Chapter 36

ASH 
Labag man sa aking loob ang umalis at iwan silang dalawa ay wala parin akong sapat na karapatan kay Alana. Asawa parin siya ng kapatid ko. Hindi lang sana magkakamali si Knight kay Alana at baka di siya patawarin ng diyos sa gagawin niya sakaling may mangyari kay Alana. 




Nangyari na dati na sinaktan na niya si Alana at wala siya sa kanyang tabi at ngayon kapag naulit pa iyon wala ng bukas na kahaharapin si Knight kahit na magkapatid pa sila. Marahil nga ay tama ang kanilang mamay o marahil nga ay nakatadhana ang lahat. Kahit na nagdadalang tao si Alana at si Knight ang ama ay hindi parin nawala ang pag-ibig ko sa kanya. 




Tatanggapin ko siya kahit ano pa mang mangyari sa kanya hindi mawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Kahit na may nakauna na sa kanyang lahat, unang halik, unang yakap at unang pagtatalik. Kahit na iba ang nakakuha ay ayos lang sa akin, hindi naman lahat ay perpekto sa pag-ibig. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. 






 Ang alam ko lang ay mahal ko siya. Ang alam ko lang dapat ko siyang ipagtanggol. Ang alam ko lang ay mahalin siya ng walang kapalit. Simula palang nung nag-aaral kami nagsimula na ang pagkakaroon ko ng interes sa kanya. Masyado siyang inosente at dapat na bantayan, masyado siyang mabait na minsan ay inaabuso na ng iba. Isa siyang mapagmahal at masunuring anak. Ngunit nang dumating ang araw na umuwi si Knight galing sa ibang bansa ay doon na nagsimula ang lahat. Hindi ako nagkulang sa pagsasabi sa kanya kung ano ang ugali ng aking kapatid. 






Hindi ko naman sinisiraan ang kapatid ko sa kanya but I know what he is capable of doing. At hindi nga ako nagkamali. Lumuwas ako ng ibang bansa upang doon ipagpatuloy ang career ko dahil ayokong makita si Alana na nababaliw na kay Knight at wala siyang pakialam kung makailang iwas si Knight sa kanya. Ngunit nagsisisi ako kung bakit pa ako lumabas ng bansa na sana ay hindi dapat. Nangako akong babantayan at hindi mawawala sa tabi ni Alana ngunit hindi ko ata pinangatawanan iyon. Nabalitaan ko nalang na nagpakasal na sila, a private marriage. A private marriage that I get curious kaya tinawagan ko agad sina daddy at mommy. 






Isang arranged marriage ang naganap dahil ito ang kagustuhan ng anak ng mga Herrera at yun ay si Alana. Ilang araw rin akong nagkulong sa kwarto ko nung araw na iyon. Hanggang sa nabalitaan nila daddy at mommy kaya gusto nila akong umuwi ng bansa. Kinausap din ako ni mamay nung araw na iyon. Si mamay lang ang nakakaalam ng lahat, siya lang kasi ang sinasabihan ko ng mga sekreto ko kaya lubha din siyang nalungkot noon para sa akin.






 Hindi rin niya magawang bantayan nun si Alana dahil hindi siya nakakalabas ng bahay at naiintindihan ko naman si mamay doon at alam ko kung anong relasyon ang meron siya kay lolo. Napamulsa ako ng aking kamay sa aking bulsa at napapikit ng mga mata. I inhaled the fresh air the sea is giving me. It somehow helps me to relax.






 "Ano na kayang ginagawa nila?" I muttered under my breath as I open my eyes at bigla kong naalala si Samantha. 






 Napalingon ako sa aking kanang direksyon sa pagkakaalam na kasama si Samantha ngunit wala siya doon. Pinalibot ko ang aking mga mata at ni walang bakas ng kanyang anino. 




 "Nasaan ka Samantha?" mahinang tanong ko sa aking sarili. Napagdesisyonan ko ng bumalik sa loob dahil tila may narararamdaman akong may masamang mangyayari. 






 Malapit na akong makarating sa bahay nang nakita kong papalabas ng bahay si Knight.




He looks pissed na medyo ikinabahala ko. 




 Nagtama ang tingin naming dalawa at agad siyang pumunta sa aking direksyon na nag-aapoy ang mga mata.


He looks that he could punch me anytime.


 Nang makarating siya sa aking harapan ay agad niyang hinablot ang aking kwelyo. 








 "You-," saad niya na biglang naputol nang sabay kaming napalingon sa itaas ng bahay. Agad akong kinabahan dahil alam kong galing iyon kay Alana. 






 Agad kong winasiwas ang kamay ni Knight sa aking kwelyo at dali-daling tumakbo papasok ng bahay. Ramdam ko naman ang pagsunod agad sa akin ni Knight. 






 Nakita kong nakabulagta na si Alana sa sahig at walang malay agad akong tumakbo sa kanyang direksyon. 






Walang humpay ang kabog ng aking dibdib at panginginig ng aking kamay at kalamnan. 






 "N-no no no f*ck," I cursed under my breath at agad na napalingon sa itaas at nakita si Samantha na nakatingin din sa aking gawi.

 Nakita kong sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. 




Hindi muna ako mag-aaksaya ng oras sa kanya kailangan kong madala sa hospital ngayon si Alana. 




 Nang kunin ko ang aking kamay sa sahig ay doon ko lang napagtantong may bahid na ito ng dugo. Dahan-dahan kong nilingon ang binti ni Alana at doon nga nanggaling ang mga sariwang dugo. 






 "No no no your baby," garalgal kong sambit at agad siyang binuhat at di na pinansin si Knight sa aking harapan na tulala.








 "Where are you taking her?" tanong niya nang malapit na kami sa pinto. 







Hindi ko na siya nilingon at sinagot at agad na itinakbo si Alana sa aking sasakyan. Medyo malayo pa ang syudad mula sa lugar namin ngayon pero gagawin ko ang lahat makarating lang sa hospital. Dali-dali kong binuksan ang pinto ng sasakyan at agad siyang inihiga sa back seat at nang ma sigurado kong okay na siya ay agad akong pumasok sa front seat.


 Nanginginig kong isinuksok ang susi sa sasakyan upang patakbuhin ito at di ko na namalayan na umiiyak na pala ako. Napapikit ako ng aking mga mata at huminga ng malalim.


 Kailangan kong kumalma para makapag-isip ng maayos. I started the engine and drive fastly. Mabuti nalang at wala masyadong sasakyan sa daan. 








 "Please please malapit na tayo Alana. Don't go don't go don't go f*ck please! Dali Ash ano ba!" Sigaw ko and trying to calm myself again. 








Medyo tanaw ko na ang malaking hospital at nagpapasalamat ako dahil tila gumagawa ang tadhana ng paraan upang madala ko si Alana sa hospital agad-agad. Nang makarating na ako malapit sa emergency room ay agad akong bumaba sa sasakyan at agad na kinarga si Alana.












 "Nurse! Nurse! Please!" Sigaw ko at ilang mga nurses din at utilities ang lumabas at kumuha ng stretcher. Agad ko namang inihiga si Alana at dali-dali naman nilang ipinasok si Alana sa loob.








 "Alana," sambit ko at agad na may doktor na lumapit sa akin.






 "Kasalukuyan na siyang inaasikaso ng mga admitting physician sa loob. Andito ako para tulungan sila. Anong nangyari sa pasyente mo?" tanong niya at agad naman akong napahilamos ng aking mukha. I need to calm down.






 "I am Dr. Vergara, Caleb and please I need you to calm down Sir," saad niya at marahan pang hinagod ang aking likod. 






 "She fell, nahulog siya mula sa second floor," sagot ko ng makakuha ako ng lakas ng loob. 








 "Is she pregnant?"






 "Yes, she is. Sh*t please please save her and the child," pagmamakaawa ko at ramdam ko na naman ang pagtulo ng aking mga luha. 










 “We can’t assure you on that, but we will do everything to save them both. But now I need you to go to the admitting section to give the information that needed of the patient," saad niya at agad naman akong tumango. 









 Pagkatapos kong maibigay sa admitting officer ang mga data na kailangan nila ay agad akong bumalik sa emergency room nang salubungin agad ako ng doktor na kausap ko kanina. 








 "Kamusta na siya doc?"








 "We did everything and we found out na wala ng heartbeat ang bata. Kailangan naming kunin ang bata sa loob upang maisalba ang iyong asawa. We are sorry we did everything we got. Ginawa namin ang lahat para maligtas ang mag-ina mo but we assure you that your wife is safe. Just the baby," mahabang paliwanag niya at agad naman akong napasuklay ng aking buhok. 










 "Wala na ang baby?" Ulit kong tanong at tila ba hindi parin napoproseso ng aking utak ang lahat. Masyadong mabilis ang mga pangyayari.












 "I'm sorry Sir, kailangan ko po munang bumalik sa loob," mahinang saad niya at tuluyan na akong iniwan.









Para akong nanlumo nang marinig ko ang sinabi ng doktor. Gusto kong umiyak at sumigaw pero di ko magawa. Masasaktan nito si Alana at wala ng may mas isasakit pa pag nakikita kong nasasaktan siya. Kahit na hindi ako ang ama ng kanyang dinadala ay para narin akong nawalan ng magiging anak. Shit this is all my fault dahil iniwan ko siyang mag-isa doon. 




Kung sana ay di nalang ako lumabas ng bahay at ininsist na dun lang sa tabi niya siguro ay hindi ito mangyayari. 


Napakaraming sana pero hindi ko naman nagawa.


Kasalanan kong lahat ito.






Lahat ng ito ay hindi mangyayari.




Dapat ay hindi ako nagtiwala sa kapatid ko dapat ay hindi ko inalis ang tingin ko sa babaeng iyon. 




I need to get rid of her after this.




Humanda siya sa akin.






























Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top