Chapter 45

ALANA

"No, sa tingin ko ay mahal na kita Ash," mahinang saad ko at napahigpit pa ng yakap sa kanya. Nagulat naman ako nang hinawakan niya ang aking mga kamay at inalis ang aking mga braso sa pagkakayakap sa kanya.

Naguguluhan akong napatingin sa kanya at ang mga namumuo niyang mga luha ay tuluyan nang bumagsak sa lupa. Agad ko naman ito sanang papahidin gamit ang aking mga kamay ngunit iniwas lamang niya ang kanyang mukha sa akin.


"No Alana, hindi ko nakikita sa mga mata mo tulad ng mga tingin mo kay Knight. Marahil ngayon...marahil ngayon ay nalilito ka lang sa lahat at naaawa sa akin. Oo...oo gusto ko ring mahalin mo ako ngunit hindi sa ganitong paraan. Mahal kita Alana at higit kitang mas kilala kaya alam ko kung ano ang nararamdaman mo," sambit niya at para naman akong nabingi dahil sa kanyang kasagutan.


Dahan- dahan kong ipinoproseso sa aking utak ang lahat at para bang sasabog ako sa galit.




"Bakit mo ako pinapangunahan sa lahat? Ikaw ba ang may-ari ng puso ko para sabihin yan? Nababasa mo ba naririnig mo ba ang sigaw nito? Bakit mo ba minamaliit ang sarili mo? Oo siguro nung una akala ko naaawa lang ako sayo but seeing you there standing and waiting for me habang nag-uusap kami ni Knight at nang bigla mo akong tinalikuran para akong nauupos na kandila Ash! Isipin ko palang na iniiwasan mo ako o galit ka sa akin ay di ko na alam ang gagawin. Siguro maliit palang na panahon ang lumipas dalawang taon palang but I am telling you the truth! I love you! I love you Ash! Maybe it was late for me to realize, huli na ng malaman kong hulog na ako sayo. Habang lumilipas ang panahon naaalala ko ang mga panahong nag-aaral pa lamang tayo wala kaong ginawa kundi ang mag skip ng klase natin at sundan si Knight at ikaw walang sawang pagwawarning sa akin na huwag kong sayangin ang oras ko sa kanya but what did I do? I even married him because I thought he was the one, the one that is right for me. Ngunit hindi ko alam na nasa tabi ko lang pala," sambit ko agralgal narin ang aking boses at hinayaan ang aking mga luha na tuluyan ng dumaloy sa aking mga pisngi.




"Shhh please don't cry please don't cry I hate seeing you cry. Hindi ka dapat sinasaktan at pinapaiyak Alana, karapat dapat kang mahalin. Dapat ka lang mahalin," saad niya at agad na pinahid ang aking mga luha gamit ang kanyang hinlalaki.




"Ash," mahinang sambit ko na nakatingin sa kanyang mga mata na para bang hinihigop ako nito.






"Pag-isipan mo munang mabuti ang lahat. Tatanggapin ko bawat desisyon mo Alana rerespetuhin kita dahil mahal kita. But for now nais ko munang magdesisyon ka kung ako ba o si Knight parin ang pipiliin mo. Ayoko sanang umabot tayo sa ganito but maybe I need to go. Mahirap din sa akin Alana, nasaskatan din ako, masyado ng malalim na baka ikamatay ko. Oo sinabi ko sayo na I will not leave your side ngunit tila ako na ang napupuruhan. Dahan-dahan akong namamatay Alana," hinto niyang saad at naglakad papalyo sa akin ng konti at ipinikit ang kanyang mga mata.

"Sana ngayon ako naman ang intindihin mo. If you want Knight then don't sign the divorced papers at pumunta sa akin at sa bandang huli ay magsisisi ka. Wala man ako ng mga katangian ni Knight na nagustuhan mo but one thing is for sure, hindi kita kayang saktan at hindi kita kailanman sasaktan Alana. You know where to find me," mahinang saad niya ngunit rinig na rinig ko lahat ng mga salitang binitawan niya.

Nakita ko na lamang ang sarili ko na nag-iisa at tuluyan na niya akong iniwan.


Hinayaan ko na umagos ang mga luha sa aking mga mata.




Marami ng mga tao ang nawala sa akin.






Si Knight.




Ang anak ko.






At ngayon si Ash.






Tama nga ba siya? Kailangan ko pa ba talagang pag-isipan ang lahat kung gayong sigurado naman ako sa aking nararamdaman?




Ilang minuto din ang lumipas ngunit nanatili parin ako sa pwesto ko kung saan ako iniwan ni Ash. Marahil ngayon ay wala na siya at umuwi na.


Wala narin akong ganang bumalik pa sa loob at magpakita. Bahala na siguro sila dad at mom na mag-asikaso ng mga bisita. Akma na sana akong aalis nang may biglang nagsalita. Agad akong napahawak sa aking dibdib dahilan s apagkagulat at nang masilayan ko kung sino ito ay agad na sumilay ang ngiti sa aking labi at agad siyang sinalubong ng yakap at umiyak sa kanyang balikat.






"Momsy." Naiiyak kong sambit habang nakasubsob ang aking mukha sa kanyang balikat at agad naman niyang hinagod ang aking likod.






"Shhhh." Pagtatahan niya sa akin at sabay yakap sa akin ng mahigpit.






Nang kumalma na ako ay iginiya niya ako sa isang sulok kung saan may sementong upuan.


"Umupo ka muna at ikalma mo ang iyong sarili anak," saad niya at ngumiti naman ako sabay pahid sa aking mga mata kahit wala ng lumalabas na mga luha. Ramdam ko rin ang pamamaga nito kaya ayaw ko ng pumasok sa loob at tila nabasa naman ni momsy kung ano ang iniisip ko.


"Huwag kang mag-alala sa mga bisita mo ngayong gabi, inaasikaso sila ng daddy at mommy mo dahil parang alam din nila na mangyayari ito," saad niya na ikinagulat ko naman.






"Alam nila dad at mom? tanong ko na di makapaniwala.






"Yes," tipid niyang sagot na nakangiti.










Agad naman akong lumingon sa aking likuran ngunit hindi ko tanaw ang loob ng hall.




"Don't worry," ngiting saad niya and somehow gumaan naman ang loob ko dahil pag siya ang nagsalita alam kong maayos ang lahat.






"Hindi man lang po kayo nagpasabi na darating kayo ngayon edi sana pinareserve ko kayo ng upuan malapit sa akin,"saad ko at hinawi ang ilang hibla ng aking buhok banda sa aking tainga.






"Kung ginawa ko yun hindi ko makikita ang lahat. Kahit hindi ko rinig ang lahat ay alam ko at ramdam ko Alana. Wala akong pinapanigan sa aking mga apo I just want you to choose. Pag-isipan mo gaya ng sabi sayo ni Ash. Ito lang ang masasabi ko kung maha mo ang isang tao ganun din ang pagmamahal mo sa sarili mo. Love doesn't have to hurt to feel good."






















Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top