Chapter 43

KNIGHT

Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi ko parin makalimutan ang kanyang mga mata, mga matang dapat nakita ko na noon pa. Ito na ata ang kabayaran sa laht ng mga nagawa ko sa kanya. Ibang Alana ang nakita ko nung gabing iyon. Pinatay ko siya at pati anak namain ay pinatay ko narin. I was asking for abortion for christ' sake and what did I get?

Dapat lang na ganito ang danasin ko. Huling hawak ng kanyang mga kamay na para bang ayaw ko na siyang bitawan pang muli ngunit nagawa ko na. Nagawa ko na siyang bitawan noon pa. Ako lang itong si gagong sinasaktan siya ng paulit-ulit at di nakikita ang kanyang importansya.

"Iho kanina ka pa dito sa labas hindi ka ba nilalamig? Ang lamig ng simoy ng hangin baka ka magkasakit niyan at sipunin." Biglang sulpot ni nanang na may dala-dalang mainit na kape at toasted bread.

"May iniisip lang nanang," mahinang sagot ko at narinig siyang humila ng kanyang upuan at umupo. Bahagya siyang bumuntong-hininga dahilan upang lingunin ko siya.

"Matagal tagal din nung hindi tayo nagkaharap ng ganito anak oo araw-araw nagkakasalubong tayo dito sa bahay pero ni hindi tayo nag-uusap. Hanggang ngayon umaasa ako na papasok sa gate na yan si Alana dala ang kanyang sasakyan at iiyak na naman dahil sayo pero wala eh hindi parin siya pumapasok. Ilang taon narin akong naghihintay sa batang yun," saad niya na nakangiti.

Dalawa din pala ang dala-dala niyang kape.

"I'm sorry nanang, kasalanan kong lahat ito," saad ko at napabuntong hininga.

"Oh ikain mo nalang yan paborito niyo to ni Alana hindi ba. Toasted bread na may margarine at maraming asukal," tawang saad niya sabay abot sa akin ng isang slice. Napangiti naman ako sa pagkakaalala.

"Bakit nasa huli ang pagsisisi nanang?" biglang tanong habang kinakain ang toasted bread. Ayoko ng umiyak sa mga oras na ito kaya itutuon ko na lamang sa pagkain kahit na wala akong ganang kainin ito.

Napangiti naman si nanang at tinanaw ang mga bulaklak na namumukadkad sa ganda.

"Bakit nga ba laging nasa huli ang pagsisisi? Mahirap ipaliwanag, matandang katanungan pero napakasakit pag andun ka na mismo sa sitwasyon iyon katulad ngayon iho. May mga bagay na nalalaman natin sa huli ngunit bakit sa huli pa at hindi sa simula? Napakahirap sagutin pero kung iisipin at uunawain mong mabuti lalo na at sa sitwasyon mo ngayon Knight ay mapagdudugton-dugtong mo ang lahat. Ang mga bagay na ito Knight ay baka may kakulangan ka, kulang ka sa pagmamahal sa kanya at siya naman ay sobra-sobra ang pagmamahal sa iyo. Kulang ka sa atensyon sa kanya at siya naman ay halos makalimutan na niyang alagaan ang kanyang sarili. Mahal na mahal ka ni Alana, ramdam ko yun kahit palagi mo siyang sinasaktan kahit lagi mo siyang minumura mahal ka parin niya. Lagi niyang sinasabi sa akin na ayos lang dail kagustuhan naman niyang lahat yun ngunit tila naman ata sumusobra ka na sa kanya at nagdala ka pa ng mga babae mo sa sarili mo mismong pamamahay. Galit na galit ako sayo nun Knight, ako ang nagpalaki sayo hanggang sa magbinata ka dahil wala ang mga magulang mo pero itinuring kitang parang anak ko. Nagkulang nga ba ako sa lahat? Minsan tinatanong ko ang sarili ko. Kung hindi mo mahal si Alana huwag mo nalang siyang pansini at saktan hayaan mo na lamang siya. Hindi lang ikaw ang nagtatanong ng ganyan, marahil ang iba sa ngayon ay hinihiling na sana ay maibalik nila ang nakaraan at gawin ang tama ngunit di ba nila inisip na nung mga oras at araw na ginagawa nila ang mga bagay na iyon ay ang iniisip nila ay tama ang ginagawa nila. Di mo naisip Knight na nung araw na sinampal at sinasaktan mo si Alana ay sa tingin mo ay karapat dapat lang na gawin iyon sa kanya dahil sa ginawa niya sa iyo, ang maikasal sa iyo? Pinaparusahan mo siya na sa tingin mo ay tama. Sa mga desisyon na mga ginawa mo ay may resulta may nasasaktan at may nawawala. Sana sa pagkakataong ito anak ay hindi mo na uulitin pa, marahil ngayon ay pinatatatag ka ng panahon. Sa pangalawang pagkakataon mo anak sana ay ayusin mo na ang buhay mo," mahabang paliwanag ni nanang at hindi ko mapigilang hindi mapaluha.

Tinamaan nga ata ako ng husto, sapol sapol lahat sa akin. Agad ko naman itong pinahid at ngumiti ng pagkapait-pait at tinignan ang mga bulalak na dahan-dahang namumukadkad. Huli na nang napansin kong pamilyar ang bulaklak na iyon, tanim ito ni Alana at hinding-hindi ko malilimutan ang araw na iyon.

Ang araw na sinabihan ko siyan hindi kailanman mabubuhay ang tinatanim niya dahil napakahirap nitong buhayin at kahit na anong gawin niya hindi ito bubulaklak. Bleeding heart, iyon ang tawag sa bulaklak na ngayon ay tingkad na tingkad sa pulang kulay at nakahilera ang pagbubulaklak nito.

Napangiti naman ako at dahan-dahang tumayo mula sa kaing kinauupuan at tinignan lang ako ni nanang.

Nilapitan ko ang bulaklak at bahagyang hiawakan, ingat na ingat na hindi masira at hindi malaglag.

"You're in bloom," ngiting saad ko at hinayaan ang mga namumuong luha sa aking mga mata na dumaloy sa aking mga pisngi.

"Tanim yan ni Alana ah," sambit ni nanang nang makitaniya ang hinahawakan ko.

Agad naman siyang lumapit at napahawak sa kanyang bibig.

"Ang ganda hindi ko aakalain na magbubulaklak yan," sambit niya na hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala.

"Bleeding heart," mahinang sambit ko.

"Hugis puso nga at tila nahihiwa. Akala ko nga luntiang tanim lang yan kasi di naman nagbubulak tapos sabi niya sa akin yan daw ang simbolo ng pagmamahal niya sayo. Natawa nga ako sa abtang yun eh kasi berde kaya baka berde ang pagmamahal niya sayo," tawang saad niya habang inaalala ang nakaraan.

"I let go of the most beautiful woman on the face of the earth. I hurt the woman who did nothing but love me. And now here I am looking at myself, making my decision and now regretting it. I am now letting her go nanang. Dahil kahit mahal na mahal ko siya masasaktan at masaskatan ko parin siya sa piling ko. NAd maybe this is the will of the God na ibigay sa akin si Samantha at kahit na hindi siya magatatagal sa mundong ito may iiwan na naman siya sa aking anak," saad ko at napatingin naman sa akin si nanang.

"Anak mo iyon iho?"

"No, Cosntantine is not my child. Nagpa DNA test na ako at sianbi ko narin kay Samantha ang lahat ng mga nalalaman ko. Una ay nagalit siya ngunit sa kalaunan ay nahimasmasan at humingi ng tawad. Guso niya ring kausapin si Alana but I told her to wait, Hindi pa ngayon ang tamang oras.

Nung gabing iyon ay ako lang naman dapat ang pupunta dahil masama na ang kanyang pakiramdam wala narin siyang buhok dahil sa chemotheraphy pati ang kanyang mga kilay ay wala narin. Mnsan nakikita ko siyang isinusulat ang kanyang mga kilay na umiiyak kaharap ang salamin. Wala siyang namiss na event ng Pristine lagi siyang sumasama sa akin. Tinatakpan niya lamang ang lahat sa pamamagitan ng kanyang mga make up, isang pekeng buhok rin ang kanyang isinusuot.

Ilang buwan nalang rin anglagi niya sa mundong ito kaya pinayagan ko nalang rin siya. Marahil ay kinukopkop ko siya dahil naaawa ako sa kanya. Isa ngang malaking biro kung iiisipin dahil kay Alana ni hindi ako naawa noon at ngayon sa isang estranghero ay naaawa ako.

Malinaw sa kanya na kailanman ay hindi ko siya mamahalin at hindi kami magpapakasal at naiintindihan naman niya lahat. Hirap man siya ngunit alam niya kung hanggang saan lang siya.

"Kung yan ang desisyon mo anak," ngiting saad ni nanang dahilan upang mapatingala ako sa ulap at napapikit.

"Lilipas din ang panahon," mahinang sambit ko sabay nun ng pagtulo ng aking luha.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top