Chapter 6

ALLISON'S POV

Nasa tapat kami ng gate ng university sakay ng kotse. Paalis na sana kami ngunit pinahinto ko kay Addison ang kotse nang may maalala ako.

Kaagad na akong lumabas ng kotse pagkatigil na pagkatigil niya nito. Nang maisara ko ang pinto nito ay sumilip ako mula sa nakabukas na bintana.

"Babalik lang ako sa loob. May nakalimutan akong kunin sa locker," paalam ko sa kaniya.

"Samahan na kita," Addison volunteered.

"Huwag na. Just wait for me here. Saglit lang ako," pagtanggi ko sa alok niya. Hindi rin naman kasi ako magtatagal.

"Okay. Make it quick. May pupuntahan pa tayo," mahigpit na bilin niya na ang tinutukoy ay ang family dinner namin sa isang sikat na restaurant na isang oras ang biyahe mula rito.

"It won't take long," I assured her.

Hindi ko na hinintay pa na sumagot siya. Kaagad na akong naglakad palayo sa kaniya at tinahak ang daan papasok ng campus.

Dumiretso ako sa locker area para kunin ang libro ko sa Management Science. While on my way there, I can't help it but to smile wickedly as I noticed something. Lahat ng madaanan kong lalaki ay napapaatras samantalang ang mga babae naman ay agad nakakagat ang ibabang labi nila para pigilan ang sarili nilang magsalita.

Mukhang alam na rin nila ang ginawa naming pananakot sa grupo ng kababaihang napag-initan namin kaninang umaga. Mukhang totoo ngang may pakpak ang balita.

Hindi ko na lamang sila pinansin at nakangisi na lamang akong nagpatuloy sa paglalakad.

Nang marating ko ang sadya ko ay kaagad kong binuksan ang locker ko at kinuha ang ipinunta ko rito. Isasara ko na sana ang pinto ng locker nang may mapagtanto ako. My lips formed into a wicked smile.

"Looked like I hit all the birds with just one stone," nakangising sambit ko habang pinagmamasdan ang locker kong maayos at walang nakakalat na mga sulat, regalo o kung ano pa man mula sa kung sinong tagahanga.

Napapailing ko na lamang na isinara ang locker ko. Pagkasara ko ng locker ay kaagad na may nahagip ang paningin ko. Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko kung paanong dali-daling nag-iwas ng tingin ang isang pamilyar na lalaki. Umakto pa ito na may hinahanap sa nakabukas niyang locker.

Kung hindi ako nagkakamali ay siya rin ang lalaking nahuli kong nakatitig sa akin kaninang umaga. But why does he seemed so familiar to me?

Pinakatitigan kong maigi ang kabuuan ng lalaki at inalala kung saan ko nga ba siya nakita. Bigla namang pumasok sa isipan ko ang araw na nakipag-date ako kay Bernard. I knew it! He was the guy at the park who eavesdropped while Bernard and I were having a conversation.

Nang mapansin ko ang kaniyang pagmamadaling isara ang locker niya at ang tangka niyang pag-alis ay mabilis ko siyang nilapitan. Hinawakan ko ang laylayan ng damit niya para pigilan siyang makaalis.

Dahan-dahan siyang humarap sa 'kin. Nang makaharap na siya ay doon ko lamang inalis ang pagkakahawak ko sa laylayan ng damit niya.

"Magtapat ka nga sa 'kin. Are you stalking me?" diretsahan kong tanong sa kaniya.

Mukha namang hindi siya nagulat at inaasahan na niya ang tanong ko. Bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya bago sumagot.

"What if I say yes?" walang pagdadalawang-isip niyang sagot.

Hindi ko naman maiwasang tumaas ang sulok ng labi ko dahil parang hindi man lamang siya natinag sa tanong ko.

"Huh! You have the guts, huh? May I know if you also have the guts to face the consequences of your actions?" I asked him, thinking that he would instantly back out if he will hear it from me that in his every action, there is always a consequence.

"Of course. I wouldn't be here in front of you if I am like those guys that you get rid of," he answered with full of confidence.

Pinagtaasan ko siya ng isang kilay dahil sa nag-uumapaw niyang confidence sa katawan.

"And what makes you different from them? I can also get rid of you whenever, wherever and how I want," I said confidently.

Tinapatan ko ang confidence na mayroon siya. Hindi rin ako nagpatinag sa nangungusap niyang kayumangging mga mata na parang hinihipnotismo kang titigan siya nang matagal.

"I can guess who's who and who's not," nakangising sagot niya na ikinasingkit ng mga mata ko.

"Are you challenging me?" I asked him to make everything clear.

"If that's how you see it, then yeah, I am challenging you. You can test me if you want," he challenged me.

Hindi ko na napigilan pa ang pagtaas ng isang kilay ko sa sinabi niya. "And why would I waste my freaking time on you? Are you even worthy of my time? Tss. I doubt that."

"I am. I am worthy of your time just like what's your worth to me," puno ng kumpiyansang sagot niya.

Umayos ako ng tayo at muli siyang pinaningkitan ng mata para subukang basahin ang naglalaro sa isipan niya.

"What do you mean by that?" I asked after a moment of silence.

I can't tell what's in his mind. Mahirap siyang basahin.

"I would surely regret if I'll let this chance slide and so, you will," puno ng katiyakang sagot niya na ikinalaglag ng panga ko.

"Wow! Just wow!" natatawang sambit ko na ipinagkibit-balikat lamang niya.

"Ang taas naman talaga ng tingin mo sa sarili mo. Sino ka ba sa akala mo?" May bahid na ng pagkainis ang boses ko ngunit pilit kong pinanatiling walang emosyon ang mukha ko.

"I'm yours," tila nang-aakit niyang sagot habang hindi pa rin inaalis ang tingin niya sa 'kin.

"What the fudge! Have you lost your mind?" bulalas ko.

"No. But I lost my heart instead. You stole it. Do you have any plan of giving your heart to me in return?" nakangising tugon niya.

Ramdam ko ang pagsitaasan ng balahibo ko sa katawan dahil sa mga sinabi niya. His line sucks!

"You're unbelievable!" hindi makapaniwalang bulalas ko.

"Oh, yeah. But I'm also lovable. Wanna give it a try?" sagot niya na may kasama pang pagkindat na naghatid sa akin ng kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko.

What was that? Is it the aftermath of his cheesy, corny and creepy lines? Geez. It's kinda weird.

"No, thanks. I would rather try killing myself," mariing sagot ko.

Marahan siyang tumawa bago tumugon sa sinabi ko. "I won't let you though," nakangising sagot niya.

Sa paraan ng pagngisi niya ay agad mong mahahalata na sinusubukan niyang kunin ang kiliti ko. He is obviously flirting with me. Ugh! The nerve of this guy!

"Argh! Just get lost! You're getting into my nerves!" nanggagalaiting sigaw ko sa kaniya.

"Oh. I like that. But I would love it if I get into your heart," banat pa rin niya na mas lalong ikinasiklab ng inis ko.

"Screw you!" I hissed at him.

Kaagad ko siyang tinalikuran bago ko pa makalimutan ang katiting na pagtitimping mayroon ako sa katawan. Ngunit hindi ko pa man naihahakbang ang paa ko paalis ay nahawakan na niya ako sa braso para pigilan.

"Hey, wait," pigil niya sa 'kin.

Inis ko siyang hinarap at marahas na inalis ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa braso ko.

"What?" I snapped at him.

"Just give me one chance. I meant every word I said just a while ago. You really mean a lot to me," wika niya sa nagsusumamong boses. Hindi mo na mababakas pa ang kaninang mapang-asar na tono ng kaniyang boses.

Napairap na lang ako sa hangin dahil sa biglang pagbabago ng paraan ng pananalita niya. "Tss. What do you want?"

"I already told you. All I want is for you to give me a chance," pag-uulit niya sa kaninang sinabi niya.

"Stupid," I murmured.

Inis akong napabuntong-hininga saka ako muling nagsalita. "What I'm asking is what kind of chance?" paglilinaw ko sa tanong ko.

"Let me court you. Go out with me. After that, if you still choose to reject me, then so be it. Hindi na kita guguluhin at makukuntento na lang akong pagmasdan ka mula sa malayo," mahabang sagot niya na ikinabilog ng mata ko.

"Hell, no!" agarang pagtanggi ko.

Muli ko sana siyang tatalikuran ngunit bago ko pa man 'yon magawa ay napigilan na niya ako.

"Please. Just give me one chance," he pleaded.

"I said no! I'll get rid of you with my own wicked ways!" galit kong nang bulyaw sa kaniya dahil sa kakulitan niya.

Rinig ko ang malakas niyang pagbuntong-hininga. Buong akala ko ay susuko na siya kaya laking gulat ko nang kabaliktaran ang nangyari.

"Fine. Let's see who will win. I'm not giving up on you and you can't get rid of me even how hard you try." Bumalik na ang kanina'y mayabang na tono ng pananalita niya na nag-uumapaw sa confidence.

It seemed like he can change his mood that easily. But who cares?

"Let's just see how long you can survive in hell," pagsakay ko na lang sa sinabi niya at ngumisi pa ako bago ko siya tinalikuran.

Sa pagkakataong ito ay hindi na niya ako pinigilan kaya malaya akong nakaalis.

A/N: Tae. Nawiwili na ako sa pag-e-english. Nasisira na quality ng story ko. Haist!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top