Chapter 42
ALANA
"Knight," I breath and I also notice that he somehow losses his weight. Kitang kita rin sa kanyang mga mata ang kalungkutan o nililinlang lamang ako ng aking paningin. Bakit ba naman siya magiging malungkot. This is what he wants right? Ang mawala na ako sa kanya.
"I think I need to go inside at bumalik ka na rin sa asawa mo. Hindi magandang tignan na magkasama tayong dalawa," saad ko at akma na sanang aalis nang bigla siyang nagsalita.
"Can we go back to the time that we met? The time you asked me to marry you," saad niya na bahagya pang natawa ngunit agad naman itong napalitan ng mga malulungkot na mga mata.
Napatingala si Knight sa langit na ngayon ay punong-puno ng mga bituin.
"You can find someone's better than me Alana. Someone who can love you back," dagdag pa niya at hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o hindi dahil tila nakita kong may tumulong luha sa kanyang mga mata.
Bahagya na naman siyang natawa at agad na pinahid ang mga luha na namumuo ulit sa kanyang mga mata and I can't help not to get hurt. Nasasaktan ako at hindi ko alam kung bakit naririto ako para maghiganti not this but it's like it's turning in another way.
"Hindi mo man lang ba ako minahal kahit konti lang?" Hindi ko na nakayanan ang sakit kaya wala na akong pakialam kung magmukhang desperada man sa kanyang mga paningin.
Kahit na ilang taon na ang lumipas hindi parin ata nawawala ang sakit kapag hindi mo ito hinarap. Dapat ko siguro atang harapin ang lahat kahit na masakit upang matanggap sa bandang huli.
Napakalakas ng tibok ng puso ko ngayon na naghihintay ng kanyang kasagutan. I guess wala na naman akong makukuha.
"It was late for me to realize it Alana, nasa huli ang lahat pati narin ang pagsisisi. Mahal kita Alana, minahal kita nabulag lamang ako ng kagustuhan ko. I'm sorry if I beat you you don't f*cking deserve such a jerk like me. You deserve much, you deserve someone else much better than me Alana. You don't know how it is hard for me to tell you this but the right thing is always the hardest one. Sign the divorce papers para maging malaya ka na, malaya ka ng gawin ang mga gusto mo, mga pangarap mo noon na hinadlangan ko. Marami kang makakamit, marami ka pang mapupuntahan at hindi mo yan makukuhang lahat pag nasa piling kita. Mahal ka ng kapatid ko from the start alam ko ng mahal ka niya that is why hindi ako kailanman nag-isip na mahalin ka kahit na sabihin sakin ni Ash na mahalin kita dahil asawa na kita, dahil kasal na tayo. Huli na ang lahat Alana, lunod na lunod na ako sa pagmamahal ko sayo and then magiging ama na sana ako ng magiging anak mo. Kasalanan ko ang lahat, kasalanan ko ang lahat Alana. Kung di ko lang sana sinama si Samantha nun ay di yun mangyayari o dapat hindi nalang kita iniwan sa lugar na yun. I hate seeing you cry. Lagi ka nalang umiiyak pag ako ang kasama mo, you love me and I love you but is it enough? Kahit na mahal natin ang isa't-isa patuloy lang nating sinasaktan ang ating mga sarili," mahabang paliwanag niya at di ko mapigilang di mapaiyak, hinayaan ko na ang mga namumuo kong mga luha na dumaloy sa aking pisngi.
"I don't know what to say," singhot ko sabay pahid ng aking mga luha.
"From the start minahal na kita Knight at ako pa ang nag-ayang magpakasal sayo. Nakakatawa diba? Pero di ka man lang kinilig. You loathe me so much. And I guess this time we are having some kind of closure. You have a wife and a child-" agad naman niya pinutol ang aking pagsasalita.
"That child is not mine. Nagpa DNA test na ako. Hindi ko pa sinasabi sa kanya dahil baka lumala lang ang sakit niya. May cancer si Samantha and I guess everything happens for a reason. Narinig ko siyang kausap ang kanyang mama. Mahirap lang sila Samantha at nabuntis siya ng kanyang dating nubyo. Nasa selda nakakulong and sentence to death. Nagawa niya yun para sa anak niya. And I guess that's my calling, to save her but not to love her," saad niya at di ko mapigilang di mapahawak sa aking dibdib.
Hindi ko aakalaing aabot kami sa puntong ito.
"And then what?"
"I'll raise that child and maybe siya ang susi para magbago ako. Kahit na mamatay na si Samantha I will not abandon the child. I will raise him like mine. Para lang tayong pinagtagpo Alana pero hindi itinadhana kahit na anong pilit natin sa isa't-isa may masasaktan at may mawawala talaga sa atin," muli niyang saad at kusa na namang tumulo ang kanyang mga luha.
"Hindi ko rin naimagine na iiyak ako ngayon," tawang saad niya at habang pinapahid ang kanyang mga luha.
"You want to go back to the time that we met right?" tanong ko at iniabot ang aking kamay sa kanya sabay abot nun ay ang siyang pagtulo naman ng aking mga luha.
"Saan tayo ngayon wifey?" Knight asked at di niya maiwasan na di maluha sa kanyang tanong.
Bahagya naman akong natawa at umiling sa kanya.
"This is where it ends Knight," mahinang saad ko at bahagya niya namang pinisil ang aking kamay at tumango naman siya.
"We should go back inside. Marami na sigurong naghahanap sayo ngayon including Ash. Baka magtawag pa sila ng mga army at navy," tawang saad niya at natawa din naman ako.
Napatingin ako sa kanyang mga ngiti, ngiting dapat noon ay ginawa na namin. Siguro ay nasalba pa namin ang relasyon na meron kami. I guess I have to sign those divorced papers.
"For you to have a life. I'll sacrifice whatever it takes just for you to have a normal life without me," huling saad niya at binitawan ang aking kamay dahilan upang lingonin ko siya na nagtatanong.
"Leave without me. He's waiting for you," saad niya at nilingon ko naman kung san siya nakatingin.
"Ash."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top