Kabanata 6: Ang Anak

Munting Nayon, Caloocan. January 10, 2015



"'Tol, malinis na ba yung bahay?"

"Oo nga, 'naknampucha naman, ilang beses mo ba dapat itanong 'yan? Kumalma ka nga!"

"'Tol, nakalabas na anak ko, 'tol! 'Tang ina, tatay na 'ko! Punyawa! Ang cute ng anak ko, 'tol, mukhang manika!"

"Kagabi mo pa 'yan sinasabi, Pol. Para kang sirang plaka."

Itong bespren ko, hindi siguro 'to nakatulog mula pa noong Huwebes. Gabi kasi, dinala na sa maternity clinic si Gen kasi nga nahilab na raw ang tiyan. E di, ako ang naiwan sa bahay. Sabado na, 'tang ina, nasa kabilang ibayo na sila, hindi pa rin ako napapatahimik hanggang dito sa apartment!

Si Pol, nag-unli pa sa Sun para makatawag lang lagi sa Smart ko. Kaya nga hindi na natahimik ang phone ko kasi minu-minuto nagpa-panic. Kagabi, ang siste niya, lalabas na raw yung anak nila ni Gen.

Kung makabalita namang lalabas na ang anak niya, parang magmumula sa Bilibid yung bata.

Updated ako kahit ayoko ng update. Kesyo tumitili si Gen, nagle-labor na raw, 8 centimeter na raw ang dilation. E malay ko ba sa dayle-dilation na 'yan, 'tang ina, ako ba manganganak?

Sabi ko nga sa call kagabi, kung nandoon lang ako sa clinic, baka nagkasapakan na kami ni Pol. Masyado kasing aligaga, ang sarap balibagin ng upuan sa mukha e.

Tinatapos ko na lang ang comic illustration ko sa AI para ilalapat na lang sa Photoshop. Eto namang magsyota, kung hindi lang talaga abala sa buhay at puro pautos na i-disinfect daw ang bahay para sa baby, e di sana, natutulog na lang ako ngayon o kaya naglalaro ng DotA.

Nakailang spray na nga ako ng Lysol, 'king ina, ina-allergy na ako sa amoy. Karamay ko na yung mga lamok na nagsipaghimatayan na kaka-spray ko.

Pero mukhang safe naman ang panganganak ni Gen kasi yung picture na pinost ni Pol sa FB, okay naman. Malusog naman yung bata. Aminado naman akong cute sa picture at nag-comment pa nga ako sa post ng "Muntik nang luminaw yung picture ng baby mo." Hindi kasi makabili ng bagong phone si Pol. Naubos kapapabili ng pagkain ni Gen—na hindi ko aamining ako naman talaga ang nagpapabili.

"'Tol! Yawa, we're home!"

Ang lakas ng boses ni Pol sa labas pa lang. Tumayo na agad ako para sana maghabol ng panibagong spray ng Lysol kaso nabuksan na ang pinto, hindi ko na tinuloy.

Napatitig ako kay Gen na nakangiti sa karga-karga niyang bata.

Hindi na siya mukhang nakalunok ng bola. Nagbalik na sa dati ang katawan niyang normal. Pero hindi na kami tatlo lang sa bahay. Nadagdagan na kami ng isa pang maingay.

"'Tol! Ang cute ng baby ko, 'tol!" Nagsisisigaw si Pol at niyakap ako habang ginugulo ang buhok ko.

Pero hindi ko siya gaanong mapansin kasi naka-focus lang ako sa baby na tulog.

"'Tol, tatay na k—aray."

Dinakma ko na lang ang mukha ni Pol para matahimik siya saka ako lumapit kay Gen.

"Ito na 'yon?" tanong ko pa.

"Mga tanungan mo, Andoy, pantanga talaga e," sabi agad ni Gen. Hindi siya makasigaw, magigising yung baby niyang natutulog.

Pero napapanganga na lang ako habang nakatingin sa karga niya. Maputi yung bata, namumula ang pisngi. 'Tapos ang chubby-chubby. Mukhang manika nga. Balot na balot ng tela. May balot din ang mga kamay saka may bonnet na pink. Matangos ang ilong, 'king ina, buti namana kay Pol. Medyo pango kasi si Gen.

"Ang cute naman nito." Tinusok ko nang mahina ang pisngi ng baby sunod ang ilong. "Ano pangalan?"

"Carmiline."

"Carmiline lang?"

Nagtagpo agad ang tingin namin ni Gen. "Gusto mo bang sampuin ko pangalan nito?"

"Nagtatanong lang, baka kasi dinamihan mo nga ang pangalan. Sungit." Binalingan ulit ang baby saka hinawakan sa braso gamit ang tatlong daliri ko lang. "Ang liit niya, 'no? Kasya ba 'to sa drawer?"

"'Tang ina ka, layuan mo nga anak ko!"

Biglang pumalahaw ng iyak yung bata.

"Ayan na, umiyak na." Lumayo agad ako kasi nagsisimula na ang ingay. "Hindi ko kasalanan 'yan, ha." Pagtingin ko kay Pol, hayun at nagsasalansan na ng bote ng gatas sa mesa. Kasasalin lang ng mainit na tubig galing termos at nagsusukat na ng gatas sa scoop.

Ilang linggo rin 'tong nagpa-practice magtimpla ng gatas. Sanay pa naman 'to dati sa paggawa ng frappe kaya sinisisiw ang trabaho.

"O, bakit umiiyak ang baby?" parang timang na tanong ni Pol dala-dala ang bote ng gatas na katitimpla lang niya.

Tanga rin 'to minsan e. Nakita na ngang sinigawan ni Gen harap-harapan, itatanong pa kung bakit umiyak.

Dalawa na yata sila ng nanay niyang dapat ko nang busalan ang bibig kapag mag-iingay.

Pero sa totoo lang, masaya ako para sa kanilang dalawa. Hindi ko lang masabi kasi parang buang din 'to si Geneva. Mapangduda pa naman 'to.

Si Pol, alam kong masayang-masaya 'to kasi, sa wakas, naipanganak na yung baby niyang ilang buwan din niyang inaabangan. Magagamit na niya lahat ng pinagbibibili niyang kalat dito sa bahay. Yung mga diaper sa cabinet, mababawasan na rin. Yung mga punda at kumot, madalas na ring malalabhan. Yawa, hindi na nga sila nakakapagkalat dito kasi nga raw baka ipisin saka dagain kami, baka makagat daw ang baby. Kaya napakalinis lagi sa bahay kahit wala pa naman yung baby na sinasabi nila.

Pero this time, iba na e. Nandito na. Umiiyak na nga.

Hindi naman masama ang loob ko na, sa wakas, may anak na rin sila. Kasi alam ko naman ang hirap na dinanas ni Pol. Ilang beses ko na ngang tinangkang sabihin na aalis na lang ako rito sa bahay para kanila na lang itong apartment at mamumuhay na lang akong mag-isa sa malilipatan ko kung sakali man.

Kaso kasi . . . ewan ko ba. Hindi ko lang talaga kasi maiwan. Una, si Pol, lagi sa labas. E sino'ng magbabantay kay Gen? Wala.

Tumambay na lang ako sa labas kasi baka mag-ingay na naman si Gen kapag nakita ako. Ang init pa naman ng dugo n'on sa 'kin. Dumoon ako sa tapat ng pinto, isinampay ko ang mga braso sa sementadong railings, kahit alas-dose pasado na ng madaling-araw. Pahangin lang habang pinanonood yung umiilaw na parol sa tapat na kahit nag-Bagong Taon na't lahat, hindi pa rin tinatanggal.

"Sandro."

Napalingon ako sa kanang gilid at sinundan ng tingin si Pol na nakitambay rin sa tabi ko.

"Tulog na ba yung mag-ina mo?" tanong ko na lang.

Bigla siyang ngumiti habang nakayuko. "Tatay na 'ko, 'tol."

"Kung may piso sa bawat tatay ka nang linya mo, malamang, mayaman ka na."

Natawa naman siya nang mahina. "'De, kasi ano, iba talaga e. Naiyak nga ako. Parang kailan lang kasi."

Dadautin ko sana kaso umiyak nga. Pero tahimik lang naman. Nagusot ang gilid ng mga labi niya 'tapos nagtakip ng mga mata gamit ang buong palad.

Tinapik-tapik ko na lang siya sa balikat para pakalmahin.

"Mas doble na ang kayod mo ngayon. Dalawa na silang pakakainin mo." Kahit na tatlo naman talaga ang bilang kasi kasama ako.

Tumango-tango lang siya saka umiiyak na tumatawa. "Basta, masaya ako, 'tol. Magtatrabaho ako hangga't kaya ko basta maging okay lang silang dalawa."

"Dapat lang kaysa magutom 'yang mga 'yan dito."

Nagbuntonghininga na lang ako saka tumanaw sa langit na wala gaanong ulap.

Hindi ko naman alam ang pakiramdam ng saya ni Pol. Masaya naman kasi ako sa kanila, pero malay ko ba kung mas masaya siya kaysa sa saya ko. Siya naman ang nagkaanak hindi naman ako.

Pero sa totoo lang, paranggusto ko na ring magkaanak. Kaso ayokong gumastos. Ayoko ring maghanap ngmabubuntis kasi napagdaanan ko na yung pagbubuntis nitong si Geneva. Uminitlang ang ulo ko. Makikiusyoso na lang siguro ako sa anak nila. Panigurado,kapag oras ng trabaho ni Pol, ako pa rin naman ang mag-aalaga sa mag-ina niya.


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top