Chapter 12
ADDISON'S POV
Pauwi na kami ni Allison galing sa isang mall. Katulad ng nakasanayan ay ako ang nasa driver's seat at nagmamaneho ng kotse habang siya ay komportableng nakaupo sa passenger seat. Malayo na ang natatakbo ng kotse nang bigla itong tumirik sa gitna ng daan dahilan upang salubong ang kilay na bumaling sa akin si Allison.
"What happened?" takang tanong niya.
"Tumirik 'yong kotse," imporma ko sa kaniya.
Pinatay ko ang makina ng kotse at kinuha ang susi mula sa keyhole bago siya muling binalingan ng tingin.
"Saglit lang. Titingnan ko," paalam ko sa kaniya.
Hindi ko na hinintay pang sumagot siya. Kaagad na akong lumabas ng kotse at sinipat kung anong sira nito.
Napaatras ako nang sinalubong ako ng umuusok na makina ng kotse. Nanlulumo kong tiningnan ang makina nang mawala ang usok na bumabalot dito.
"Anong problema?" Rinig kong tanong ni Allison.
Nabaling ang tingin ko kay Allison nang bigla siyang sumulpot sa tabi ko.
"Hindi ko alam," kibit-balikat kong sagot.
Katulad ko ay nanlulumo rin niyang tiningnan ang makina bago niya buong lakas na ibinaba ang hood ng kotse at sumandal dito.
"Anong gagawin natin ngayon? I have no idea on how to fix it," nanlulumong sabi niya.
"Same here," sagot ko at sumandal na rin ako sa hood ng kotse katabi niya.
Diretso lang ang tingin namin sa malawak na kalsada habang magkatabi kaming nakatayo habang nakasandal sa hood ng kotse.
"Try to call someone," suhestiyon niya.
Salubong ang kilay ko naman siyang binalingan ng tingin dahil sa kaniyang sinabi.
"Who?" walang buhay kong tanong.
Natauhan naman siya sa tanong ko at napahilot na lamang siya sa kaniyang sentido.
"Ugh! I almost forgot. We don't have anyone to lean on in a situation like this," she said in a frustrated voice.
"What should we do now, sissy?" nanlulumong tanong ko dahil wala talaga akong maisip na pwede naming gawin sa sitwasyon namin ngayon.
"Call dad," aniya na agad ko namang sinunod.
Ilang beses kong tinawagan si daddy ngunit walang sumasagot. Nanlulumo kong tiningnan si Allison para ipaalam ito sa kaniya.
"He's not answering," I informed her.
"What about mom?"
Sa pagkakataong ito ay si mommy naman ang tinawagan ko. Ngunit katulad kay daddy ay wala ring sumasagot sa kabilang linya.
"Unattended," bagsak ang balikat kong sabi.
"Haist!" she hissed in frustration.
I was just about to call Daniel to ask for help when an unwanted creatures appeared right in front of us. They are four in total and I know exactly who they are. They were the guys we met at the mall when we went out to unwind.
What a great timing. Tss.
Isa-isa kong pinasadahan ng tingin ang mga nakapamulsang kalalakihan sa harapan namin na kabababa lang galing sa kotseng nakaparada sa kanilang likuran. Nakangising humakbang pasulong ang kanilang tumatayong lider na napagkaisahan naming insultuhin noon ni Allison.
"Tingnan mo nga naman ang tadhana. Nagkita ulit tayo," nakangising wika ng kanilang lider habang nagpapalipat-lipat ang kaniyang tingin sa aming dalawa ni Allison.
"Tss. Sira na ang araw namin. Huwag mo nang sirain pa," mataray na sabi ni Allison.
Mariin na lang akong napapikit dahil talagang walang pinipiling lugar at oras ang katarayan ng kakambal ko. We'll be in big trouble if she continue acting this way.
"But I haven't done anything yet, young lady," nang-uuyam na sagot ng lider ng kalalakihang nasa harapan namin.
Hindi pa rin maalis-alis ang ngisi ng lalaking kausap ni Allison kaya mas lalo akong kinukutuban ng masama.
"But your face is more than enough to ruin our day," mapanuyang sagot ni Allison.
Pasimple kong hinawakan ang kanang braso ni Allison para awatin siya.
"Stop it, sissy. We might get into trouble if you continue what you are doing," pabulong kong sabi kay Allison na sapat lang para marinig niya.
"They can't harm us. And even if they can, I'm not scared. Let them be," sagot ni Allison dahilan para mas lalo akong manlumo at tuluyang bumagsak ang balikat ko.
Bigla akong napaayos ng pagkakasandal ko sa hood ng kotse nang biglang sumagi sa isipan ko si Daniel. Hindi ko na mapipigilan pa ang pagtubo ng sungay ng kapatid ko. Daniel is our only hope.
Patago kong tinawagan si Daniel para ipaalam sa kaniya ang sitwasyon namin. Nang mapindot ko ang dial button ay agad kong itinago sa aking likuran ang cellphone ko para walang makapansin ng ginawa ko.
Hindi ko alam kung sinagot na ba ni Daniel ang tawag o hindi dahil hindi ko magawang tingnan mula sa aking likuran ang cellphone na hawak ko. Hindi ko rin naman maririnig ang boses niya kung sakaling magsalita siya sa kabilang linya dahil hininaan ko ang volume nito at nakatakip ang isang daliri ko sa speaker. Kung sakali namang sagutin ni Daniel ang tawag ay tiyak kong maririnig niya ang mga nangyayari sa kinalalagyan namin ngayon. Maaari din niyang mahanap kung nasaang lupalop kami dahil nakabukas ang gps ng phone ko.
"Anong binubulong-bulong ninyo?" their leader asked between his gritted teeth.
"Why do you even care? Mind your own business, will you?" pagtataray ni Allison na mas lalong ikinainis ng lider ng kalalakihang aming kaharap.
Pinukol ng kanilang lider ng matalim na tingin si Allison. Unti-unti niyang tinawid ang distansyang kanilang pagitan nang hindi pa rin inaalis ang matalim niyang tinging nakapako kay Allison.
Kung hindi ako nagkakamali ay may ideya na ang lalaking kaharap ni Allison kung sino sa amin ni Allison ang may matalas na dila na nang-insulto sa kaniya nang lubos noon. Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit si Allison ang puntirya niya.
"Hindi talaga maganda ang tabas ng dila mo," gigil na sambit ng lalaki.
Bakas na sa mukha ng lalaki ang labis na pagkainsulto at galit dahil sa mga ugat nito sa leeg na ngayon ay bakas na bakas na.
Sa halip na matakot at maalarma ay inirapan lang ni Allison ang lalaking kaharap niya. Para bang wala lang sa kaniya kahit na sugurin siya nito.
"Hindi ko pa nakakalimutan ang pang-iinsulto mo sa 'kin," pagpapatuloy ng lalaki.
Sinalubong ni Allison ang matalim na tinging ipinupukol sa kaniya ng lalaki gamit ang nanghahamon niyang mga mata. "Hindi insulto 'yon. It's the fact that you can't admit."
Talagang ginagalit ni Allison ang kausap niya. D*mn it!
"What the! Wala ka talagang kadala-dala. Siguro ay inaakala mong palalampasin ko ulit ang pang-iinsulto mo," galit nang sambit ng lalaki.
Humigpit ang pagkakahawak ko kay Allison dahil sa bibig niyang walang preno. Ngunit hindi siya natinag sa kaniyang kinatatayuan. Nagpatuloy siya sa pakikipagsukatan ng tingin sa lalaking kaniyang kaharap.
"What do you want? Name your price. I'm getting bored of this conversation," Allison said in a dry voice as if she's getting tired of their conversation.
"What?" hindi makapaniwalang tanong ng lalaki.
"Name your price and then leave quietly after I give you want you want," Allison answered nonchalantly.
Sumilay ang nakakakilabot na ngisi sa labi ng lalaki matapos maintindihan ang sinabi ni Allison. "Oh. I'm sorry to say this but I'm not after your money. I won't let you get off the hook unscathed this time either."
Agad akong naalarma dahil sa aking narinig. Patago kong tinext si Daniel habang ongoing pa rin ang tawag.
To Daniel:
Track my location and be here, asap. Allison needs you.
"Are you threatening me?" kalmado pa ring tanong ni Allison.
Muling nabaling ang atensiyon ko kay Allison dahil sa kaniyang sinabi. D*mn it. Hindi niya ba alam kung kailan dapat umatras bago pa may mangyaring giyera? E mukhang balak pa yata niyang punuin ang lalaking kausap niya.
"No. I'm just informing you beforehand," nakangising wika ng lalaki at nagpatuloy sa paghakbang niya palapit kay Allison.
Kaunting distansya na lang ang naglalayo ng kanilang katawan. Isang hakbang na lang at tuluyan nang mawawala ang distansyang kanilang pagitan.
"One more step and I'll bring you to hell," Allison said while giving the guy a cold stare.
Hindi natinag ang lalaki at patuloy pa rin ito sa paglapit kay Allison. Nang tuluyang makalapit ang lalaki ay marahas niyang hinablot ang kanang braso ni Allison na kanina lamang ay hawak ko.
"Don't touch me!" Pilit binabawi ni Allison ang kaniyang kamay ngunit masyadong mahigpit ang pagkakahawak ng lalaki sa kaniya.
Tinangka kong makisali sa kanilang iringan ngunit agad akong nahawakan ng dalawang kasamahan ng lalaki sa magkabilang braso ko. Sa bilis ng pangyayari at sa higpit ng hawak sa akin ng dalawang lalaki sa magkabilaan ko ay nabitiwan ko ang cellphone na hawak ko.
"Wala ka nang kawala ngayon." Sumilay ang malad*monyong ngisi sa labi ng lalaking may hawak kay Allison kaya mas lalo akong nag-aalala para sa kakambal ko.
"Kung ano man ang binabalak mo, huwag mo nang ituloy. I'm warning you!" I warned him.
Nabaling sa akin ang namamanghang tingin ng lalaking may hawak kay Allison dahil sa sinabi ko.
"Woah! Sa sitwasyon mo ngayon, nakakagulat na may gana ka pang magpakabayani," mapanuyang wika ng kanilang lider na mas lalong nagpakulo ng dugo ko.
Sa kabila ng mga bakal na kamay na nakahawak sa akin ay pinilit ko pa ring makawala. Panay ang pagpumiglas ko mula sa kanilang pagkakahawak.
"Subukan mong saktan ang kakambal ko at hindi ako magdadalawang-isip na burahin ka sa mundong 'to!" muling banta ko sa nakahawak kay Allison.
We know some basic self defense but in our situation right now, we are hopeless. They are much stronger compare to us. Ang tanging magagawa lang namin ay magtapang-tapangan at huwag ipakita sa kanila ang takot namin para hindi nila kami tratuhin na parang basura na madaling despatsahin.
Muling ngumisi ang kanilang tumatayong lider na hanggang ngayon ay nakahawak pa rin sa braso ni Allison. "Bago 'yan, uunahin ko munang burahin ang mukha ninyong magkapatid. You were making fun of my face? Then, I'll make your face looks awful so others will make fun of you."
Nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa aking narinig. Ramdam ko rin ang paninigas ni Allison. Mukhang ngayon lang siya natauhan at ngayon lang niya napagtanto kung anong kayang gawin ng mga taong kaharap namin.
Nagsimula nang magpumiglas si Allison dahil sa kaniyang narinig. "Get off me!"
"Brandon, hand me the knife," utos ng lalaking may hawak kay Allison sa kasama niyang nakatayo sa kaniyang likuran at tahimik na nanonood sa mga nangyayari.
Natatarantang kinuha ng lalaking nagngangalang Brandon ang kutsilyo mula sa kotse nilang nakaparada sa harapan at iniabot ito sa lalaking may hawak kay Allison.
Panay pa rin ang aming pagpumiglas. Sa oras kasi na makawala kami mula sa pagkakahawak nila ay makakaya naming makipaglaban sa kanila nang mano-mano. Wala nga lang kasiguraduhan kung magagawa namin silang mapabagsak lalo pa't may hawak silang patalim at lamang ang kanilang bilang.
Iniangat ng lalaki ang kamay niyang may hawak ng kutsilyo at ilalapit na sana ito sa mukha ni Allison nang biglang may bumusina nang malakas.
Nabaling sa bagong dating na sasakyan ang aming atensiyon. Hinintay naming lumabas ang driver mula sa kotse na nakaparada sa gilid.
Nakahinga ako nang maluwag nang iluwa ng bagong dating na kotse si Daniel. Nang balingan ko ng tingin si Allison ay nakita ko ang pagliwanag ng kaniyang mukha at halatang nabuhayan din siya ng loob.
"Let them go," may diin at awtoridad na wika ni Daniel.
"Brandon, Hector, kayo na ang bahala sa pakialamerong 'yan," utos ng lalaking may hawak kay Allison sa kaniyang mga kasamahan.
Mas lalo akong nabuhayan ng loob nang bitiwan ako ng lalaking nasa kanan ko. Kung sakali mang mapilitan kami ni Allison na lumaban ay hindi na ako mahihirapang pabagsakin ang nag-iisang lalaking may hawak sa 'kin.
Mabilis na sinugod ng dalawang lalaki si Daniel. Pinaulanan nila ng suntok si Daniel na walang kahirap-hirap naman nitong naiiwasan. Panay iwas lamang si Daniel noong una. Nang mapansin niyang pagod na ang kaniyang mga kalaban ay doon na niya ito pinaulanan ng suntok at sipa na agad nagpabagsak sa mga ito.
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak sa akin ng lalaking nasa gilid ko nang makita niya kung paanong bumagsak sa semento ang dalawang kasamahan niya. Pero wala rito ang atensiyon ko kung hindi na kay Allison.
Nagtagis ang bagang ko nang makita kong inilapit ng lalaking may hawak kay Allison ang kutsilyong hawak niya sa leeg ng kakambal ko.
Akmang ihahakbang na ni Daniel ang kaniyang paa upang lumapit sa aming kinaroroonan ngunit natigilan siya nang magsalita ang lalaking may hawak kay Allison.
"Subukan mong lumapit dito at nang makita mo kung paano ko gilitan ng leeg ang babaeng 'to," pananakot ng lalaki kay Daniel at mas inilapit pa sa leeg ni Allison ang kutsilyo.
Biglang dumilim ang mukha ni Daniel at para na siyang papatay ng tao sa itsura niya.
"Don't you dare hurt her," umiigting ang pangang wika ni Daniel na mariin na ring napapakuyom ang kamao sa labis na pagpipigil niya ng kaniyang galit.
Isang maling hakbang lang ni Daniel ay natitiyak kong malalagay sa alanganin ang kakambal ko. Humugot ako ng malalim na hininga nang may maisip akong paraan para pareho kaming makawala ni Allison mula sa mga lalaking nakahawak sa amin.
Binalingan ko ng tingin si Allison. Sakto namang lumingon din siya sa direksyon ko kaya nagtagpo ang aming mga tingin. Nagkatitigan kami ng ilang segundo at nag-usap gamit lamang ang aming mga mata. Makalipas ang ilang segundo ay tumango kami sa isa't isa bilang senyales ng aming pagkakaunawaan.
"Ngayon na!" sigaw ko bilang hudyat.
Mabilis kaming kumilos ni Allison para pabagsakin ang dalawa pang natitirang lalaki na nakahawak sa aming pareho. Pinilipit ko ang braso ng lalaking nakahawak sa akin saka ko ito hinarap at malakas na sinipa sa kaniyang dibdib dahilan para bumagsak ito sa semento. Nang tangkain nitong bumangon ay agad ko itong nilapitan at inapakan ang kaniyang dibdib gamit ang suot kong scarpin heels.
Nang muling magtangkang tumayo ang lalaki ay mas idiniin ko pa ang pagkakaapak ko sa kaniya kaya namilipit siya sa sakit at napahiyaw. Nang masiguro kong hindi na siya babangon dahil sa pamimilipit sa sakit ay saka ko lamang ito tinigilan.
Muli akong bumalik sa tabi ni Allison at doon ko nakita ang sinapit ng lalaking may hawak sa kaniya kanina. Putok ang labi nito at may pasa sa mukha habang nakahandusay sa sahig. Bakas din sa damit nito ang suot na sapatos ni Allison. Mukhang suntok at sipa ang inabot niya kay Allison.
"Hey. Ayos lang ba kayo?" tanong ni Daniel na umagaw ng atensiyon naming magkapatid.
"Yeah. We're fine. Thanks to you," sagot ko at tipid na nginitian si Daniel.
"Addison, let's go home. I'm exhausted," matamlay na sabi ni Allison.
"Hatid ko na kayo," pagboluntaryo ni Daniel.
"How about the car?" tanong ko nang sana'y tatalikod na si Daniel.
"Keep the key. I'll just call someone to take care of it," seryosong sagot ni Daniel.
"Thanks," tipid kong tugon.
"Don't mention it." Tipid na ngumiti si Daniel bago bumaling ng tingin kay Allison.
"Tara na. Hatid ko na kayo. Gabi na at delikado na sa daan kung mag-co-commute pa kayo," muling anyaya sa amin ni Daniel at nauna nang maglakad patungo sa nakaparada niyang kotse.
Maingat kong pinulot ang phone ko mula sa semento. Nang makita kong hindi pa rin natitinag sa kaniyang kinatatayuan si Allison ay ako na ang nagkusang kumuha ng bag namin mula sa kotse. Agad ko ring ni-lock ang pinto ng kotse mula sa labas.
Nang matiyak kong wala na akong naiwan sa loob ng kotse ay bumalik ako sa pinag-iwanan ko kay Allison at walang sabi-sabi ko siyang hinigit. Hindi naman siya umalma at nagpatianod na lang din.
Nasa loob na ng kotse si Daniel at nakaupo sa driver's seat habang tahimik na nakaabang sa amin. Umangat ang sulok ng labi ko nang may ideyang pumasok sa isipan ko.
Binitiwan ko ang kamay ni Allison saka ako nagmamadaling pumasok ng kotse at umupo sa backseat. Pagkaupong-pagkaupo ko ay agad kong ni-lock ang magkabilaang pinto nito para hindi makapasok si Allison.
"Hey! Open it!" sigaw ni Allison mula sa labas at pilit binubuksan ang pinto ng kotse.
"Ayoko. Doon ka na lang sa unahan. Masikip na rito," pagdadahilan ko at inilapag sa katabi kong upuan ang mga bag na hawak ko para mas maniwala si Allison sa palusot ko.
"Tss!" she hissed.
Inirapan ako ni Allison bago siya naglakad palapit sa unahang pinto. Marahas niyang binuksan ito at padabog siyang naupo sa passenger seat katabi ni Daniel.
Rinig ko ang mahinang pagtawa ni Daniel bago niya paandarin ang kotse.
Habang nasa biyahe ay pansin ko ang paligaw-ligaw tingin ni Daniel kay Allison samantalang si Allison naman ay parang ilag na magtama ang tingin nila ni Daniel. Tuwing aksidenteng nagtatagpo ang kanilang mga mata ay para siyang napapaso sa mga titig ni Daniel. Naging tahimik din siya buong biyahe ngunit para siyang balisa at hindi mapakali sa kaniyang kinalalagyan. All in all, she's acting weird the whole ride.
Wala kaming imikan sa loob ng kotse hanggang sa makarating kami ng bahay. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse para lumabas nang may maalala ako. Muli kong binalingan ng tingin si Daniel mula sa unahan.
"Why don't you join us for dinner?" alok ko kay Daniel.
"Hindi na. Uuwi na rin naman ako," pagtanggi ni Daniel sa alok ko.
"You should join us. Accept it as a sign of our gratitude," Allison interfered.
Gulat kong binalingan ng tingin si Allison at mas lalo lamang akong nagulat nang makita siyang seryosong nakatingin kay Daniel at nakaabang sa sagot nito. What happened to her? Himala yata at hindi mainit ang dugo niya kay Daniel?
Sa huli ay pumayag din si Daniel lalo pa't si Allison na ang nag-alok sa kaniya na hindi ko inaasahan.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa inasal ng kakambal ko kaya hanggang sa pagtulog ay ito ang laman ng isip ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top