Chapter 1

ALANA

Nanginginig ang buo kong katawan sa takot na pagbuksan siya ng pinto. He was banging and shouting against the door again. He was drunk.


"Bitch! Hindi mo ba bubuksan ang pintong ito o hihintayin mong wasakin ko ito sa pagmumukha mo?" sigaw niya ng malakas.


"Sandali lang," humihingal kong sagot. Nanginginig ang buo kong katawan sa takot habang papalapit ako sa pinto. At nang pagbuksan ko siya ay sinalubong ako ng maitim niyang awra. Ang nag-aapoy niyang mga mata na puno ng galit at agad akong tumilapon sa sahig hawak-hawak ang sa ngayon ay namamagang pisngi ko. Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko na hindi ko na maramdaman sa sakit. Immune na yata ang katawan ko at sanay na sa ganito. Tatayo na sana ako nang makaramdam ako ng kirot . . . ang paa ko.


Na dislocate 'ata ang paa ko. Napaiyak ako sa sakit na lalong ikinagalit niya dahilan upang hilahin niya ang aking buhok na tila ba makukuha na ito sa anit ko sa sakit.


"Ano? Iiyak ka na naman ba?" marahas niyang sigaw malapit sa tainga ko dahilan para mapapikit ako ng aking mga mata at malayang umagos ang mga luha ko na kanina pa nagbabadyang kumawala. Dapat ay immune na ako sa ganitong sitwasyon pero tila ba hindi pa rin natututo ang katawan at puso ko sa lahat.


Hanggang kailan?


Kailan ba niya ako matututunang mahalin ako bilang asawa niya?


Ganoon ba kahirap para sa kan'ya na mahalin ako? Ano bang ginawa ko para maging ganoon na lamang ang galit niya sa akin.


"Dahil sayo! Dahil sayo, ang babaeng dapat nasa posisyon mo na dapat ay asawa ko ay wala dito! Siya ang gusto ko at siya lang ang mamahalin ko! Ano bang ginamit mong gayuma o kulam sa mga magulang ko to agree of this fucking marriage?" sigaw niya na mas hinigpitan pa ang paghatak sa aking buhok.


Wala akong sapat na boses para sagutin siya. Naging ritwal na sa bahay na ito ang paggawa nito sa akin. Namamanhid ang buong katawan ko at nasanay na pero ang puso ko ay tila hindi pa. Sa parte ng katawan ng tao tila puso 'ata ang pinakataksil sa lahat.


"Please," bulong ko—iyon lang ang nasabi ko habang humihinga sa sakit.


"You slut!" sigaw niya pero bago pa niya matanggal ang pagkakahawak niya sa buhok ko ay isang malakas na sampal ulit ang dumapo sa mukha ko at tinulak ako na parang basahan lamang. Oo, parang basahan na nga talaga ang tingin niya sa akin na para bang nakakadiri akong tingnan at hawakan.


Pagewang-gewang siya habang naglalakad papunta sa kwarto namin. Iniwan niya akong tulala at pumuputok sa sakit. Nabalot ng katahimikan ang silid hanggang sa muling tumahimik—isang katahimikan na dapat ay isang kaligayahan. Napangiwi ako sa sakit habang sinusubukan kong bumangon. Ganito na ang nakagawian ko tuwing gabi. I want to cry, but my eyes won't let me—my body is weak, I've cried a day, but the pain is still there.


Ano bang ginawa ko para matanggap ko ang lahat ng ito? Minahal ko siya, pero bakit ang hirap para sa kan'ya na mahalin niya rin ako? Ilang taon na ang lumipas ngunit 'di ko pa rin matigilang 'di itanong iyon sa aking sarili. Tumitibok pa rin ang puso niya para sa kan'ya. Mahal niya pa rin ang babaeng iyon kahit na mag-asawa na kami. Akala ko natutunan niya na akong mahalin noong pumayag siya sa kasal namin pero nagkamali ako, umakto siya na mahal niya ako sa harap ng mga magulang namin ngunit kapag kami na lang ay umaarte siya na parang walang nangyari. Naging malamig at malupit siya. Ibang Knight ang nakita ko.


I curled up into a ball and closed my eyes as the wind caressed my cheeks, hoping that it was all a nightmare. Ngunit bigla kong iminulat ang aking mga mata at isang luha ang tumakas nang makita kong totoo ang mga nangyayari. Nandito na sana ang mga magulang namin para umarte siya ulit na mahal niya ako at kung paano niya ako alagaan—kahit na ang lahat ng 'yon ay pawang pagpapanggap lamang. Kahit sa pagpapanggap lang naramdaman ko ang kaniyang pagmamahal. Ngunit niloloko at ginagawa ko lang na tanga ang sarili ko.




"Magbihis ka, darating ang mga magulang natin," matigas na sabi niya habang minamasahe ang kanyang noo.


"Dito?" mahinang tanong ko at dahan-dahan kong nakitang namuti ang kanyang mga buko-buko sa kamay at ang mga ugat sa kanyang braso ay unti-unti kong nakikita sa pagporma ng kanyang kamao.


"Magbihis ka na lang!" asik niya dahilan upang mapaatras ako sa takot. Noong una, napakaamo niya pagkatapos naming ikasal at tuwang-tuwa siyang sinabi sa kanyang mga magulang kung gaano siya nagpapasalamat na asawa na niya ako. Noong una ay akala kong stress at problema lamang kaya siya ganoon ngunit nagkamali ako.



Pumili na ako ng damit at naglagay ng cream sa may parte ng aking katawan kung saan ay may pasa. Ilang araw na rin at hindi pa ito gumagaling ngunit araw-araw naman akong naglalagay ng cream ngunit tila wala ng bisa. Nakuha koi tong pasa kamakailan lang dahil ginalit ko si Knight at kasalanan ko rin naman iyon.


Nakarinig ako ng busina ng sasakyan, tanda na nandito na ang mga magulang namin. Dali-dali akong sumilip sa bintana namin at nakita kong binuksan ni Knight ang gate at pinapasok sila. Puno ng ngiti ang mga magulang niya habang bumababa ng sasakyan at walang bakas ni anino ng aking mga magulang na hindi naman ako nagtaka kung bakit marahil ay busy sila sa bagong tayo nilang negosyo ngunit ayos lang naman 'yon para sa akin.


Sinalubong sila ni Knight ng may ngiti sa kaniyang mga labi at hinalikan ang kanyang ina at niyakap ang kanyang ama, dahilan para ako rin ay mapangiti. Ngayon ko na lamang nakita siyang ngumiti dahil kapagka kami na lang ang tao dito sa bahay ay ni hindi niya ako nginingitian.


Nagmamadali akong pumunta sa salamin at tiningnan ang sarili ko. Ang aking mga mata ay sumasalamin sa isang tunay na mapagkunwari, heto na naman kami at magkukunwari sa kanilang mga mata bilang isang masayang mag-asawa. Mabuti na lang at maaga akong nagising at nakapagluto na at mabuti na lang din at medyo marami-rami rin iyon, beefsteak with potatoes, paborito iyon ni Knight pero sinabihan ako ng kaniyang ina na huwag sabihin sa kan'ya na. Pagkababa ko sa hagdan ay agad akong niyakap ng mahigpit ng kaniyang nanay


"My beautiful Alana, how are you?" napasigaw siya sa tuwa at puno ng kaligayahan ang mga mata ng ina ni Knight sabay lapit sa akin at agad akong niyapos ng pagkahigpit-higpit na yakap.


"Were completely fine mom and-" Hindi ko na naipagpatuloy pa ang aking sasabihin nang agad siyang nagsalita.


"So, magkaka-baby na ba kayong dalawa?" bulong niya na ikinamula ng mukha ko sa hiya. Wala akong lakas para sagutin siya, pero kumindat lang siya sa akin at ngumiti. Napaka easy go lucky lang niya katulad din siya ni mama.


"Pupunta kayong dalawa sa San Francisco para mag-honeymoon," anunsiyo niya at kinindatan ako sa pangalawang pagkakataon.


"San Francisco?" biglang tanong ni Knight.


Nakaramdam ako ng tuwa nang marinig ko ang lugar na San Francisco dahil gustong-gusto ko talagang makapunta at gumala-gala naman kahit papaano dahil simula noong ikasal kami ay hindi na ako nakakakalabas ng bahay.


"Yes, San Francisco, isn't it wonderful?I swear you'll enjoy it there. That's where I and your Dad made you," she giggled, as Knight rolled his eyes. I'm not sure, but I felt rejected and in pain once more. Is he opposed to the idea of his parents?


"We don't need to mom," malamig niyang sagot at ibinaling ang kanyang takong sa kusina.

"Don't mind him, Alana, baka iniisip lang niya ang buong gastos," natatawa niyang sabi kahit alam ko na ang buong dahilan. Alam ko naman kung bakit at 'di na dapat ako mag-expect na tatanggapin niya ito, it was so good to be true.


Nakatuon lamang ang aming atensyon sa aming kinakain nang basagin ng kaniyang ama ang katahimikan.


"Is Knight taking good care of you, Alana?" tanong niya habang nakatingin kay Knight na abala sa pag-inom ng tubig niya.


"Yes, Knight is taking excellent care of me; don't worry about it, dad," sagot ko at nagulat ako nang sunggaban ni Knight ng halik ang pisngi ko at ngumiti. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mamula at matuwa.


"I love you," wika niya dahilan upang mapangiti ako, totoong ngiti ngunit unti-unti itong naglaho nang maalala ko na palabas lang ang lahat ng ito.


Kahit ngayon lang makita ko na mag-asawa kami, ganito pala ang pakiramdam, ganito pala ang imahe ng may asawang nagmamahal sayo.


"Oh look at my son," wika ng kaniyang ina na itinuturo kami na may kagalakan sa kaniyang mga mata ngunit para akong tinutusok daahil para na ring nagsinungaling ako sa kanila ngunit iba ang tingin ng kaniyang ama na para bang hindi komporme dahilan upang umiwas ako ng tingin sa kaniya.


"Look at our son, honey. When he was a baby, I would kiss him and tell him how much I loved him, and now he is a grown-up man with a beautiful woman. So, when can I expect to see my apo or apos?" tanong niya habang pinapalakpak ang kaniyang mga kamay na siya namang ikinatawa naming lahat.




Ilang araw pa lang ang nagdaan nang binisita kami ng kaniyang mga magulang ngunit bakit ganoon pa rin ang sitwasyon namin?


Malamig at malamyos na hangin ang bumabot sa buo kong katawan ngunit hindi ako nakramdam ng kahit na anong kalamigan. Dahan-dahang ipinikit ko ang aking mga mata at inayaang lamunin na lamang ako ng kadiliman dahil hindi ko na rin kayang itayo pa ang aaking sarili na para bang pakiramdam ko ay ang bigat-bigat ko. Nakatulog na lamang ako na may malalim na iniisip at hinagpis.



I'm hoping that this will pass like a dream, a dream that I had in the first place.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top