Chapter 33

ASH 
 "If you can wait then you can have my answer." 

Those are the words that keeps chanting in my head.

 Ngunit bago pa man ako makalapit sa kanya ay nakita ko na ang bagay na itinatago niya sa kanyang likuran. At kung hindi ako nagkakamali ay mga papeles iyon ng mga divorced papers nila ni Knight. Hindi ko alam kung masama akong kapatid sa kanya dahil tila inaagaw ko ang kanyang asawa. Masamang tingnan sa mga mata ng mga tao pero ano ang magagawa ko? Mahal ko si Alana and I can't let people decide whom I should love or not. 




Kung sa pagiging modelo ay iniisip ko kung ano ang iisipin ng mga tao sa akin ay ang siyang nagpapasikat at tila nagiging perpekto sa kanilang mga paningin ay mahalaga pero I would not let my brain consume all of me. Kung sa paningin ng mga tao ay sinulot ko lang ang asawa ng aking kuya the hell I care. 




Wala akong pakialam sa kanilang mga mapanirang mga mata at mga bibig.  





Wala at hindi ko responsibilidad na mabuhay ayon sa inaakala ng mga tao o ang gusto nilang makita sa akin. Hindi ko responsibilidad ang mabuhay sa kanilang ekspektasyon, if that’s the hell what they think about me then so be it. It’s their mistake after all, not mine.


At kung pipirmahan man iyon ni Alana ay may malaking posibilidad na pwede ko siyang kunin yun ay kung papayag siya. Knowing her alam kong hindi siya agad-agad na papayag. Napakalaking komplikadong buhay ang susuungin niyang mag-isa ngunit dahil sa kanyang sinabi kanina tila ata bingyan niya ako ng panibagong pag-asa.


Aasa nga ba ako o napilitan lamang siyang sabihin iyon sa akin?




Masakit parin para sa akin na tignan ang kanyang kalagayan. Nagpakasal siya sa kapatid ko at ngayon ay buntis siya at ang kapatid ko naman ang ama. Ano ba ang dapat kong gawin?


Tatawagin ko ba si Knight? Sasabihin kung nasaan kami ngayon o hahayaan na lamang ang tadhana na magpasya ng lahat?


Dapat ngang gawin ang nararapat, dapat gawin ang tama pero bakit tila labag naman sa loob ko?


Nung gabing iyon na nagpasundo siya sa akin ay walang humpay ang kabog ng puso ko. Hindi malaman-laman ang gagawin. Napakalayo ng aking lugar sa kanya but I need to think fast. Nasa kalagitnaan kami ng isang meeting at naiwan ko pa ang cellphone ko sa mismong desk ko at kung hindi pa iyon napansin ng makeup artist ko ay hindi ko masasagot ang kanyang tawag.


At nang makita ko siyang basang-basa sa ulan at nakatayo ay tila ba gusto kong tumalon agad salubungin siya ng aking mga yakap. Kitang-kita ko ang kalungkutan at sakit sa kanyang mga mata, mga emosyon na si Knight lamang ang nakakagawa. Hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung gaano kasakit na makita ang babaeng minamahal mo noon ay sinasaktan ng paulit-ulit ngayon.




Kung sana ay ako nalang.


Ako nalang sana ang minahal mo Alana.




Ako nalang sana ang pinili mo.


Kung sana nagkaroon agad ako noon ng lakas ng loob na ikumpisal sa iyo ang nararamdaman ko ay siguro iiba ang ikot ng mundo pero hindi, isa akong malaking duwag.


Narinig ko palang ang boses mo at ang iyak mo ay parang gusto ko ng liparin ang Palawan papunta sayo.


Isa nga ba akong duwag?




Isa ba akong mang-aagaw?


Bakit di ko magawa-gawang lumingon sa iba?


Sa iba ko nalang ituon ang aking pansin.


Ano nga ba ang papel ko sa mundong ito?


Minsan napapaisip ako sa mga sinabi sa kin ni mamay nung siya mismo ang sumundo sa akin sa airport. Dinala niya ako sa isang kilalang restaurant alam kong may sasabihin siya dahil hindi naman siya nag-aaksaya ng oras kung hindi naman importante. But I am still happy dahil siya ang sumundo sa akin it she tells me to keep it a secret.




FLASHBACK
Tetsuya’s Resto
“Order now,” saad ni mamay na ikinatango ko naman at agad na tinignan ang menu.


“Okay, I’ll have beef plum and smoked butter and Meletti 1870,” saad ko at agad namang naglista ang waiter na naghihintay sa amin. Ngumiti naman siya at bumaling kay mamay.


“I’ll try this spanner crab and clam vinaigrette same drinks too,” saad niya at agad namang tumango ang waiter at umalis.


“Thank you sa pagsundo sa akin mamay,” saad ko at ngumiti naman siya.


“No worries apo and besides, you are going to live with your kuya from now on,” saad niya na ikinagulat ko, I was not expecting that. Nakakuha na ako ng condo sa lugar na ito and I can’t stay in that house knowing that I will see her every day and every corner of that house there is no way.


“May condo na ako mamay no-” Hindi niya na ako pinatapos ng pagsasalita dahila gad niya itong pinutol at matatalim na mga titig ang iginawad niya sa akin.


“I’m not asking you Ash,” saad niya at napatahimik naman agad ako.


“I know that you have feelings for her but she’s in danger when she is around with Knight. Hindi ko alam kung bakit tila nagbago ang batang iyon. Hindi naman siya ganun dati. I’m sorry if you think I am using you for the sake of Alana but ikaw lang ang nasa isip ko nang makita ko siya apo. I remind me of myself, so weak…so fragile and I don’t want her to end up just like me right now. I want her to taste happiness and that happiness Knight cannot give,” mahabang saad niya at di ko mapigilang di nalang mapatitig kay mamay.




Yes, kita ko noon pa bata pa lamang kami ni kuya kailanman ay hindi namin siya nakitang ngumiti kasama si lolo. Ngumingiti lamang siya kaag kasama kaming mga apo niya pero aagd naman iyong napapawi kapagka nakikita niya si lolo.


“Sometime a man’s purpose in a woman’s life is to help her become a better woman…for another man,” she said looking through my eyes.






Yun parin ang tumatatak sa aking isipan.


Yun parin ang palaisipan para sa akin.


Yun nga ba ang papel ko sa buhay ni Alana?




Isang tulay?




Isang tagapagligtas?




A second male role?




Hindi ba ako karapat dapat para sa kanya?




Kaya kung akuin ang lahat mahalin niya lang ako.




Kaya kong pasanin ang kanyang mundo, mabigat, masakit at mahirap man ito.






“When a man really loves a woman, there is no limit. I’ll save you from him Alana.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top