Chapter 5: Dungeon Hill
Chapter 5: Dungeon Hill
Umatras ako palayo sa prinsipe. One of the royals had seen through my disguise and all I could do was to create as much distance as possible while I regained my calm.
Pero mukhang hindi ko kailangang lumayo, dahil wala siyang pakialam sa nadiskobre niya. Tumalikod siya, his hand pushing the cape out of his way.
"Tell them I went for a walk. This party bores me."
His crown was glistening nang maglakad siya paalis sa balkonahe papunta sa outer staircase ng courtyard. He walked with the confidence that comes with royalty. With no care for others but himself.
"Hindi mo ba ako isusumbong?"
I don't know if he's playing a trick with me. Wala ba siyang pakialam kahit alam niyang nakapasok ang tulad ko sa palasyo kung saan siya nakatira?
Lumapit siyang muli sa'kin, and the heaviness of being face to face with a royal drowns me. Hindi ko alam kung pwede ko itong gawin, ang tingnan siya ng deretso sa mga mata. I grew up learning to lower my gaze in front of the members of the Night Court.
I tried not to blink as I stared at him. Sumilay ang ngiti sa labi niya. "I have no business dealing with their problems." Saka siya tuluyang umalis.
Naiwan akong mag-isa sa balkonahe. I don't know if I was already safe from him. There's something bothersome about him, about the way he acts so recklessly for a royal.
Ilang minuto ang lumipas bago ako nakapag-isip nang maayos. Kailangan kong makaalis. Kailangan kong mahanap si Demetre at makalabas dito.
Binalik ko sa ayos ang buhok ko. Pinakalma kong muli ang sarili ko na tila nandito ako sa unang pagkakataon. Huminga ako nang malalim at muling pumasok sa hall kung saan nagaganap ang pagdiriwang. It's my safest route. Hindi nila ako mapapansin sa gitna ng madaming taong nagsasayahan.
The people at the party remained merry, intoxicated, and noble. Opulent shoes and heavy gowns sweeping the floor as they dance around under the gigantic chandeliers gleaming golden on their blissful faces. The People of the Halls has no idea of the chaos happening outside of these walls.
Bumaling ako sa pedestal. A throne was empty because Prince Keegan left the party a while ago. But the rest still acts upon their masks, watching a percentage of their subjects drown themselves in the finest wines and most exquisite food, in one of the most luxurious parties in the kingdom, while their remaining subjects barely have food on the table and a roof above their heads.
For a split second I want to be part of them. Not to belong but to exist to ruin; like a bomb. I want to cause chaos, to distraught their perfect lives the same way they did with mine.
But I'm no one.
I made my way out of the hall. Maingat kong tinahak ang daan kung saan ako pumasok kanina. Kailangan kong mahanap si Demetre. Kung nadiskobre na nilang may nakapasok sa palasyo, maaari din siyang mapahamak. Kailangan naming makaalis dito.
I slipped myself once again inside the maze garden. Ito lang ang lugar sa courtyard na pamilyar sa'kin at nagkalat ang mga gwardiya na nagpapatrolya sa buong palasyo.
Muli kong hinanap ang likod na bahagi ng palasyo. Madilim pa rin dito dahil sa pagsira ko sa mga ilaw sa paligid. I didn't intend to cause noticable damage. Pero hindi ko magawang kontrolin ang aking kapangyarihan.
Ilang gwardiya ang nakabantay sa gate na pinanggalingan namin ni Demetre. Mas madami sila kesa kanina. Halos domoble din ang mga paikot-ikot na tauhan sa likod ng palasyo.
"Bantayang mabuti ang lahat ng gates! Hindi pa ito nakakalabas."
Isang gwardiya ang nagmamando sa iba. Nakatayo ito malapit sa sasakyan ni Demetre. Isang bagay ang naaninag ko sa dilim. Someone was beside him... on the ground.
Nakasalampak ito sa lupa, nakaposas ang mga kamay sa likod, at duguan ang mukha. From the blazing fire of a nearby torch, nakita ko ang kanyang mukha.
Demetre.
Suminghap ako. Hindi... Hindi maaari. Halos wala na siyang malay. He's like nothing but a sack of dirt lying loosely on the ground.
Biglang lumapit ang dalawa pang gwardiya sa kanila. They dragged Demetre to the ground. Nang masubsob siya sa lupa, hinila siya mula sa likod gamit ang posas sa kanyang kamay.
"Dalhin niyo na siya."
Sandali, saan siya dadalhin?
Pilit kong sinundan kung saan sila papunta. They were heading to the north side of the courtyard. Sa pinaka-dulong bahagi ng palasyo. Nawawala na sila sa paningin ko. I tried to step away from the garden. Pero may mga bantay sa paligid at hindi ako makalayo nang hindi nila nakikita.
Gustong kumawala ng kapangyarihan sa palad ko. The veins on my palms were alight in silver glow. I dug my fingers on the inside of my palms to restrain it. Hindi pwede. Baka hindi ko ito ma-control.
Hindi ko na sila nakikita. Saan nila dinala si Demetre?
Nanginginig ako pero kailangan kong muling subukan. Pinagmasdan ko ang palad ko at unti unti itong binuksan. The light from my veins float like a fading fog above my palm.
Isang gwardiya ang pumalatak nang sumabog ang dala niyang ilaw o lampara. Pinuntahan agad siya ng mga kasama niyang nagbabantay sa malapit, inaakalang inatake siya.
Tumakbo ako paalis sa maze garden para sundan ang dalawang gwardiyang dala si Demetre. Ginamit ko ang kadiliman upang itago ang sarili ko.
Natagpuan ko ang sarili ko na paakyat sa isang burol. Nakalayo na ako sa palasyo kung saan makikita ang mga pangunahing chambers ng Night Court, mga gwardiya at ang pagdiriwang.
Huminto ako. I rested my palms on my knees and stared around. Masyadong tahimik ang paligid kumpara sa ibaba kung saan patuloy ang paghahanap sa'kin sa palasyo.
I walked towards the slope of the hill, until I reached a high brick archway. Pinaliligiran ito ng pader na gawa sa mga naglalakihang tipak ng bato. Ano'ng klaseng lugar ito?
Sinundan ko kung saan ito patungo. Napa-atras ako nang bumungad sa'kin ang isang tila kweba sa gilid ng burol. Inside of it was more series of intertwined staircase dug and carved on the ground.
Hindi ako pwedeng magkamali. Dito sila patungo habang dala si Demetre.
Sinubukan kong bumaba sa isa sa mga hagdan. Nakakapagtaka lang na walang tao sa paligid. Sinundan ko ang mga paggalaw na naririnig ko. There were traces of movements inside, voices on the recessed, stump of shoes on the ground.
Habang lumalalim ako sa loob ng kweba, naging malinaw sa'kin kung nasaan ako. Isa-isa kong nadaanan ang mga kulungan. Cells carved out from earth, with stones walls and protected by thick steel rails. Madilim ang bawat selda. May mga tao sa loob, nakaupo sa mga sulok, nakahiga sa malalamig na sahig. Every one of them is alive but barely.
Isa sa mga naka-kulong sa selda ang biglang sumampa sa rehas. His hands were outstretch as though reaching me with wide, lifeless eyes. Pinigilan ko ang pag-alpas ng sigaw mula sa bibig ko. In their eyes were nothing but darkness.
Tumakbo ako at pilit hindi pinansin ang bawat seldang madaanan ko. Hindi ako makahinga nang maayos dahil sa kawalan ng hangin at liwanag sa loob.
Narating ko ang dulo ng madilim na corridor at nakitang muli ang dalawang gwardiya. Tinulak nila ang walang malay na si Demetre sa isang selda saka nila ito mariin na kinandado.
I stepped out of the shadow.
"Ano'ng ginagawa mo dito? Saang hall ka nagtatrabaho?" asik ng gwardiya nang makita ako.
Lumapit sila sa'kin. Pero wala ng malinaw sa'kin kundi si Demetre sa loob ng selda, at ang kagustuhan kong makalabas kami sa lugar na ito nang buhay.
Tinapat ko ang palad ko kasabay ng pagpula ng kanilang mukha ni tila sinasakal ng isang matinding liwanag.
"Ano'ng ginagawa mo?" They choke out.
Hindi nila ito nahahawakan. They could only feel it. Scorching like fire, sharp as blade.
Nagpumiglas sila sa kinatatayuan but all they could do was whimper bago sila bumagsak sa lupa. My feet rattled when their heavy bodies dropped on the ground.
Naramdaman ko ang lamig ng batong sahig nang lumuhod ako para kapain ang susi mula sa kanila. Hinugot ko ang chain ng iba't ibang mga susi at nanginginig ang kamay na sinubukan ito isa-isa sa selda ni Demetre.
"Demetre..." tawag ko.
He was lifeless. Natatakot akong mangyari sa kanya ang tulad ng nangyari sa mga nadaanan ko kanina.
"Demetre gumising ka..."
Binilisan ko ang paghahanap ng tamang susi. Pero bigla akong tumigil nang maramdaman ang isang bagay. Bago pa ako makalingon, isang malakas na pwersa ang nagtulak sa'kin pahampas sa pader. Tumama ang ulo ko at bumagsak sa lupa tulad ng mga gwardiya.
Agad tumulo ang dugo mula sa aking bibig. Umubo ako nang hindi makahinga. Kinapa ko ang sahig at sinubukan kong tumayo. But my trembling fingers suddenly froze nang makita ang ilang pares ng sapatos sa aking harapan.
Tumingala ako. Isang matandang lalakeng naka-itim ang nakatapat ang palad sa'kin. A deadly kind of darkness was circling from his palms toward my body.
"Tama nga ang naisip ko na susundan mo siya dito."
Ini-angat niya ang kanyang sapatos para tapakan ang kamay kong nasa lupa. I squirmed in pain.
"Foolish commoner."
The old man made a motion with his hands and before I knew it, my breathing completely stopped.
--
Matinding sakit ng ulo ang gumising sa'kin. The sharp pain was pounding my head, breaking it in half. Hindi ko magawang buksan ang kanang mata ko dahil bahagya itong natatakpan ng natuyong dugo. Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko but it was chained. I was standing, dangling, my hands were raised and I was chained against a wall.
I gazed around. Sa labas ng makakapal na rehas sa harapan ko ay mga gwardiya. Bahagya kong narinig ang kanilang usapan.
"Balita ko isasalang na bukas 'yong isa sa execution."
"Kung nanatili nalang sana siyang supplier ng alak."
Nagpumiglas ako. Wala akong pakialam kung sa bawat galaw ko mas nasasaktan ako sa chain na nakakabit sa kamay ko.
"H-Hindi..." My mouth was parched and I could taste blood in it. "Wala siyang kasalanan..."
Napansin ng gwardiya na may malay na ako. One of them banged the rails so hard the sound of it rattled my whole body. "Manahimik ka dyan."
Bumagsak ang mainit na luha sa pisngi ko. Ang pangako sa alak. Nangako akong hinding hindi ko ipapahamak si Demetre ano man ang mangyari.
Lumipas ang oras sa loob ng selda. The only thing that could tell time was the change of shift of the guards. Night shift. Isang buong araw na akong nakakulong dito.
I was half conscious nang maramdaman ko na may mga pumasok sa hallway. There was something in their presence that made me want to stay conscious, awake.
Naaninag ko ang ilang tao na dumaan sa selda ko. Napansin ko ang suot ng isa. A black coat with high colars. A thin cape of black fabric with gold embroidery at the hem, and a shining golden crown againts a pitch black hair.
Tumigil siya sa paglalakad sa tapat ng selda ko at lumingon nang mamukhaan ako. Maging ang dalawa niyang kasama ay tumigil, both looks like they work for him.
Sumilay ang mapaglarong ngiti sa labi ng prinsipe. "Village mouse, you're here?"
Nagtaka ang mga gwardiya, naguluhan kung bakit niya ako kilala. Tahimik na nagmamasid sa sitwasyon ang lalake at babaeng kasama ng prinsipe.
"Help me." The words came out of my dry mouth. But I wasn't pleading for his mercy. "I would swear my service to you if you will help me." It was a deal.
Isang halakhak ang pumuno sa hallway. An amused chuckle from Prince Keegan. He faced me completely, tall, uncaring, and completely entertained by all this spectacle.
"And why would I want you?"
There was a click and the heavy metal dropped loudly on the floor. Bumagsak ako sa sahig, both arms free. A sinister silence swept the place.
Kaya kong alisin ang mga kadenang ito kung gugustuhin ko. Pero hindi ito sapat para maka-labas ako ng ligtas sa empyernong ito. Kailangan kong sumugal sa ibang paraan.
Tumayo ako kahit pa dumadaing sa sakit ang buo kong katawan. Lumapit ako sa rehas kung saan nakatayo ang prinsipe at nakatitig sa'kin. His swollen lips in a cruel smile, with danger dancing in his dark eyes.
I stared at him with dead desperation.
"I have the skills you need. I would swear my service to you, as long as you will help me."
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top