Chapter 52
ASH
St. Luke's Hospital (12:30 am)
Flashback
Ilang araw palang ang lumilipas ngunit tila hindi ko mapangatawanan ang aking pag-alis. Hindi ko kinakaya ang araw na hindi siya makita at hindi marinig ang kanyang malalamyos na boses. Kailangan kong bumalik at tignan siya. Kahit makita lamang siya ay ayos na ako.
Para akong baterya na walang enerhiya kapag hindi nakakonekta sa kanya.
Para tuloy akong nakokonsensya sa hindi pagsagot sa kanyang mga text at tawag. Napakahirap din sa akin ang hindi sagutin ni isa doon ngunit kinaya ko at ngayon bawat paggalaw ng oras ay mababaliw na ako.
Gabi na at mag-aalas nuebe na ng gabi nang makarating ako sa kanilang bahay. Alam ko rin kasi kung saan siya nanunuluyan simula nung gabing iyon. Agad din akong nagmessage sa daddy ni Alana na pupunta ako sa bahay nila, nahihiya man ako dahil dis oras na ng gabi ngunit kailangan ko siyang makita.
Nang makarating ako sa bahay nila ay naghihintay na pala sa labas ang daddy ni Alana.
"Iho ginabi ka ata," bungad niya nang makababa na ako sa aking sasakyan pagkatapos itong maiparada sa gilid.
"Pasensya na po tito at ginabi ako," saad ko at kinamot ang aking batok at natawa naman siya.
"Okay lang iho hindi ka narin iba sa amin. Hala pasok at ipagtitimpla ka ng kape ng tita mo," saad niya at iginiya ako papasok.
Nasa loob na ako ng kanilang bahay ngunit wala paring Alana na lumalabas. Marahil ay tulog na siya sa mga oras na ito. Sana ay nagmessage nalang ako sa kanya.
"Inakyat na ng tita mo si Alana. Mabuti nalang at agad kang napunta dito alam mo ba nag-eempake na yun ngayon dahil pupuntahan ka niya mismo sa Palawan?" Itinuro ako ni tito na maupo sa bakanteng upuan at dahan-dahan naman akong naupo tulad ng dahan-dahang naiproseso ng utak ko ang kanyang mga sinabi.
Totoo ba ang mga narinig ko?
Susundan niya ako sa Palawan?
Ngunit bakit?
Tila nabasa naman ni tito ang aking iniisip kaya napansin ko ang kanyang pagngiti.
"Mas maigi ata kung maririnig mo kay Alana ang mga sagot sa iyong mga katanungan," ngiting saad niya at tumango-tango naman ako na parang ewan.
Napalingon naman ako kung saan ang daan patungo sa kanyang kwarto at agad na dumapo ang aking mga mata sa lamesa.
Napakunot-noo naman ako dahil tila pamilyar sa akin ang cellphone na nakalapag dito. At bakit may cellphone dito sa sala?
Nang kunin ko ito ay ang siya namang paglabas ni tita at tila nag-aalalang tinawag si tito.
"Hon, wala si Alana sa loob," nag-aalalang saad niya at napatayo naman sa kanyang kinauupuan si tito.
Agad ko namang tinipa ang cellphone at hindi nga ako nagkakamaling kay Alana ang cellphone na ito. Ngunit bakit tila may mali? Hindi niya ugaling makalimot ng isang bagay pwera nalang pag nagmamadali siya.
Walang password ang kanyang cellphone kaya malaya kong tinipa tipa ito hanggang sa maisipan kong dumaan sa messages niya.
Agad namang nakuha ng atensyon ko ang isang numero na hindi nakarehistro sa kanyang cellphone ngunit mga ilang minuto lamang ang pagitan ng mga messages.
Agad ko itong binuksan at binasa.
Maliit lamang ang laman ng mga messages at nang malaman kong si Samantha ito ay agad akong kinabahan. Walang ano ano ay napatayo ako sa aking kinauupuan at agad na kinuha ang cellphone ko mula sa aking bulsa.
Agad kong hinanap ang pangalan ni Knight at agad itong dinial.
Pagkatapos ng tatlong ring ay agad naman niya itong sinagot ngunit tila bakit napakatagal para sa akin.
"Knight wala si Alana dito sa bahay nila and I saw their exchange messages of Samantha," agad kong salubong sa kanya pagkasagot ng pagkasagot niya ng tawag.
"Wait hold on, Alana is missing?" sagot niya at tumango naman ako kahit di niya kita.
Rinig ko naman ang pagbuntong hininga niya at rinig ko ang kanyang pagtakbo.
Ilang segundo rin na walang salita ang namagitan sa amin.
Dinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto at napamura pa siya sa kabilang linya.
"Samantha's not here," garalgal niyang saad at napasuklay na ako ng buhok. Tama nga ako si Samantha nga ito.
"Knight I want you to listen," saad ko at sinabi ko rin sa kanya kung saan kami magkikita kung saan ang address na kikitain ni Alana si Samantha.
Pag lalong tumatagal ay parang mas lalong nagiging delikado ang kalagayan ngayon ni Alana.
"Iho bakit?" Tanong ni tito na ngayon ay yakap yakap ni tita at di mawala-wala ang pag-aalala.
"I think I know where she is tito, naiwan niya ang kanyang cellphone at tila makikipagkita siya kay Samantha ngayon. I need to go tito, Knight and I will go find her," saad ko at akma na sanang aalis nang tinawag niya ako ulit.
"Sasama ako Ash," saad ni tito ngunit umiling ako.
"No tito I need you to be here dahil baka bumalik si Alana at magsalisihan kaming tatlo," saad ko at tumango-tango naman siya.
"Please iho iuwi mo si Alana. Hindi ko alam kung bakit pero kanina lang ay masaya siya tapos ngayon di man lang nagpaalam sa aming dalawa ng daddy niya na may pupuntahan siya. Hindi ko alam anong gagawin ko sa batang iyon," mangiyak-ngiyak na saad ni tita at naiintindihan ko naman siya.
Nang makalabas ako sa kanilang bahay at sinundan pa nila ako. Tanaw ko parin sila sa side mirror ko hanggang sa makalayo na ako. Bumwelo ako at pinabilis ang takbo ng sasakyan. Medyo may kalayuan din ang pupuntahan namin ni Knight and knowing him baka andun na siya ngayon at naghihintay.
Sa bilis ng aking takbo dahil narin sa wala ng sasakyan ang nakikita sa daan ay mabilis akong nakarating sa aming tatagpuin ni Knight at hindi nga ako nagkakamali. Naroroon na siya at nag signal light na ako mismo upang mauna na siya pumasok at gayun nga rin ang kanyang responde agad.
Malubak ang daan patungo sa pupuntahan namin kaya hindi kami makapabilis ng pagmamaneho ngunit kahit na malubak ay kitang-kita ko ang pagtaas baba ng sasakyan ni Knight. Pilit niyang pinapabilis ang andar ng kanyang sasakyan.
Mahal nga pa niya talaga si Alana at ganun din si Alana sa kanya.
Dito na ba nagtatapos ang lahat?
Napalingon ako sa aking sarili sa salamin at napangiti ng mapait. Kahit na nasa delikado na kaming sitwasyon nakikita ko ang sarili ko na parang isang linta sa kanilang sa dalawa. Marahil pagkatapos nito ay magiging maayos na ang lahat. At siguro itutuloy ko na ang paglisan ko at ipagpapatuloy ang aking pagmomodelo.
End of flashback
Nandirito kami ngayon sa operating room at hinihintay na makalabas si Knight. Kasalukuyan siyang inoopera dahil sa mga bala na kanyang nasalo.
At hindi naman matigil tigil ang pag-iyak ni Alana sa aking mga bisig at walang tigil naman ako sa pag-aalo sa kanya.
"Everything is going to be alright Alana. Knight will fight kaya yan ni Knight alam mo namang matagal mamatay ang masamang damo," saad ko upang gumaan din ang kanyang pakiramdam.
Napalingon naman siya sa akin at bakas na bakas sa kanyang mga mata ang pamumula at pamamaga sa kanyang mga mata.
Ngayon ay nasa estasyon na ng mga pulis si Samantha. Kinuhanan din ng mga detalye si Alana ng kunti hanggang sa ma settle na ang lahat dahil agad din namang umamin si Samantha sa kanyang mga ginawa. Kasama din ni Samantha ang dalawang lalaki na kanyang kinuha at ngayon ay nakakulong na.
"He will make it right?" tanong ni Alana sa akin at tumango naman ako sa kanya ng nakangiti.
Malapit nang mag alas dos ng umaga nang bumukas ang pinto kung saan kami naghihintay.
Agad na lumabas ang isang doktor at agad na nagtungo sa aming direksyon.
"The patient is now safe. May good news ako sa inyo at may bad news din. Successful ang operation namin and he is fighting for his life kaya madali naming naisagawa ang operasyon. But mind you that ang mga natamaan sa kanya ay sa inner organs which is very critical kaya ganun nalang din ang pagkagulat namin dahil tila isang milagro para sa amin nakatulong din ang kanyang paglalaban sa peligro. But the bad news is may isang bala na hindi pa namin nakukuha dahil napaka kritikal nito and we need one of our doctors to operate him ngunit wala siya dito at on leave pa siya ngunit tatawagan namin siya agad agad dahil kabilin bilinan niya rin na ipatawag lamang siya kapag may emergency at siya ang kailangan. Kaya asahan niyo ang isang operasyon pa sa inyong pasyente," mahabang paliwanag niya at tumango tango naman si Alana.
"San po ba ang isang bala doc?" Tanong ko at malungkot naman niya akong tinitigan.
"Malapit sa kanyang puso."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top