CHAPTER 46
ALANA
Umaga na nang magising ako tirik na tirik na ang araw at masarap ang hangin ngunit tila ayaw ko pang bumangon mula sa aking pagkakahiga. Dalawang araw na ang lumipas simula nung gabing iyon at di ko na nga muling nakita si Ash at ni reply sa aking mga messages ay wala hindi ko narin siya matawagan.
Napasuklay ako ng aking buhok at dahan-dahang naupo sa aking kama. Tinanaw ko ang ulap s alabas halos kulay asul ang langit. Sariwang hangin rin ang humahaplos sa aking mga pisngi at buhok tila nakalimutan ko kagabi na isara ang mga bintana.
Agad ko namang hinanap ang aking cellphone at agad na tinipa-tipa ito di malaman kung saan tutungo hanggang sa naalala ko si Samantha. Agad akong nagtungo sa mga messages ko at hinanap ang di nakarehistrong number sa aking mga contacts.
From:
09******999
Nais sana kitang makausap ng tayong dalawa lang. Sana ay mapagbigyan mo ako hihintayin ko ang sagot mo. Samantha.
Saad ng text nung gabing din iyon pagkauwi ko natanggap ang kanyang mensahe. Dapat ko nga ba siyang sagutin? Dapat ko ba siyang kitain? Naalala ko ang sinabi sa akin ni Knight nung mga gabing yun may cancer siya sa kabila ng kanyang anyo ay may tinatagao pala siyang sakit. Ngunit hindi ko parin makuha kung bakit ganun nalang ang pagkagalit niya sa akin habang kausap niya ang kanyang kaibigan sa backstage.
Tumingala ako sa kisame at napabuga ng hininga.
Agad akong tumipa sa keyboard.
To:
09******999
Magkita tayo sa Tea Fairy Garden ngayon hihintayin kita.
Saad ko sa text at agad na tinipa ang send bar. Wala naman sigurong mawawala sa akin dahil mag-uusap lang naman kami. HIndi naman ako nag-iisip ng masama ngunit baka ito na ang huling pagkikita namin dahil sa may dinadala siyang skait. Nakaramdam ako ng awa sa kanyang anak, maaga itong mangungulila sa ina. Hindi ko pa man nakikita si Constantine ay palagay ko ay mabait ito dahil alam kong tuturuan ito ni Knight. Hindi man nagig mabait si Knight sa akin noon ngunit malambot naman ang puso nito pagdating sa mga bata. BIgla akong nakaramdam ng lungkot at hinawakan ang aking tiyan, paano kaya kung nabuhay ang aking anak? Ano na kaya ang ginagawa namin ngayon? Kung babae siguro ay sinusuklayan at binibihisan ko na siya ngayon ng mga usong-usong mga damit at pinipicturan at kung lalaki naman ay kanina pa kami nagbabaril-barilan at naghahabulan sa kama kahit na alam kong maliliit pa lamang sila. Nakapapagsalita na ba sila dapat ngayon? Nakakalakad ng malaya? Tinatawag akong mommy? May mga ngiti na ba ako sa aking mga labi kahit marami akong iniisip? Sabi nila napapawi lahat ng pagod at problema mo sa buhay kapag may anak ka na nagpapasaya sayo. Ganun rin ba ako kung sakali mang nabuhay ang anak ko?
Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako agad ko naman itong pinahid at kinalma ang aking sarili bago nagpasyang mag-ayos.
Ilang minuto rin ang itinagal ko sa banyo bago ako lumabas at nag-ayos. Napagpasyan kong mag maong na pantalon at simpleng puting blouse nalang at itim na sumbrero ngunit sa tingin ko ay para akong may tinataguang tao ngunit I just feel like wearing it.
Agad kong tinignan ang sarili ko sa salamin nang tumunog ang aking cellphone. Dali-dali ko naman itong tinignan dahil baka nagreply siya sa message ko at tama nga ako.
From:
09******999
Andirito na ako sa meeting place natin, hihintayin nalang kita dito.
Saad ng text nagulat naman ako dahil sa mabilisan niyang responde at andun na agad siya. Dali-dali naman ko namang kinuha ang mga mahahalagang gamit at agad na lumabas ng kwarto. Dala ko na lahat ng mga importanteng gamit, pitaka, cellphone at susi dahil lagi akong nagiging makakalimutin.Bigla kong naalala na minsan ko ring nalimot ang dalhin ang susi nung uunahan ko ng alis ng bahay si Knight dahil sa nag-away kami. Napangiti ako sa pag-aalala ngunit agad naman itong napawi nang maalala ko si Ash. Parang kidlat na tumusok sa aking puso ang paglitaw ng kanyang mukha na nakangiti sa aking isipan.
I am torn between the two brothers.
Nasa poder pala ako ng mga magulang ko ngayon at agad naman akong nagpalinga-linga upang hanapin sila dad at mom. Pababa na ako ng hagdan nang makita ko sila sa labas ng hardin.
Magkayap sila sa isa't-isa at may mga ngiti sa labi na para bang sumasayaw sa saliw ng musika.
Habang papalapit ako ay rinig ko agad ang kanta na medyo tumama sa akin. Ayaw ko man isipin pero para bang para sa akin.
Torn between two lovers by Mary MacGregor ang kanilang ipinapatugtog at nasa chorus na ito at halos lahat ng linya ay napapatama sa akin. Isa itong kanta ng taong nasa isang love triangle at pagdaing na ang pagmamahal sa kanilang dalawa ay nilalabag lahat lahat at napaka komplikado.
Agad naman akong napansin nila dad at mom dahilan upang tawagin nila ako dahil tulala akong pinapanuod sila.
"Alana." Tawag sa akin ni dad at agad naman akong ngumiti habang papalapit ako sa aknila ay ang siya namang pagpatay ni mom ng music.
"Mom, dad may pupuntahan lang po ako may bibilhin babalik din po ako agad." Pagsisinungaling ko ayaw ko mang gawin pero kailangan ko munang ilihim ito kahit ngayon lang.
Malalaman at malalaman din naman nila ito sa susunod, sasabihin ko naman sa kanila at hindi ko naman itatago ng matagal.
"Okay iha but be careful okay? Alam mo naman maraming mga masasamang loob ngayon kaya mag-iingat ka sa pagdadrive at sa pupuntahan mo," saad ni dad at agad ko naman siyang tinaguan.
Laging ganito si dad sa akin at namimiss ko narin. Habang nakatayo ako ay ngayon ko lang napansin na ngayon lang kami nagsama ng ganito, masaya lang at walang problema it's been a long time. Wala silang trabaho ngayon at nagdecide na mag spend time together dito lang sa bahay kasama ako. Kahapon pa kasi sila nag-aalala sa akin simula nung gabing iyon.
"Alana, anak okay ka na ba?" tanong ni mom sabay lapit sa akin at inayos ang aking buhok. Napangiti naman ako dahil sobrang namiss ko ang eksenang ito.
"Yes mom, I'm okay maraming salamat sa inyo ni dad sa pagtitiyaga niyo sa akin. I love you both guys," saad ko at napangiti naman sila agad naman akong hinila ni mommy at niyakap ganun nalang din ang ginawa ni daddy at pare-pareho kaming nagsitawanan.
Pagkatapos kong magpaalam sa kanila ay agad akong tumungo sa lugar ng aming pagkikitaan ni Samantha. Ilang kilometro lang naman ang layo nun sa bahay at 30 minutes lang naman na byahe.
Pagkababa nang pagkababa ko ng sasakyan pagkatapos kong makahanap ng paparkingan ay agad akong tumungo sa loob ng Tea Fairy Garden.
Agad naman akong sinalubong ng welcome ng tagabukas ng pinto kaya agad akong nakit ni Samantha. Sa loob ng dalawang araw ay kitang-kita ko ang pagbabago sa kanyang postura at mukha. Pumayat at medyo tumamlay ang kanyang kulay kumpara noon. Kumaway naman siay at kumaway naman ako pabalik sa kanya.
Nang makarating ako sa kanyang table ay napansin ko rin na wala pang masyadong customers kami lang kasi ang naririto. Hinila ko ang upuan at umupo.
Ilang segundo muna ang namagitan sa amin bago siya nagsalita.
"Hindi na ako magtatagal," sambit niya at agad ko naman siyang tinitigan.
"Ha? Ah okay lang may pupuntahan ka ba agad pagkatapos nito?" Litong saad ko na medyo ikinangiti naman niya.
"Hindi Alana, hindi na ako magtatagal...tatlong buwan nalang ang ilalagi ko o dalawang buwan or maybe weeks I don't know hidi ako makampante sa sinabi ng doktor ko sa akin," mahinang saad niya at napaluha ngunit agad naman niya itong pinahid gamit ang hawak hawak niyang panyo.
"Samantha," mahinang tawag ko dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin upang gumaan ang kanyang loob. Agad ko namang kinuha ang kanyang mga kamay at pinisil nagulat naman siya sa ginawa ko at nag-aalangan ngunit hinayaan niya na lamang ako at para bang nahihiya pa.
"I'm sorry Alana, humihingi ako ng tawad sa mga nagawa ko sayo noon. Alam kong walang kapatawaran ang lahat ng ginawa ko para narin kitang pinatay noon. Kung gusto mo akong parusahan ngayon tatanggapin ko. Patawarin mo lang ako." Maluha-luha niyang saad at ramdam ko ang panginginig at panlalamig niya. Nginitian ko na lamang siya.
"Gusto kong magpagaling ka," sambit ko at agad naman siyang umiling-iling.
"No Alana I have an advanced cancer and it's impossible to cure kahit anong pag-iingat pa ang gagawin ko," sagot niya at nagulat naman ako dahil minsan ko ng nabasa ang tungkol sa sakit na ito.
Tama siya lahat ng umaabot sa sakit na ito ay imposible na ngang gumaling.
"Nais ko sanang humingi ng pabor sayo," sambit niya na may pag-aalinlangan sa kanyang mga mata at sa tono ng kanyang boses.
"Ano yun?" Kunot noo kong tanong.
"Pahiram ng asawa mo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top