CHAPTER 59
ALANA
Basang-basa na ako ng ulan nang makaakyat sa kung saang kwarto si Knight. Nang malapit na ako sa kanyang kinaroroonan ay sandali akong natigilan nang makita ko siyang nakatayo at kung hindi ako nagkakamali ay tanaw niya kung saan ako galing kanina at kung sino ang kausap ko.
Sinalubong ako ng kanyang mga matang malulungkot ngunit agad din naman itong napalitan ng ngiti.
"Wifey," mahinang saad niya at agad naman akong tumakbo sa kanyang direksyon upang alalayan siya. Hindi pa siya dapat tumayo at maglakad dahil sa kanyang kondisyon.
"Halika na pumasok na tayo sa loob maginaw na dito. Kabilin bilinan sayo ng doktor na dapat kang magpahinga hindi ka pa dapat tumayo at maglakad lakad dahil hindi pa kaya ng katawan mo huwang mong pilitin ang iyong sarili," saad ko at agad siyang inalalayan.
Kailangan ko naring magpalit ng damit dahil baka ako rin ang magkasakit at hindi ko na siya maalagaan.
"Mahal mo siya?" tanong niya at natigilan ako. Dahan-dahan niyang binawi ang kanyang kamay sa akin.
Tinitigan ko naman siya at mahinang napabulong. "Knight," saad ko at muli siyang inalalayan ngunit lumayo lamang siya.
"It's okay you can tell me the truth. Madali lang naman ang tanong ko at napakasimple lang ng sagot kung tutuusin. At kung iniisip mo ay magagalit ako...hindi, hindi ako magagalit. Gusto ko lang malaman ang totoo. I want to know the truth," mahinang saad niya sabay hawak sa kanyang dibdib at para bang nahihirapan siyang makahinga.
"Please Knight pumasok na tayo sa loob hindi nakakabuti sayo ang kalagayan mo please tara na," pag-aalo ko sa kanya at sinubukan uling lumapit ngunit tulad kanina ay napaatras siya at malulungkot ang kanyang mga mata na nakatitig sa akin.
"Masakit man makita, masakit man pakinggan ang sagot mo tatanggapin ko. Gusto ko lang malaman ang totoo. Ako ang naunang nagloko, ako ang sumira ng relasyon natin, ang ang sumira ng buhay mo lahat lahat ng katangian ng isang gagong lalaki ay nasa akin na. But yet you're not leaving my side, you are still here at every time na lagi kang nasa tabi ko hindi ko mapigilan ang sarili ko na tanungin. Maayos ko pa ba ang relasyon natin? Maisasalba ko pa ba ang lahat? But what if this is my destiny, what if this is my calling? What if it ends in here? Hindi ko parin nalalaman kung ano ang totoo. Yes, I admit para na kitang pinauubaya sa kanya hindi ko na maintindihan Alana. Kahit ako litong-lito na sa nararamdaman ko. Hindi ko na alam. Hindi ko alam Alana dahil wala kang binibigay na sagot sa aming dalawa. Paano ako kakapit? Paano ako bibitaw kung hindi ko alam kung ano ang totoo," mahinang saad niya at para bang hinahabol na niya ang kanyang paghinga.
Kahit na nanlalamig na ako ay sasagutin ko na sana ang katotohanan nang unti-unti kong napapansin ang kanyang pamumutla. Ngayon ko lang napansin na wala siyang kahit na anong hila hila tinignan ko ang kanyang kamay kung saan ito tinusukan ng dextrose. Nagdurugo ito at pumapatak sa sahig gusto kong sabunutan at sampalin ang sarili ko dahil sa isang bagay na hindi ko man lang napansin kanina pa. Ganito ba ka okupado ang isip ko?
Para bang huminto ang pag-ikit ng mundo at oras at dahan-dahan kong nakita si Knight na unti-unting ipinikit ang kanyang mga mata at kita ko ang pagtulo ng kanyang luha. Para bang natauhan ako at bumalik sa ulirat nang makita siyang nakahandusay na sa sahig at ang kanyang suot na puting gown at may mga bahid na ng dugo.
Tumakbo ako sa kanyang direksyon at nagsisigaw.
"Nurse! nurse! tulong please!" Sigaw ko at mabuti nalang at medyo malapit ang aming direksyon sa nursing area at dinig ko ang mga yabag na aptungo sa aming direksyon.
Kasalanan ko ang lahat ng ito kapagka may nangyari kay Knight. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili.
***
Ilang oras na ang nakalipas at tulog pa si Knight mabuti nalang at walang may nangyari sa kanya. Hindi rin ako nakaligtas sa kanyang doktor at pinagsabihan ako na dapat kong banatayn ng maigi ang aking pasyente sa malala niyang kondisyon at sana ay di na daw ito maulit. Humingi naman ako ng despensa sa kanya at ganun rin siya ginagawa niya lamamg daw ang kayang trabaho at lubos ko naman itong nauunawaan dahil tama siya.
Nais ko parin magising si Knight ngayon kahit sandali lang upang masiguro na ayos na talaga siya kahit na sinabihan na ako ng doktor na maayos na ang kanyang kalagayan.
Napabuga ako ng hininga at hhinayaan ang mga luha na nangingilid sa aking mga mata na tuluyan na itong dumaloy sa aking pisngi. Napaksakit sa lalamunan dahil tila gusto kong humaguhulhol.
Napatayo ako mula sa aking kinauupuan at dahan-dahang lumabas ng kwarto. Hinayaan ko na lamang ang sarili ko na matuyuan ng damit dahil wala na akong ganang magpalit pa. Wala na akong pakialam kung ano man ang mangyari sa sarili ko. Napatawa ako ng mapakla dahil ang isang Herrera na katulad ko ay ngayon ay nakatayo sa isang hospital at umiiyak. Nagtatanong at nalilito.
Bakit pa ba ako nagtatanong?
Bakit pa ba ako nalilito? Bakit ko ba pinahihirapan ang sarili ko? Bakit kailangan magkahiwalay ang sagot ng isip at puso ko?
Mahirap bang sagutin kanina ang kanyang mga katanungan?
Tama siya madali lang naman sagutin iyon ngunit bakit tila nagdadalawang isip pa ako? Takot ba ako? Hindi ako nalilito, alam ko sa sarili ko na hindi ako nalilito alam ko mismo kung ano ang totoo. Natatakot lamang ako. Takot akong may masaktan ngunit tama siya. Karapatan nilang dalawa na malaman ang totoo. Dati rati alam ko na ang mga sagot sa mga katanungan na iyon na walang pagdadalawang-isip. Ngunit bakit tila ayoko silang saktan pareho? Dapat ko ba silang bitawan nalang para patas ang lahat?
Napasuklay ako ng aking buhok at napabuntong hininga.
"Mahal pa ba kita Knight?" mahinang tanong ko sa aking sarili at napansin ang pagtila ng ulan.
Napahawak ako sa aking dibdib at napapikit. Alam ko na ang sagot ngunit bakit ganito? Pakiramdam ko ay isa akong masamang babae. Napakasama ko dahil sinasaktan ko ang dalawang importanteng tao sa buhay ko.
"Kailangan kong umuwi."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top