Chapter 28
ALANA
Napagpasyahan kong hindi na umuwi ng bahay dahil baka dun niya pa ako abutan at tumagal pa ang aming diskusyon. Wala akong laban sa kanya alam ko yun kaya kung maaari ay aalis na ako sa lalong madaling panahon kahit na gabi pa ngayon. Good thing dala ko ang wallet ko na laman lahat ang mga cards ko at cellphone ko. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao ngayon, nakasuot parin kasi ako ng dress at kinuha ko narin ang mga jewelries sa aking katawan.
I don't need them lahat ng iyon ay galing kay Knight. Butil butil na ng pawis ang namumuo sa aking noo at di na malaman laman kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Napagpasyahan kong maupo na muna sa isang bakante na bench kasama ang mga taong nagdadate. Napabuga ako ng hininga dahil sa layo ng aking inabot. Ngunit hindi dapat ako tumigil, I need to think. Hinubad ko muna ang suot suot kong heels upang makapag pahinga naman ang mga paa ko.
"Think Alana think please calm yourself," sambit ko habang tinitipa tipa ang cellphone ko. Pumunta ako sa aking contacts at napatigil ako sa isang pangalan.
Bully Ash
Walang pagdadalawang isip na tinipa ko ang call at hinintay itong mag ring.
Pigil hininga kong inaantay ang kanyang pagsagot ngunit wala parin.
Nakakadalawang missed call na ako at hindi parin niya ito sinasagot. Hindi parin ako nawawalan ng pag-asa kaya inulit kong dinial ang kanyang numero.
And within just a ring he immediately answered it. Para akong nakahinga ng maluwag nang masagot niya ang kanyang cellphone.
"Ash?!" Sigaw ko dahilan upang mapatingin ang mga tao sa aking gilid ngunit inignora ko lamang sila.
"Alana? Sorry ngayon ko lang napansin nasa kalagitnaan kasi ako ng meeting with my manager. What seems to be the problem bakit ganyan ang tono ng boses mo? Where are you? Are you okay?" Sunod sunod niyang tanong at kahit hindi ko pa siya sinasagot ay tumulo na naman ang mga luha ko. Bumalik na naman ang sakit. Napahikbi ako at yumuyugyog na naman ang aking mga balikat. Wala na akong pakialam sa mga nakapaligid sakin.
"Sh*t! Alana! Are you okay? Please talk to me! Answer me! Where are you?! I'll come pick you up kahit nasaan ka pa ngayon. Kahit nasa Palawan ako I'll be there just tell me where the f*cking are you!? Answer me please susunduin kita." Dinig na dinig ko sa kanyang boses ang pag-aalala at pagkabalisa.
"Ash," saad ko at humihikbi.
"Okay huwag mo na akong sagutin sa kung ano man ang nangyari. We will talk later, saan ka ngayon?"
Agad ko naman din siyang sinagot. Pinahid ko ang aking mga luha at kinalma muna ang aking sarili. Sinabi ko sa kanya kung nasaan ako ngayon at itinuro naman niya ako sa isang lugar kung saan niya ako susunduin. Gagamitin niya raw kasi ang private helicopter niya at dun lang niya pwede itong ibaba. Yun din kasi ang gamit niya nung pumunta siya sa Palawan.
"Okay, malapit naman diba yan sa kinatatayuan mo ngayon? You think you can manage? It's okay kung hindi mo kaya, ako na ang pupunta sayo," saad niya at narinig ko naman ang kaluskos ng mga gamit. Tila nagmamadali narin siya at rinig ko rin ang pagtatanong sa kanya ng kanyang manager which naiintindihan rin ito ng kanyang manager at tila tinutulungan pa siya.
"I can manage Ash malapit lang naman," saad ko at nagsimula ng maglakad bitbit bitbit ang aking heels.
"Sige mag-iingat ka tignan mo ang dinadaanan mo kukunin pa kita huwag kang tatanga-tanga sa daan kilala kita. So first things first, turn off your phone or better yet itapon mo nalang yan. Knight will easily tract you with that. I can buy you a new one," saad niya at tumatango tango naman ako kahit hindi niya ako nakikita.
"Paano mo ako maco-contact?" tanong ko habang palinga linga sa daan kung may dadaan bang sasakyan bago ako tumawid.
"Just be in that place okay, I'll be there. I'll hang up now. See you there be careful Alana," saad niya bago niya patayin ang tawag.
"Thank you Ash, hindi ko na alam saan ako pupunta. I owe you one," sagot ko at tila naman natigilan siya.
"Anything for you, see you later," saad niya at narinig ko na ang pagpatay niya ng tawag.
Gaya ng sabi niya agad kong tinurn off ang aking cellphone ngunit nakahagip ang aking mga mata ng malaking basurahan.
"Yes, mas mabuting itapon ka nalang," saad ko at naglakad papunta sa basurahan. Tinignan ko muna ng ilang segundo ang aking cellphone at napatakan ito ng isang luha. Napasinghap ako nang may maramdaman akong tumulo sa aking batok, isang malamig na tubig. At walang ano ano ay bumuhos ang malakas na ulan.
Itinapon ko ang cellphone sa basurahan without taking a second glance on it. Tsaka ko na siguro sasabihin kila daddy at mommy kung nasaan ako. Makikigamit na muna ako ng cellphone ni Ash.
Marahan akong naglakad papunta sa aking destinasyon na hindi alintana ang ulan at bitbit ang aking heels. Nakakasalubong ko naman ang mga tao na nagmamadali sa kanilang paglakad at pagtakbo dahil sa nagraragasang ulan. Samantalang ako ay tila nilalasap ang mga patak nito at ang malamig na simoy ng hangin na para bang ito na ang huling lakad ko sa lugar na ito. I want to go far away, far away from here, far away from him.
"Ash why are you so good to me?" sambit ko at kita ko pa ang malamig na usok na lumabas sa aking bibig. It's getting cold.
Malapit na ako sa aking destinasyon at hindi ko alam kung anong oras pa siya dadating.
"Knight why are you like that?" sambit ko at tumulo na naman ang mga luha ko kasabay ng paglagaslas ng ulan sa aking mukha.
Nasa lugar na ako ng aming pagkikita ni Ash nang mapaupo ako uli sa isang bakanteng upuan. Ash will easily find me here.
Napatingin ako sa madilim na kalangitan at hindi alintana ang pagpatak ng ulan sa aking mukha. I close my eyes at hinayaan ang aking sarili na umiyak. I want to cry more hanggang sa mapagod ako at sa pag-alis ko sa lugar na ito ay hindi na ako muling iiyak pa. Ibubuhos ko na ang lahat lahat dito.
Ilang taon akong nagpaalila kay Knight bilang asawa niya sa batas ngunit hindi sa mata ng mga tao. Hinahayaang saktan at manipulahin ang aking pagkatao. Sumusunod sa kanyang mga kagustuhan. Naghintay ng pagkatagal tagal at umasa sa kanyang mga salita ngunit sa huling hantongan pala ay mas matimbang parin ang babaeng una niyang naging kasintahan.
I meant nothing.
My vision was getting blur.
Para akong nahihilo at nasusuka.
Ilang oras na akong naririto at wala parin si Ash hanggang sa tumila na ang ulan.
Ilang minuto pa ay nakarinig na ako ng isang malakas na ingay na tila nanggagaling sa itaas. Agad akong tumayo mula sa aking kinauupuan upang salubungin ito at tama nga ako. It was a helicopter at kitang kita ko na si Ash. He looks worried at tila ba sumesenyas senyas pa pero hindi ko maintindihan. Nakatayo lamang ako at hinintay na bumaba ang sasakyan niya.
"Alana! Sh*t you look pale basang basa ka pa nagpaulan ka ata sh*t hey naririnig mo ba ako? Alana?" sigaw niya dahil narin sa ingay ng helicopter at wala akong nasagot kundi ngitian lamang siya. At nang lalapit na sana ako sa kanya ay biglang umikot ang aking paningin at narinig siyang sumigaw at di ko na mawari ang kanyang mga sinasabi.
And everything went black.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top