Kabanata 20: Ang Surprise

February 10, 2018



Si Alyna, sobrang daldal talaga at demonyong likas kasi ikinuwento nang ikinuwento kay Chamee na sasakay raw sila ng airplane 'tapos pupunta sila sa malayo. Si Chamee, araw-araw nagtatanong mula pa noong January kung kailan daw siya sasakay ng airplane. Sabi ko, malapit na. Puro lang ako malapit na kasi itong si Alyna, gusto talagang papuntahin kami ng Aklan nang hindi ako nagdadalawang-isip.

Si Chamee, tuwang-tuwa sa bus at dinadamay ang mga katabi naming natutuwa sa kanya. Maaga kaming umalis, madaling-araw pa lang at ang ticket namin, papuntang Pasay. Magkikita-kita kami nina Alyna sa terminal sa MOA saka kami sasakay papuntang NAIA Terminal 1. Nasa kanya kasi ang ticket namin sa eroplano.

"Mimaaaa!"

"Chameeee! Tara kay Mima, dali-dali!"

Alas-otso pasado pa lang ng umaga at nagpasasalamat akong Sabado ngayon dahil malamang kung weekdays 'to, alas-diyes pa kami makakarating. Alas-tres ng hapon ang flight namin pa-Kalibo kaya kailangang maaga. Although, two hours before the flight naman ang sinabi sa amin pero maganda nang maagang makapag-check in.

"Nag-almusal kayo?" tanong agad ni Alyna at talagang hinagod ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa habang nakangiwi.

Ang suot niya, fitted na plain white T-shirt at maong na shorts. May dala na naman siyang backpack na mukhang hindi ganoon karami ang laman kasi hindi namumutok. At naka-running shoes lang siya. Parang wala siyang ibang alam isuot kundi ganyan lang. Kada kita ko sa kanya, mukha siyang galing sa biyahe.

"Kumain si Chamee ng hotcake saka binaunan siya ni Manay Pasing ng ham sandwich."

"Ikaw?"

"Baka masuka ako sa biyahe kaya mamaya na lang."

First time namin ni Chamee na sasakay sa eroplano, at kahit anong kaba ko para sa sarili ko, mas kinakabahan ako para kay Chamee. Gala naman 'tong batang 'to kasi gustong laging namamasyal. Pero ibang usapan na yung eroplano. Hanggang Pasay nga lang ang nararating ko na pinakamalayo. Ito, Visayas area na.

Nakakalula sa airport, ang dami ng tao. Sa TV saka pelikula ko lang nakikita na maraming tao sa ganitong lugar 'tapos may eksenang may sisigaw sa kung saan at hihinto ang lahat. 'Tapos may kissing scene sa gitna.

Kaso putaragis, ang dami ngang maingay sa paligid, may nag-a-announce sa intercom, may mga tumitili rin sa kung saan-saan at sinasalubong ang mga kaanak nila. 'Tapos may mga guard pang padaan-daan sa paligid. Kung sisigaw siguro ako sa ganitong lugar, baka posasan na lang akong bigla 'tapos padapain sa sahig.

Si Chamee ang sobrang excited. Itinuturo lahat. May dumaang K-9, ituturo din 'tapos magdadaldal na may malaki raw siyang nakitang dog. 'Tapos naghe-hello sa lahat ng sumasalubong sa amin saka sa ibang nakapila sa check-in counter. Ang dami pa namang foreigner na tuwang-tuwa sa kanya.

"Hello po!"

"Hello, little fella. How are you?"

"Isasakay kami ni Babi sa erpleyn po! Ta's lilipad kami sa mataas na mataas!"

"'Nak, huwag madaldal. Baka hulihin tayo ng pulis."

Kinarga ko agad siya saka ako naiilang na ngumiti sa kausap niyang malaking lalaking mukhang African-American na nakapila sa kabilang counter.

"Your daughter is adorable, man."

Naghalo na ang ngiti at ngiwi ko saka kunwaring pinunasan ang mukha ni Chamee gamit ang towel kahit na tinatakpan ko lang ang mukha niya para hindi na mag-ingay.

"Yeah. Thank you, man," naiilang na sagot ko saka binulungan si Chamee. "'Nak, quiet ka lang para makalipad agad tayo sa airplane, ha? Ssshh!"

"Opo, Babi. Ssshhh!" Ginaya naman niya ako habang tinatakpan ng daliri ang bibig niya. Kaso nga lang, sinabi niya naman iyon sa lahat ng katabi namin. Nag-sshh din siya sa iba at pinagagaya niya sila sa kanya.

Diyos ko, parang gusto ko nang umuwi.

Hindi marami ang dinala kong damit para sa 'kin. Sakto lang para sa one week na stay. Kay Chamee ang napakarami at halos laman ng maletang dala ko, gamit niya. Yung gamit ko, isang backpack lang ang nilaman.

Kung ako lang, isang araw sa Aklan, puwede na. Kaso siyempre, ang adjustment ko ng schedule e schedule ni Alyna kaya siya ang boss—kahit na siya naman talaga ang boss ko sa trabaho kung tutuusin.

Sa sobrang ligalig ni Chamee, ni hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari at kung saan kami pumupunta. Basta sinabi na lang ni Alyna na sumunod ako sa kanya total siya naman ang mas nakakaalam sa biyahe-biyahe na 'to. Lahat ng documents na dala ko para kay Chamee saka mga ID, kinuha niya. Ang likot ng karga ko, lingon nang lingon sa paligid!

Pag-board namin, pumuwesto na agad si Alyna sa may window seat. Si Chamee ang sa gitna, at ako sa aisle seat. Ang biyahe namin, one hour and ten minutes lang. Mas mabilis kaysa sa eight hours sa bus. Kung puwede ko lang talagang patulugin si Chamee nang puwersahan, pinatulog ko na talaga siya e. Ninenerbyos na nga ako pag-angat ng eroplano, itong katabi ko, tuwang-tuwa pa. Gagatungan pa ni Alyna na parang roller coaster ang sinasakyan namin.

Umaga pa lang, pagod na ang katawang-lupa ko. Wala akong tulog kasi nga naghanda ako para lang talaga kay Chamee. Kaya pag-steady ng lipad ng eroplano, pagpikit ko ang sumunod ko nang dilat, may mga katabi na kaming ibang eroplano rin.

"Bruh, kilos na. We're here na, uy."

"Ha?" Lumingon-lingon pa 'ko sa paligid at nakita kong nagtatayuan na ang mga katabi namin. Sumilip ulit ako sa nakabukas na bintana at nabasa ko agad sa di-kalayuan ang Cebu Pacific na pangalan ng kabilang eroplano. Paglingon ko sa kabila, puro na kabundukan ang nakikita ko. Pota.

"Nandito na agad tayo?" tanong ko agad at nagmadali akong tumayo. Pakshet, natutulog lang ako sa Maynila kanina, nasa Aklan na 'ko ngayon.

Matapos kong kunin ang lahat ng bagaheng dala namin na nasa handcarry, naninibago ako sa kung nasaang lupalop na kami ng Pilipinas. Tirik na di-mawari ang taas ng araw. Alas-kuwatro y medya na pagsilip ko sa relos ko.

Ang wirdo ng amoy ng hangin. Amoy-engine na di-mawari.

"Babi, nisasakay na ako erpleyn!"

Kinokolekta ko pa ang lahat ng tamang huwisyo kong naiwan sa Maynila dahil nakatulog ako sa biyahe. Si Chamee, masayang-masaya. Si Alyna, sinasabayan naman ang pagtalon-talon ni Chamee habang sinasabayan namin ang paglalakad ng ibang pasahero papasok sa kung saan kami makakaalis dito.

Puro puno ng niyog sa malapit—na malayo. Basta malayo sila pero sila ang pinakamalapit na natatanaw ko. Pota, para akong ignorante sa buhay, halatang hindi nakakalabas ng Luzon e.

"Lyn, saan pala tayo pupunta nito?" tanong ko agad nang makapasok kami sa loob ng pinaka-terminal. Marami ring tao pero kumpara sa NAIA, at least dito, hindi ganoon ka-crowded. Kung dito ako sisigaw, malamang na magkikitaan agad kami ng hinahanap ko. Pagkakuha namin ng bagahe sa baggage claim area, nakaramdam agad ako ng gutom.

Malakas ang air con sa loob saka maliwalas. Paglingon ko sa kanan, Duty Free agad ang una kong nakita. Gusto ko sanang mamili ng pagkain kaso baka mamulubi ako nang wala sa oras kung sa loob ako ng Duty Free bibili.

"May na-hire na 'kong ride papunta sa New Washington. Nag-text na yung driver kanina, i-meet na lang daw siya sa labas ng airport mamayang 5. Kanya raw yung gray na Adventure."

Mamaya pa palang 5. May thirty minutes pa kami.

"Saan ang stay natin?"

"Sa may Casa Peralta. Doon sana sa isa sa may beachfront kaso full sila ng reservation. Malapit-lapit lang daw doon yung municipal hall, baka doon ako mag-conduct ng interview."

"Para saan ba ulit yung coverage mo?"

"Sa mangrove reserve. Sa kabilang island daw siya, sa Kapispisan."

"Aw." Hindi ko alam 'yon. Malay ko ba, hindi naman ako tagarito.

Paglabas namin ng airport, akala ko, gaya sa NAIA na ang lawak pa ng kalsada na iikutan bago makarating sa main road. Pero paglabas namin, parang may maliit na palengke agad sa harapan. At doon daw aabang sa amin ang sasakyan namin sa may access road.

"Babi, gugutom na 'ko."

"Gutom na si Mimi?" Naghanap agad ako ng mabibilhan ng pagkain namin. "Sige, saglit, 'nak. Hahanap si Babi ng food."

"Bruh, may burgeran doon, o." Itinuro ni Alyna ang di-kalayuan.

"Sige, doon na lang."

Pagdating namin doon, si Alyna na ang kumuha ng order namin habang naghihintay kami ni Chamee sa mesa sa may gilid na katabi ng dingding.

Hinahanap ko naman ang bahay na pinagpadalhan ko dati ng pera para sa kamag-anak ni Geneva. Sa may Polo, New Washington Road kasi sila. Hindi lang ako sigurado kung saan kasi wala, hindi ko na ma-search yung lumang chat namin ni Gen. Binura ko kasi yung mga PM niya noong binasted ako saka noong sila na ni Pol. Ang tanga ko rin talaga, bakit ko binura?

Ang meron na lang ako e yung pangalan ng pinagpadalhan ko ng pera sa LBC saka phone number na mabuti't nai-save ko pa.

Sinubukan kong tawagan itong Purificacion Mangulabnan. Sana lang sumagot kasi three years ago pa noong huli akong nagpadala ng pera sa kanila. Malay ko ba kung nanay 'to ni Gen o ano.

"Hello?"

Pinandilatan ko agad si Chamee na nilalaro si Ninicorn niya. Babae ang sumagot saka tunog mahinhin saka hindi tunog matanda.

"Hello, I'm Sandro. Ano kasi . . . itatanong ko lang kung number ba 'to ni Purificacion Mangulabnan."

"Ako po siya. Saan n'yo po nakuha ang number ko?"

"Oh! Uh, ano." Nilingon ko si Alyna na nakatingin sa akin mula sa counter at nagtatanong kung may kailangan ba 'ko. "Kayo po ba yung mama ni Geneva?"

"Geneva po? Hindi po. Kakambal po niya 'ko. Bakit po?"

"Ha?"

May kakambal si Gen? Bakit hindi ko alam?

E teka nga, bakit ko naman kailangang malaman e binasted nga ako, aber?

"'De, kasi ano . . . galing kasi kaming Manila. Nandito kami sa Aklan ngayon. Uhm . . . kasama ko ho kasi yung ano . . ." Ang lalim ng hugot ko ng hangin bago ko sabihin ang kasinungaling pakana ni Alyna. "Kasama ko kasi ang anak namin. Gusto ko lang malaman kung saan kayo nakatira para madalaw kayo."

Biglang natahimik sa kabilang linya.

"Bruh, sino kausap mo?" mahinang tanong ni Alyna paglapit niya sa table dala ang pagkain namin.

"Kapatid ni Gen," sabi ko habang takip-takip ang ibaba ng phone.

"Oh. I see, I see." Umupo na siya sa tabi ni Chamee at itinapat niya ang hintuturo sa bibig. "Mimi, sshhh lang, ha? May kausap si Babi sa phone."

Hindi naman namansin si Chamee kasi busy kay Ninicorn niya. Tango lang nang tango.

"Hello, may kausap pa ba 'ko?" tanong ko agad sa kabilang linya kasi walang nasagot. "Hello po?"

"Ay, hi! Ano, sorry, saglit. Ma, may nagausoy sa baeay. Tatay kuno it unga ni Geneva. Ano ang hambaeon?" sigaw nito kaya inilayo ko nang kaunti ang phone sa tainga ko.

"Hambaea, agto iya. Taw-a ro address."

"Casa Peralta?"

"Oo."

"Sige, sige. Hello?"

Napanganga na lang ako habang nakatingin kay Alyna na may nguya-nguya nang fries. Nagtaas agad siya ng kilay para magtanong kung ano na'ng nangyayari.

"Casa Peralta daw sina Gen," bulong ko kay Alyna.

"Really?" bulong din niya. "Shoot, that's great, bruh!"

"Hi!" sagot ko ulit sa phone. "Sa Casa Peralta kayo?"

"Yes po. Paturo na lang po kayo sa mga tricycle driver kung saan sa amin banda."

"S-sige, sure."

Pinatay ko na agad ang tawag saka alanganing nakangiti kay Alyna.

"Grabe, pakshet, small world."

"Hoy, language." Tinakpan agad ni Alyna ang tainga ni Chamee. "So, ano? Plano?"

"Tara na d'on!"

♥♥♥



Hwoy, kenekeleg eke hahaha.

Translated by Zhandre Dex/Mc Damon (a.k.a Sandro's character hahaha)

"Ma, may nagausoy sa baeay. Tatay kuno it unga ni Geneva. Ano ang hambaeon?"

Tagalog Translation: Ma, may naghahanap sa bahay. Tatay raw ng anak ni Geneva. Ano'ng sasabihin ko?)

"Hambaea, agto iya. Taw-a ro address."

Tagalog Translation: Sabihin mo, pumunta rito. Bigay mo address.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top