CHAPTER 48

ALANA

Lumabas ako ng aking sasakyan tanaw ko ang dagat mula sa aking kinatatayuan. Walang paroo't parito na mga sasakyan kaya malaya sigurong sumigaw ako.

Malamig na hangin ang yumapos sa buo kong katawan.

Hangin na galing sa dagat.

Sumigaw ako ng sumigaw hanggang sa magsawa ako.

Napansin ko rin ang pagdilim ng kalangitan na para bang babagsak at babagsak na mamaya ang ulan ngunit wala akong pakialam.

Nanatili akong nakatayo at nakatanaw sa dagat at nagulat nang may nagsalita sa aking likuran.

At nang lingunin ko ito ay agad na bumilis ang tibik ng aking puso.

Gulong-gulo ang kanyang buhok na para bang ilang beses niya itong sinabunutan at bukas din ang itaas na dalawang butones ng kanyang puting polo.

Hindi ko man lang namalayan ang kanyang sasakyan na pumarada malapit sa akin.

"Alana," tawag niya sa kin na pulang pula ang mga mata at napapaos na boses. Hindi ko aakalain na ang isang Knight Alcantara ay miserableng nakatayo at nakatitig sa akin.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit mo ako sinundan," saad ko at akma na sana siyang lalapit nang muli akong nagsalita.

"Diyan ka lang Knight huwag na huwag kang lalapit sa akin," turo ko sa kanya at para naman siyang batang natigilan sa kanyang pwesto. Gusto ko siyang yakapin dahil hindi ko kinakaya ang kanyang presensya, ayokong nakikita siyang malungkot ngunit naalala ko ang kanyang reaksyon kanina kay Samantha sa tea shop ay hindi ko parin siya magawang patawarin.

Bakit lagi mo nalang akong sinasaktan Knight?

Bakit magpahanggang ngayon ay masakit parin?

"Alana," paos niyang tawag at ang siya namang pagtulo ng kanyang mga luha.

Napatingala naman siya sa langit at napapikit ng kanyang mga mata na siya namang pagbuos ng ulan.

Napasinghap naman ako at dali-dali lumapit sa kanyang direksyon. Iminulat naman niya ang kanyang mga mata nang maramdaman niya ang paghawak ko sa kanyang mga kamay.

"Pumasok ka na sa sasakyan mo!" sigaw ko ngunit tinitigan lamang niya ako at ako naman ay nakatangla sa kanya.

"No, hayaan mo nalang ako dito," sambit niya at mapait siyang ngumiti sa akin.

Hindi ko alam kung nababaliw na ba siya ngunit agad ko naman siyang hinila papunta sa kanyang sasakyan. At kahit anong hila ko sa kanya ay hidi parin siya natitinag sa kanyang pwesto at ngayon ay basang-basa na kami sa ulan.

Napasinghap naman ako nang agad niya akong hilahin at napasubsob ako sa kanyang dibdib. mahigpit niyang ipinulupot ang kanyang mga kamay sa aking baywang at ramdam ko din ang kanyang paghinga sa aking ulo.

Gusto kong makawala mula sa kanyang pagkakayakap ngunit tila mas lalo lamang humigpit.

"Please kahit ilang minuto lang Alana," mahinang saad niya at tila hinayaan ko na lamang na diktahan ako ng aking katawan at puso na hayaan siya sa kanyang kagustuhan. Ngunit sumisigaw ang isip ko na dapat akong umalis at magalit sa kanya.

Bakit ba napakalambot ko sa kanya.

Bakit ba sa tuwing nandiyan siya ay nanghihina ako.

Ngunit kahit na ganun ay nasasaktan ako.

Nasasakal ako.

"Was it hard Knight?" tanong ko nang mapansin kong tila tumitigal na ang pagtila ng ulan.

"Was it hard of letting me go?' bulong ko at alam ko namang rinig niya ako.

Sa wakas ay tumila narin ang ulan at lumuwag na ang pagkakayakap sa akin Knight dahilan upang lumayo ako sa kanya ng konti.

"I'm a fool man Alana, I let you go and it was late for me to realize everything. Words are not enough to describe what I feel," paos niyang saad at bumuhos ang mga luha sa kanyang mga mata.

"I let go of a beautiful woman. I loathed her every day. Telling her names that doesn't suit her. I was a jerk husband. Isa akong gagong asawa, napakasamang asawa na walang ginawa kundi saktan ang babaeng walang intensyon kundi ang mahalin lamang ako. And now look at me begging in front of my wife of embracing her. Itinapon ko ang mga taon at araw na dapat ay sinulit ko sayo, ibinigay lahat lahat sayo. Binuhos ang bong atensyon ko sayo because you are worth it. Tama si Ash, you don't deserve to be treated like that. I'm sorry, I'm sorry back there at parang mas pinanigan ko pa si Samantha kaysa sayo kahit na ang dapat kong gawin ay mas panigan ka. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa yun bigla nalang, bigla nalang Alana. Alam kong hindi ka maniniwala sa mga sasabihin ko pero let me just be. Mahal na mahal kita Alana," mahabang saad niya at halos paos na ang tono ng kanyang boses.

Napahilamos siya ng kanyang mukha at hinayaan ang kanyang sarili na umiyak. Kita ko rin ang pagtaas at pagbaba ng kanyang mga balikat.

Ang mga namumuong luha s agilid ng aking mga mata ay nagsimula ng mahulog s alupa at hinayaan ko na lamang ito.

Wala ano ano ay itinapon ko ang aking sarili sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Ipinulupot ko ang aking mga kamay sa kanyang baywang at ibinaon ang aking mukha sa kanyang dibdib.

Ramdam ko ang init ng kanyang katawan.

"What happened there was tearing me up Knight. Ni minsan ay hindi ka naging ganun sa akin. Napakasakit lang tignan. Oo dalawang taon na ang nakalipas ngunit bakit? Bakit andito parin Knight? Bakit masakit parin? Bakit ganun nalang ang sakit na ibinibigay mo sa akin? Nung gabing yun na iaannounce mo na ang tungkol sa atin bakit natigilan ka nang makita mo siya? Is it because you still love her at agad mo akong nakalimutan na nakaupo sa harap mo at umaasa parin iaanunsiyo mo ang tungkol sa akin? Para akong tanga nung gabing yun na umaasa ngunit nang umalis ka sa stage ay ang siya namang pag-alis ko. Mabigat ang loob ko at gusto kong umalis dun agad ngunit nakita ko kayo na magkahalikan. Bumagsak ang mundo ko, unti-unti mo ako noong pinatay Knight. Kahit humihinga ako ay parang napakahirap, napakahirap huminga dahil sa sakit na nararamdaman ko nung gabing yun. I am starting to believe that my heart was made to be broken by you Knight. You didn't just break my heart once and twice you broke my heart a million times." Iyak na saad ko at ramdam ko ang paglapat ng mga kamay ni Knight sa aking baywang at mahigpit akong niyakap.

"Be mine tonight."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top