Chapter 13
ALLISON'S POV
Magmula noong gabing malagay kami sa panganib ni Addison ay hindi na kami nilubayan pa ni Daniel. Siya na mismo ang nagboluntaryong ihatid-sundo kami. Agad naman itong sinang-ayunan nina mommy dahil tiwala sila kay Daniel lalo pa't nalaman nilang anak siya ng kanilang business partner na malapit din nilang kaibigan.
Maaga pa lang ay nasa bahay na si Daniel para sunduin kami kaya sumabay na rin siya sa aming mag-agahan.
"Daniel, hijo, please take care of my babies for me," bilin ni mommy kay Daniel nang magpaalam kaming aalis na.
Napabuntong-hininga na lang ako sa halip na pagsabihan pa si mommy dahil sa itinawag niya sa amin.
"I will, tita. You have nothing to worry about," Daniel assured mom which made her feel at ease.
"Mom, we'll get going. Bye," Addison interfered and gave mom a peck on her cheek. I just did the same.
Matapos naming makapagpaalam kay daddy na abala sa pagbabasa ng diyaryo sa sala ay agad na kaming lumabas ng bahay at pinuntahan ang kotse ni Daniel na nakaparada sa tapat. Nang malapit na kami sa mismong kotse ni Daniel ay mabilis siyang tumakbo upang maunang makalapit dito. Unang pinagbuksan ni Daniel ng pinto si Addison sa backseat na kaagad din naman niyang sinara nang makapasok si Addison. It seemed like I'll be sitting on the passenger seat, again.
Katulad ng inaasahan ko ay binuksan ni Daniel ang pinto ng passenger seat. Todo alalay naman siya para tiyaking hindi ako mauuntog.
Nang tuluyan akong makapasok ng kotse ay hindi sinasadyang mahagip ng paningin ko ang nakangising si Addison. Salubong ang kilay ko siyang binalingan ng tingin.
"What's with that look on your face? Have you gone insane?" I asked her in a sarcastic voice.
"Nothing. I'm just... happy," kibit-balikat niyang sagot.
Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto sa driver's seat kaya agad akong umayos ng upo at itinuon na lamang sa daan ang atensiyon ko.
Nang magsimula nang umandar ang kotse ay isinalpak ko sa tainga ko ang headphone na nakasabit sa leeg ko magmula pa kanina. Nakinig ako ng musika habang inaabala ang sarili ko sa pagkain ng cookies na pabaon ni mommy.
Batid ko ang pasulyap-sulyap na ginagawa ni Daniel. Hindi ko sana ito papansinin ngunit hindi ko magawa dahil may kung ano sa loob ko na nagtutulak sa aking salubungin ang titig niya at makipagsukatan ng tingin sa kaniya.
Sa huli ay hindi rin ako nakapagpigil at namalayan ko na lang ang sarili kong nakatitig kay Daniel habang nakatuon sa daan ang kaniyang atensiyon. Mukhang mas tumangos ang ilong niya. Ang laki rin ng pinagbago niya mula noong unang kita ko sa kaniya siyam na taon na ang nakararaan.
Hindi ko inaasahan ang biglang paglingon ni Daniel sa direksyon ko kaya halos mapatalon ako sa gulat. Agad akong nag-iwas ng tingin bago pa tumagal ang aming titigan. Nakita ko sa sulok ng mata ko ang pagngiti at pag-iling niya na para bang natawa pa siya sa inasal ko. Kaya para hindi siya mag-isip ng kung ano sa ginawa kong pagtitig sa kaniya at pag-iwas ko ng tingin ay nag-isip ako ng palusot.
"Want some?" alok ko sa kaniya habang nakalahad sa kaniyang harapan ang cookies na kanina ko pang nilalantakan.
Nakangiti niya naman akong tinapunan ng tingin at kumuha siya ng isang pirasong cookie bago muling tumuon sa kaniyang pagmamaneho.
Sunod ko namang binalingan ng tingin si Addison para alukin din sana siya. Nahuli ko siyang matamang nakatingin sa amin habang nakataas ang sulok ng kaniyang labi at komportableng nakaupo sa likuran.
Kanina pa ba niya kami pinapanood? Is this the reason why she chose to sit at the backseat? Tss.
Inirapan ko na lang si Addison at hindi ko na itinuloy pa ang balak kong alukin siya ng cookies. Umayos ako ng pagkakaupo ko at hindi na muli pang tinangkang lingunin ang sino man sa kanila. Tahimik na lamang akong nakinig ng musika at umidlip.
Hanggang makarating kami ng classroom ay nakasunod sa amin si Daniel. Katulad ng palaging ginagawa ni Addison ay nagpahuli siya sa paglalakad at tahimik lang na sumunod sa aming likuran.
"Thanks," tipid kong pasasalamat kay Daniel.
Nakita ko ang gulat sa kaniyang mga mata dahil sa sinabi ko. I know it's kind of weird to hear me say that 6-letter word. Maging ako ay naninibago na rin sa sarili ko.
Hindi ko na hinintay pang makabawi si Daniel sa kaniyang pagkagulat. Agad na akong pumasok ng classroom at iniwan siyang nakatulala pa rin sa kaniyang kinatatayuan.
Nang sumapit ang break time ay inaasahan ko nang nasa labas na ng classroom si Daniel kaya hindi na ako nagulat pa nang maabutan ko siyang nakasandal sa gilid ng pinto. Walang imik ko siyang nilampasan. Agad naman siyang sumunod at sumabay sa aking maglakad habang tahimik na nakasunod sa amin si Addison.
Nang makarating kami ng cafeteria ay agad kaming pumuwesto sa mesa na pang-apat katao.
"Oorder lang ako," paalam ni Daniel.
Tumango na lamang ako bilang tugon at ganoon din si Addison. Hindi na kami nag-abala pang sabihin ang order namin dahil alam naman na niya kung ano ang gusto namin.
Narinig ko ang pag-ugong ng upuan sa tapat ko kaya nabaling doon ang atensiyon ko. Hindi ko naman maiwasan ang paningkitan ng mga mata ang taong kaharap ko na ngayon ay komportableng nakaupo sa katapat kong upuan.
"What?" mataray kong tanong at pinagtaasan ng kilay ang kaharap kong si Abby.
"Tsk. Ang sungit mo pa rin. Akala ko pa naman napalambot na nang tuluyan ng pinsan ko 'yang bato mong puso," maarteng sabi ni Abby at inirapan ako na siyang nagpainit ng dugo ko.
Umayos ako ng upo, pinagkrus ang braso ko sa aking dibdib at binigyan si Abby ng seryosong tingin para ipakita ang pagkadisgusto ko sa kaniya.
"Are you here to annoy me?" nakataas ang kilay kong tanong kay Abby.
"Advance mong mag-isip. Makikiupo lang ako," sagot niya at bahagyang ngumuso saka ako inirapan.
I rolled my eyes in annoyance. "Maraming bakanteng mesa," mataray kong sabi para ipakita kay Abby na hindi siya welcome sa mesang inookupa namin.
"Sissy, just let her be. Just for now," Addison interfered.
"Tss!" I hissed in annoyance.
"Yey! Thank you, Addison!" masayang tili ni Abby saka ipinulupot ang braso niya sa braso ni Addison.
"Buti ka pa may puso. Hindi katulad ng isa riyan," pagpaparinig ni Abby na ikinairap ko na lang.
"Hey! Get off me!" parang nandidiring sigaw ni Addison.
Kamuntikan naman na akong matawa nang makita ko kung paanong kinalas ni Addison ang braso ni Abby mula sa pagkakapulupot nito sa braso niya. Daig pa nito ang may nakakahawang sakit.
Mukha namang napansin ni Abby ang pagpipigil ko ng tawa kaya inis niya akong binalingan ng tingin. Ngunit agad ding lumambot ang ekspresyon ng kaniyang mukha nang tumagos sa aking likuran ang kaniyang tingin.
"Cous!" Abby squealed.
Mabilis na tumayo si Abby mula sa kaniyang pagkakaupo at tumungo sa aking likuran. Tamad ko siyang sinundan ng tingin at nakita kong nakahawak na siya sa braso ni Daniel.
May kung anong namuo sa loob ko na gustong kumawala dahil sa aking nasaksihan. Hindi ko alam kung ano ito. Ang tanging malinaw lang sa akin ay gusto kong sugurin si Abby at kaladkarin palabas ng campus.
Ugh! This is so weird! I can't recognize myself anymore. Things are getting weirder and weirder.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanila at mas pinili ko na lang na hindi pansinin ang mga nangyayari sa paligid ko.
Inokupa nila ang dalawang bakanteng upuan. Katapat ko si Abby habang si Addison naman ang katapat ni Daniel.
Nagsimula na kaming kumain. Nanatili lamang akong tahimik habang sila ay panay ang kuwentuhan ng mga bagay na hindi ko na magawa pang sundan.
This is so weird. Bakit bigla akong nawalan ng gana? Ugh! I'm going insane.
Padabog kong ibinagsak ang kutsara't tinidor na hawak ko. Agad nabaling ang kanilang atensiyon sa akin dahil sa ingay na dulot nito. Mga nagtatanong ang kanilang tingin.
"Are you okay? What's the matter?" alalang tanong ni Daniel.
"Nothing," mahinang tugon ko saka ako muling bumalik sa pagkain ko.
Pilit kong inalis sa isipan ko ang mga bagay na gumugulo sa 'kin. Itinuon ko na lamang ang buo kong atensiyon sa pagkain. Ngunit natigil ako sa pagsubo nang maramdaman ko ang paglapat ng daliri ni Daniel sa sulok ng labi ko. Mukhang ginawa niyang pamunas ng dumi sa sulok ng labi ko ang kaniyang daliri.
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at halos mapaso ako sa lagkit ng titig sa akin ni Daniel. Tinangka kong mag-iwas ng tingin ngunit hindi ko magawa. May kung anong pwersa ang pumipigil sa aking mag-iwas ng tingin at nagtutulak sa aking mas titigan pa ang kaniyang nangungusap na mga mata.
"Ehem! Ehem!"
Agad akong nag-iwas ng tingin nang matauhan ako dahil sa ginawang pag-ubo ni Addison. Natataranta akong uminom ng tubig at walang pag-iingat na tumayo para makaiwas sa mga nanunukso nilang tingin.
"Where are you going?" takang tanong ni Addison.
"W—We have plans, remember?" Pilit akong umaktong normal na para bang walang nangyari.
"Oo nga pala." Tumayo na rin si Addison at kinuha ang bag niyang nakasabit sa kaniyang upuan.
"Saan ang lakad ninyo?" salubong ang kilay na tanong ni Daniel habang palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Addison.
"Shopping," kibit-balikat na sagot ni Addison.
"Haist! May meeting nga pala mamaya ang faculties kaya cancel ang lahat ng klase," bigla sambit ni Abby.
"We have to go," paalam ko.
Pipihit na sana ako para talikuran sina Daniel at lisanin ang cafeteria nang biglang hawakan ni Daniel ang braso ko. Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin para itago ang gulat ko sa ginawa niya at ang epekto nito sa ngayong nagtatambol kong puso.
"Samahan ko na kayo," alok ni Daniel.
"H—Hindi na," agarang pagtanggi ko.
"Wala kayong dalang kotse kaya sasamahan ko na kayo," pagpupumilit pa rin ni Daniel.
"Sama rin ako!" biglang tili ni Abby na umagaw ng atensiyon ko.
I was just about to refuse again when Addison interfered.
"Fine. Sumama na kayong pareho. The more the merrier," pagpayag ni Addison na ikinalaglag ng panga ko.
Magsasalita pa sana ako para bawiin ang sinabi ni Addison ngunit hindi ko na nagawa pang magsalita nang marahan akong higitin ni Daniel at iginiya paalis.
Sama-sama nga kaming nag-shopping na hindi ko naman nagawang i-enjoy dahil okupado ang utak ko buong maghapon. Hanggang pagsapit ng gabi ay marami pa ring bagay ang gumugulo sa utak ko kaya hindi ko nagawang matulog nang maaga.
Napabalikwas ako ng bangon mula sa aking pagkakahiga. Naramdaman ko ang paggalaw ni Addison sa tabi ko. Nang balingan ko siya ng tingin ay halos mapatalon ako sa gulat nang mapansing kong nakaupo na rin siya sa tabi ko at matamang nakatingin sa akin.
"Anong problema?" tanong niya sa seryosong boses ngunit bakas pa rin ang kaniyang pag-aalala.
"Sissy, I think I'm starting to like him," wala sa sariling sagot ko.
Inaasahan kong magugulat siya sa ginawa kong pag-amin at babatuhin niya ako ng sunod-sunod na tanong ngunit laking gulat ko nang walang pinagbago ang kaniyang ekspresyon. Nanatili siyang seryosong nakatingin sa akin.
"I know," walang ganang tugon niya at pabagsak na nahiga sa kama.
Agad ko naman siyang sinundan ng tingin.
"What do you mean?" salubong ang kilay kong tanong.
"I already know that you have deeply fallen for him," sagot niya at ngumisi habang nasa kisame ang kaniyang tingin.
"Tss. You're exaggerating," naiiling na wika ko saka ako tumabi ng higa sa kaniya at tumingin na rin sa kisame.
"I'm not. I'm just advance," giit niya.
"Tss. Whatever." I just rolled my eyes even though she can't see it.
Tumagilid ako ng higa at tinalikuran siya. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang bigla siyang magsalita.
"I know what you feel. But don't rush anything, sissy. I don't want you to regret it later on," aniya sa seryosong boses.
Ramdam kong may sasabihin pa siya kaya nanatili na lamang akong tahimik.
"Ikaw na nga ang may sabi. You just think that you like him. You're not even sure. Mas makabubuting siguruhin mo muna at kilalanin mo siya nang maigi para wala kang pagsisihan sa kung ano man ang maging desisyon mo," pagpapatuloy niya.
"I'll keep that in mind. Good night," sagot ko kasabay ng pagpapakawala ko ng malalim na buntong-hininga.
Muli akong naglililikot sa kama. Humarap ako ng higa sa kaniya, iniyakap ko ang kanang braso ko sa kaniyang baywang saka ako pumikit at hinintay na tuluyan akong dalawin ng antok.
A/N: I'm lost for words. Haist.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top