Chapter 2

KNIGHT
As I watched the people dancing wildly on the dance floor, I wheezed the last smoke from my cigarette.

"Anong oras ba tayo uuwi?" pangalawang tanong ni Thaddeus sa akin.

Tinapunan ko siya ng tingin dahil kanina pa ako iritang-irita sa kaniya. "Ano bang minamadali mo at tanong ka ng tanong? Mauna ka ng umuwi kung gusto mo," asik ko na maskin siya ay nagulat sa inasal ko.

"Relax bro, I'm not leaving you here, I was just asking," wika niya at kinuha ang isa pang baso na may lamang alak at agad itong nilagok.

Hindi ko na siya pinansin pa at tinuunan na lamang ng pansin ang paglalagok ko ng alak. Hindi ko pa gustong umuwi at madatnan ang babaeng siyang sumira at naging dahilan ng pagkamiserable ng buhay ko na sana ngayon ay masaya sa piling ng babaeng mahal ko. Napaka-ambisyosa naman niya kung pati ba naman ang pagiging mapagmahal na asawa ay gagawin ko porke't pinakasalan ko siya. Siya ang may kasalanan ng lahat-lahat ng ito. Nagkukunwari pang mabait sa harapan ko at sa harapan ng mga magulang ko, tingnan na lang natin kung magtatagal pa ang santa-santahan niya simula sa mga araw na ito. Alam kung tinatago niya lang ang totoongkulay niya, marami na ring nagsabi sa akin na isa siyang manloloko at higit sa lahat ay hindi na inosente.

"Hindi kaya't hinahanap ka na ng asawa mo sa mga oras na ito o hinihintay ka na niyang makauwi?" wika ni Thaddeus na ngayon ay ngumunguya na naman ng pagkain.

"Hayaan mo siyang maghintay hanggang sa mamuti ang kan'yang mga mata sa kakahintay ng anino ko," sagot ko sabay lagok ulit ng alak.

"You're being so harsh on her, bro," mahinang sambit niya na medyo hindi ko na maklaro dahil na rin siguro sa sumipa na ang alak sa aking sikmura. 

Dito, dito lamang sa alak na ito nalilimutan kong may pinakasalan akong isang babaeng hindi ko naman mahal at hindi ko kailanman magagawang mahalin.

Kukuha na sana ako ng isa pang alak nang may isang babaeng biglang sumulpot sa aking harapan na nakangisi. Tiningnan ni Thaddeus ang babaeng nakatalikod sa kan'ya na kunot noo ngunit hindi lamang siya pinansin nito sa halip ay nagsalita siya.

"You must be alone, do you want me to accompany you?" she purred in my ear, and I grabbed her waist and caught her lips with mine, and she moaned as I firmly gripped her breast.

"Thank you for the companionship woman, you may now leave," panunuya ni Thaddeus at hinila ang babae na ngayon ay pulang-pula na sa galit at hiya. 

Tiningnan niya ang paligid na ngayon ay nakatingin na sa kan'ya at nagkukumahog siyang umalis sa kan'yang kinatatayuan at halos matumba-tumba dahil sa mataas na suot niyang takong na sapatos. 

Natawa ako ng mapansin kong nakatitig sa akin si Thaddeus.

"What?" tanong ko na halatang hindi ko na alam kung ano na ba ang ginagawa ko.

I'm a complete mess.

"Dapat na tayong umuwi, Knight, gabi na," saad niya at hinila ako papalabas. Hindi na rin ako makapalag dahil sa kalasingan ko kaya nagpahila na lamang ako. "I should drive you home. Hindi mo na kayang mag-drive kung gan'yan ang sitwasyon mo," dagdag pa niya at kinuha ang susi sa aking pantalon at agad-agad niyang binuksan ang pinto ng kotse ko at iginiya ako papasok.




ILANG minuto rin ang tinagal at narating na rin namin ang bahay ko.

"Huwag ka ng pumasok at matutulog na ako," saad ko habang binubuksan ang pinto ng kotse at nagsimulang maglakad. Kaya ko pa naman pa lang maglakad ng hindi gumegewang-gewang.

"Sige at maglalakad na lang ulit ako sa bar upang kuhanin ang sarili kong sasakyan," paalam niya at hindi na ako nag-abalang sumagot pa at pumasok na lamang sa gate.

Tiningnan ko ang bintana at may ilaw pa, hudyat na gising pa ang bruhang babaeng iyon. Kumatok ako ngunit walang sumasagot.

"Bitch! Bubuksan mo ba ang pinto o hihintayin mong wasakin ko ito sa pagmumukha mo?" sigaw ko at malakas kong kinatok ulit ang pintuan.

"Sandali lang," sigaw niya na halatang nagmamadali at dinig ko ang mga yapak ng kan'yang mga paa pababa.

Wala rin kasi si Nanang kaya siya lang talaga ang tao dito sa bahay.

Pagkabukas nang pagkabukas niya ng pinto ay agad ko siyang sinalubong ng isang napakalakas na sampal na ikinatumba niya sa sahig. Napakalampa naman pala ng babaeng ito o sadyang naglalampa-lampahan lang? Napasigaw siya sa sakit ngunit mas lalo pang uminit ang aking ulo dahilan upang hilahin ko ng mariin ang buhok niya na halos matanggal na sa anit niya.

Hindi ko mapigilang hindi siya sigawan na malapit pa sa kaniyang tainga. Parang nawala ang kalasingan ko nang makita ko siyang umiyak. Iyan ang napapala ng mapapel sa buhay kaya nararapat lang sa kaniya ang mga ginagawa ko.

Siguro kung normal na mga tao ay madali niyang mapaniwala sa kaniyang mga arte pwes ako ay hindi dahil kilalang-kilala ko ang mga ganitong tao. Hindi ko nga alam kung bakit ako pa ang napili nitong babaeng ito na kung tutuusin ay mala-prinsesa na siya sa kaniyang mala-palasyong tahanan at halos sinasamba ng kaniyang mga magulang pati na rin ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Ngunit malas niya lang at ako pa ang kaniyang binangga na akal niya ay mamahalin ko rin siya sa bandang huli.

Iniwan ko siyang nakalumpasay sa sahig at dumiritso sa tinatawag niyang kwarto namin. Hindi ko na siya nilingon at agad-agad akong pumasok sa kwarto at isinarado iyon upang hindi siya makapasok. Doon siya sa sahig matulog kung gusto niya total ay basahan naman siya kaya bagay naman sa kan'ya na doon matulog.

Nilumpasay ko ang pagod na pagod kong katawan sa kama dahil sa ginawa ko sa kan'ya. Kailan ba mawawala ang salot na babaeng iyon sa buhay ko? Napatingin ako sa picture frame na nakadikit sa aming dingding na ang larawan ay noong ikinasal kami. Hinubad ko ang sapatos ko at ibinato roon dahilan upang mahulog ito at mabasag. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayang lamunin ako ng antok.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top