Chapter 4
ALLISON'S POV
Ngayon ay araw ng linggo. Ako ang naunang magising ngayon at kasalukuyang inaalog si Addison para gisingin siya. Nakailang alog na ako sa kaniya at kulang na lang ay ihulog ko siya sa kama pero ayaw pa rin niyang magising. Sa inis ko ay buong lakas ko siyang sinipa dahilan para mahulog siya sa kama.
"What the hell!" she hissed which made me smirk wickedly.
Serves her right.
Hinintay ko siyang makabangon at nanatili lamang akong nakaupo sa ibabaw ng kama. Nang makatayo na siya at magtama ang mga mata namin ay pinamaywangan ko siya.
"Gigising ka rin pala e. Gusto mo pang masaktan," kunwaring nagtataray kong sabi na ikinairap naman niya.
"Kailangan talagang manipa? Ano ka, kabayo?" she asked in a sarcastic voice.
"Hindi. Pero kapag hindi ka pa nakabihis in an hour, sisipain talaga kita palabas ng bahay," may tono ng pagbabantang sabi ko.
"And why would I dress up?" balik-tanong niya.
"Just do as I say. Maligo ka na. Kakain lang ako sa baba. Pagbalik ko, ako naman ang maliligo," sagot ko saka ako tumayo at bumaba ng kama.
"Fine. Siguraduhin mo lang na hindi masasayang ang oras ko or else, I'll bring you to hell," banta niya na bahagyang ikinatawa ko.
"We are already in hell, sissy. Have you forgotten?" nakangising tugon ko.
"Yeah, yeah, yeah. Whatever," she said in a mocking voice as she turned her back and headed towards the bathroom.
Katulad nga ng sinabi ko ay bumaba ako para mag-agahan. Hindi ko na siya inabala pang yayaing sumabay sa akin dahil nga sa wala naman siyang ganang kumain ng agahan. Saka tiyak na mas lalong nawalan 'yon ng gana dahil ginising ko nang maaga.
Now, we're even.
Matapos kong kumain ay kaagad akong umakyat ng kwarto kung saan naabutan ko si Addison na abala sa pag-aayos ng kaniyang sarili sa harapan ng dressing table. Hindi ko na lamang siya pinansin at nagtuloy-tuloy na ako sa banyo.
It's a relief that there's already a towel inside the bathroom and a small cabinet for undergarments, so no need to prepare anything. Saka kung sakali mang may kailanganin ako, wala ring magiging problema dahil isang sigaw ko lang ay kaagad nang matataranta si Addison para iabot ito sa akin. We have a strong bond after all and it is one way to strengthen it to the fullest.
Nang makabihis na kami't lahat ay kaagad kaming bumaba ng unang palapag ng bahay kung saan ay nakasalubong namin si mommy na paakyat ng hagdan.
"May lakad kayo?" takang tanong ni mommy.
Nanatiling lamang na tahimik si Addison at parang walang balak na sumagot kaya ako na ang nagkusa.
"We're hanging out. Girl bonding," kibit-balikat kong sagot.
"Why so sudden?" mom asked with a frown.
"We just want to unwind, mom. Wait, where's dad?" I diverted the topic when I noticed dad's absence.
"He's in the kitchen. Have you eaten?" malambing na tanong ni mommy na ngayon ay mayroon ng masuyong ngiti sa kaniyang mga labi.
"Yeah. We're good," sagot ko at tipid na ngumiti.
"O siya, mag-iingat kayo sa lakad ninyo," nakangiting bilin sa amin ni mommy.
"We will," I answered as Addison and I gave mom a peck on her cheeks.
Kaagad na kaming dumiretso ni Addison sa garahe at sumakay sa kotse. Hindi na kami nag-abala pang puntahan si daddy sa kusina para magpaalam.
"Where are we heading to?" kaagad na tanong ni Addison nang makasakay kami ng kotse at buhayin ko ang makina nito.
I glanced at her before giving her an answer with a smile on my lips. "Shopping, roadtrip, and then we'll spend the night in our resort."
"Sounds good. Now, manuever this car and let's leave this instant!" nangingiting utos niya sa akin.
Napailing na lamang ako dahil sa biglaang pag-iba ng mood niya. Parang kanina lang ay wala siyang gana. Tss.
"Aye, aye, captain," sagot ko habang pigil ko ang matawa.
Kaagad ko nang pinaharurot ang kotse patungo sa pinakamalapit na mall sa subdivision. Namili lang kami ng mga pagkain at inumin para sa roadtrip at sa pananatili namin sa resort.
We are about to leave the mall when a group of guys blocked our way.
"Hey there, ladies," the guys greeted us.
"Hey there too, assholes," I replied with a smirk.
"Woah! Watch your mouth, young lady." The guy's voice—who seemed like the leader of the group—is filled with amusement.
"Watch your face too, mister. Have you washed your face at least? Oh. Let me rephrase my question. Did you use an oil to wash your face? Because you see, it's oily," I asked the guy in the middle with full of sarcasm.
Nagtawanan naman ang mga kasamahan ng lalaki at ganoon din si Addison na napapatakip na sa kaniyang bibig gamit ang kaniyang kamay para pigilan ang sarili niyang mapahagalpak ng tawa.
"Heh! Tumigil nga kayo! Baka masapak ko kayo nang wala sa oras!" bulyaw ng lalaking ininsulto ko sa kaniyang mga kasamahan na hanggang ngayon ay wala pa ring tigil sa pagtawa.
"Oh no. The talking oil is getting angry. Guys, you better shut your mouth before he fry you using his very own oil," nang-iinsultong wika ni Addison na bahagya kong ikinangisi.
Akala ko mananahimik lang siya. Hindi rin pala nakapagpigil.
Tuluyan naman nang humagalpak ng tawa ang mga kasamahan ng lalaking hindi na maitago sa kaniyang mukha ang pagkainsultong kaniyang nararamdaman.
"Sissy, let's go. I'm getting bored of this conversation. He's no match with us," pagyayaya ko bago pa tuluyang tubuan ng sungay si Addison katulad ko.
Tinanguan naman ako ni Addison bilang pagsang-ayon. Ngunit bago kami umalis ay muli niyang binalingan ng tingin ang lalaking hindi na maipinta ang mukha sa galit.
"Oh. I'm sorry but we have a lot of things to do. We can't waste our time. Ciao," paalam ni Addison sa lalaking nagngingitngit na sa galit at mapang-asar pa siyang ngumiti bago ako hawakan sa braso at higitin palabas ng mall.
Matapos naming mailagay sa backseat ng kotse ang mga pinamili namin ay agad din kaming pumasok ng kotse. Nang buhayin ko na ang makina ng kotse at pinaandar ito paalis ay saka ko lamang pinakawalan ang tawang kanina ko pang pinipigilan.
"You did great. That guy looked really pissed. Mas lalong kumintab ang mukha niya," puri ko kay Addison habang nasa daan pa rin ang tingin ko at bahagyang natatawa kapag naaalala ko ang nangyari sa mall at ang itsura ng lalaking napagtulungan naming insultuhin.
"I know right. Kanino pa ba naman ako magmamana kung hindi sa 'yo?" nakangiti pang sagot niya habang nasa labas pa rin ng bintana ng kotse nakatuon ang atensiyon niya.
"Good thing that you know that. Now, let's have some roadtrip. Ready to have some fun?" nakangising tanong ko kapagkuwan.
Kaagad namang tumuon sa akin ang kaniyang atensiyon at gumuhit ang isang nakakalokong ngisi sa mga labi niya.
"I was born ready," nakangising sagot niya na mas lalo kong ikinangisi.
"And so I am. Let's do this!" Kaagad kong pinaharurot ang kotse papunta sa kung saan man namin balak pumunta.
Matapos naming mag-roadtrip at mamili ng kung ano-ano sa mga shop na madaanan namin ay agad din kaming dumiretso sa resort.
"Home sweet home," mahinang bulong ni Addison sa hangin.
Lihim na lamang ako natawa dahil sa sinabi ni Addison. She really consider this resort as our home, not the house where we live.
"What should we do first?" pagkuha ko sa atensiyon niya.
Nakangiti niya naman akong binalingan ng tingin.
"Swimming," masayang tugon niya.
"Good idea," tanging nasabi ko.
Yayayain ko na sana siyang magtungo sa dalampasigan nang may maalala ako.
"Magpapalit na muna ako ng damit," paalam ko dahil nakasuot pa rin ako ng wrap around dress.
"Huwag na. Ayos na 'yan," pigil niya sa akin.
Bago pa man ako makapagprotesta ay nahila na niya ako patungo sa dagat at basta na lamang itinulak padapa nang makalubog na sa tubig ang bandang baywang namin.
Hindi ko inaasahan ang ginawa niyang pagtulak sa 'kin kaya naman ay natagalan bago ako nakabangon mula sa pagkakalubog ko sa tubig.
"What the hell, Addison?" I hissed at her.
"We are in hell, sissy. Do I also need to remind you?" she asked sarcastically.
"Bakit ka ba nanunulak?" iritang tanong ko.
"Ang bagal mo e. We came here to have some fun, so don't bother changing your clothes. It's no fun if you'll wear a bikini in this resort wherein we are the only persons around," she reasoned out.
Napabuntong-hininga na lamang ako ngunit agad ding napangisi nang may pumasok na ideya sa isipan ko.
Mabilis kong nilapitan si Addison. Bago pa man niya malaman ang binabalak ko ay kaagad ko nang hinawakan ang suot niyang white cropped mini top at walang sabi-sabing hinubad ito. Sunod ko sanang huhubarin ang undergarment niya nang mahawakan niya ang magkabilang kamay ko.
"The heck! Anong ginagawa mo? Do you want me to be naked?" she hissed at me.
"Why not? You want fun, remember? Then, let's try something new," I answered with a smirk across my lips.
"You're crazy," iiling-iling niyang wika.
"Yes, I am. So bare with it," nakangisi pa ring tugon ko at muli kong tinangkang hubaran siya pero panay ang pigil niya sa 'kin.
"Hey, stop it! You are acting like a perverted jerk," pigil niya sa akin na ikinatawa ko lang.
"Ginusto mo 'to kaya panindigan mo. I am now having fun, sissy. Don't ruin the moment." Pinagpatuloy ko ang pagsubok na hubaran siya pero ayaw pa rin niyang magpatalo.
"Ahh. Gano'n ah." Ngumisi siya nang makahulugan na siyang bahagyang ikinasalubong ng kilay ko.
Bago ko pa man paganahin ang utak ko para isipin ang dahilan ng kaniyang pagngisi ay nahawakan na niya ang suot kong wrap around dress at walang sabi-sabing hinubad ito.
"Now, let's see who'll end up naked," wika niya at huhubarin na sana ang suot kong undergarments ngunit agad ko siyang napigilan.
Pilit kong binabaliktad ang sitwasyon at sinubukan ko rin siyang hubaran ngunit katulad kanina ay nanlalaban pa rin siya kaya ang nangyari ay kaniya-kaniya kami ng paraan mahubaran lang ang isa't isa hanggang sa mapagod na kami at tinawanan na lang ang aming mga kalokohan.
A/N: Mag-unwind na rin kayo. Haha!
PS: Huwag tularan ang kamalditahan ng kambal.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top