Chapter 16
DANIEL'S POV
Malayo pa lang ako ay tanaw ko na sina Allison na may kausap na dalawang babaeng parehong college student. Nakatagilid sila sa akin ngunit malinaw kong nakikita ang ekspresyon sa mga mukha nila. Walang emosyon ang mga mata ni Allison habang si Addison naman ay pilit ang kaniyang mga ngiti. Kung tama ang interpretasyon ko ay nagpapalit na naman sila ng katauhan.
Nang malapit na ako sa kanila ay tumigil akong maglakad para magkaroon ng distansiya sa pagitan namin at upang hindi nila mapansin ang presensya ko. Ngayon ay malinaw ko nang naririnig ang kanilang usapan and I was right. They are doing it again. Tss. I thought they already stopped this silly game.
Nang makaalis ang taong kausap nila ay saka ko lamang ibinuka ang aking bibig para magsalita. Tinawag ko ang pangalan ni Allison pero si Addison ang lumingon. It seemed like they want to play with me. Fine. Let's play this childish game.
Nakangisi akong lumapit kay Addison. Marahan kong hinawakan ang kaniyang balikat. Kamuntikan pa akong matawa nang mapapitlag siya sa gulat na tila ba ito ang unang beses na may lalaking humawak sa kaniya. Mukha pa siyang diring-diri kaya hindi niya magawang tumingin sa akin nang diretso para itago ang pagngiwi niya.
I tapped her shoulder in a friendly manner. "I said Allison... not Addison," I said emphasizing every word I uttered with a devilish grin.
"Tss. You're too boring," reklamo ni Addison at inirapan ako.
Marahan namang tumawa si Allison at tumabi sa 'kin.
"Gotcha!" tumatawa pa ring sabi ni Allison na mukhang nasiyahan pa sa pagkakahuli ko sa kanila.
Nakangiti ko namang binalingan ng tingin si Allison at pinanggigilan ang kaniyang pisngi.
"Naughty," nanggigigil kong sambit bago ko binitiwan ang pisngi ni Allison na bahagya nang namumula.
Ngumuso si Allison at binigyan ako ng nagtatampong tingin.
"Kailan ka kaya namin maloloko?" parang batang tanong ni Allison.
"Hmm." Nagkunwari akong nag-iisip para asarin si Allison at ang kakambal niyang si Addison na nakaabang din sa sagot ko.
"Never," wika ko at tuluyan nang pinakawalan ang tawang kanina ko pa pinipigilan.
"Hmp!" Inirapan ako ni Allison at nauna na siyang maglakad paalis. Tumatawa namang sumunod sa kaniya si Addison at sumabay sa kaniyang maglakad.
Mabilis akong humabol sa kanila at inakbayan si Allison na ngayon ay napapagitnaan namin ni Addison sa paglalakad.
"Aren't you getting sick of it? You've been pretending to be someone else in front of everyone for nine years already," I asked them out of curiosity.
"Why would we? We're enjoying it. Saka isa pa, ito ang paraan namin para malaman kung gaano nila kami kakilala," mahabang sagot ni Allison habang diretso ang kaniyang tingin sa daan.
Binalingan ko si Allison ng tingin at nakita ko ang munting ngiti sa kaniyang mga labi. It seemed like she's really enjoying it.
"Ewan ko sa inyo. Tara na. Nasa kotse na si Abby," I diverted the topic.
"Hindi naman halatang excited siya, ano?" sarkastikong tanong ni Addison na ikinatawa ko.
"Pagbigyan na ninyo. Ngayon lang 'yon makakasama sa lakad ninyo kaya ganoon umasta," natatawang sagot ko.
Alam ko simula pa lang na hindi nila gusto si Abby. But still, they are doing their best to treat her well and that is more than enough for me. Nakikita ko rin naman na kahit papaano ay nagagawa na nila itong pakisamahan at makasundo. Kaya lang ay madalas pa rin silang nagkakainitan dahil malayong-malayo ang ugali ni Abby sa kanila.
"Whatever." Addison rolled her eyes.
Nagpatuloy pa ang usapan namin habang tinatahak namin ang daan patungong parking lot.
"Here!" Rinig kong sigaw ni Abby na nagpatigil sa aming tatlo.
Agad kong natanaw si Abby na nakasandal sa kotse ko habang kumakaway sa aming direksyon. May kalayuan pa kami sa parking lot kaya hindi na ako nagulat pa nang maagaw ni Abby ang atensiyon ng mga dumadaan sa lakas ng boses niya.
"What a scandalous girl," bulong ni Addison na bahagya nang napapahilot sa sentido niya sa kahihiyan.
"Pakipaalala nga sa akin kung paano ko nagagawang pakisamahan 'yang hyper mong pinsan. Hindi ko na maalala e," sarkastikong sabi ni Allison na ngayon ay masama na ang tingin kay Abby.
Hindi ko na nagawa pang pigilan ang tawa ko kaya agad na natuon sa akin ang naniningkit na mga mata ng kambal.
"Just ignore her. Baka tubuan na naman kayo ng sungay. Mahirap na," natatawang sabi ko.
"Tss!" they both hissed.
Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad at hindi na lamang namin pinansin ang mga matang nakatuon sa amin. Nang makalapit kami sa kinaroroonan ni Abby ay agad kaming sumakay ng kotse. Nasa backseat sina Addison at Abby habang kami naman ni Allison ang nasa harapan.
Buong biyahe ay maingay si Abby kaya panay ang mura ng katabi niyang si Addison. Si Allison naman ay mahimbing ang tulog sa passenger seat habang nakasuot ng headphone at may neck pillow sa kaniyang leeg.
Dahil sa bagal kong magpatakbo sa takot na baka madisgrasya kami ay maggagabi na nang makarating kami sa resort. Nagmamadaling lumabas ng kotse si Addison para lumayo kay Abby pero dahil may kakulitan si Abby ay agad siya nitong sinundan. Sinundan ko pa sila ng tingin habang palayo sila ng kotse at nagtatalo sa kung anong bagay. Nang mawala na sila sa paningin ko ay saka ko binalingan ng tingin ang himbing na himbing na si Allison.
Sumilay ang ngiti sa labi ko nang makita kong payapa pa rin siyang natutulog hanggang ngayon. Bahagya akong lumapit sa kaniya para gisingin siya.
"Hey, wake up." Marahan kong tinapik-tapik ang kaniyang pisngi ngunit tinabig lamang niya ang kamay ko.
"Hmm..."
Nang hindi pa rin siya magising ay malaya kong napagmasdan ang kaniyang maamong mukha ng may ngiti sa mga labi ko. Pinag-aralan kong maigi ang bawat detalye ng kaniyang mukha mula sa kaniyang nakaarkong kilay, mahahabang pilik-mata, matangos na ilong hanggang sa mga mapupula at maninipis na labi niya.
Wala sa sariling napalunok ako ng sarili kong laway nang makaramdam ako ng biglaang panunuyo ng aking lalamunan. Para akong nauhaw bigla.
"Hey."
Agad akong nag-angat ng tingin nang marinig ko ang kaniyang inaantok pang boses.
"H—Hey," bati ko sa kaniya pabalik nang magtama ang aming mga mata.
"Nasa resort na ba tayo?" tanong niya sa malamyos na boses.
"Yeah," tipid kong sagot.
Inalalayan ko siyang maupo nang maayos at pagkatapos ay ginawaran ko siya ng magaang halik sa kaniyang noo. Ako na mismo ang kumuha ng neck pillow mula sa kaniyang leeg at maging ang suot niyang headphone saka ko ito itinapon sa backseat.
Mabilis akong lumabas ng kotse at pumaikot patungo sa pintong katabi ng passenger seat para pagbuksan siya ng pinto. Inalalayan ko siyang makalabas ng kotse at todo ingat akong hindi siya mauntog.
Nang tuluyan na siyang makalabas ng kotse ay mabilis ko siyang hinigit palapit sa akin at inakbayan. Nang maramdaman ko ang pagpalibot ng kaniyang kaliwang braso sa baywang ko ay agad akong nagsimulang maglakad patungo sa bahay na aming tutuluyan. Sumasabay naman siya sa aking maglakad habang nilalaro ang mga buhangin sa kaniyang paang natatakpan ng sapatos.
"Did you sleep well?" malambing kong tanong sa kaniya.
"Yeah," humihikab pang sagot niya.
"What did you do last night? Bakit parang puyat na puyat ka?" pang-uusisa ko.
"Tinapos pa namin lahat ng requirements sa lahat ng subjects," sagot niya habang wala pa rin siyang tigil sa paghikab.
"Oh, I see. If you need anything, feel free to call me," wika ko at isinantabi na lang ang pag-aalalang nararamdaman ko dahil alam kong ayaw rin niyang masira ang araw na ito na matagal na naming plinano.
"Yeah. I'll keep that in mind," sagot niya at matamis na ngumiti.
"Hey, PDA couple!" pagtawag sa amin ni Abby mula sa balkonahe sa ikalawang palapag ng bahay na umagaw ng aming atensiyon.
"Tss," we both hissed.
Napangisi na lang ako at napatingin kay Allison. Katulad ko ay malawak din ang kaniyang ngisi.
"Tara na sa loob," anyaya niya.
Inalis ko ang braso niyang nakapalibot sa baywang ko at sa halip ay hinawakan ko ang kaniyang kaliwang kamay gamit ang kanang kamay ko na kanina'y nasa balikat niya. Magkahawak-kamay kaming naglakad patungo sa silid na kanilang tutulugan.
Magtutuloy-tuloy sana ako hanggang sa pagpasok sa kanilang silid ngunit humarang sa pinto sa Addison.
"Hep. Hanggang diyan ka lang. No man allowed," pigil sa akin ni Addison at idinipa pa ang kaniyang isang braso para hindi ako makadaan.
Sa halip na magpumilit akong pumasok ay tumawa na lang ako at humakbang palayo sa pinto.
"Fine. Hintayin ko na lang kayo sa labas. Mauna na ako sa inyo sa dalampasigan," paalam ko at ginawaran ng halik ang kamay ni Allison bago ko ito bitiwan.
"Good. Isama mo na rin ang impakta mong pinsan," utos sa akin ni Addison.
Dahil sa sinabing iyon ni Addison ay agad nabaling sa kaniyang likuran ang paningin ko. Nasa balkonahe pa rin si Abby at panay ang kuha ng litrato saka biglang titili.
"Hey, scandalous girl!" pagkuha ni Addison sa atensiyon ni Abby.
Nang lumingon si Abby ay agad itong sinenyasan ni Addison na lumapit. Salubong ang kilay namang itinuro ni Abby ang kaniyang sarili.
"M—Me?" inosenteng tanong ni Abby.
"May iba ka pa bang kasama riyan?" sarkastikong tanong ni Addison saka muling sinenyasan si Abby na lumapit.
"Come here," malamig na utos ni Addison kay Abby.
Inirapan ni Abby si Addison at padabog siyang lumapit sa amin.
"What?" inis na tanong ni Abby nang makalapit siya sa amin.
"Sumama ka na kay Daniel palabas ng kwarto para magkaroon naman ng katahimikan sa kwartong ito," Addison said in a dry tone which made me smirk.
"Che!" Muling inirapan ni Abby si Addison saka siya nagpapapadyak na umalis. Tumatawa ko naman siyang sinundan palabas ng bahay.
Panay lamang ang kuha ng litrato ni Abby nang marating namin ang dalampasigan. Lumipas na ang ilang minuto ngunit wala pa rin siyang kapaguran sa pagkuha ng litrato gamit ang cellphone niya.
Nakaupo lang ako sa buhanginan habang inaabangan ang paglubog ng araw.
Agad na nagsalubong ang kilay ko nang marinig kong suminghap si Abby na animo'y may nakita siyang bagay na nakakagulat. Nang balingan ko siya ng tingin ay diretso sa likuran ko ang kaniyang tingin at para siyang nanigas sa kaniyang kinatatayuan.
Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan ni Abby. Naningkit ang mga mata ko nang makita ko kung anong tinitingnan niya sa aking likuran. Naglalakad palapit sa amin sina Addison at Allison. Pareho sila ng suot mula ulo hanggang paa. Maging ang ayos ng kanilang mukha at buhok ay walang pinagkaiba kaya sa unang tingin ay mahirap tukuyin kung sino ang sino.
They are both wearing a white two piece swim suit covered with a faded blue cut off shorts and a black net fashion tops. Their hairs were on textured buns.
Pinakatitigan ko silang maigi at agad ko namang nakilala kung sino ang sino dahil sa paraan ng paglalakad nila at sa mga tingin nila.
"Who's who?" wala sa sariling tanong ni Abby habang palipat-lipat ang tingin niya sa kambal nang tuluyan silang makalapit sa amin.
"Make a guess," kibit-balikat na sagot ni Allison ng may sinusupil na ngisi sa kaniyang labi.
"Addison? Allison? No, no. This is Addison and this is Allison. Haist! Ewan!" Halos maduling na si Abby habang pinaglilipat-lipat ang kaniyang tingin at hintuturo sa kambal para hulaan kung sino ang sino.
Malakas na natawa sina Allison at Addison dahil sa itsura ni Abby habang tahimik lang naman akong nanonood sa kanila.
"I'm Addison," Allison lied.
"Allison here," Addison lied too.
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Tumayo ako at lumapit sa kumpulan nilang tatlo.
"Stop playing around, ladies. You are doing it again," pigil ko sa kambal dahil mukhang pinagtitripan lang nila si Abby.
"Tss. Killjoy," Addison murmured before glaring at me.
Nakangiting lumapit sa akin si Allison at mabilis na yumakap sa akin. Bahagya siyang tumingkayad at hinalikan ako sa aking pisngi. Nakita ko ang gulat at pagkalito sa mukha ni Abby habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa kambal dahil buong akala niya ay si Addison si Allison.
Ganoon pa rin ang naging buhay ng kambal sa kabila ng pagpasok ko sa buhay nila. Magpapanggap silang ang kakambal nila kung kailan nila maisipan. They still use it to their advantage especially to get rid of the people they are not fond of.
A/N: Ito na sana ang epilogue pero dahil ayokong masayang ang nasa draft ko na siyang original epilogue ay 'yon pa rin ang susundin ko. Mianhe. Haha.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top