Chapter 15

THIRD PERSON'S POV

Matapos ang usapan nina Addison, Allison at Abby ay walang paalam na iniwan ni Allison ang dalawa para sugurin si Daniel sa College of Law. Madilim ang mukha ni Allison at para siyang papatay sa oras na may humarang sa kaniya. Nakakuyom din ang kaniyang kamao at umiigting ang kaniyang panga tanda ng galit niyang gustong kumawala.

Wala siyang pakialam sa kaniyang paligid at diretso lamang siyang nakatingin sa daan. Kaya naman ay hindi niya napansin na tahimik na nakasunod sina Addison at Abby sa kaniya. Nakangisi ang mga ito habang nakakrus ang kanilang braso sa kanilang dibdib.

Nang marating ni Allison ang kaniyang destinasyon ay agad nahagip ng kaniyang paningin si Daniel na may kausap na ilang kalalakihan. Mabilis ang bawat hakbang niya nang ito'y kaniyang lapitan.

"Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ni Daniel nang tumigil si Allison sa kaniyang harapan.

Sa halip na sumagot ay malakas na binatukan ni Allison si Daniel. Agad namang napaatras ang kalalakihang kausap ni Daniel at sumenyas sa isa't isa para lisanin ang lugar sa takot na madamay sila sa galit ni Allison. Maging sa ibang college department ay matunog ang pangalan ng kambal kaya halos lahat ay takot na sila'y makabangga.

"Hey! What was that for?" salubong ang kilay na tanong ni Daniel habang himas-himas ang parte ng kaniyang ulo na binatukan ni Allison.

Sa pangalawang pagkakataon ay muling binatukan ni Allison si Daniel.

"D*mn you! Liligaw-ligawan mo ako tapos magpapatali ka naman pala sa iba!" sumbat ni Allison kay Daniel na hindi na maitago ang galit sa kaniyang mukha.

"What?" nagugulumihanang tanong ni Daniel na hindi magawang matukoy ang pinupunto ni Allison.

Sa inis ni Allison sa pag-aakalang nagmamaang-maangan lang si Daniel at nagkukunwaring walang alam ay muli niya itong binatukan.

"Nagmamaang-maangan ka pa, e huli ka na!" singhal ni Allison kay Daniel.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Bakas na ang inis na boses ni Daniel dahil wala siyang kaide-ideya kung anong ginawa niya ngunit ilang batok na ang kaniyang natatanggap.

Nang muling tangkain ni Allison na batukan si Daniel ay mabilis na nahawakan ni Daniel ang kaniyang palapulsuhan. Pinukol ni Allison ng matalim na tingin si Daniel dahil sa ginawa nito.

"Bitiwan mo 'ko!" sigaw ni Allison habang pilit siyang kumakawala mula sa pagkakahawak ni Daniel sa kaniya.

Sa halip na bitiwan ni Daniel si Allison katulad ng pakiusap nito ay mas lalo pang hinigpitan ni Daniel ang pagkakahawak niya kay Allison.

"Hindi kita bibitiwan hanggang hindi mo sinasabi sa akin kung anong nangyayari. Bakit ka sumugod dito?" matigas ang boses na tugon ni Daniel.

Naningkit ang mga mata ni Daniel nang mapansin niya ang nag-aalab na galit sa mga mata ni Allison. Hinila niya ito palapit sa kaniya upang mas mapagmasdan ang mga mata nitong nanlilisik na sa galit.

"Saka teka nga. Galit ka ba?" hindi na napigilan pang itanong ni Daniel para kumpirmahin ang kaniyang nababasang emosyon sa mga mata ni Allison.

"Isn't it obvious?" sarkastikong sagot ni Allison.

"Bakit? Ano bang ginawa ko?" inosenteng tanong ni Daniel.

"You toyed with my feelings!" sigaw ni Allison.

Mabilis namang nakagat nina Addison at Abby ang kanilang ibabang labi para pigilan ang sarili nilang matawa dahil sa itsura ni Allison na mukhang luging-lugi.

"W—What?" naguguluhang tanong ni Daniel na wala pa ring kaide-ideya sa nangyayari.

"Kung kailan naman hulog na hulog na ako sa 'yo, saka ka naman aalis at iiwan mo ako para sa iba. Ano 'to, gag*han?" panunumbat ni Allison kay Daniel.

Walang ingay na naglapat ang palad nina Abby at Addison dahil sa kanilang narinig. Hindi na rin nila maitago ang kanilang mga ngisi.

Hindi na nagawa pang pagtuunan ni Daniel ang unang sinabi ni Allison dahil sa huling salitang nagpanginig ng kaniyang kalamnan.

"I already told you before. Kailanman ay hindi kita gagag*hin. Ano bang nangyayari sa 'yo?" May bahid na ng galit ang boses ni Daniel ngunit hindi nagpatinag si Allison. Mas lalo niyang pinag-alab ang nag-aapoy na galit sa kaniyang mga mata.

"I'm mad at you! I hate you! I hate myself! Kung alam ko lang na aalis ka, sana pala noon pa lang ay umamin na ako para hindi ka na matali sa iba!" Huli na nang mapagtanto ni Allison kung anong lumabas sa bibig niya. Ngunit sa halip na bawiin ito ay itinuloy niya pa ang kaniyang pagsasalita. "Mahal din kita, Daniel Adams! At hindi ako papayag na basta ka na lang umalis!" pag-amin ni Allison.

Nanlaki ang mga mata ni Daniel at napaawang ang kaniyang bibig dahil sa kaniyang narinig. Nagpaulit-ulit sa kaniyang isipan ang mga sinabing iyon ni Allison. Para siyang nabingi at tanging ang mga katagang binitiwan lamang ni Allison ang kaniyang naririnig. Ang pinakatumatak sa kaniya ay ang ginawang pag-amin ni Allison na hindi niya inaasahan at hindi niya magawang paniwalaan.

Naagaw ang atensiyon ni Daniel at bumalik siya sa kaniyang huwisyo nang marinig niya ang pagpalakpak nina Addison at Abby mula sa likuran ni Allison.

"Nice one, sissy," puri ni Addison sa kaniyang kakambal ng may nakakalokong ngisi sa kaniyang mga labi.

"Yey! Kinikilig ako!" tili ni Abby.

Nagtataka namang tiningnan ni Allison sina Abby at Addison.

"A—Anong ginagawa ninyo rito?" salubong ang kilay na tanong ni Allison sa dalawang may pakana ng lahat.

"Nanonood," kibit-balikat na sagot nina Abby at Addison.

"We did great! Mission accomplished!" muling tili ni Abby at nakipag-apir pa sa katabi niyang si Addison.

Nagtagis ang bagang ni Allison nang mapagtanto niya kung anong nangyayari at kung anong kagag*han ang ginawa niya.

"Can someone tell me what the hell is happening here?" Allison asked between her gritted teeth.

"Abby, you may do the honor. I'll just back you up," malamig na utos ni Addison kay Abby.

Abby cleared her throat. "We planned everything to make you confess," diretsahang sagot ni Abby.

"W—What?" laglag ang pangang tanong ni Allison.

"Hindi totoo ang arranged marriage at ang tungkol sa pag-alis ni Daniel," kaswal na sagot ni Abby na hindi alintana ang matalim na tinging ipinupukol sa kaniya ni Allison.

"You mean you made me look like a fool?" nagtatagis ang bagang na tanong ni Allison.

"Well, something like that," kibit-balikat na sagot ni Abby.

"D*mn you!" Tatangkain sanang sugurin ni Allison si Abby ngunit mabilis na hinila ni Addison si Abby palayo at hinawakan naman ni Daniel si Allison sa braso para pigilan.

Inis na binalingan ng tingin ni Allison si Daniel. Ngunit agad siyang nag-iwas ng tingin nang magtagpo ang kanilang mga mata. Nagpumiglas siya mula sa pagkakahawak nito para makawala. Nang sa wakas ay makawala si Allison ay mabilis niyang tinalikuran si Daniel. Ihahakbang na sana niya ang kaniyang mga paa upang umalis ngunit muli siyang hinigit ni Daniel sa braso at pinigilang umalis.

Inis na binalingan ng tingin ni Allison si Daniel dahil sa ginawa nitong pagpigil sa kaniya.

"I won't let you go this time," may diing wika ni Daniel.

Muling nagpumiglas si Allison at sinubukang muling kumawala mula sa pagkakahawak ni Daniel ngunit hindi siya nagtagumpay. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniya na animo'y wala itong balak na bitiwan siya.

"Abby, it's time to leave. We already did our part. Let them handle the rest," pabulong na sabi ni Addison kay Abby na sapat lang para marinig nito.

"But I want to watch them," sagot ni Abby at ngumuso pa sa pag-aakalang madadala niya si Addison sa pagiging isip-bata niya.

"Tara na," may diin at awtoridad na wika ni Addison.

"Fine," nakasimangot na sagot ni Abby.

Tahimik na umalis ang dalawa kaya naiwan naman sina Daniel at Allison na hanggang ngayon ay nagtatagisan pa rin ng tingin.

"What did you say earlier?" tanong ni Daniel habang pilit pinipigilan ang kaniyang sariling mapangisi sa labis na tuwa sa kaniyang mga nalaman.

"Sa dami ng sinabi ko, kailangan ko bang isa-isahing hulaan kung alin doon ang tinutukoy mo?" mataray na sagot ni Allison.

Hindi na nagawa pang pigilan ni Daniel ang kaniyang sarili at tuluyan na siyang napangisi dahil sa inaasal ni Allison sa kabila ng pagkakadulas nito kanina.

"The last one," nakangising sagot ni Daniel.

Umirap si Allison at mabilis na nag-iwas ng tingin para itago ang pamumula ng kaniyang pisngi.

"Tss. I'm not a fool. Alam kong malinaw mong narinig ang lahat ng sinabi ko," wika ni Allison saka nagpakawala ng buntong-hininga at muling hinarap si Daniel.

"Now, let go of my hand and let me leave," malamig na utos ni Allison kay Daniel na animo'y tau-tauhan lamang niya ito at madali niyang mapapasunod sa gusto niya.

"I won't," mariing sagot ni Daniel.

"Let go." May diin at awtoridad sa bawat salitang binitiwan ni Allison ngunit hindi ito alintana ni Daniel.

"I said I won't," pagmamatigas ni Daniel.

"I said let—"

Hindi na nagawa pang ituloy ni Allison ang kaniyang pagsasalita nang walang sabi-sabing siniil ng halik ni Daniel ang kaniyang labi. Bakas ang gulat sa nanlalaking mga mata at nakaawang na bibig ni Allison dahil sa ginawang paghalik sa kaniya ni Daniel.

Nakangising pinutol ni Daniel ang halik na kanilang pinagsaluhan pero pinanatili niyang magkalapit ang kanilang mga mukha.

"You're right. Malinaw kong narinig ang lahat kaya wala ka nang kawala," nakangising wika ni Daniel.

"W—What do you mean?" wala sa sariling tanong ni Allison na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabawi mula sa kaniyang pagkagulat.

"You're mine now," sagot ni Daniel at nakangising kumindat kay Allison.

"Hey! I didn't—"

Sa muling pagkakataon ay naputol ang sana'y sasabihin ni Allison nang muling angkinin ni Daniel ang kaniyang mga labi. Ilang segundo lamang ang itinagal ng halik dahil agad na pinakawalan ni Daniel ang kaniyang mga labi at umayos ito ng tayo.

"But you already confessed your love. Now, it's official," kibit-balikat na sabi ni Daniel.

Sasagot pa sana si Allison ngunit hinigit siya ni Daniel palapit at mahigpit na niyakap. Wala na siyang nagawa kung hindi ang tugunin ito dahil aminin man niya o hindi ay gusto niya ang pakiramdam na nasa mga bisig nito. She feels safe and it feels like home.

A/N: Malapit na ang epilogue. Fighting!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top