Chapter 29
ALANA
I groaned as I felt my head throbbing in pain. Pikit mata kong hinilot ang aking sintido at ramdam ko ang pamamalat ng aking lalamunan.
I need water.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nasilaw sa sinag ng araw. Marahan akong umupo at inilibot ang aking paningin. Nasa loob ako ng isang kwarto, malapad ang kama at napaka-elegante ng mga gamit at halatang mamahalin lahat at sa loob ay meron naring banyo nakabukas kasi ng kaunti ang pinto kaya kitang-kita ko ang loob. Napalingon ako sa kanang direksyon ko at ngayon ko lang napagtantong nasa mataas akong lugar. An kwartong ito ay nasa itaas.
Kitang kita ko ng dagat at mga puno. Rinig na rinig ko rin ang lagaslas ng dagat patungo sa buhangin, walang ka ingay ingay ang paligid. Napakasarap magmuni-muni at magpag-isa. This is exactly what I want, what I needed.
"Ash," sambit ko ng pabulong.
Sinundo ako ni Ash.
Akma na sana akong babangon sa aking kama nang mapansin kong wala akong saplot sa aking buong katawan. Halos wala, wala rin akong suot na underwear o bra.
"Sh*t what happened?" Pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi. Napahilot ako sa aking ulo sa pag-iisip nang mahagip ng aking mga mata ang isang maliit na papel na may nakasulat.
DRINK ME
Iyon ang nakasaad sa sulat na nakadikit sa isang baso na may lamang tubig. Katabi naman nito ay ang isang pinggan na may isang malaking sandwich na siksik sa gulay at karne na palaman. Alam na alam parin ni Ash ang gusto kong pagkain, simula nung nag-aaral pa lamang kami ay lagi siyang may dala-dalang pagkain na ganito nang malaman niyang iyon ang paborito ko. Samantalang hindi kailanman inalam ni Knight kung ano ang mga paborito ko pero baka ako nga ang may kulang dahil hindi ko naman ito sinasabi sa kanya.
Napasadahan ko ng tingin ang pinggan nang may nakita akong isang maliit rin na papel na may nakasulat tulad nung nasa tubig.
EAT ME
Bahagya akong napangiti sa kanyang ginawa. Parang Alice in wonderland lang ang gusto niyang eksena.
"Siya yung kainin ko diyan eh," saad ko at agad ko namang ipinilig ang ulo ko na para bang nasisiraan na ng bait. Parang iba kasi ang kahulugan o ako lang talaga ang nagbibigay nito ng malisya.
Napasinghap naman ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Agad kong hinila ang kumot sa aking katawan at mahigpit itong hinawakan.
Napatingin ako sa pinto at hinihintay kung sino ang papasok nang iniluwa nun si Ash.
"You're awake," sambit niya na may mga ngiti sa kanyang mga labi, bakas sa kanyang mga mata ang pagkagalak ngunit di rin maitatago sa ilalim ng kanyang mga mata ang konting pangingitim. Marahil ay puyat siya kagabi.
"Ash," mahinang saad ko at napaupo ngunit mahigpit parin ang pagkakahawak ko sa kumot.
"Don't worry wala akong nakita sa katawan mo. Yes, aaminin kong ako ang...you know... ang nagbihis sayo kasi basang basa ka ng ulan nung gabing yun eh. Bakit ka ba kasi nagpaulan? Mabuti nalang malakas ka at hindi ka nilagnat himala nga eh kasi masakitin ka naman noon. Maputla ka lang ngayon pero promise wala talaga akong nakita sa katawan mo itaga mo pa sa bato tamaan man ako ngayon ng kidlat. Oo siguro na...may nahawakan akong balat mo p-pero natural lang yun kasi binibihisan nga kita Alana. S-siguro nahawakan ko din yung maselang parte ahhh! Ano ba!" Tila nag hehesterikal na siya sa paroo't parito na kakalakad na ikinatawa ko naman.
"It's okay Ash," saad ko pero tila hindi niya ako naririnig.
"Ash!" Sigaw ko dahilan upang matigil siya sa kanyang ginagawa ay hinarap ako.
"It's okay, ako dapat ang humingi ng despensa dahil tila naabala pa kita nung gabing yun. Inasikaso mo pa ako. Sinundo mo ako sa dis oras ng gabi. Kinuha ko ang oras mo, I know you are a busy man and-," hindi ko na napatapos ang aking dapat na sasabihin nang bigla siyang nagsalita.
"Hindi ka aksaya ng oras Alana tandaan mo yan. Tanga lang ang lalaking mag-iisip nun. You're worth it, every second every minute every hour kahit saang lupalop ka man ng mundo kukunin kita because I-," hindi na niya napatapos ang kanyanh huling salita nang bigla akong tumakbo papunta sa banyo.
Hindi ko narin inalintana ang kumot na dapat ay nakabalot sa aking katawan, hubo't hubad akong napatakbo sa banyo at sumuka. Wala na akong pakialam kung nariyan si Ash sa aking harapan. Sumuka ako ng sumuka kahit na walang lumalabas sa aking bibig, mapait lamang na tubig at laway ko ang lumalabas ngunit tila ba hinahalukay ang aking sikmura. Agad naman akong tinakbuhan ni Ash na may dala dalang tuwalya na ibinalot sa aking likod sabay hagod sa aking likod.
Medyo gumaan ang aking pakiramdam dahil sa paghagod niya sa aking likod. Binigyan niya ako ng tubig at agad ko naman din iyong ininom. Natigilan naman ako sa aking ginagawa nang may maalala ako, bigla akong kinabahan.
"Alana, are you okay? You want me to get something for you? Gusto mo ba tumawag nalang ako ng doktor? Right, yes dapat tumawag ako ng doktor," sambit niya at akma na sanang aalis pero agad ko siyang pinigilan.
"No, okay lang ako. I don't want a doctor."
Inilibot ko ang aking mata sa loob ng kwarto.
Walang kalendaryo.
"Ash, can I borrow your phone?" mahinang saad ko at nanginginig kong iniabot ang aking kamay sa kanya. Tinignan niya naman ito na tila ba nagtataka ngunit sa kalaunan ay tumango siya at dinukot sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone.
"Sure, here," saad niya at iniabot sa akin agad ko naman itong kinalikot and I was surprised dahil wala man lang itong ka password password. At nang tinipa ko ang menu bar ay bumungad sa akin ang mukha ko. Oo, mukha ko hindi dapat ako magkamali dahil kilala ko ang mukha ko. Akma niya na sana itong kukunin sa aking mga kamay nang mapansin niyang tila natigilan ako ngunit iniwas ko ito sa kanya. At nang makita ko ang calendar app ay agad ko itong pinindot.
Halos kumabog ang dibdib ko sa natuklasan ko.
Isang buwan na akong delay.
Isang buwan na akong walang dalaw.
I am always on time.
Hindi ako kailanman nadelay sa period ko.
Dahan-dahan kong nabitawan ang kanyang cellphone at napatingin sa kawalan.
"I'm pregnant."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top