Chapter 11
ADDISON'S POV
Pagdating pa lang namin ng parking lot ay agad nang bumungad sa amin ang nakaabang na si Daniel. Nakasandal siya sa kaniyang kotse habang nakakrus ang kaniyang mga braso sa kaniyang dibdib at diretsong nakatingin sa kapaparada lang naming kotse.
Naunang lumabas ng kotse si Allison at bakas sa mukha niya ang pagkairita. Lihim na lamang akong natawa saka ako lumabas ng kotse at sinundan siya na diretsong naglalakad patungo sa kinatatayuan ni Daniel. Kahit naman kasi umiwas siya ay wala siyang magagawa dahil dadaan at dadaan talaga kami sa mismong kinatatayuan ni Daniel. Wala namang ibang daan.
Sinadya kong magpahuli para mas mapagmasdan ko ang bawat galaw ni Allison at maging ni Daniel.
Nang ilang hakbang na lang ang layo nilang dalawa sa isa't isa ay may kung anong kinuha si Daniel mula sa loob ng kaniyang sasakyan. Umayos siya ng tayo at iniabot kay Allison ang hawak niya.
Awtomatikong tumaas ang kilay ko nang makita ko kung anong hawak ni Daniel. It's a box of cookies. Almond butter crunch cookies. Allison's favorite.
Tinapunan lamang ng tingin ni Allison ang kahong hawak ni Daniel saka siya muling nag-iwas ng tingin.
Nakagat ko na lamang ang ibabang labi ko dahil sa inasal ni Allison. Halata sa mukha niyang gusto niyang tanggapin ang cookies ngunit pinipigilan lang niya ang kaniyang sarili. It's her weakness after all. Kung dati nga ay nilalantakan niya ang cookies na para sa akin.
"I don't eat cookies," she lied.
Nakita ko naman ang pagtaas ng sulok ng labi ni Daniel na para bang nasisiyahan siya sa ginagawang pagpipigil ni Allison sa kaniyang sarili.
"Hmm... I doubt that. Sa pagkakatanda ko ay halos ikaw ang umuubos sa pinapabaong cookies ng mommy ninyo," nakangising sabi ni Daniel.
Agad na namilog ang mata ko sa sinabi ni Daniel. Nakita kong ganoon din ang naging reaksyon ni Allison.
The heck! Alam niya talaga kahit maliliit na detalye tungkol sa amin? Paano niya nagagawa 'yon?
"Tumigil ka nga. Kinikilabutan ako sa 'yo," asar na singhal ni Allison kay Daniel na siyang unang nakabawi mula sa pagkagulat.
"Fine. Titigil na. Pero tanggapin mo muna 'to," natatawang sagot ni Daniel at muling iniabot kay Allison ang hawak niya.
Hindi naman na nagprotesta pa si Allison at tahimik na lamang niyang tinanggap ang kahong iniaabot sa kaniya ni Daniel kasabay ng pag-irap niya.
Nagsimula nang maglakad si Allison kaya ganoon na rin ang ginawa ko. Pinanatili ko ang distansiya sa pagitan namin dahil panay pa rin ang pangungulit sa kaniya ni Daniel na katabi niyang maglakad.
"Hindi mo na ako kailangang ihatid. Kaya kong maglakad. Wala akong sakit at hindi ko kailangan ng aalalay sa 'kin." Rinig kong sabi ni Allison.
Pigil ko ang matawa dahil sa katarayan ng kakambal ko. Hindi talaga niya kayang itago ang inis niya kahit anong gawin niyang pagtitimpi.
"Fine. Hindi na kita ihahatid pero susunduin kita mamaya sa classroom ninyo during break time. Sabay tayong kakain ng snack," pakikipagkasundo ni Daniel.
Mabilis ang lakad ni Allison pero hindi pa rin siya nilulubayan ni Daniel. Hindi nito hinahayaang magkaroon ng distansiya sa pagitan nila.
"Kasabay ko si Addison at hindi kita gustong kasabay," diretsahang sagot ni Allison na diretso pa rin ang tingin sa daan.
"That's not a question. It's a statement so you have no choice," wika ni Daniel na ayaw patinag sa ginagawang pagtataray ni Allison.
Napailing-iling na lamang ako habang pinapanood silang magkainitan.
Huminto sa kaniyang paglalakad si Allison at galit na binalingan ng tingin ang tatawa-tawang si Daniel.
"Seriously? Ginag*go mo ba ako?" inis nang tanong ni Allison na hindi na maitago pa ang kaniyang pagkapikon.
"No. At kailanman ay hindi kita gagag*hin," sagot ni Daniel na nahihinuha kong may iba pang kahulugan.
Mukhang alam din ni Allison na may nakatagong kahulugan ang sinabing iyon ni Daniel kaya hindi siya agad nakapagsalita. Lumipas pa ang ilang segundo ngunit wala pa rin akong narinig mula sa kaniya kaya pumagitan na ako sa iringan nila.
"Sissy, pumayag ka na kasi at nang makaalis na 'yan. Kapag 'yan nahuli sa klase niya kasusunod sa 'yo, sige ka, pananagutan mo 'yan," tatawa-tawang sabi ko para mas asarin pa si Allison.
Galit na nagbaling ng tingin sa akin si Allison. Pumuwesto naman sa kaniyang likuran si Daniel at nakangising pinanood ang aming iringan mula sa kaniyang kinatatayuan.
"The heck! He's not my responsibility!" singhal sa akin ni Allison.
"But he's now your property," nakangising sagot ko at nang-aasar kong kinindatan si Allison.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkislap ng ngisi sa labi ni Daniel dahil sa sinabi kong iyon.
"Prop—what?" nakangiwing tanong ni Allison dahilan upang mas lalo akong matawa.
"Do I have to spell it? P. R. O. P. E. R. T. Y. Property!" pang-aasar ko sa pikon kong kakambal.
I like this side of her. Masyadong pikon. I've never seen her like this before. Mukhang iba talaga ang epekto ni Daniel sa kapatid ko. Para niyang nagalaw ang wire na magpapabilis sa timer ng bomba. My sister is about to burst into a fit of fury.
"D*mn you, Addison!" Allison hissed at me.
"Woah! Chill. Mukhang nagkakainitan na kayo ah," tatawa-tawang pag-awat ni Daniel kay Allison.
Muling nabaling kay Daniel ang atensiyon ni Allison dahil sa ginawa nitong pakikialam. Nakita ko ang pagsalubong ng kilay ni Allison nang makita si Daniel na nakatayo sa kaniyang likuran.
"Oh? Bakit nandito ka pa? Akala ko ba lumayas ka na?" singhal ni Allison sa tatawa-tawang si Daniel.
"Paalis na nga ako. Pinapanood ko lang kayong magbangayan. It's my first time seeing the two of you act this way in a close distance," ngingisi-ngising sagot ni Daniel.
"Hindi ka lang pala tsismoso. Usisero ka rin. Tss." Inirapan ni Allison si Daniel ngunit ginantihan lamang ito ni Daniel ng marahang pagtawa.
"I won't deny it," wika ni Daniel sa kalagitnaan ng kaniyang pagtawa.
Tanging pag-irap na lamang ang naging tugon ni Allison.
"Sige, alis na ako. See you later, Al," paalam ni Daniel kay Allison saka niya ako binalingan ng tingin. "You too, Addison."
"See yah," tugon ko at nginisihan si Daniel.
Nang makaalis si Daniel ay napailing na lamang ako nang mapansin ko ang pagbilis ng lakad ni Allison. Mukhang alam na niya kung anong sunod kong gagawin kaya umiiwas siya.
Napangisi na lamang ako sa ginawa ni Allison bago ko siya mabilis na hinabol sa kaniyang paglalakad nang hindi pa rin naaalis ang ngisi ko.
"Sissy, why don't you give it a try? Who knows? It might work between the both of you," I teased her.
She glared at me upon hearing my question. "Are you making fun of me?" she asked between her gritted teeth.
"Woah. Chill, sissy. I'm just suggesting," tatawa-tawang wika ko habang nakataas sa ere ang dalawang kamay ko na animo'y sumusuko.
"You're not helping," mataray na aniya habang nanlilisik pa rin ang kaniyang mga matang nakatitig sa akin.
"Fine. I won't say anything. Just calm down, okay? Don't look at me that way," pagpapakalma ko sa kaniya bago pa siya tuluyang tubuan ng buntot at sungay.
"Why? Are you scared?" nakangising tanong niya.
"Huh! Me? Scared?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Nilampasan ko siya at tumigil ako sa mismong harapan niya. Hinarap ko siya nang nakataas ang isang kilay ko at nakakrus ang mga braso ko sa aking dibdib.
"Sissy, may I just remind you that the word scared is not even found in my vocabulary?" nakangising wika ko na ginantihan lamang niya ng pag-irap.
"Tss!" Nagpatuloy siya sa kaniyang paglalakad at walang imik akong nilampasan.
"High blood ka masyado. Can't you just go with the flow? Malay mo siya na pala ang—"
"Subukan mong ituloy at ipapalamon ko sa iyo nang buo itong kahon," she threatened me. Iniangat niya pa ang kahong hawak niya na bigay ni Daniel para takutin ako.
"Sabi ko nga tatahimik na," pigil ang tawang sagot ko.
Kagat-kagat ko ang labi ko habang papunta kami ng classroom para pigilan ang sarili kong tumawa at magsalita. Sa itsura niya ngayon ay baka hambalusin niya ako ng kahong hawak niya kapag hindi pa ako tumigil sa pang-aasar sa kaniya. Hindi pa man din siya marunong magbiro.
Buong klase ay tahimik lang ako. Pasulyap-sulyap ako kay Allison at hindi ko maiwasang matawa nang palihim dahil sa itsura niya. Salubong ang kilay niya at kunot na kunot ang kaniyang noo. Para kang mapapaso sa oras na hawakan mo siya.
Nang matapos ang klase namin at tumunog ang bell bilang hudyat na oras na para sa aming break time ay agad akong tumayo. Hinintay ko ring makatayo muna si Allison saka kami magkasunod na lumabas ng aming silid-aralan.
Agad na nahagip ng paningin ko ang nakaabang na si Daniel. Nasa labas siya at nakasandal sa pader sa mismong gilid ng pinto. Nasa loob ng bulsa ng kaniyang suot na pantalon ang kaniyang kaliwang kamay habang nakahawak naman sa strap ng kaniyang bag ang isa.
"Hey," pagkuha ko sa atensyon ni Daniel.
Agad na nag-angat ng tingin si Daniel at tipid lamang akong nginitian bago niya binalingan ng tingin si Allison na nasa tabi ko.
"Don't look at me that way. Baka hindi ako makapagpigil at tusukin ko 'yang mga mata mo," Allison warned him between her gritted teeth.
Nagkatinginan kami ni Daniel at sabay na natawa dahil para ng sasabog sa inis si Allison kahit wala pa namang ginagawa sa kaniya si Daniel. Nagmamadali namang umalis si Allison at hindi alintana ang aming pagtawa.
"Sundan mo na bago pa makawala," utos ko kay Daniel habang pigil ko ang muling matawa.
Agad namang tumalima si Daniel at mabilis na hinabol si Allison.
Katulad kanina ay tahimik lamang akong nakasunod sa likuran nina Daniel at Allison hindi kalayuan sa kanila. Pinanood ko kung paanong kulitin ni Daniel si Allison. Ngunit nawala ang atensiyon ko sa kanila at nabaling kay Abby ang tingin ko nang biglang sumabay sa akin sa paglalakad si Abby.
"Bagay sila," nakangiting wika ni Abby habang diretso ang tingin sa pinsan niya at kay Allison.
"Yeah, right," tugon ko habang masaya kong pinagmamasdan sina Allison at Daniel.
Napahinto ako sa aking paglalakad nang maramdaman ko ang pagpulupot ng braso ni Abby sa aking braso. Inis ko siyang binalingan ng tingin dahil sa ginawa niya.
"Hey! You're being clingy!" saway ko sa kaniya at pilit inaalis ang pagkakapulupot ng braso niya sa akin.
"Tsk. Sungit. Diyan ka na nga!" Nagmamartsang umalis si Abby kaya naman ay nakahinga ako nang maluwag.
Binilisan ko ang paglalakad ko nang mapansin kong malapit na kami sa cafeteria. Agad namang naghanap ng puwesto sina Daniel at Allison nang makarating kami sa aming destinasyon.
Nakahalukipkip na umupo si Allison sa isang bakanteng mesa na pang-apat katao kaya umupo na rin si Daniel sa isa sa mga upuang nakapalibot dito.
Nang makalapit ako sa mesang inokupa nila ay kaagad akong naupo sa katapat na upuan ni Daniel para mas makita ko ang bawat galaw niya. Gusto kong binabantayan ang bawat kilos niya para mapag-aralan ko kung malinis ba talaga ang intensyon niya sa kakambal ko.
"Anong gusto ninyo? Ako na ang oorder para sa inyo," pagboluntaryo ni Daniel.
Umangat ang sulok ng labi ko nang may maisip akong kalokohan.
"Kahit ano na lang sa 'kin. About Allison, she prefers spicy foods," sabi ko habang pigil ko ang sarili kong mapangisi.
Naramdaman ko ang pagkurot ni Allison sa hita ko sa ilalim ng mesa dahil sa sinabi ko. Kinagat ko na lang ang ibabang labi ko para pigilang kumawala ang mahinang daing mula rito.
Alam kong inis sa akin si Allison dahil sa ginawa ko. Wala naman kasi siyang kahilig-hilig sa maaanghang na pagkain. Baka isuka lang niya ito at makuntento na lang siya sa tubig.
I just want to test Daniel. Gusto ko lang malaman kung gaano niya kami kakilala at kung hanggang saan ang alam niya.
"Don't make me laugh, Addison. Stop playing around. Ikaw ang may gusto ng pagkaing 'yon, hindi si Allison. Allison likes sweets," nakangising wika ni Daniel na animo'y nasisiyahan pa siya sa ginawa kong pagsubok sa kaniya.
Hindi ko maiwasang mapaawang ang aking bibig dahil sa sinabi ni Daniel. Nang balingan ko naman ng tingin si Allison ay nakita ko ang pamimilog ng kaniyang mga mata.
"I'll leave you two here. Oorder lang ako," paalam ni Daniel na hindi na namin nagawa pang pagtuunan ng pansin.
Hindi ko pa rin talaga magawang hindi magulat tuwing ipinapamalas ni Daniel ang mga nalalaman niya tungkol sa amin at alam kong ganoon din si Allison.
Nakatunganga lang kami ni Allison hanggang sa dumating si Daniel bitbit ang mga inorder niya na mas lalong nagpalaglag ng panga ko. Inisa-isa kong tingnan ang mga inorder niya at halos mapamura ako nang mapagtanto kong lahat iyon ay paborito namin ni Allison.
Pinanood ko si Daniel habang maingat niyang inilalapag sa mesa ang mga pagkaing laman ng food tray. Lahat ng paborito ni Allison ay nakalapag sa mismong tapat niya at ganoon din sa akin. Walang ni isa mang paborito ni Allison ang naligaw sa harapan ko at ganoon din sa kaniya.
"Eat up," wika ni Daniel na siyang nakaagaw ng atensiyon ko.
Itinikom ko ang bahagyang nakaawang kong bibig at umayos ako ng pagkakaupo. Nakita ko sa sulok ng mata ko na ganoon din ang ginawa ni Allison na nakabawi na rin mula sa kaniyang pagkagulat.
Nagsimula na kaming kumain. Hindi naman maiwasang magkainitan silang dalawa sa kalagitnaan ng pagkain namin dahil hindi magawa ni Daniel ang manahimik.
"Pwede ba? Can you just keep your mouth shut?" singhal ni Allison kay Daniel.
"I can't. Gustong-gusto kong kinakausap ka at naririnig ang pagtataray mo," agad namang tugon ni Daniel.
Hindi ko naituloy ang pagsubo ko dahil sa aking narinig. Pinakatitigan kong maigi si Daniel at nakita ko kung paano niya tingnan ang kapatid ko. Malagkit ang tingin niya kay Allison. Para bang isang magandang tanawin ang kapatid ko na nakapagpahanga sa kaniya kaya hindi niya magawang mag-iwas ng tingin dito.
"Stop staring at me. Naaalibadbaran ako." Inirapan ni Allison si Daniel at pinilit balewalain ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya.
"Kasalanan ko bang naaakit ako sa mukha mo at hindi ko magawang mag-iwas ng tingin?" nakangising sagot ni Daniel na mas lalong nakaagaw ng atensiyon ko.
Wala na sa pagkaing nakahain sa harapan ko ang atensiyon ko. Mataman ko lamang silang pinagmamasdan.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mariing pagpikit ni Allison. Padabog niyang binitiwan ang kutsara't tinidor na hawak niya saka galit niyang binalingan ng tingin si Daniel.
"I've had enough! I'm going to get rid of you, one way or another!" puno ng inis na sigaw ni Allison.
Nabaling sa amin ang atensiyon ng halos lahat ng kumakain sa cafeteria dahil sa ginawang pagsigaw ni Allison. Marahas akong napabuntong-hininga saka isa-isang sinamaan ng tingin ang mga usisero't usisera sa paligid. Para naman silang napaso sa titig ko at natatarantang nag-iwas ng tingin.
Nang masiguro kong wala ng mga matang nakatuon sa amin ay muli kong binalingan ng tingin ang mga aso't pusa sa harapan ko.
"Well, good luck," nakangising sabi ni Daniel. May bahid ng panghahamon ang kaniyang boses.
Inilapit ni Daniel ang kaniyang mukha kay Allison at sinalubong niya ang nanlilisik na mga mata ng kakambal ko.
"But let me tell you this. You can't get rid of me because I, myself, is an expert in getting rid of your so-called bugs," Daniel added.
Tuluyan ko nang nabitiwan ang hawak kong kutsara't tinidor. Umayos ako ng aking pagkakaupo at matamang pinagmasdan ang dalawang magkalapit na ang mga mukha.
"What do you mean?" salubong ang kilay na tanong ni Allison.
"Remember the issue about Bernard? I'm the one who was responsible for it. Ako ang nagkalat ng ginawa mo sa kaniya," walang pag-aalangang sagot ni Daniel.
Ramdam ko ang pag-angat ng sulok ng labi ko dahil sa mga natutuklasan ko. Mas lalo lamang niya akong pinapahanga.
"Why did you do that?" kunot-noong tanong ni Allison.
Hinawakan ni Daniel ang likod ng upuan ni Allison kung saan nakasandal si Allison at mas inilapit pa ang mukha niya sa kakambal ko.
"Simply because I want to get rid of all the bugs around you on my own. Naaalibadbaran ako kapag nakikita kong may ibang lalaking lumalapit sa 'yo," seryosong tugon ni Daniel na bigla-bigla na lang tumalim ang tingin at gumalaw ang panga dahil sa huling sinabi niya.
Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pagdaan ng selos at galit sa mukha ni Daniel lalong-lalo na sa mga mata niya. Ngunit agad din itong naglaho na parang bula. Agad siyang umayos ng kaniyang pagkakaupo at binalingan ako ng tingin.
"Hindi ko rin gusto 'yong ginawa mong pakikipag-date sa iba bilang kapalit ni Addison. Kaya ako na ang gumawa ng paraan para tantanan kayo ng lahat ng nagkakagusto sa inyo," seryosong sabi ni Daniel habang diretso sa mga mata ko ang tingin niya.
Muling binalingan ng tingin ni Daniel si Allison na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa isiniwalat niya.
"Sa ganoong paraan ay hindi mo na kailangan pang magpanggap bilang kakambal mo at makipag-date sa iba," pagpapatuloy ni Daniel.
Walang imik si Allison matapos ang kaniyang mga narinig. Marahil ay hindi pa ito magawang iproseso ng kaniyang isipan.
Possessive, huh? But I like it though. Ngayong napatunayan ni Daniel na kaya niyang gawin ang lahat huwag lang mapilitan si Allison na makipag-date sa iba bilang ako ay wala ng dahilan pa para pagdudahan ko siya. He already gained my trust. I want him for my sister. I want him to be part of our family and to protect Allison. She deserves someone like him. She deserves to be with a man like Daniel.
A/N: Hindi ko talaga feel haluan ng romance ang kwentong ito. Mianhe.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top