Chapter 7
ALANA
"Ah Sir Knight, naririto po pala kayo," masiglang bati ko, dapat ay maging proud ako sa sarili ko dahil sa pagpapanggap na ito, ngunit di ko parin mapigilang di laruin ang aking mga kamay sa aking likuran.
"Yes, we were just going to get something, so if you may excuse us," malamig na sagot niya at iginiya ang babaeng kasama niya paalis, hawak hawak niya ito sa bewang, ni kailanman ay di ko naranasang hawakan ako ni Knight ng ganun.
"Ah sige po Sir, mag-ingat po kayo," mahinang sagot ko at pinanood ko na lamang silang umalis sa aking harapan ngunit tila napatigil sa paglalakad ang babae at hinarap ako.
"Parang nakita na kita I don't know where pero-," saad niya at tila ba kinabahan ako bigla. Agad naman akong tinitigan ni Knight at agad niyang hinawakan ang kamay nung babae.
"She's the daughter of our maid, she's not literally the one that I hired pero dahil narin sa tinutulungan niya ang kanyang ina sa bahay ay masasabi kong maid narin siya. Kaya baka nakikita mo siya noon kung saan saan," sabad niya at dahan dahang tumango na lamang ang babae at tuluyan na lamang silang umalis.
"May nakakakilala rin pala sa akin," mahinang saad ko sa aking sarili. Matagal tagal narin akong di nakakalabas pero kahit ganun ay medyo pamilyar parin ang mga tao sa akin. Solong anak siya ng mga Herrera at laging nasa magazine ang kanyang mukha hanggang ngayon, the sole heiress of the Herrera family. Bago pa niya ilakad ang kanyang mga sariling paa ay bakit hindi siya magtrabaho sa kanilang kompanya? At bakit ngayon niya lamang ito napag-isipan? Ayaw na niyang makulong sa bahay na iyon at umiyak na lamang araw araw at gabi gabi. Hindi naman siya nagkukulang sa pera, ang gusto niya lamang ay malibang. Ngunit araw araw din niyang makikita doon si Knight but she don't mind, hindi niya alam kung makakasama ba sa kanya ang lagi siyang makita o hindi. Simula nung ikasal sila ay nag merge narin ang kanilang kompanya, mas lalong naging malaki, makapangyarihan, at lalong mas yumaman.
"Kailangan kong tawagan si daddy," saad niya sa kanyang sarili at inilabas ang kanyang cellphone mula sa kanyang bag at agad na nagtipa sa keyboard at hinanap ang number. Agad niyang dinial ang number at ilang segundo lamang ay sinagot din ito agad.
"Honey?" sagot sa kabilang linya at di niya napigilang di mapangiti, miss na miss na niya ang kanyang mga magulang.
"Dad? Dad kailan kayo uuwi? Miss ko na kayo ni mommy," sagot niya sa kabilang linya at nagsimula ng maglakad patungo sa refreshments.
"Soon honey, malapit na kaming matapos dito. Bakit ka pala napatawag anak may problema ba, is there's something wrong honey?" alalang saad niya and I can't blame him kung ganun na lamang ang pag-aalala niya, ngayon lang kasi ako napatawag sa kanila.
"Uhm dad pwede bang magtrabaho ako dun sa kumpanya natin?" mabilis niyang sagot at di niya alam kung naintindihan ba yun ng kanyang daddy sa sobrang bilis at napa cross fingers nalang siya habang nasa harapan na ng malaking ref kung nasaan ang mga kailangan niyang bibilhin, mabuti na lang at walang mga tao.
"Bakit? Don't mind me asking honey pero kinukulang ba yung pera mo sa bank account mo? I could send you more if you want I won't mind honey," sagot niya sa kabilang linya.
"No no dad ,it's not that. Gusto ko lang malibang kasi lagi nalang akong nakakulong sa bahay. Please dad just this time please," saad ko at narinig siyang bumuntong hininga.
"This would make you happy then?"
"Yes dad sobra."
"Nakausap mo na ba si Knight regarding dito?" agad niyang tanong at tila naman napepe ako.
"Honey?"
"Uhm not yet dad but I'm sure he will agree, trust me."
"Okay, pero kakausapin ko muna ang mommy mo regarding with this and I'm sure she will not like this idea pero if this makes you happy then I'll talk to her okay? I'll call you when I get to talk to her," sagot niya sa kabilang linya at di ko mapigilang di mapangiti sa tuwa.
"Thank you dad, thank you I love you."
"I love you too my girl. I got to go honey may tatapusin na muna ako para makauwi na agad kami ni mommy mo," paalam niya sa kabilang linya.
"Okay dad, mag-ingat po kayo, bye," pagkatapos naming magpaalam sa isat isa ay agad ko ng pinatay ang phone call.
***
Pagkatapos kung napamili lahat agad na akong tumungo pauwi, nakakapagod din pala ang mag grocery pero kahit papaano ay nag enjoy ako except nalang sa nakita ko kanina.
"Even though ganito na ang ginagawa mo sakin Knight, why do I still love you?" I breathe.
Nasa harapan na ako ng gate nang magbusina ako, agad naman itong binuksan ni nanang na nakangiti.
"Oh nag-enjoy ka ba sa pag-grocery iha?" agad niyang salubong sa akin habang binubuksan ang pinto ng aking sasakyan at isa isang pinalabas ang aking mga pinamili.
"Opo nanang," ngiting sagot ko sa kanya at tinulungan siya ilabas ang ilan sa mga pinamili ko.
"Halata nga iha para kasi magtatayo ka ng sari sari store dahil sa mga pinamili mo. Hala sige ako na ang magdadala nito sa kusina, kaya ko na ito iha magpapatulong na lamang ako kay Danny. Siya pala ang bago nating hardenero dito. Andiyan na pala si Ash sa loob, puntahan mo nalang siya at makapag-usap kayo," mahabang lintanya niya.
"Sige salamat po nanang, pasok na po ako."
Sa pagpasok ko sa sala ay agad kong nakita ang nakatayong lalaki na nakatanaw sa glass window kung nasaan ang garden.
"Ash?" mahinang tawag ko at dahan dahan naman siyang lumingon sa gawi ko na nakangiti. Kahit sino sigurong babae ay mapapatalon o mapapaluhod ka sa mala adonis nitong mukha.
"Alana," ngiting tawag niya sa akin at naglakad patungo sa aking direksyon. Magkalahi nga sila ni Knight, parehong gwapo ngunit kahit ganun ay di ko makitaan ng pagkawangis ng kanilang mukha.
Nang makarating siya sa aking direksyon ay halos ilang pulgada nalang ang aming layo sa isa't isa kinabig niya ako at ngayon at nasa sa kanyang bisig na niya ako.
"I miss you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top