profiled elites sa business industry. I invest and buys a large interest in a corporation whose assets have been judged to be undervalued. I buy the shares of struggling companies and selling of the assets for profit. Ang kailangan mo lang ay diskarte at makuha ang kanilang oo and all you need to do is to offer them your sum that they can't refuse. My words to their ears.
Samantalang itong isang ito ay walang ginawa kundi ang umupo lang at magpasarap ngunit milyon milyon naman ang kinikita. Utangan ko nga ito tapos di ko narin bayaran.
Magsasalita na sana ako nang bigla niya akong inunahan.
"Kamusta sila?" tanong niya dahilan upang kumirot ng kaunti ang puso ko. Hindi ko din alam kung bakit nakakaramdam ako ng ganito.
"Maayos naman sila at masaya," tipid kong sagot at tinanaw ang dagat.
"That's good to hear."
"Ikaw ang kamusta na? Binili mo ba ang islang ito?" pag-iiba ko ng tanong at tumango naman siya.
Tama nga ako hindi na nga dapat ako nagtanong. Binili niya na nga ang islang ito. He is a crazy rich jerk.
"Kamusta kayo ni Astrid?" bigla niyang tanong dahilan upang mapangiti ako hindi ko alam ngunit sa bawat oras na naririnig ko ang kanyang pangalan ay bigla nalang akong mapapangiti. Nagiging mukha ka ngang tanga sa pag-ibig. Kitang kita ko naman ang pag-irap ng kanyang mga mata palibhasa bitter.
May bigla akong naalalang isa sa mga rason kung bakit ako nandirito. Nung gabing iyon ay parang nakita ko siya hindi lang ako sigurado kaya itatanong ko na.
"Hey you were there right?" tanong ko dahilan upang titigan niya ako.
"Yes," tipid niyang sagot at umiwas na ng tingin.
"You shouldn't be there," asik ko at kita ko naman ang pagkuyom ng kanyang mga palad.
"Who are you to order me?" malamig na hiwatig niya at matatalim ang kanyang mga matang tumitig uli sa akin.
"Whoa chill bro hindi naman kita pinagsasabihan o inuutusan. Concern lang ako nag-aalala lang ako sayo. Alam ko naman na alam mo ang mga ginagawa mo it's just that-"
"Okay lang ako Thaddeus. Taon na ang lumipas mahirap man pero nakaya ko Thaddeus, nakaya ko. Ang babaeng noon ay sa akin ay ngayon ay nasa piling na ng iba. Hindi ako nagsisisi sa mga nagawa ko Thaddeus. Gusto ko lang sabihin o gusto lang ilabas ng mga bibig ko ang mga salitang ito. Gusto ko lang silang makita nung gabing yun para kumpirmahin."
"Anong kukumpirmahin mo?"
"Gusto ko lang tingnan ang sarili ko. Hindi na pala ako nasasaktan. Hindi na ako wasak. Dun ko lang nakompirma na nag-uumpisa na pala ako ng bagong kabanata ng buhay ko Thaddeus. They're happy and I am happy too. Ngunit hindi ibig sabihin nun ay magpapakita na ako. Ilang taon nadin Thaddeus at patay na ako sa kanila. Malaking pagkakasala ang nagawa ko kina mommy at daddy."
"So dito ka nalang habang buhay?" Hindi ko mapigilang hindi matanong.
"That is why you are here. Change me Thaddeus."
"You are one crazy rich jerk, Knight."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top