Chapter 41
ALANA
One
Two
Three
Four
Five
Six
So please
Seven
Welcome
Eight
Nine
Ms. Alana Zelith Herrera!
Ten
Dahan-dahan akong lumabas at nang iangat ko ang aking mukha upang makita silang lahat ay sari-saring mga photographer ang nagsisiflash ng kanilang mga camera. Ngumiti ako at kumaway sabay lapit sa akin ng emcee.
"My my my hindi ata ako nababagay sa stage na ito out of place ang aking kagandahan. But sad to say na ako ang emcee kaya magtitiis po kayong lahat," saad niya na ikinatawa naman ng lahat, napangiti naman ako dahil medyo pinagaan niya ang aking loob.
Inilibot ko ang aking paningin upang hanapin si Ash ngunit nagtama lamang ito sa mga mata ni Knight na kasalukuyan ding nakatingin sa akin. Para akong muling nahigop ng kanyang mga tingin making my heart beat stops.
Hindi parin ba ako nakakaget-over sa kanya?
"So Miss Alana can I ask you?" tanong ng emcee na tinanguan ko naman.
"Nakakailang events na po ang Pristine at ako rin ang emcee ngunit bakit tila ngayon ka lang po nagpakita?" tanong niya na hindi ko inaasahan.
"Well, you're right marami nga akong na miss na mga events ng Pristine dahil nasa malayong lugar ako at nag-aaral pa kung paano ipalalago ito. And now here I am masayang masaya dahil successful lahat ng mga pinaghirapan ko at dahil din sa inyo yun kaya maraming maraming salamat po sa mga dumalo ngayong gabi. Sa pagbubukas ng kauna-unahang branch ng Pristine ang unang kikitain nito ay ibibigay ko po sa mga single mothers at sa mga babaeng pisikal na sinasaktan ng kanilang mga asawa na ngayon ay hiwalay na upang makapagsimula silang muli ng munting negosyo at maiahon uli nila ang kanilang sarili," mahabang paliwanag ko at lahat ng mga taong nagsisikinig at nagpalakpakan at nakita ko naman ang aking mga magulang na tumayo mula sa kanilang kinauupuan at pinalakpakan ako. Nakita ko rin si Ash na tumayo at pumalakpak na may mga ngiti sa kanyang mga labi at nginitian ko naman siya.
"Wow that was a magnanimous answer Miss Alana. Hindi na ako magtataka kung bakit mahal na mahal ka ng mga tao. Kahit hindi ako babae na touch ako sa message mo but girl para na tayong kambal dito sa stage pansin mo?" saad niya at tila winagayway niya pa ang kanyang buhok kahit wala naman dahilan upang matawa na naman ang mga tao pati narin ako.
"Biro lang po Miss Alana ha para lang naman mapagaan ko ang hangin dito dahil pansin ko kasi kanina pa ang dalawang lalaking nakatingin sa iyo. I don't want to mention names," ngiting saad niya which makes the whole room curious at nang tignan ko ang aking mga magulang ay nginitian lamang nila ako.
"So Miss Alana bago kita paalisin dito sa stage at bago mo pa ako sisantihin ngayong gabi pwede po bang magtanong uli?"
Natawa naman ako at tumango sa kanya.
"May nagmamay-ari na ba ng puso mo? Kasi sa sobrang ganda nating dalawa I mean sa sobrang ganda mo imposible namang hindi ka taken, boyfriend or asawa?" tanong niya which I didnt again expect.
Katahimikan ang namutawi sa buong hall at tila lahat sila ay naghihintay ng aking kasagutan. Nagtama uli ang aming mga mata ni Knight but this time hawak hawak ni Samantha ang kanyang mga kamay.
"I am nobody's wife. At kung may nagmamay-ari man ng puso ko ay wala pa. Wala rin akong kasintahan na maitatawag ngunit merong tao na ayaw kong mawala sa tabi ko," saad ko at napatitig kay Ash na kasalukuyang nakatitig rin sa akin.
"Pwede ba naming malaman kung sino ito?" dagdag ng emcee at nginitian ko naman siya.
"Tawagin nalang natin siya sa pangalang Mr. A," sagot ko at tumili naman siya na para bang alam niya kung sino.
"Okay thats it for tonight sorry po Miss Alana kung napa hot seat ka ngayon. Pwede na po kayong maupo," saad niya at nginitian ko naman siya bilang tugon.
"Enjoy the rest of the night and thank you," muling saad ko at nagsipalakpakan naman silang lahat. Iginiya naman ako ng emcee pababa at hindi ko alam na inaantay na pala ako ni Ash sa baba.
Iniabot naman ni Ash ang kanyang kamay at masayang kinuha ko naman iyon. Nagsiflash naman uli ang mga camera at sumenyas naman si Ash sa mga security at alerto naman silang lumapit at inilayo ang mga medya.
Nang makarating kami sa aming upuan ay napansin kong malapit lang pala ito sa mesa nila Knight at Samantha. Hindi rin kasi kami makaupo sa mesa nila dad at mom dahil dun din nakaupo ang mga kaibigan nila pati narin mga magulang nila Ash at Knight.
"Ibang Alana ang nakita ko dun sa stage," Ash said as he took a sip of his wine.
"Is it good?" tanong ko naman at muling ngumuya ng pagkain. Medyo ginutom din akl sa stage kanina pakiramdam ko ay giniling lahat ng kinain ko sa mga ilang tanong.
"Everything you do are better, better than the Alana I have known before," saad niya na ikinangiti ko naman. Hinawakan ko ang kanyang kamay at bahagyang pinisil ito.
"Punta muna ako sa banyo," saad ko dahil kanina pa kasi ako ihing-ihi.
"Sige," tipid niyang sagot na medyo may pag-aalinlangan.
Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at nagsimula ng maglakad patungo sa likod. Nasa likod pa kasi ng hall ang banyo nila mas maganda nga iyon para makalanghap pa ako ng hangin dahil tila naubos ang dala kong enerhiya kanina.
Papalabas na ako ng banyo nang mapagdesisyunan kong tumungo muna sa kanilang munting hardin. Naingganyo kasi ako sa wishing well nila na may maliit na lampara kaya tila gusto ko munang pumunta doon kahit saglit lang.
Nang makarating na ako sa wishing well ay kinapa kapa ko ang aking suot upang humanap ng coins ngunit nakalimutan ko ata na isang dress ang suot suot ko at wala itong bulsa.
Napasinghap naman ako mula sa aking kinatatayuan nang may nagsalita mula sa aking likuran at kahit na hindi ko pa siya nagagawang lingunin ay alam ko kung kaninong boses iyon galing.
Kumabog kabog ang aking dibdib habang ramdam ko na ang kanyang paglapit ngunit di ko parin siya nagagawang lingunin dahil para ata akong naistatwa sa aking kinatatayuan.
"Alana." Hingang buga niya malapit sa aking batok napasinghap naman ako at napahawak sa aking dibdib at hinarap siya.
Ngayon ay ilang pulgada lamang ang layo ng aming mukha sa isa't-isa.
"Knight."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top