CHAPTER 61

THADDEUS

"It's an art of letting go Thaddeus," mahinang saad niya at tila nahihirapan sa paghinga ngunit dinig ko bawat salitang binitawan niya. Ibang-ibang Knight ang nasa harap ko ngayon. Hindi ako makapaniwala na nasasaksihan ko ang ganitong sitwasyon.

Sumagi sa isip ko na mamahalin at mamahalin niya rin si Alana pero kahit kailnaman ay hindi sumagi sa isip ko na ganito ang kababagasakan niya.

"Art of letting go art of letting go ang sabihin mo ang arte mo. Ang dami mong drama sa buhay bro hindi kita kinakaya dahil hindi ako sanay. Hindi ako sanay na ganyan ka, hindi ganyan ang pagkakakilala ko sayo. ibang-iba ka na sa dati. Nasaan ba si Alana nang masaludohan ko naman siya ibang-iba ka na eh o baka naman may sumanib sayo bro at hanggang ngayon ay hindi pa napapaalis sa maganda mong katawan. O baka naman may nakain kang hindi maganda at hindi mo pa nailalabas sa banyo walang hiya ilang taon din palang nag stay diyan sa tiyan mo kung iisipin natin. O hindi naman kaya-" Agad naman akong natigilan nang masubsob ang aking mukha sa isang malambot na bagay. Tinapunan niya pala ako ng kanyang unan at ngayon ay ngisi-ngising nakatitig sa akin.


Ngunit ang ngising iyon ay napalitan agad ng malulungkot na mga mata.




"Iba pag may minamahal ka na Thaddeus pero ang sa akin ay nasa huli. Marahil hindi mo ako maiintindihan dahil gaya nga ng sabi mo ibang-iba ako noon sa ngayon. Natatawa nga ako dahil para nga yatang talo ko pa ang kdrama sa madrama kong buhay. Hindi naman sayang ang lahat, papalayain ko siya dahil mahal ko siya. Gusto kong maging masaya siya at hndi ako ang taong iyon Thaddeus marami na akong naging kasalanan sa kanya. Tignan mo naman ang mga nangyayari kahit na gustuhin ko na maging maayos kaming dalawa darating at darating ang araw na parang may sisira sa aming dalawa. Ang daming taon kong sinayang, hindi ko alam na ang bawat araw ay may hangganan. May hangganan din pala ang lahat kahit na sino ka mang tao sa mundo. Kaya ko naman siyang ipaglaban...kaya ko Thaddeus ngunit bakit tila naroon na ako sa sitwasyon na iyon bakit naduduwag ako? Isa akong malaking duwag, isang gago walang kapatawaran ang mga nagawa ko sa kanya. Kahit na sabihin nating mahal niya ako at mahal ko siya wala namang magbabago eh andun parin nakatatak at nakabaon na sa puso at isipan namin. Hindi kami itinadhana sadyang pinagtagpo lamang kami upang malaman namin kung ano kami sa mundong ito. Marahil sa sama ng ugali ko sa kanya bilang kanyang asawa ay ganito ang naging leksyon ko sa buhay, you're right this is my bitter karma Thaddeus. Look at me I look like shit and still loving her with all of me, pero hindi na pwede," mahabang saad niya at nakita ko na lamang ang sarili ko na naluha ngunit agad ko naman itong pinahid upang di niya agad makita at nagulat na lamag ako ng nakikita siyang umiiyak.


Umaagos ang mga luha sa kanyang mga mata. This is the first time I have seen him cry. Tears even when he could no longer speak were very painful to look at. It is these tears that give the word.


Agad akong tumalikod dahil hindi ko alam kung kakayanin ko pang pigilan ang sarili ko kung maluluha na naman ako. Para siyang isang manipis na babasaging baso na ngayon ay basag na basag na kahit anong ingat mo ay mababasag at mababasag parin sa huli. Inaamin ko malaki ang galit ko kay Knight dahil sa ginagawa niya kay Alana noon sa mga pananakit na araw-araw at gabi-gabi na dinadanas ni Alana sa mga pasang tinatamo niya sa mga kamay ni Knight at sa mga pang-iinsulto niya kay Alana sa harap ng kanyang iba't-ibang babae. Ngunit nang makita ko si Alana na kahit anong gawin ni Knight na pananakit sa kanya ay mahal niya parin ito ay naniwala ako sa mga araw na iyon ay darating din na mamahalin at mamahalin din siya ni Knight at hindi nga ako nagkamali. Tama siya, masyado na ngang huli ang lahat at marami na ang nangyari, may nawala ng hindi mo inaasahan at may nangyayari na hindi mo aakalain.




FLASHBACK

"Ash," tawag ko sa kanya nang makita siya sa isang coffee shop at may binibili.


"Thaddeus?" sagot niya na di makapaniwala ngunit agad naman ding napalitan iyon ng ngiti at agad akong sinalubong ng yakap. Ibang-iba siya sa kuya niya.


"Kamusta na?" tanong ko at iginiya naman niya akong umupo.




"Ayos lang maraming nangyari simula nung nawala ka," maikling sagot niya.






"Dinig ko nga kahit na nasa ibang bansa ako abot na abot parin ang mga pangalan ng mga Alcantara doon. Napaka sangsang talaga ng mga amoy niyong mga Alcantara," saad ko dahilan upang matawa naman siya.




Namayani ang katahimikan sa maing dalawa hanggang sa binasag ko ito.




"Mahal mo parin pala si Alana kahit na kasal na siya sa kapatid mo," diritsong saad ko dahil alam ko rin na alam niya ang ugali ko. Ayoko na ng paligoy-ligoy pa. Hindi ko din alama kung bakit ko pa ab sinasawsaw ang buhay ko sa kanila ngunit hindi lang talaga ako mapakali dahil kaibigan ko silang dalawa, mga matalik na kaibigan.




"Ako ang nauna nagmahal kay Alana simula nung nag-aaral palang tayo at alam mo yun Thaddeus. Hanggang sa hindi ko na naikompesal ang nararamdaman ko sa kanya dahil sa nalaman kong may pagtingin pala siya kay Knight. Alam mo bang napakasakit marinig yun sa kanya? Kaya ako lumabas ng ibang bansa at dun ipinagpatuloy ang career ko na sana dapat ay hindi dahil dun din pala ako papatayin ng lahat. Ikinasal siya, a private wedding. Huli narin nang malaman ko, hindi ako umuwi dahil ayoko silang makitang dalawang masaya but I was wrong. Mamay contacted me and told me everything she saw at pinapauwi ako. Alam ni mamay na mahal ko si Alan nung una ay ayaw ko dahil nga kasal sila at hindi dapat ako umeksena ngunit nang malaman kong may divorced papers na palang inihain si Knight para sa kanay ay agad akong umuwi. At tama nga si mamay sinasaktan ni Knight si Alana, napakarami niyang mga pasa Thaddeus hindi mo aakalaing kay Knight yun galing lahat ngunit tinatakpan lang itong lahat ni Alana. Hindi ko kayang sikmurahin lahat ng ginagawa ni Knight kaya nagpasya akong kunin si Alana ngunit hindi ko naman magawa-gawa dahil mahal parin nila ang isa't-isa. Hindi nila magawang iwan ang isa't-isa. May hangganan din pala ang lahat Thaddeus masakit pag hindi ka pa bumitaw ngunit mas masakit parin kapag bumitaw ka na dahil wala paring sasalo sayo. Sa ngayon isa lang ang gusto kong mariig kay Alana at iyon ay ang totoo, I want to know the truth so I know when I will give up."


"Wala akong pinapanigan sa inyong dalawa. Pareho ko kayong matalik na kaibigan. Sa tingin ko ay kailangan niyong bigyan si Alana ng panahon para makapag-isip and if she is worth it you two can wait."


END OF FLASHBACK








"Everything happens for a reason."








Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top