Chapter 14

ALLISON'S POV

Mabilis na lumipas ang mga araw. Mahigit tatlong buwan nang nanliligaw si Daniel at sa tatlong buwang lumipas ay walang palya sa paghatid-sundo sa amin si Daniel. Tuwing may lakad kami ay palagi siyang kasama at madalas ay sumasama rin si Abby na ngayon ay unti-unti ko nang natututunang pakisamahan.

Madalas ay sa amin siya nag-aagahan at tuwing inaabot naman kami ng gabi sa pag-uwi ay sa amin na rin siya naghahapunan.

Sa tatlong buwang iyon ay naging totoo siya sa amin. I've seen his different sides and personality and all I could say is... he's a great man. And I must admit that he's too good to be true.

Habang mas nakikilala ko siya at mas napapalapit ako sa kaniya ay mas lalo kong napapatunayan na tunay ngang nahulog na ako sa kaniya. Aminin ko man sa sarili ko o hindi ay huli na para pigilan ko pa ang nararamdaman ko para sa kaniya. Wala ng pag-asa pang makabangon ako mula sa pagkakahulog ko.

Dahil sa dalas niya sa bahay ay napalapit na rin siya maging sa mga magulang ko. Kaya naman ay hindi na ako nagulat pa nang anyayahan siya nina mommy na dumalo sa simpleng pagdiriwang sa bahay para sa ikalimampung kaarawan ni daddy.

Ngayon ang kaarawan ni daddy at lahat kami ay abala sa paghahanda. Sina Daniel ay abala sa pagbubuhat ng mga mesa, upuan at kung ano-ano pa mula sa loob ng bahay patungo sa pool area kung saan gaganapin ang pagdiriwang na eksklusibo lamang para sa aming mag-anak. Kami naman ni Addison ang abala sa paglalagay ng mga dekorasyon sa pool area at pag-aayos ng mga mesa para kahit papaano ay maging kaaya-aya ito sa paningin. Samantala ay katulong naman ni mommy si Abby sa kusina. Sila ang punong-abala sa pagluluto. Isinama ni Daniel ang pinsan niyang si Abby dahil wala raw itong kasama sa bahay nila at wala itong magawa sa kanila.

Nang matapos kaming maglagay ng mga dekorasyon sa pool area ay agad din kaming nagtungo ng kusina para tingnan kung anong maitutulong namin sa pagluluto. Wala kaming gaanong alam ni Addison sa pagluluto kaya kami nagprisintang mag-ayos ng venue.

"Aren't you done yet?" tanong ko habang isa-isang binubuksan ang mga food container na nakapatong sa mesa.

Hindi ko naman maiwasan ang marahang mapapikit habang sinisinghot ang amoy ng mga niluto nina mommy na nanuot sa ilong ko.

"We're almost done here. Pakidala na lang ninyo iyang mga 'yan sa pool area," utos ni mommy.

Kukunin ko na sana ang isa sa mga food container nang may kamay na pumigil sa 'kin.

"Ako na. Baka mapaso ka pa," pigil sa akin ni Daniel at siya na ang kumuha ng lalagyan na sana'y kukunin ko.

"Cous, masyado kang sweet. Nakakaumay 'yan," biro ni Abby kay Daniel na ngayon ay nakangisi na habang nakakrus ang kaniyang mga braso sa kaniyang dibdib at nakatingin sa amin.

Saglit namang iniwan ni mommy ang kaniyang niluluto at nilapitan si Abby.

"Hayaan mo na. Walang ka-sweetan sa katawan ang anak ko kaya hindi 'yan mauumay," natatawang pigil ni mommy kay Abby.

Hindi ko naman maiwasan ang pamulahan ng pisngi dahil sa mga panunukso at pang-aasar nila. Nakagat ko na lamang ang labi ko para pigilan ang sarili kong makisali sa usapan nila.

Narinig ko ang marahang pagtawa ni Addison na nasa aking harapan kaya nalipat sa kaniya ang atensiyon ko.

"You look cute. Ito ang unang beses na makita kitang mag-blush," panunukso sa akin ni Addison na mas lalong ikinapula ng pisngi ko.

"Hey. Stop teasing her. Mahirap na at baka tubuan na naman 'yan ng sungay," natatawang pag-awat ni Daniel sa kanilang tatlo.

Inis kong binalingan ng tingin ang katabi kong si Daniel dahil sa pakikisali niya sa pang-aasar ng tatlo sa akin.

"Matagal na akong may sungay," mataray kong sabi kay Daniel at inirapan siya saka ako padabog na pumunta ng pool area para makaiwas sa mga nanunukso nilang tingin.

Narinig ko pa ang tawanan nila nang talikuran ko sila ngunit hindi ko na ito pinansin pa. Ramdam ko rin ang pagsunod sa akin ni Daniel ngunit nagkunwari akong hindi ko ito napansin. Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad nang hindi siya nililingon mula sa likuran.

Nakasalubong ko si daddy sa glass door na noon ay papasok ng bahay. Marahan lamang niya akong tinapik sa balikat at nginitian bago niya ako nilampasan.

Nang makarating ako ng pool area ay agad akong dumiretso sa pool at naupo sa gilid nito. Hinubad ko ang suot kong tsinelas saka inilubog ang dalawa kong paa sa tubig.

Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ng upo ni Daniel ngunit mas pinili kong ituon ang tingin ko sa tubig kung saan malinaw kong nakikita ang aming repleksyon. Nakatitig lang siya sa akin at parang nagdadalawang-isip pa na kausapin ako kaya naman ay ako na ang nagbukas ng usapan.

"May kailangan ka?" Tiniyak kong walang mababakas na emosyon sa boses at mukha ko sa paraan ng pananalita ko.

"H—Huh? Ah... w—wala," nauutal niyang sagot habang nasa akin pa rin ang tingin niya.

Binalingan ko siya ng tingin at sinalubong ang titig niya.

"Bakit mo ako sinundan hanggang dito?" nakataas ang kilay kong tanong.

"Gusto ko lang makita nang matagal at malapitan kung paano ka mag-blush," sagot niya at bahagyang ngumisi.

Pinaningkitan ko siya ng mga mata dahil sa kaniyang sinabi.

"Inaasar mo ba ako?" asar kong tanong sa kaniya.

"Of course not," mabilisang sagot niya.

Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya habang seryoso pa rin akong nakatingin sa kaniya.

"E anong tawag mo sa ginagawa mo?" sarkastikong tanong ko.

"Honesty?" pigil ang tawang sagot niya.

"Tss. Honesty your ass. Saka blush on lang 'to. Asa ka namang magba-blush talaga ako dahil sa 'yo," pambabara ko sa kaniya.

Marahan lamang siyang tumawa sa sinabi ko. "Oh, come on, Al. I know you too well. Hindi ka fan ng cosmetics," natatawa pa ring tugon niya.

"Nagmamarunong ka na naman," wika ko at inirapan siya para itago ang pagkapahiya ko. Nawala na naman sa isip ko na kilalang-kilala nga pala niya ako.

"Nagsasabi lang ako ng totoo," giit niya.

I just rolled my eyes at him. "Whatever."

"Sige, balik na muna ako sa loob. Tawagin mo lang ako kung kailangan mo ng tulong ko. Huwag kang magbubuhat ng mabigat," mahigpit na bilin niya.

"Tss!" I hissed to restrain myself from grinning due to his concern.

"Bye," he said and gave me a peck on my left cheek and left me dumbfounded.

Wala sa sariling napahawak ako sa aking pisngi kung saan lumapat ang kaniyang labi. Nakatulala pa rin ako at nakatingin sa kawalan. Natauhan lamang ako nang dumating si Addison at tumabi ng upo sa 'kin.

"Hey. Are you okay?" pagkuha ni Addison sa atensiyon ko.

Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya na tanging leeg at ulo lamang ang gumalaw sa 'kin. Hindi pa rin ako nakakabawi mula sa pagkagulat ko kaya hindi ko magawang igalaw ang ibang parte ng katawan ko lalo na ang kamay kong nakahawak pa rin sa pisngi ko hanggang ngayon.

"H—Huh?" wala sa sariling tanong ko.

"Anong nangyari sa 'yo? Para kang nakakita ng multo," aniya na bakas pa rin ang pag-aalala sa kaniyang boses.

"Sissy, I've been shot," wala pa rin sa sariling sagot ko.

"Love shot?" nakangising tanong ni Addison.

Wala sa sariling tumango ako bilang tugon.

"Sigurado ka na ba riyan?" tanong niya habang hindi pa rin maalis-alis ang ngisi sa kaniyang labi.

Bigla akong nabalik sa aking huwisyo kaya umayos ako ng pagkakaupo ko at inalis ko ang kamay kong nakahawak sa aking pisngi. Inangat ko ang kaliwang paa ko mula sa tubig at umupo ako nang paharap kay Addison habang nakalubog pa rin sa tubig ang kanang paa ko.

"Yeah. I'm certain this time," walang pag-aalinlangan kong sagot.

Mas lalo namang lumapad ang ngisi ni Addison dahil sa sinabi ko.

"Glad to hear that. Now, what's your plan?" Ginaya niya ang ginawa ko at ngayon ay paharap na rin siyang nakaupo.

"I don't know. I haven't think about it yet," kibit-balikat kong sagot.

"Well, whatever your decision is, you have my full support," aniya at tinapik ako sa kanang balikat ko.

"Thank you, sissy!" tili ko at walang sabi-sabi ko siyang niyakap na agad naman niyang tinugon.

"Hey there, sweethearts! Come here!" pagtawag sa amin ni mommy na umagaw ng aming atensiyon.

Pareho kaming kumalas sa yakap at naunang tumayo si Addison. Nang makatayo na siya ay inilahad niya ang kaniyang kamay sa aking harapan na agad ko namang tinanggap kaya agad na rin niya akong inalalayang tumayo. Nang makatayo na ako ay hindi pa rin niya binitiwan ang kamay ko. Sa halip ay magkahawak-kamay kaming lumapit sa mesa na kinaroroonan nina mommy at masayang nagsalo-salo sa hapag-kainan.

A/N: Kaunting kembot na lang at matatapos na 'to. At last.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top