Chapter 23

ALANA
Nung araw na iyon ay walang sawa naming inangkin ang isa’t-isa that supposedly ay may pupuntahan kami kaya hindi na niya ako pinagtrabaho pero hindi na natuloy. Hanggang ngayon ay di parin ako makapaniwalang ganito na ang nagyayari sa aming dalawa. Totoo nga bang nangyayari ito ngayon o pawang panainip lamang itong lahat? Napakahabang panaginip na kung panaginip man nga ay ayaw ko ng magising. Dito na kami kumain sa kanyang kwarto, napadeliver na lamang si Knight ng pizza at iba pang mga fast food. Buong araw kaming nanatili sa kanyang kwarto hanggang sa gumabi.


Nasa tabi ko ngayon si Knight at kaharap ko, napakaamo ng kanyang mukha, napakagandang tingnan. For how many years. he is worth it kahit na marami na akong napagdaanan sa kanya but I won’t mind those things. Pero hindi parin maialis-alis sa aking isipan kung kailan niya ako ipapakilala bilang kanyang asawa. I know, I know na medyo nagmamadali ako pero sa kbila ng maraming taon ay gusto ko ring maranasan na hindi magtago sa mga mata ng mga tao, gusto kong makilala nila ako bilang asawa ni Knight. Gustong-gusto kong itanong sa kanya kung kailan pero bakit hindi ko magawa-gawa.

 Maybe it’s too early.




Hinaplos ko ng dahan-dahan ang mukha ni Knight upang di siya magising ngunit nakita kong sumilay ang kanyang mga labi ng isang nakakalokong ngisi.




“Ang aga mong nagising.” Ngiting saad niya at hinawakan ang aking kamay na kasalukuyang nasa kanyang pisngi at hinalik halikan ito. Di ko napigilang di mapangiti.




“May trabaho pa tayo, hindi ayo pwedeng umabsent at lalong lalo ako dahil kabago-bago ko pa lamang. Atsaka baka magtaka din ang mga nagtatrabaho doon.” Mahinang saad ko sa huling salitang lumabas sa aking bibig, atat na atat ba talaga ako?




“Yes, hindi na tayo nakapunta sa dapat nating pupuntahan sorry about that at umabsent ka pa,” saad niya at bahagyang hinalikan pa uli ang aking kamay.




“Uhm Knight, can I ask a thing?” tanong ko dahil hindi talaga ako mapakali pag hindi ko ito itatanong, I’ll accept whatever his answer will be.




“Sure thing baby alam kong may itatanong ka, kitang-kita sayong mga mata.” He chuckled and wink at me.




“Kailan mo ako ipapakilala bilang asawa mo?” Lakas loob kong bintawan ang mga salitang iyon at para bang nakikipagkarera sa kabayo ang tibok ng puso ko dahil sa kanyang mukha. His face became serious at dahan-dahan niyang binitawan ang aking kamay which makes my heart skips a beat. Gusto ko sanang bawiin ang mga sinabi ko dahil baka magsisi siya sa mga nangyari sa amin, I want to take it back.




“Mangyayari din yan, please I want you to wait,” saad niya na nakapanlumo sa akin. Alam ko naman sa sarili ko na napakabilis naman kung iaanunsyo niya sa lahat na ako ang asawa niya pero there’s a room in my heart na naging malungkot dahil hindi iyon ang ineexpect kong sagot. Naging mataas ata ang expectation ko dahilan upang masaktan na naman ako, ako lang ata ang gumagawa ng paraan para masaktan ang sarili ko.




Tumago tango naman ako at ngumiti sa kanya at dahan-dahang ibinalot ang aking sarili sa kumot at bumangon. At nang makatalikod na sa kanya ay hindi ko mapigilang hindi masaktan para na namang nangingilid ang aking mga luha. I need to go to the bathroom, hindi ko gusto makita niya akong ganito. He may think I look desperate.




Bumuntong-hininga ako nang makapasok agad ako sa banyo at isinara ito. Doon ay hinayaan ko na ang aking mga luha na dumaloy, nagmamadali ba ako? Itinaas ko ba talaga ang expectations ko? Masyado bang napakabilis ng lahat? Bakit ganito ang nararamdaman ko? I should be happy dapat diba? Masyado bang malaki ang hinihingi ko?




“Stop Alana please you’re making yourself weak and desperate,” I muttered under my breath at pinihit ang shower. Lumalagaslas ang tubig sa aking mukha at aking katawan ganun narin ang pagsabay ng aking mga luha. Tama ba ang ginawa ko na hinayaan ko ang sarili ko na angkinin niya? Taksil din kasi ang sarili kong katawan at puso. Habang lumalagaslas ang tubig sa aking katawan ay nakarinig ako ng katok sa pintuan, agad ko namang pinatay ang shower.




“Alana, pwede mo bang bilisan? We’re getting late.” Tawag niya at agad naman akong tumugon.




“O-okay.” Tugon ko at kinuha ang twalya at agad na ibinalot sa aking sarili, tapos naman akong maligo. Tinignan ko ang sking sarili sa salamin upang makita kung namumula ba ang aking mga mata sa iyak o hindi, ayoko kasing mahalata iyon ni Knight and thankfuly hindi naman.




Pagkalabas nang pagkalabas ko ng banyo ay nakita ko siyang nakaupo sa kama at tila inaabanagan ang aking paglabas, nakatapis narin ang kanyang pang-ibabang katawan.




“Ikaw naman,” saad ko na hindi makatingin sa kanyang mga mata, akma na sana akong aalis upang pumunta sa aking kwarto dahil andun naman ang aking mga damit nang bigla niya akong tawagin.




“Tell me what’s wrong, Alana. You’re not leaving this room unless you tell me and we are not leaving this house hanggang sa di mo sinasabi sa akin kung bakit ka umiiyak sa banyo. I can hear you kahit na nakaandar ang shower,” saad niya at natigilan naman ako, paanong narinig niya ako? Humuhikbi ba ako kanina? I wanted to curse dahil hindi ko man lang napansin at kung bakit di ko man lang siya tinititigan sa kanyang mga mata. Way to go, Alana.






Nilingon ko naman siya na nakangiti, alam kong pilit iyon pero mukhang hindi na ako makakalusot sa kanya.






“Gusto ko lang naman kasing ipakilala mo ako bilang asawa mo, I’m tired of hiding this private relationship of us Knight,” mahinang saad ko at dahan-dahan siyang tumayo at naglakad patungo sa aking direksyon.






“Please give me more time, I’ll introduce you as my wife soon kailangan ko lang ng oras,” saad niya at akma ng hahaplusin ang aking pisngi ngunit agad naman akong nag-iwas.






“Magpapalit na muna ako sa kwarto.” Dali-dali kong binuksan ang pinto at naglakad patungo sa aking kwarto at agad na isinara ito. Habol hininga naman akong napaupo sa aking kama. Bakit ko iyon ginawa? I should understand him, masyado lang talaga akong atat. Disappointed lang ako sa sarili ko dahil sa taas ng expectations ko.






Agad naman akong naghanap ng maisusuot at dali-daling inayusan ang aking sarili sa salamin. Ayokong magkasabay kaming pupunta sa office. I should go first hindi na ako magpapaalam sa kanya.








Nang makita ko ng ayos na ako at ready to go ay agad kong kinuha ang mga importanteng bagay na dadalhin ko sa opisina. Napansin ko naman ang aking cellphone at agad itong ini-on. May mga text messages ako na galing kay dad at mom at may isang unregistered number. I quickly tap the screen to read the message of the unknown number.






09******143
‘I hope you’re happy.’






Saad ng text message at hindi man lang nagpakilala. Napakunot noo ako habang iniisip kung sino ang nagpadala ng text message o baka naligaw lamang ito. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top