Chapter 10
ALLISON'S POV
Hindi maipinta ang mukha ko pagpasok ng classroom. Hindi pa rin mawala ang inis ko dahil sa kaalamang nagyaya na naman ng isa pang date ang buwisit na lalaking 'yon. Ang nakakainis pa ay mukhang ayos lang ito kay Addison. At ang malala pa nito ay ayaw na ni Addison na magpanggap bilang ako.
Wala akong ideya kung anong nangyari sa date nila kahapon. Wala namang nabanggit sa akin si Addison. Pero hindi maganda ang pakiramdam ko. Ang lapad kasi ng ngisi niya at mukhang may inililihim siya sa 'kin. Nang tinangka ko namang makibalita sa nangyari, ang sagot lang niya ay "It's for me to know and for you to find out" kaya hindi na ako nagtangka pa na muling magtanong.
Pabagsak akong naupo sa upuan ko katabi ni Addison. Isinubsob ko ang mukha ko sa mga braso kong nakapatong sa armrest ng upuan. Pipikit na sana ako nang marinig ko ang nakakarinding boses ni Abby.
"Hey, twinny. Totoo ba ang tsismis na kumakalat?" maarteng tanong ni Abby na feeling close na naman sa amin ni Addison.
Nag-angat ako ng tingin at binigyan si Abby ng malamig na tingin. Tss. Akala ko pa naman tuluyan na niya kaming lalayuan. Umasa lang pala kami sa wala.
"Get lost, will you?" malamig kong sabi bago ako muling bumalik sa pagkakasubsob ko sa armrest ng upuan.
"Suplada." Rinig kong bulong ni Abby na hindi ko na pinansin pa.
"Addison, right?" pagbaling ni Abby kay Addison.
Kahit hindi ako mag-angat ng tingin ay alam kong nakataas na ang kilay ni Addison. Natitiyak ko ring nagsisimula na siyang mainis sa pagiging tsismosa ni Abby.
"Ano? Totoo ba?" pang-uusisa pa rin ni Abby sa kabila ng pagtataboy ko sa kaniya.
"Tss. Can you at least complete your question? Hindi ako manghuhula," iritang sambit ni Addison na bahagyang ikinangisi ko.
My evil sister is now on fire.
"Totoo bang nililigawan ka ni Daniel?" Rinig kong tanong ni Abby.
Naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabing iyon ni Abby. Umayos ako ng upo at pinagkrus ang braso ko sa aking dibdib. Binigyan ko si Abby ng nagtatanong na tingin habang inaabangan ang mga salitang lalabas sa bibig niya.
"Silly. It's not me. It's Allison," natatawang sagot ni Addison.
"So, totoo nga?" tila hindi makapaniwalang tanong ni Abby na ngayon ay nanlalaki na ang mga mata.
"Isn't it obvious?" nakataas na ang kilay na sagot ni Addison.
"No way," halos pabulong nang sabi ni Abby habang may nanlalaking mga mata na nakakuha ng atensiyon ko.
"Tss. What's with your face? Para kang nakakita ng multo," pagsingit ko sa usapan nila.
"Wait. Do you have any feelings for that guy?" tanong ni Addison kay Abby na siya ring naglalaro sa isipan ko.
That guy is really something. Pati si Abby ay kilala siya. What's with him? Is he some kind of a celebrity? Tss. I doubt it. Sa ugali niya ay paniguradong walang tatagal na manager sa kaniya.
"What? A—Ako? Huh! No way," parang nandidiring sagot ni Abby na mas lalong nagtutulak sa aking alamin kung ano man ang alam ni Abby.
Alam kong may alam si Abby na hindi namin alam. And I need to find out what it is, one way or another.
"Really, huh?" nanunuyang tanong ko.
"Then why are you interested on him?" nakangising tanong ni Addison.
"Because he's my cousin," kibit-balikat na sagot ni Abby.
Agad na namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Abby.
"Your what?" magkapanabay na tanong namin ni Addison. Katulad ko ay halos lumuwa na rin ang mga mata niya sa gulat.
"Kailangang sabay talaga?" mataray na tanong ni Abby na ikinairap ko.
"Just answer it." May bahid na ng awtoridad ang boses ni Addison at halata na rin ang pagkainip sa kaniyang boses dahil sa pagpapaligoy-ligoy ni Abby.
"He's your?" nakataas ang kilay kong tanong kay Abby. Hindi ko na rin maitago ang pagkairita ko.
"He's my cousin," mahinang tugon ni Abby.
Pinaningkitan ko ng mga mata si Abby para basahin ang ekpresyon sa mukha niya at alamin kung nagsasabi ba siya ng totoo. Ngunit agad na namilog ang mga mata ko nang may mapagtanto ako.
"Wait. Huwag mong sabihing siya at iyong pinsan mo na dumalo sa ikasampung kaarawan namin ay iisa?" tanong ko habang hindi pa rin inaalis ang tingin ko kay Abby para makita ko ang bawat galaw niya at ang ekspresyong dadaan sa mukha niya.
"Siya nga 'yon," sagot ni Abby sa mababang boses.
Nalaglag ang balikat ko dahil sa narinig ko. Marahas akong bumuntong-hininga at lupaypay na sumandal sa upuan.
"No wonder mainit ang dugo ko sa kaniya at pamilyar siya sa 'kin," bulong ko sa sarili ko.
Muling nagsalita si Abby at panay ang tanong niya ng kung ano-ano kay Addison pero hindi ko na ito pinansin pa. Wala na sa kaniya ang atensiyon ko. Naglalakbay ang isip ko at binabalikan ang nangyari siyam na taon na ang nakararaan.
'Hindi ka pa rin nagbabago. Buwisit ka pa rin sa buhay ko,' isip-isip ko kasabay ng pagkuyom ng kamao ko dahil ngayon lang nag-sink in sa akin ang lahat. Mukhang wala talaga siyang balak tantanan ako at itigil ang pangpepeste niya sa 'kin.
Naputol ang pag-iisip ko nang dumating si Miss Galoso na siyang guro namin sa asignaturang Retorika. Umayos ako ng pagkakaupo ko at itinuon na lamang sa aming talakayan ang buong atensiyon ko.
Mabilis na lumipas ang oras. Natapos na ang aming klase sa buong maghapon. Nakahanda na akong umalis ng aming silid-aralan para lumabas ng campus at mag-abang ng taxi para pumunta sa lugar na pagkikitaan namin ng Daniel na 'yon nang biglang tumayo si Addison at inakbayan ako.
"Hatid na kita," pagboluntaryo niya.
Hindi na ako nagprotesta pa at hinayaan na lamang siyang ihatid ako sa restaurant kung saan ko kikitain ang buwisit na lalaking 'yon. Tinatamad akong mag-commute kaya kahit nagdududa ako sa kinikilos ni Addison at sa paglilihim niya sa akin ay tahimik na lang akong nagpatianod sa kaniya patungong parking lot.
Halos labinlimang minuto ang binilang bago namin narating ang LyCan Restaurant.
Agad akong bumaba ng kotse at dumungaw sa bintana nito para magpaalam kay Addison.
"I have to go. Thank you for the ride," wika ko at aalis na sana nang biglang magsalita si Addison na ikinatigil ko.
"I'll wait for you here. Alam ko namang hindi ka magtatagal sa loob," wika niya at pasimpleng ngumisi.
Pinag-aralan kong maigi ang mukha ni Addison at hindi ko maiwasan ang paningkitan siya ng mga mata dahil parang may kakaiba sa paraan ng pagngisi niya. Ngunit sa halip na magtanong pa ako ay ipinagkibit-balikat ko na lamang ito at tumuloy na ako sa pagpasok ng restaurant.
Pagtapak pa lang ng mga paa ko sa loob ng restaurant ay agad nang nahagip ng paningin ko ang nakangising mukha ng buwisit sa buhay ko. Pinagtaasan ko siya ng kilay na ginantihan lamang niya ng marahang pagtawa.
Napairap na lamang ako bago ko inihakbang ang paa ko para lumapit sa kinaroroonan niya. Padabog akong naupo sa katapat niyang upuan nang tuluyan akong makalapit sa mesang inookupa niya.
"What are you up to this time? Pinagbigyan na kita. Nakipag-date na ako sa 'yo. Ano pa bang gusto mo?" agad kong tanong sa kaniya pagkaupong-pagkaupo ko.
"Hindi ka sumunod sa kasunduan natin. Wala sa usapan natin na ang kakambal mo ang makaka-date ko at hindi ikaw," seryosong wika niya at pinagtaasan ako ng kilay na tila ba ay hinahamon niya ako.
Hindi ko naman maiwasan ang matigilan dahil sa kaniyang sinabi. I didn't see it coming. Hindi nabanggit sa akin 'to ni Addison.
"W—What do you mean?" Hindi ko na nagawa pang itago ang pagkabigla at pagkabalisa ko dahil sa biglang pag-urong ng dila ko.
"I know it wasn't you. It's Addison." Walang bakas ng pag-aalinlangan ang kaniyang boses. Tila siguradong-sigurado siya sa mga lumalabas sa kaniyang bibig.
Mariin akong napapikit para kalmahin ang sarili ko. Nang pakiramdam ko ay kumalma na ako kahit papaano at kaya ko nang magsalita nang hindi nauutal ay saka lamang ako nagmulat ng mga mata.
Pinilit kong itago ang totoong nararamdaman ko. Pinanatili kong walang emosyon ang mukha ko na siyang palagi ko namang ginagawa.
"At paano ka nakasisigurong hindi ako 'yon? What's your proof?" panghahamon ko sa kaniya.
"I can easily determine if it's you or not. Unang tingin ko pa lang sa kaniya, alam ko nang hindi ikaw 'yon," he answered confidently.
Sumilay ang isang makahulugang ngisi sa labi niya at binigyan ako ng nanghahamong tingin.
"You want proof? Allow me to enumerate it." Umayos siya ng kaniyang pagkakaupo na para bang bumubuwelo siya bago niya simulan ang pag-iisa-isa niya sa sinasabi niyang mga patunay.
Wala pa rin akong mahagilap na salita at hindi ko alam kung paano ako mag-re-react kaya nanatili na lamang akong tahimik. Hindi ko hinayaang makitaan niya ako ng interes sa kung ano mang sasabihin niya.
"First thing I noticed was her eyes. Her eyes held no emotion," panimula niya.
Bahagyang naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. This is not what I wanted to hear. I want more. It doesn't satisfy me. Not at all.
"And how is that different from mine?" nakataas ang kilay kong tanong.
Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa wakas ay hindi na baluktot ang dila ko.
"Your eyes held emotions that only rare people could name—"
"That's nonsense," pagputol ko sa iba pa niyang sasabihin.
Marahas akong tumayo mula sa aking pagkakaupo at umaktong aalis na nang bigla na lamang niya akong hawakan sa aking kamay at pigilan.
"Hey. I thought you were asking for me to support my claim. Stay still and let me finish first," pigil niya sa akin at sinenyasan akong bumalik sa pagkakaupo ko.
"Tss." Tanging pag-irap na lang ang nagawa ko. Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at bumalik ako sa aking pagkakaupo.
"So, let's proceed to the next one. It's her smile. So fake. I've never seen you faked your smile," pagpapatuloy niya na siyang umagaw ng buong atensiyon ko.
Umayos ako ng upo at sinalubong ang titig niya.
"It's either you smile genuinely, smirk or none of the two. But you never faked your smile," ngiting-ngiting pagpapatuloy niya na para bang may kasiya-siyang bagay siyang naalala sa nakaraan niya.
Nahigit ko ang aking hininga dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko maiwasan ang paningkitan siya ng mga mata at paulit-ulit na marinig sa isipan ko ang mga katagang binitiwan niya.
Habang naglalakbay ang isipan ko ay may isang bagay akong napagtanto. He's right. I never faked my smile because every time I try to fake it, it always ended up a smirk or a forced one.
Sa aming dalawa ni Addison ay mas magaling siya pagdating sa pagdaya ng emosyon. Sanay siyang nakikipagplastikan sa ibang tao. Samantalang ako ay hindi ko maiwasan ang pagsabog ko sa inis at ang pagtataray ko kapag hindi ko gusto ang isang tao.
"Third is the way she walked," muling pagpapatuloy niya.
Muling nabaling sa kaniya ang atensiyon ko dahil sa muling pagsasalita niya.
"She walked as if she owned the pathway and her face showed that whoever block her way will surely face hell. But you? You just simply walk not minding your surroundings. Para ka lang naglalakad sa park o namamasyal sa isang lugar na ikaw lang ang tao," aniya habang may tipid na ngiti sa kaniyang labi.
Hindi ko na napigilan pa ang bahagyang pag-awang ng bibig ko. He's so clever and observant.
"Fourth is her clothes. Halatang hindi siya komportable sa suot niya. Hindi niya alam kung paanong dalhin ang damit na suot niya," natatawang aniya.
"Woah! A stalker indeed," sarkastikong komento ko para itago ang paghangang unti-unti nang nabubuo sa loob-loob ko.
"I'm not done yet. There's one more left," wika niya na nagpataas ng isang kilay ko.
Woah! He has a lot in his sleeves. I didn't expect that he is so full of suprises. Akala ko ay puro lang siya yabang.
"Seriously? You're not yet done?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"I'm almost there. Now, listen," mariing sabi niya at muli siyang umayos ng kaniyang pagkakaupo na tila ba ay bumubuwelo siya.
"Go on. Just make sure that what you are about to say makes any sense," I warned him.
He shouldn't disappoint me. I am expecting more.
"Her hair," aniya sa matigas at mababang boses.
Tuluyan na niyang naagaw ang atensiyon ko dahil sa kaniyang sinabi. No. Tell me I'm wrong. It can't be.
"Yes, both of you has a textured loose curls hair and your hairs are both in medium auburn color. Pero kung titingnan mong maigi ay mapapansin mo ang pagkakaiba," pagpapatuloy niya.
Ramdam ko na ang pagbigat ng bawat paghinga ko dahil sa unti-unting paglukob ng kaba sa aking puso.
No, no, no. This is not happening. There's no way in hell that he has noticed it. It's impossible for goodness sake! Kakikilala pa lang namin sa kaniya kaya imposibleng mapansin niya ang isang bagay na ni minsan ay wala pang ibang nakapansin sa loob ng maraming taon.
Pigil ko ang paghinga ko habang tahimik na nakaabang sa susunod niyang sasabihin.
"Masyadong pino ang pagkakakulot ng buhok ni Addison at halatang pinaglaanan ng oras para maging pantay ang kapal ng bawat kulot. Samantalang sa 'yo ay parang basta lamang kinulot at hindi alintana kahit hindi pantay ang kapal ng buhok sa bawat kulot," paliwanag niya habang nasa buhok ko na ang kaniyang tingin.
Literal na nalalag ang panga ko dahil sa kaniyang sinabi. Ngunit agad akong umubo at umayos ng upo bago pa niya mapansin ang pagkislap ng paghanga sa mga mata ko.
Buong akala ko ay tapos na siya kaya halos dumausdos ako sa pagkakaupo ko dahil sa sunod niyang sinabi na hindi ko inaasahan.
"In addition to that, the color of her hair turned into light auburn when the ray of the sun came into contact with it. But that doesn't last that long though. Only a glimpse of it, then it went back to its original color after five seconds of exposure under the heat of the sun," he added.
"How the hell did you know everything about that? Did you hire someone to tail us?" bulalas ko.
Binabawi ko na ang sinabi ko. Hindi paghanga ang nararamdaman ko sa mga oras na ito kung hindi takot at pagkabahala. Sa dami ng nalalaman niya tungkol sa amin ay hindi ko maiwasang mabahala na baka maging ang mga bagay na ginagawa namin ni Addison na kaming dalawa lang dapat ang makaalam ay alam din niya.
Sh*t! Huwag mong sabihing talagang may mga matang nakamasid sa amin nang hindi namin nalalaman? D*mn it!
Naputol ang pag-iisip ko at napalitan ng nagtatakang ekspresyon ang kaninang takot ko dahil sa marahan niyang pagtawa.
"I'm not that kind of person," natatawa pa ring sabi niya.
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang paglabas ng mga salitang nasa isip ko lang dapat.
"Then, how?" hindi ko na napigilan pang itanong.
Kailangan kong malaman ang bawat detalye tungkol sa kung paano niya nalaman ang lahat ng mga bagay na alam niya tungkol sa amin. Dahil kung tama ang hinala ko ay pupuwede ko siyang kasuhan sa ginawa niya. Iyon na lang ang nakikita kong mabilis na paraan para matigil na itong kahibangan niya.
"It all started nine years ago. There's a girl who told me this." He cleared his throat. "Kilalanin mo muna ang isang tao bago mo kaibiganin. Kahit pangalan man lang sana at least alam mo, hindi ba?" wika niya at pilit pang ginawang pambabae ang boses niya.
Bigla namang nanariwa sa alaala ko ang araw kung kailan ko siya unang nakita. Ang araw ng ikasampung kaarawan namin ni Addison. Ang araw kung kailan namin sinimulan ang larong hanggang ngayon ay patuloy naming nilalaro.
He's referring to me. I'm that girl he's referring to. But still, that's not enough reason for him to do such thing. Bata pa kami noon at imposibleng hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa kaniya ang mga katagang binitiwan ko nang araw ding iyon.
"But what really pushed me to know you better was when you said that you can't be friend with someone who doesn't even know you," muling pagsasalita niya na ikinataas ng kilay ko.
"Kaya ba inalam mo ang lahat ng tungkol sa amin?" malamig kong tanong.
"Precisely," sagot niya at ipinagkibit-balikat lamang ito.
"But what triggered me to make a move and approach you was when I overheard your conversation with Bernard," pag-amin niya.
Awtomatikong umangat ang isang kilay ko nang banggitin niya ang araw na nakita ko siya sa park. So he's really listening to our conversation that day? Tss. I knew it!
"You told him that he's hopeless because he can't even determine who's who. That day, I realized that I have what it takes to win your heart," he said confidently. Kumindat pa siya sa akin na muntik ko nang ikangiwi.
Win my... what? Is he crazy? Ugh! This is too much! I'm starting to lose my sanity.
"Fine! You won. Now, leave me alone!" Marahas akong tumayo mula sa aking pagkakaupo at tinalikuran siya. Ihahakbang ko pa lang sana ang kanang paa ko paalis ngunit agad akong natigilan nang magsalita siya.
"I won't. May kasunduan tayo at hindi ka sumunod kaya hindi kita lalayuan katulad ng gusto mo. With or without your permission, I'm going to court you," determinadong wika niya.
Mabilis siyang tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo at walang sabi-sabing naglakad paalis at nilampasan ako.
"What the..."
Mabilis ko siyang sinundan palabas ng restaurant nang makabawi ako mula sa pagkagulat ko. Nang makalabas ako ay agad ko siyang hinanap ngunit wala na ni anino niya. Wala na akong nagawa kung hindi ang magpapapadyak sa sobrang inis.
A/N: Now, I'm pressured. Romance is on the way. Fighting!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top