Chapter 31

ALANA
Makalipas ang isang buwan...


Magdadalawang buwan na akong buntis at magpahanggang ngayon ay hindi parin ako natutunton ni Knight. Malaking pasasalamat ko kay Ash dahil kahit papaano ay hindi niya pinagsasabi sa aking magulang kung nasaan kami. Medyo unfair nga lang ako kay Ash dahil magdadalawang buwan narin siyang naririto sa Palawan at marami na siyang na cancel na mga opportunities sa buhay niya.


Makailang pakiusap narin ng manager sa kanya na bumalik na sa industriya at ipagpatuloy ang kanyang nasimulan ngunit tinanggahin niya iyon lahat ngunit hindi naman siya maglalaho sa mga mata ng mga tao.


 
At iyon naman ang ipinagpapasalamat ng kanyang manager dahil asset siya nito. Magbabakasyon lamang daw siya at pagkatapos ay babalik din siya sa mga kamera.




Nahihiya narin nga ako sa kanya dahil siya ang nagbibigay ng mga pangangailangan ko. Kahit na makailang ulit ko ng tinangkang lumayas at umalis ay lagi niya akong naabutan at sinasabihan na huwag na umalis.


Hanggang ngayon ay hindi ko parin sinasagot ang pagkukumpisal niya sa akin ng kanyang pag-ibig. Masyadong mabilis ang lahat, masyadong mabilis ang mga pangyayari.




Marahil ay naaawa lamang siya sa kalagayan ko kaya nasabi niya ang mga bagay bagay na hindi dapat. Kapatid siya ni Knight for goodness sake ayokong masira ang relasyon namin ni Ash. Mabait at responsable si Ash at hindi siya mahirap mahalin ngunitmas mabuti pa atang maging magkaibigan na sa muna ngayon.




Mas inaalala ko ang anak ko. Inaalala ko ang kanyang kinabukasan. It's not about the money, it's about the family. Anong gagamitin niyang apelyedo? Kung sa aking apelyedo ang gagamitin niya ay okay lang naman sa akin pero paano kapag mag-aaral na siya, paano kapag may mga kaibigan na siya.




Tatanungin siya kung bakit wala man lamang siyang middle name o ano, ayokong mabully ang anak ko sa eskwelahan. Napakaraming paano sa isip ko na tumatakbo, I can't help not to think about it.


Alam na ng mga magulang ko ang tungkol sa pagbubuntis ko at ganun nalang din ang kagustuhan nila na makita ako. Naiintidihan ko na nag-aalala sila sa akin, mga magulang ko sila at ako lang ang nag-iisa nilang anak.


Pinakiusapan ko muna sila ng ilang buwan at pumayag naman sila sa kagustuhan ko. Ayoko lang kasi na matunton pa ako ni Knight, dahil pag nalaman ng mga magulang ko ay malalaman niya rin and that is a bad news.




Kasalukuyan akong nagpapahangin sa labas ng bahay. Bahagya akong napaupo sa duyan at pinikit ang aking mga mata. Hinding hindi ako magsasawa sa ingay ng dagat, sa lagaslas ng tubig patungo sa mga buhangin. Sa simoy ng maalat na hangin na galing sa dagat.


Sa mga dahon na nahuhulog paisa-isa, sa mga ulap na minsan ay kulay asul, minsan naman ay parang malalambot na mga cotton at kahit minsan ay makulimlim ang dagat at nakikita ang kidlat ay napakaganda parin sa aking paningin.




Napamulat ako ng aking mga mata nang biglang may nagsalita sa aking likuran. Napahawak ako sa aking dibdib dahilan sa pagkagulat.


"Ash, ginugulat mo ako palagi," saad ko at napalingon sa kanyang gawi.




Napatawa naman siya ng bahagya habang nakapamulsa. Nakasuot siya ng puting tshirt at nakamaong at naka tsenilas and he still looks as handsome as hell kahit sinong babae ay mapapalingon sa kanya.




"Sorry." Paghingi niya ng paumanhin at napabuntong hininga.




"Hindi mo naman ako responsibilidad Ash. Bakit ba hindi mo nalang ako hayaan na umalis, I can take care of myself. I'm a Herrera baka nakakalimutan mo," saad ko at narinig ko na naman siyang nagbuntong hininga at ngayon ay tila malalim na naman ang kanyang iniisip.




"That's the fact, you're a Herrera at yun ang ikinakatakot ko na isa kang Herrera. Alana please stay here I don't care if that's my responsibility or not just stay here...with me. Kahit na wala akong makuhang sagot mula sayo it's okay. I know masyadong napakabilis ng mga pangyayari at ako naman itong si gago kinompesal agad sayo ang nararamdaman ko. I can wait Alana, for you I can wait because you are worth it," saad niya at dahan dahang tumalikod at akma na sanang aalis nang biglang bumukas ang bibig ko na kahit ako ay nagulat sa mga salitang lumabas.




"If you can wait then you can have my answer," saad ko at napakagat narin ako sa mismong mga labi ko ngunit wala akong narinig mula sa kanya subalit nagpatuloy na lamang siyang umalis.




Hawak hawak ko na ngayon ang mga papel, papel ng aming kasal. Dahan dahan kong kinuha ang folder mula sa aking likuran dahil ayoko itonh makita ni Ash. Mabuti nalang at nailagay ko ito sa likod ko kanina habang nagmumuni-muni.




Hindi mo aakalain na ang kasal niyo ay masisira ng isang papel na may tinta ng pirma ninyong dalawa. Isang papel lang at tapos na ang mga pinagsaluhan niyong mga taon. Papel na naglalaman ng aproba niyong dalawa na maghiwalay, maghiwalay na pang habang buhay. Alam ko naman simula nung una palang na mapupunta rin ako sa ganito, kakaharapin ang isang papel na naghihintay ng pirma ko. Napatitig ako sa pirma ni Knight, di ko namalayan na nangingilid na naman ulit ang mga luha sa aking mga mata.




Napakahapdi.




Napakasakit.


Nakakapang-awa.




Napahawak ako sa parte kung saan ang kanyang pirma sabay patak ng aking mga luha na agad kong pinahid.




"Ano kaya ang iniisip mo noon Knight habang pinipirmahan mo ito? At ano naman kaya ang iniisip at ginagawa mo ngayon?" bulong ko sa sarili ko habang hawak-hawak ang isang ballpen kasabay nun ang pag-ihip ng hangin sa aking buhok at pisngi.




"Hindi ko kaya," saad ko habang ang dulo ng ballpen at halos nasa papel na.




Agad kong isinara ang folder ay muling inilagay sa aking likod. Napahilamos ako ng aking mukha at hinayaan na muna ang mga luha ko na dumaloy sa aking mga pisngi.




Napahaplos ako sa aking tiyan at napatingin sa dagat.




"Sorry baby pero baka mamayang gabi o bukas ay makakaya ko na. Sorry if mommy always cry. Promise ko sayo na hindi na ako muling iiyak. Mahal kita anak ko."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top