Chapter 9

ADDISON'S POV

Maaga pa lang ay gising na gising na ang diwa namin ni Allison. Nakaharap ako sa dressing table at pinagmamasdan ang sarili kong repleksyon sa maliit na salamin na nakapatong dito. Samantalang si Allison naman ay nakatayo sa aking likuran at katulad ko ay pinagmamasdan din niya ang repleksyon ko sa salamin. Naniningkit ang kaniyang mga mata at bahagyang nakatagilid ang kaniyang ulo habang sinusuri niya ang kabuuang ayos ko.

"What?" nakataas ang kilay kong tanong sa kaniya dahil sa paraan ng pagtitig niya sa 'kin.

"Parang may kulang." Mas itinagilid niya ang kaniyang ulo at muling pinag-aralan ang aking repleksyon sa salamin.

Napaikot na lang ako ng mga mata dahil sa ginagawa niya.

"I knew it!" bulalas niya.

Mabuti na lang at nakapagpigil ako, kung hindi ay baka namura ko na siya sa bigla-biglang pagsigaw niya.

"Allison, lower your voice! Hindi bingi ang kausap mo!" saway ko sa kaniya.

Sa halip na sagutin ako ay lumipat siya sa tabi ko at sumampa sa dressing table. Nakaupo siya paharap sa 'kin habang pinaniningkitan ako ng mga mata.

"Come closer," utos niya sa 'kin at sinenyasan akong lumapit.

Kahit na hindi ko mabasa kung anong tumatakbo sa isipan niya ay tahimik ko na lang na sinunod ang gusto niya. Inusog ko palapit sa kaniya ang upuan ko para magkalapit kami.

Halos magsalubong ang kilay ko nang bigla niyang hawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Anong ginagawa mo?" takang tanong ko.

"Stay still. Don't move," malamig na utos niya.

Napabuntong-hininga na lang ako at hindi na nagtanong pa. Nagpatianod na lang ako sa kung ano mang binabalak niya.

Naramdaman ko ang paglapat ng hinlalaki niya sa magkabilang sulok ng labi ko. Pilit niya akong pinangiti.

"Hindi pa rin e. Halatang peke," komento niya habang titig na titig pa rin sa mukha ko.

Magsasalita na sana ako nang bigla akong matigilan nang sampalin niya ako.

"What the fudge, Allison! What was that for?" sigaw ko sa kaniya dala ng gulat dahil sa ginawa niyang pagsampal sa 'kin.

"Ngumiti ka kasi," naiinis nang sagot niya na halatang naiinip na sa tagal ng pag-aayos ko para kopyahin siya.

"Kailangan talagang manampal?" naiinis na ring tanong ko.

"Hmm... hindi," parang batang sagot niya na ikinairap ko na lang.

"Tsk."

Bumaba siya mula sa kaniyang pagkakaupo sa mesa at nakapamaywang na tumayo sa harapan ko.

"Get up. Magpalit ka na ng damit. Hindi ganiyan manamit si Allison. Masyadong sunod sa uso," puno ng awtoridad na utos niya.

Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pagngiwing ginawa niya habang pinagmamasdan ang ayos ko mula ulo hanggang paa.

"Do I really have to dress like you? Hindi naman siguro niya mahahalata na hindi ikaw ako," wika ko sa pag-asang papayag siya sa gusto ko.

I don't like the way she dress. So plain and... boring.

"I doubt that. Hindi pa natin alam kung gaano tayo kakilala ng buwisit na 'yon. Baka una pa lang ay makilala ka na niya kung ganiyan ang suot mo," aniya at ngumiwi nang muli niyang balingan ang suot ko.

I am wearing a white cropped mini top and faded blue denim skirt. I must admit that she's allergic to my clothes and fashion.

Hindi ko naman maiwasan ang mapairap dahil sa paraan ng pagtitig niya sa 'kin ay para siyang diring-diri sa suot ko.

"Tsk. Hindi naman halatang nandidiri ka sa suot ko, ano?" sarkastikong tanong ko.

"Hindi ako nandidiri sa suot mo. Wala namang nakakadiri sa labas ang pusod at sa outfit mong parang rarampa sa isang fashion show," sarkastiko rin namang sagot niya na muli kong ikinairap.

I know she mean it though. Kailanman ay hindi siya kumontra sa pananamit ko.

"E bakit ngiwi ka nang ngiwi riyan? Para kang diring-diri sa suot ko," sikmat ko sa kaniya.

"Hindi ko lang ma-imagine ang sarili ko na magsusuot ng ganiyan," sagot niya at niyakap ang kaniyang sarili para umaktong kinilabutan siya sa kaniyang sinabi.

Hindi ko naman maiwasan ang matawa dahil sa inakto niya. Cute.

"Silly. Katauhan mo lang ang hihiramin ko. Wala naman tayong napag-usapang magpapanggap kang ako habang wala ako," natatawang sabi ko.

"Sabi ko nga. Sige na, magbihis ka na," pag-iiba niya ng usapan at ipinagtulakan ako papasok ng walk-in closet.

"Ito na, magbibihis na. Tsk." Naiiling na lamang akong pumasok ng walk-in closet at nagbihis.

I chose to wear a pitch wrap around dress which is Allison's taste.

Napairap na lang ako sa hangin nang mapagmasdan ko ang sarili kong repleksyon sa human-size mirror na nasa harapan ko. Boring.

Bagsak ang balikat ko nang lumabas ng walk-in closet.

"Sissy—" Hindi ko na nagawa pang ituloy ang sana'y sasabihin ko nang mapansin ko ang itsura ni Allison. Nakanganga siya at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa direksyon ko.

Mabilis kong kinagat ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili kong matawa. Darn it! Nakakatawa ang itsura niya. Kapag nagtagal pa siya sa ganoong ayos ay baka hindi ko na magawa pang pigilan ang paghagalpak ng tawa ko.

"Woah! Am I seeing myself?" hindi makapaniwalang tanong niya habang nanlalaki pa rin ang kaniyang mga mata.

Doon na kumawala ang tawang kanina ko pang pinipigilan.

"OA mo," natatawang wika ko.

"Hindi nga. Seryoso, kopyang-kopya mo na ako," manghang sambit niya.

Bakas sa mukha niya ang tuwa kaya hindi ko rin naman mapigilan ang mapangiti. She's right. We are now identical from head to toe.

"Pero syempre, mas maganda pa rin ako sa 'yo," pahabol niya.

"Baliw," natatawang sabi ko at inirapan siya.

Sa ginawa kong pag-irap ay hindi sinasadyang mahagip ng paningin ko ang orasan na nakapatong sa side table.

"Shoot! It's almost time. Sissy, I have to go," nagmamadaling paalam ko at giwaran siya ng halik sa pisngi.

"Take care, Allison. Show him what you are capable of," nakangising wika niya.

"My pleasure," nakangisi ring sagot ko at kinindatan siya saka ako nagmamadaling umalis.

Mas pinili ko na lang na mag-taxi kaysa gamitin ang kotse sa garahe. Kung talagang kilala kami ng lalaking 'yon ay natitiyak ko ring alam niya ang tungkol sa katamaran ni Allison pagdating sa pagmamaneho.

Habang nasa loob ako ng taxi ay hindi ko maiwasang mapangisi nang may maisip akong kalokohan. Hinanap ko ang numero ni Daniel sa contacts ko. Nang mahanap ko ito ay binigyan ko lahat ng kakilala ko ng kopya. Inutusan ko rin silang ikalat ito sa lahat ng estudyante ng Mathson University.

Mas lalo naman akong napangisi nang may mag-chat sa group chat naming magkakaklase. Pigil ang tawa ko habang binabasa ang mensahe nito.

Megan: Tae. Marami pa lang tagahanga 'tong lalaking 'to. Nagsilabasan ang mga pa-men. Nanghihingi ng picture niya.

Agad akong nagtipa ng mensahe para sagutin ang mensahe ng kaklase ko.

Me: I'll send the pic later. For now, tell them to text and call him nonstop.

Wala pang isang minuto ay nakatanggap na ako ng reply.

Megan: Huli ka na sa balita. Pinagpiyestahan na nila ang numero ni Daniel. Malamang ay tadtad na 'yon ngayon ng messages.

Mas lumawak ang ngisi ko dahil sa nabasa ko. Hindi na ako nag-reply pa at isinilid ko na sa dala kong pouch ang phone ko.

Nang huminto ang sinasakyan ko ay kaagad akong nagbayad at bumaba ng taxi.

Nang pumasok ako ng restaurant ay madilim na mukha ni Daniel ang sumalubong sa akin. Nanlilisik ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa direksyon ko.

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili kong mapangisi dahil sa itsura niya.

Umayos ako ng tayo at pekeng ngumiti ngunit tiniyak kong hindi niya mahahalatang peke ito para hindi siya maghinala na hindi si Allison ang kaharap niya.

Tinawid ko ang distansyang aming pagitan nang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ko. Tsk. Paano kaya nakakaya ni Allison na ngumiti nang hindi nangangawit ang panga niya?

Bigla akong napahinto sa kalagitnaan ng paglalakad ko nang may mapagtanto ako. Why am I even forcing myself to smile? As far as I can remember, Allison always has this annoyed face when this guy is around.

The fudge! I'm doomed.

Pasimple kong inalis ang ngiti sa labi ko at umayos ako ng tayo saka taas-noong naglakad palapit sa kinaroroonan ni Daniel. Agad kong inokupa ang katapat niyang upuan at sinalubong ang nanunuri niyang mga mata.

Bahagya niyang itinagilid ang kaniyang ulo at pinasingkit ang kaniyang mga mata. Pinakatitigan niya akong maigi na para bang pinag-aaralan niya ang bawat kilos ko.

Tatarayan ko na sana siya dahil sa paraan ng pagtitig niya sa 'kin nang may maalala ako. Nginisihan ko siya at pasimple kong kinuha mula sa pouch ko na nakapatong sa aking hita ang phone ko. Itinapat ko sa kaniya ang camera ng phone ko at sunod-sunod na kinuhanan siya ng litrato.

"Hey! Stop it!" saway niya sa 'kin habang pilit tinatakpan ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang kaliwang kamay. Ang kanang kamay naman niya ay pilit inaagaw sa 'kin ang phone ko.

Hindi ko siya pinansin at sa halip ay mas binilisan ko pa lalo ang pag-click ng camera button.

"I said stop!" sigaw niya na umagaw ng atensyon ng mga nakapaligid sa amin. Ngunit katulad ko ay wala rin siyang pakialam sa mga nanlilisik at nagtatanong na mga matang nakatuon sa amin.

"Done," nakangising wika ko habang kinakalikot ang phone ko para i-send ang mga larawan niya sa group chat.

Ngumiti ako nang mapang-asar at ipinakita pa sa kaniya ang pagpindot ko sa send button sa messenger. "Sent."

"What the hell! Did you just—"

"You heard me. You even saw it with your own eyes. I sent it to someone," putol ko sa iba pang sasabihin niya.

Saglit akong tumigil nang may mapansin akong mali sa sinabi ko.

"Oh. Let me correct it. I sent it to our group chat and I'm sure that it was already forwarded to another group chat." Umayos ako ng upo at pinagkrus ang braso ko sa dibdib ko para mas asarin pa siya.

"You—ugh! You're unbelievable!"

"I truly am," I answered confidently.

Kamuntikan naman na akong matawa nang sabunutan niya ang kaniyang sarili dahil sa labis na inis.

"D*mn you," gigil na gigil na sambit niya.

Napansin ko ang pagtagos ng tingin niya sa aking likuran. Magtatanong pa sana ako kung anong tinitingnan niya sa aking likuran ngunit agad nang nasagot ang tanong ko nang magsalita siya.

"Waiter." Itinaas niya sa ere ang kaniyang kanang kamay at sinenyasang lumapit ang waiter na kaniyang tinawag.

Sinundan ko naman ng tingin ang tinitingnan niya. Gumuhit ang malademonyong ngisi sa labi ko nang may maisip na naman akong kalokohan habang nakatingin sa papalapit na waiter. May bitbit itong mga inumin na nakapatong sa dala nitong food tray.

Nang malapit na sa mesa namin ang waiter ay pasimple kong iniharang ang kaliwang paa ko sa daraanan nito. Hindi ito napansin ng lalaki kaya napatid siya at napasubsob kay Daniel.

Pigil ko ang matawa nang makita ang mukha ni Daniel matapos siyang matapunan ng mga inumin at matapos mapasubsob sa kaniya ang waiter.

"F*ck!" malutong na mura niya.

Natataranta namang umalis ang waiter sa pagkakasubsob kay Daniel.

"Pasensya na po. Hindi ko po sinasadya," paghingi ng paumanhin ng waiter.

Nakita ko ang tangkang pagpunas ng waiter sa basang damit ni Daniel ngunit biyang siya tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo at nagpaalam na magbabanyo.

Habang naglalakad si Daniel papuntang banyo ay pasimple kong kinausap waiter na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa harapan ko habang nakatungo.

"Hey. I have a favor to ask you," pagkuha ko sa atensiyon ng lalaki.

"A-ano po 'yon, ma'am?"

"Don't accept any payment from the customers. My friend Daniel will be the one to pay for their orders."

Halos lumuwa naman ang mata ng waiter dahil sa sinabi ko.

"Pe-pero -"

"Just trust me. Huwag kang mag-alala dahil hindi ka tatakasan ng lalaking 'yon," I assured him.

Nanatili lamang siyang tahimik at mukhang nagdadalawang-isip pa kung papayag ba siya o hindi.

"Oo nga pala, pakibigyan mo na rin ng dessert and beverages ang bawat table. Make sure to give them your best selling and most expensive dessert and beverages," dagdag ko pa.

"Ka—Kayo po? A—Ano pong order ninyo?" nag-aalangang tanong ng waiter.

Mas lalong lumawak ang ngisi ko dahil sa tanong nito.

"Anything. Just make sure that it tastes great and is very expensive," nakangising sagot ko at sinenyasan ko na ang waiter na umalis na kaagad naman nitong sinunod.

Habang nasa banyo si Daniel at habang naghihintay sa pagkain namin ay pinakialaman ko ang phone ni Daniel nang mapansin kong naiwan niya ito sa ibabaw ng mesa.

"Let's see if you have your dirty little secrets," sambit ko kasabay ng pagpindot ko sa power button ng cellphone ni Daniel.

Agad na namilog ang mga mata ko nang makita ko ang mukha ni Allison sa lock screen. It was a stolen picture. The photo was taken during our 10th birthday. Nakatayo si Allison sa tapat ng chocolate fountain habang masayang kumukuha ng marshmallow sa tabi nito.

Sinubukan kong buksan ang phone ni Daniel pero may password ito kaya hindi ko ito magawang mabuksan. Hindi ko na sana ito pakikialaman pa nang may pumasok na ideya sa isip ko. Sinubukan kong itipa ang birthday namin ni Allison at halos malaglag ang panga ko nang bumukas ito.

"Woah! I didn't expect that," hindi makapaniwalang bulalas ko.

Agad akong pumunta sa gallery para tingnan kung may magagamit ba ako pang-blackmail sa lalaking 'yon. Ngunit laking gulat ko nang puro larawan ni Allison ang bumungad sa'kin pagkabukas ko ng gallery.

Sinuri kong maigi ang mga larawan sa gallery at tama nga ako - lahat ay larawan ni Allison.

Dahil wala naman akong makitang pwede kong magamit laban kay Daniel sa gallery niya ay agad akong lumipat sa messages. Muntikan pa akong mapamura nang mabasa ko kung anong pangalan ko sa contacts niya. Allison the Fake.

Hindi ko na ipinagpatuloy pa ang pangingialam sa phone ni Daniel dahil wala naman akong makitang butas na magagamit ko laban sa kaniya. Ibinalik ko ito sa dati nitong ayos.

Hindi ko maiwasang lumutang ang isip ko nang maalalang wala ni isang larawan ko ang naligaw sa gallery ni Daniel. Nangangahulugan lamang ito na talagang alam na alam niya kung sino ang sino.

Paano niya kaya nagagawang makilala kung sino sa amin si Allison at sino si Addison?

Naputol ang pag-iisip ko nang dumating ang waiter bitbit ang mga pagkaing sa tingin ko ay hindi bababa sa limang libo ang halaga ng bawat isa. Maingat nito itong inilapag sa mesa at agad ding umalis. Sakto namang dumating si Daniel at naupo sa pwesto niya.

"Are you happy?" tanong niya pagkaupong-pagkaupo niya.

"What?" inosenteng tanong ko.

"Alam kong sinadya mo 'yon."

"Don't accuse me. You don't have any proof to support your claim," pagmamaang-maangan ko.

I'm not that stupid to admit it.

"Tss!" he hissed.

"Now, let's get back to business," I diverted the topic.

"I have no business with you. I am even wondering why the hell you are here instead of her," prangkang tugon niya.

Hindi ko na naitago pa ang gulat sa mukha ko dahil sa kaniyang sinabi. Darn it!

"What the hell are you talking about?" Pilit kong pinagtakpan ang pagkataranta ko para hindi niya ito mahalata.

"You can't fool me, Addison. Pagpasok mo pa lang ng pinto ng restaurant na ito, alam ko nang hindi ikaw si Allison," nakangising sabi niya na sinadya pang diinan ang pangalan ko.

Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa sinabi niya. Nanatili akong tahimik at gulat pa ring nakatingin sa kaniya.

"Now, tell me. Why are you here? Playing games? Switching identities?" Bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya.

Nanatili pa rin akong tahimik at nag-aabang sa susunod pa niyang sasabihin. I can't find the right word to say.

"I thought we had a deal," wika niya at pinagkrus ang braso niya sa kaniyang dibdib.

"Damn it!" tanging nasabi ko.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-si-sink in sa utak ko kung paano niya nagagawang malaman kung sino ang sino nang walang kahirap-hirap. What's with this guy?

"Chill, Addison. Don't make a scene here," natatawang pag-awat niya sa akin.

"I am not making a scene here, Mr. Daniel," may diing sagot ko.

I took a deep breath to calm myself. I am no match with this guy. Kahit anong gawin kong pagkumbinsi sa kaniya ay hindi pa rin siya maniniwalang ako si Allison.

"If you really believe that I'm not Allison... be here tomorrow. Same time," seryosong wika ko.

Umayos naman siya ng upo at tiningnan ako ng may naniningkit na mga mata. It seemed like he's trying to read my mind. Tss.

"Pupunta ako," walang pagdadalawang-isip niyang sagot.

"Okay. See you, then."

"No. We won't see each other tomorrow. I'll be seeing Allison, not you," may diing wika niya. May tono rin ng pagbabanta sa kaniyang boses.

This guy is really something. I'm starting to like him... for my sister.

"Yeah, yeah. Whatever." I just rolled my eyes instead of arguing with him.

Muling sumilay ang ngisi sa labi ko nang may maalala ako.

"Bayaran mo na ang bill. Aalis na tayo," pigil ang tawang sabi ko.

"Waiter," tawag niya sa waiter na agad namang lumapit sa'min.

"Can I have the bill?"

"Here, sir." Iniabot sa kaniya ng waiter ang bill.

Tuluyan na akong natawa nang makita kong halos lumuwa ang mata ni Daniel pagkakita niya sa bill.

"What the heck!" gulat na bulalas niya bago niya binalingan ng tingin ang waiter na nakaabang lang sa bayad namin. "We only ordered nanaimo bars, pierogies, caesar cocktails, and easy vegan chocolate cake. Paanong ang dami ng nakalista rito? And the hell! 250,000? Are you kidding me?"

"Bayaran mo na lang. Ang dami mo pang reklamo e," wika ko habang pilit itinatago ang ngisi sa mga labi ko.

Nanlilisik ang mga matang nagbaling ng tingin sa akin si Daniel.

"Tell me. Are you responsible for this sh*t?" nagpipigil sa galit na tanong ni Daniel.

"Ganoon ba ako ka-obvious?" pigil ang tawang sagot ko.

"Hell, yeah."

Hindi ko na napigilan pa ang muling pagkawala ng tawa ko.

"Paano ba 'yan? Mauuna na ako sa'yo. Pakisabi na lang sa credit card mo, condolence." Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo habang patuloy pa rin sa pagtawa.

Tatalikuran ko na sana siya nang bigla siyang magsalita.

"Hey! What about the food?"

Muli ko siyang tinapunan ng tingin at nginisihan para mas asarin pa siya.

"It's all yours. Enjoy." Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at agad ko na siyang tinalikuran.

Narinig ko pa ang sunod-sunod na pagmumura niya kaya tatawa-tawa kong tinahak ang daan patungong exit.

A/N: Mas malala pa yata itong si Addison kay Allison.

I enjoyed writing this one. I hope you also enjoyed it.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top