Chapter 1: The Fire

Chapter 1: The Fire

Isang babae ang may hawak ng ilang kahon. Stacks of colorful boxes adorned with huge ribbons. Red, gold, and silver. Halos hindi siya magkamayaw sa mga dala niya while muttering something about her incompetent servants.

"Tulungan ko na kayo."

Lumapit ako para tulungan siya. Kinuha ko ang mga boxes mula sa kanya, which she instantly gave to me with a huge sight of relief. "Nagta-trabaho ka ba dito, hijo?"

My pursed lips lifted at the corners. "Yes, ma'am."

"Buti nalang. Nasaan na ba ang sasakyan ko?"

Lumapit siya sa daan para sumilip. She was having a hard time walking on the cobblestone street in those ridiculous shoes with feathers. Dapat alam niya 'yon. But who am I to judge? I've seen worse fashion decisions in this avenue full of shops selling clothes, jewelries, and dashing hats.

Ito ang parte ng siyudad na pinupuntahan ng mga tao. Ito ang tanging maipagmamalaki ng mga nakatira sa siyudad ng Epolla. People here were born and raised to be skilled craftsmen. Maker of great quality handmade products with exquisite details using their meticulous hands.

Of course, what I do is one of the same.

Isang itim na sasakyan ang pumarada sa harapan namin. On the avenue, people walk with ridiculous dresses the size of ballgowns on midday. Their heads look like spectacles; feathers or leaves or huge flowers sticking out from their head pieces. No one judges, that's the ways of the People of the Halls.

Binuksan ng driver ang likod ng sasakyan para ilagay ang mga kahong hawak ko. The lady tried to fit herself in her big ass carnation gown inside the backseat of the car. Tinulungan siya ng kanyang tagasilbi.

Nangalkal siya mula sa kanyang purse na may kumikinang na gintong desenyo. "Here."

Inabot niya sakin ang ilang barya. Bronze coins. Umiling ako. "Hindi ako humihingi ng kapalit."

She raises one of her thin eyebrow. Hindi siya makapaniwala na tinanggihan ko ang binibigay niya.

Epolla is a poor city. Even if it's the source of the best quality luxury products in the kingdom, it's still the poorest out of the five regions under the Kingdom of Nightcrest.

Any hustle counts. You would see them everywhere. Kahit mga bata, nasa langsangan at gumagawa ng paraan para kumita.

"You're a good man."

Sumara ang pinto. Umikot ang driver at pumasok sa driver's seat. Umandar ito sa patag na daan and the tugging of my lips immediately dropped.

My face became sordid again and I rolled my eyes bago bumalik sa pwesto ko kanina. Stupid people. Sinilip ko ang perlas na porselas sa palad ko at sinuri ito.

I hope this isn't fake like yesterday. Bwisit parin ako sa babaeng 'yon na napaka-arte at kung umasta napaka-taas, 'yon pala peke ang suot na alahas.

Nilaro ko ang bracelet sa palad ko, gently throwing it from my palms into the air while whistling. You're a good man. Napangiti ako ng sarkastiko sa sinabi niya.

Mali siya sa ilang bagay. Nilagay ko ang bracelet kasama ng ilan pang alahas sa bulsa ko.

Pagbalik ko sa pwesto ko, muli akong nagmasid ng susunod na biktima. Kadalasan, 'yong mga nag-iisa ang nilalapitan ko, mga madaling biktimahin.

Alam kasi ng ilang driver at tagasilbi na ang lugar na ito ay talamak sa nakawan kaya mas maingat sila kesa sa mga amo nila. But oh well, I little flick of my hand, a mili-second brushing of our palms and they would never notice what's missing. Rarely anyone notices a lost once you're face with new things.

Isang bagong biktima ang nakita ko. Isang dalaga na may kasamang tagasilbi. Pero mukhang inuutusan niya ito para bumili sa isang shop. I had my polite face once again while walking towards her. Pero naglaho ang konsentrasyon ko nang marinig ang isang sigaw.

"Nasusunog ang kagubatan!"

I blinked once. Lumapit ako sa main street para makita ang nangyayari. Nakakagulo sa town square sa labas ng avenue. Several people were pointing to the sky. Tumingala ako at nakita ang maitim na usok sa 'di kalayuan.

Shit.

Para akong binuhusan ng kumukulong tubig. Tuluyang naglaho sa isip kung ano ang ginagawa ko. Napatakbo ako palabas ng avenue. Sumigaw ang kasama ko.

"Hoy! Sandali! Saan ka pupunta, Andy?"

Muli akong napamura ng mahina. Kainis. That's why I prefer working alone. Muli akong lumingon at nakita si Egor na tumatakbo, humihingal dahil hindi mabuhat ang malaking katawan.

"Yong porsyento ko."

Nilahad niya ang may katabaang kamay. I rolled my eyes. Kung umasta 'to akala mo iisahan ko siya. Kinapa ko ang bulsa ko at kinuha ang kalalagay na alahas.

Ngumisi siya at bumalik sa binabantayang mga tindahan. Isa siya sa mga dapat ay gwardiya sa avenue para maiwasan ang mga tulad kong pumupuslit para magnakaw. Pero kahit sila ay may matinding pangangailangan kaya malaya kaming nakakagalaw sa avenue. We made the rules of the street.

Sumiksik ako sa mga taong nasa town square. Karamihan ay nagsilabas sa mga tindahan para tingnan ang nangyayari. There was a general panic in the air.

"Balita ko utos ng Night Court na ipasunog ang kagubatan," bulong ng lalake sa kasama niyang naki-usyoso.

"Pero 'di ba may mga taong nakatira doon?" tanong ng kasama niya.

"Wala silang pakialam sa mga tulad nila."

Nagmadali ako sa paglabas sa bayan habang nakikita ang paglaki at pagtaas ng itim na usok. May ilang tao din mula sa town square ang nagmamadali tulad ko. Isa lang ang nasa isip namin. Nasa loob ng kagubatan ang mga pamilya namin.

Tinakbo ko ang kahabaan ng maluwang at bakanteng lupa na naghihiwalay sa bayan at sa kagubatan. Nasilayan ko ang lumalagablab na apoy na kinakain ang mga nagtataasang puno. Ramdam ko ang init nito sa aking balat.

Pumasok ako sa loob ng kagubatan, hindi alintana ang pagbagsak ng puno at ang matinding init. Black soot rained like confetti as though welcoming me to hell.

Dumerecho ako sa daan papunta sa bahay. Pero ang mga bahay na inuuwian namin ay hindi konkreto. They were tents and improvised housing just enough to have protection above our heads.

Dati kaming sa loob ng siyudad nakatira. Pero dahil hindi namin kayang magbayad ng tumataas na buwis, dalawang beses kada taon, pinaalis kami ng Night Court sa sarili naming tirahan.

Kaya nanirahan kami sa kakahuyan sa labas ng siyudad. There were dozens of families like us inside the forest. Nagpatuloy kami sa pagta-trabaho sa siyudad at umuuwi sa kagubatan tuwing gabi. Wala silang narinig mula sa'min. Hindi kami nagreklamo. Hindi namin sila isinumpa kahit kasuklam suklam ang ginawa nila.

Pero totoo ba? Mula sa Night Court ang utos na ipasunog ang kagubatan?

Nanlaki ang mga mata ko noong makitang nasusunog ang tent kung nasaan sila.

"Lolo! Lola!"

I was screaming frantically in the middle of the thick smoke and the burning hell. Everything around me was on fire. Blazing, scorching, murderous.

I pushed aside the flap of tent with my bare hands. Lola was laying flat on a heap of things. Blanket, fabrics, bags. Nasa gitna siya ng pagkuha ng gamit nang mawalan siya ng malay.

"Lola..."

Sinubukan ko siyang buhatin. Nanginginig ang buo kong katawan. Humihinga pa siya. Alam kong humihinga pa siya. Inilabas ko siya sa tent bago ito bumagsak.

Palinga-linga ako sa buong paligid, hinahanap si Lolo. My eyes were stinging. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa usok o sa panghihinang nararamdaman ko.

Unti unti na kaming pinaliligiran ng apoy. Paglingon ko sa isang bahagi ng nasirang tent, isang sigaw ang halos kumawala sa bibig ko.

"Lolo!"

Nakatayo si Lolo doon. Nakatingin sa'min ni Lola. "Aurora-"

Isang nagliliyab na puno ang bumagsak sa kanyang direksyon. I held my open palms to protect him pero huli na ako. Bumagsak ito sa kanya habang nakatingin siya sa'min... sa'kin.

Natulala ako. I stood there with screaming silence. Nagsisibagsakan ang mga puno. Nasa bisig ko si Lola. And Lolo was gone. He's gone.

Gumalaw si Lola, umubo. Alam kong hindi kami maaaring magtagal dito. I was crying but with no tears. I was crying and wailing on the inside like a child. Pero hindi ko pwedeng ipakita. There's no place for tears here.

Kaya binuhat ko si Lola at lumabas ng kagubatan nang hindi lumilingon.

--

Nakatulala ako habang nasa lobby ng isang ospital sa siyudad. People run in and out of the doors, screaming, crying, on their arms were their family members, some half burnt and still breathing.

Pero walang gustong mag-asikaso sa'min. Puno na ang ospital at mga kalapit nito. Pangatlo na itong napuntahan ko para dalhin si Lola. Nagkamalay na siya, pero buong braso niya ay nasunog kaya hindi ko siya makausap.

Wala din akong lakas para kausapin siya. Hindi ko alam kung paano sasabihin.

Puno ang lobby ng mga tulad namin. Sa dami ng apektado ng sunog, halos walang doktor na lumalapit sa'min. Ang ilan ay nasa hallway na at naghihintay ng tulong. Ang mga bagong dating walang mapaglagyan sa ospital.

Marahang humihinga si Lola sa tabi ko. Tumayo ako at hinalikan ang kanyang noo. "Wag kayong mag-alala. Maghahanap ako ng pwedeng gumamot sa inyo."

Muli akong lumapit sa mga nagtatrabaho sa ospital. Baka meron ng bakante. Baka pwede na nilang tingnan si Lola. But I could tell a lot of them didn't even want us here.

I was pushed around, trying to find someone that could help. Tinatanong ko ang bawat staff na makita ko kung may iba pang pagamutan na pwedeng puntahan. Pero karamihan sa kanila ay parang hindi ako naririnig.

"Tabi, nagmamadali ang tao!"

Natulak ako sa pader. Napadaing ako nang maramdaman ang sugat sa likuran ko mula sa sunog. I gritted my teeth in pain before regaining my balance.

"May alam akong pwedeng tumulong sa'yo."

Isang lalake ang nakaupo sa maduming sahig ng hallway. His clothes were tattered, the circle under his eyes deep and dark. He looks like he hadn't had a proper sleep for the last few days.

"Mapapagaling niya ang ano mang sugat o sakit, pero may kapalit ang bawat hihingiin mong tulong sa kanya."

"Pera? Alahas?" agad kong tanong. Kung 'yon ang kailangan niya, marami akong pwedeng ibigay. Pwede kong ibigay ang lahat ng nakuha kong alahas at higit pa.

Umiling ang lalake, tumitig sa sahig at bumulong. "Hindi niya kailangan ng pera. Iba-ibang bagay ang hinihingi niya sa bawat tao. Malalaman mo lang ito kapag nagpunta ka."

Hindi ko alam kung pagkakatiwalaan ko siya. Pero desperado na ako. "Saan ko siya mahahanap?"

--

Dinala ako ng address na sinabi niya sa dulo ng siyudad, sa lugar na madalang puntahan ng mga tagabayan dahil dalawang bagay lang ang makikita dito. Ang parte ng kakahuyan na nakaligtas sa apoy at isang maliit na bahay sa tabi ng mababaw na ilog.

I walked on the rough grassy path towards the small house. Maliban sa mahinang lagaslas ng tubig ay wala akong naririnig na ingay. Kumatok ako sa maliit na pintuan. Someone was humming inside the house. Nang bumukas ang pinto, isang maliit na babae ang nasa harapan ko. Like a grade school student, but with adult face.

Ngumiti siya. "Ano'ng maipaglilingkod ko?"

"May nakapagsabi sakin na isa kayong manggagamot."

Pinagmasdan niya ako, siguro iniisip niya kung paano ako makakapagbayad kung sakaling kompirmahin niya ang sinabi ko. Muli siyang pumasok sa loob at marahang tumango.

"Pasok ka."

Alam kong siya ang tinutukoy ng lalake. At kung hindi siya, hindi ko din alam kung saan pa pupunta. Dalawang oras akong naglakad mahanap lang siya.

Yumuko ako para pumasok sa mababang pintuan ng bahay. Maliit tingnan ang bahay mula sa labas, pero desente ang sukat nito sa loob. Mukha itong normal na bahay kung tutuusin, tulad ng dati naming tirahan bago kami pinaalis ng Night Court.

Umupo ako sa lumang sofa. The small lady was humming again. Pagbalik niya sa sala may dala na siyang dalawang tasa ng tsaa na pinatong niya sa mesa.

"Ano ang pangalan mo, hija?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Para akong nasilaban ng apoy. Hinanap ko agad kung anong mali. Did something slip from my disguise without knowing?

Pinagmasdan ko ang black pants na suot ko, ang gray t-shirt at makapal na jacket na kulay lumot at madumi. Kinapa ko ang ulo ko, ang buhok kong nakaipit sa itim na bandana na mahigpit na nakapulupot sa aking ulo.

Nakangiti ang matandang babae habang nakatingin sa'kin. "May problema ba?"

Bumalik ang tingin ko sa kanya, ang mga mata ko mapanghusga. Sino ba talaga siya?

"Paano mo nalaman?"

She took a lengthy sip of her tea. "Kahit balot ka pa ng putik o dugo, malalaman at malalaman ko." Binaba niya ang tasa at muling humarap sa'kin.

"Ano'ng pangalan mo?"

Nangitngit ako. Hindi ko alam kung tama na nandito ako sa lugar na ito. Ni hindi ko alam kung ligtas ba ako sa mga kamay ng matadang ito. "Andy."

"Ang totoo mong pangalan, hija."

I took a deep breath in between my gritted teeth. "Aurora."

"Aurora..." ulit niya.

I hate it.

Hindi ko gusto na may nakakaalam ng kahinaan ko. Kahinaan para sa'kin ito. Because in this kingdom, opportunities are not evenly distributed.

Mula noong pinaalis kami sa siyudad, nahirapan akong maghanap ng trabaho. I could have worked with shops, craftsmen, and artisans. Pero dahil wala kaming permanenteng tirahan, walang gustong magbigay sa'min ng trabaho. They think we couldn't be trusted. Dahil kaya naming umalis kailan man namin gusto.

But opportunities are on the streets. Dozens of them.

Pero sa mga taong tulad ni Egor, mas gusto nilang katrabaho ang mga lalake. Ang mga babae para sa kanila ay mahihina, hindi maaasahan sa mga illegal na kalakaran sa kalye. Kahit gusto kong mag-isa sa kita, kailangan ko parin ng mga koneksyon tulad nila.

So I did the next possible thing. I hid my identity as a girl.

Tinago ko ang mahaba kong buhok, nag-ayos tulad ng mga lalakeng nakakasalamuha ko sa siyudad. I tried to act like them to be bestowed with the same opportunities like them.

Hindi ko inaasahan na magtatagal ang pagkukunwari ko ng ilang taon. I'm nineteen now. Everyone knows I'm Andy instead of Aurora. At mas naging magaling ako sa illegal na mga gawain.

"Aurora, alam mo ba kung pang ilang tao ka ng bumisita mula kaninang umaga?"

"Nasunog ang gubat at madami ay may kailangan ng tulong," sabi ko, pero alam kong alam na niya ito.

"Mahal akong maningil."

Nakangiti siya, but I could see the gleam of threat in her wrinkled eyes. Para akong nasa isang sugal. Wala pa mang taya, tila matatalo na ako. "May mga dala akong alahas."

Marahan siyang umiling at muling inabot ang tasa ng tsaa. "Hindi ko kailangan ng mga dala mo," sabi niya. "Pero kaya kong pagalingin ang tanging taong natira sa'yo."

Fear strike through my body. Paano niya alam? Paano niya alam na isang tao nalang ang natitira sa'kin? She sipped her tea with a mysterious smile and gleaming eyes.

"Sino ka ba?"

"Isa lang akong simpleng manggagamot." Her small body leaned closer. "Ano'ng masasabi mo sa alok ko, Aurora?"

"Ano'ng kapalit?"

She shook her head. "Hindi ko maaaring sabihin hanggang hindi ka pumapayag."

No. This is crazy. Susugal ako nang hindi alam kung ano ang kapalit? Tumayo ako mula sa sofa. Nanatili siyang kalmadong umiinom ng tsaa.

Ito siguro ang dahilan kung bakit kahit sinasabi ng iba na kaya niyang pagalingin ang kahit anong sugat o sakit, walang taong lumalapit sa kanya. And maybe, the people who came today before me left with the same thing in mind.

Hindi sila susugal.

I remained standing, weighing down my choices. Siguro may iba pang solusyon. Siguro ano mang oras may doktor ng pwedeng tumulong sa'min.

Iniwan ko Lola sa ospital, hinabilin ko sa kakilala na naghihintay din ng tulong. Pero paano kung wala kaming mahanap? Paano kung tuluyan siyang manghina?

Hindi ko kakayanin na mawalan ulit.

Nasa pintuan na ako nang muli akong humarap sa kanya. At bago ko pa napigilan ang sarili ko, lumabas ang mga salitang nagbigay sa kanya ng ngiti.

"Pumapayag na ako."

***

#TheWickedCrown
Your royal witch's twitter: breatheapril

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top