SPECIAL CHAPTER 136

03-15

"GO PRIMO!" Napatingin ako sa kung saan galing ang sigaw na iyon. Nakita ko ang mga babae galing sa department namin na sumisigaw ng pangalan ko. Intrams kasi ngayon at napagbigyan kaming maglaro kahit na part na ako ng university team, dati kasi bawal ka magparticipate kapag varsity ka.

Nandito ako sa may bench nakaupo habang naghihintay na magstart ang laban, nilibot ko ang paningin ko para tignan kung andito na ba si Paige at Cleo.

Kalaban namin ngayon sila Akihiro, weird nga kasi nasanay na ako na nasa iisang team kami pero ngayon naman magkalaban kami.

Delikado nanaman ata ako kay Paige baka ma-inlove nanaman 'yon sa paglalaro ni Aki.

Napatayo tuloy ako nang maisip iyon at nagsimula magstretching at magwarm-up. Kapag natalo kami panigurado uulanin nanaman ako ng pang-aasar galing sa babaeng iyon.

Minsan talaga hindi ko maisip kung gusto niya ba talaga ako o ano, ibang klase rin kasi ang shifting ng babaeng iyon. Minsan sobrang lambing sa akin minsan naman kung trashtalkin ako ang lala. Pasalamat talaga siya mahal ko siya at sanay na ako sa kaniya.

Kapag siya naman ang inaasar ko, ang bilis mapikon at gusto agad magpalambing pero ang cute niya kapag ganoon siya, hindi ko nga lang sasabihin sa kaniya dahil kapag nalaman niyang cute siya baka gamitin niya 'yon against sa akin. Ang hina ko pa naman pagdating sa kaniya.

Tinignan ko muli ang bleachers sa side namin kung nandoon na ba sila Paige pero parang wala pa rin, ang sabi niya manonood siya kesyo may klase o wala. Napakapasaway talaga pero hinayaan ko na dahil kakatapos pa lang naman ng midterms namin.

Bumalik ako sa bench at tinignan ang phone ko kung may text siya, kaya lang wala kaya ako na lang ang nag-text.

To: paigy 💛

Hoy saan ka na?

Fr: paigy 💛

Huwag mo nga ako mahoy-hoy diyan

To: paigy 💛

Tagal mo!!!

Fr: paigy 💛

Walking na nga oh eto na oh

Napangiti na lang ako nang ilang minuto lang dumating na sila ni Cleo, dumiretso sila sa bench kung asaan ako. Inabutan ako ni Paige ng blue na gatorade na sobrang lamig pa, halatang kabibili lang niya.

"Naks, gatorade! Akala ko tubig sa fountain ang ibibigay mo," pang-aasar ko sa kaniya agad naman niyang binawi sa akin ang gatorade at ininuman.

"oh edi ayan." Ibinigay niya sa akin ang tumbler niya na puno ng tubig na siguro'y galing sa fountain. Napailing na lang at napatawa, pikon talaga.

"Asaan si Aki?" tanong niya kay Cleo kaya sinamaan ko siya ng tingin at agad naman niya akong pinakitaan ng nang-aasar na ngiti. "Joke lang, joke lang." Nag-peace sign pa siya pero halatang hinahanap pa rin ng mata niya si Akihiro.

"Doon sa kabila bleachers nila, doon na kayo hindi kayo tanggap rito." Agad namang yumakap si Paige sa akin habang tumatawa. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang ngiti ko nang yakapin niya ako.

Badtrip, kuhang-kuha niya ako sa ganiyan.

"Hindi na nga e! Nakadilaw nga ako oh!" Pinakita niya pa ng suot niya na yellow na shirt.

Pinalipat ko na sila sa bleachers dahil may mga players na gagamit ng bench tsaka mags-start na rin kasi ang laro.

Tumayo na ako nang tawagin na ang number at apelyido ko, sobrang lakas ng hiyawan sa side namin pero sa isang banda lang ako nakatingin.

Agad akong napahalakhak nang makita si Paige na ang sama ng tingin sa may taas na bleachers dahil sa mga babaeng kapareho namin ng department na sinisigaw ang pangalan ko.

Nagseselos rin naman pala ang isang 'yon. Akala ko masyado na siyang confident na mahal na mahal ko siya na totoo naman.

Nagsimula na ang laro kaya nagfocus na lang ako, nagtatawanan kami paminsan ni Akihiro kapag nagbubungguan kami.

"Angas mo tol ah," natatawang sabi ko habang hinaharangan niya ako para hindi maipasa ang bola sa akin.

Siguro dahil sa lagi kaming magkalaro na dalawa, kabisado na namin paano maglaro ang isa't isa.

"Mas maangas ka tol," sagot niya nang biglang ipinasa sa akin ang bola, nakuha ko iyon at sinubukan kumawala rito kay Akihiro.

Talaga nga naman oh, wala akong nagawa kung hindi ang ipasa pabalik ang bola. Tawa naman nang tawa si gago.

"Kung 'di ako makaka-score dapat ikaw rin." Nagtime-out ang team nila kaya naman natigil muna ang laro.

"Galingan mo naman Primo!" bungad ni Paige sa akin sabay abot ng gatorade na halos kalahati na ang bawas dahil siya rin naman ang umiinom.

"Iyong crush mo kasi epal," reklamo ko sa kaniya.

"Oo epal ka naman talaga, ngayon mo lang nalaman?" Hindi ko agad nagets ang sinabi niya kaya lang wala na akong oras para isipin pa iyon dahil balik game na kami.

Mas maayos na ang naging laro ko ngayon, pinabantayan ko sa iba si Akihiro para naman makakilos ako, ang isang 'yon kasi dikit nang dikit sa akin kung hindi ko lang kilala ang gusto no'n baka naisip ko na na type niya ako.

Nakapuntos na rin ako sa wakas medyo umaangat na ang lamang namin kayla Akihiro pero dahil magaling din ang isang iyon dikit tuloy palagi ang score.

3rd quarter nagpahinga na ako dahil pagod na ako katatakbo, binato ako ni Paige ng face towel para ipamunas sa pawis ko, ang sweet naman.

Mas masaya pa yata ako nang manalo kami rito sa intrams kaysa nang manalo kami laban sa ibang school.

Nanalo kami na 2 points lang ang lamang pero sapat na 'yon para ipagyabang kay Paige na mas magaling ako kay Akihiro kahit palagay ko sinuwerte lang talaga ako.

"May araw ka rin sa akin Lagdameo." Pinagbunggo namin ni Aki ang balikat namin bilang bati sa isa't isa pagkatapos ng laro.

"Gagraduate muna ako bago manalo CEAT sa CAS," pagyayabang ko sa kaniya kahit hindi naman palaging panalo ang CAS sa CEAT. Mas lamang ang mga lalaki sa kanila, sa engineering pa lang e kaya mas marami silang player, sadiyang sinuswerte lang paminsan-minsan ang department namin.

Lumapit sa amin si Paige at Cleo, kumapit sa braso ko si Paige kaya tinignan ko siya buti hindi siya nagreklamo na pawis pa ako.

"Wala akong ginagawa ah," agad na pagdipensa niya, akala niya yata tinitignan ko ang reaksyon niya kay Aki na nasa tabi ko.

"Sige na una na ako tol, Paige..." paalam niya saamin.

"Cleo." sabay tingin niya kay Cleo at kumaway bago tumakbo papunta sa bench nila para kuhain ang gamit nila.

"Paano ba 'yan natalo ko crush mo," mayabang na sabi ko kay Paige habang naglalakad kami papunta sa may shower room.

"Hindi ko na nga crush si Aki! Cleo oh," pagsusumbong niya kay Cleo, agad naman akong inambaan ng sampal ni Cleo.

Nakakaawa talaga ako kapag itong dalawa kasama ko, palagay ko alipin nila akong dalawa. Makagraduate na nga!

Naligo muna ako bago ko sila ulit pinuntahan sa may bleachers. "Si Cleo?" Pagdating ko kasi si Paige na lang ang naroon.

"Umalis na, lam mo na." Tumango ako at inalok ang kamay ko para umalis na kami dahil may sunod pang laro sa gym kaya ang dami pa ring tao.

Tinanggap naman niya iyon at magkahawak kamay kaming naglakad paalis. Dahil nga intrams, ang daming estudyanteng nagkalat kaya inaya ko na lang siya papunta sa roof top ng building namin.

Doon ako madalas tumambay noon kapag busy si Paige sa mga crush niya para hindi rin niya ako mahagilap, alangan naman kasing ipakita ko sa kaniya noon na nagtatampo ako at nalulungkot kaya pinapalipas ko muna iyon bago ako magpakita sa kaniya para kapag kaharap ko na siya, napractice ko na kung paano magmukhang walang paki sa kung sino man ang gusto niya no'ng mga panahon na 'yon.

Kumakain kami ng ice cream na nabili namin sa isang stall na nadaanan namin papunta rito, madami kasing iba't ibang stall na tinatayo kapag intrams sa school.

Nakatingin lang kami sa kabuuan ng grounds na sobrang daming estudyante na suot-suot ang department color nila. Pareho kaming nakadilaw ni Paige dahil pareho naman kaming sa college of arts and sciences.

Mag-gagabi na kaya ang ganda ng kulay ng mga ulap habang papalubog ang araw.

"Congrats Primo." Kanina pa kami nag kukwentuhan pero ngayon niya lang ako binati hay nako.

"Ngayon ko lang naalala." Natawa siya sa sarili niyang kagagawan.

"Dungis mo." Ipinunas ko ang tissue sa labi niya, kahit kailan parang bata talaga. Hinayaan naman niya ako na gawin iyon.

"Daming magjojowa dito ah," kumento ni Paige nang ilibot ang paningin niya. Taguan naman talaga ng magjojowa rito, pero mas ayos lang naman sa akin na panoorin ang mga 'to kaysa naman kay Paige na may kasamang iba noon.

"Nagdala ka rin dito ng jowa mo?" tanong ni Paige sa akin at umiling naman ako. Para namang 'di niya alam na siya lang naman ang gusto ko simula no'ng highschool hanggang ngayon. No in between.

Halata sa mukha niya na hindi siya naniniwala, palibhasa siya ang dami niyang nagustuhan sa isang taon e, can't relate talaga siya sa akin.

"Totoo kasi," pagpipilit ko dahil hindi talaga siya naniniwala.

"Depende na lang kung tayo na, edi may nadala na ako rito." Napatingin siya sa akin at halata ang gulat sa mukha niya kaya natawa naman ako.

Mag-iisang buwan na rin yata nang umamin siya sa akin na gusto rin naman niya ako pero hindi naman agad naging kami dahil nahirapan siya na magshift mula sa pagiging magbestfriend namin papunta sa kung ano kami ngayon.

Naiintindihan ko naman siya, hindi naman ako nagmamadali. Ayoko rin naman na mabigla siya sa mga pangyayari, naisip ko rin kasi na baka hindi naman siya sigurado at naguluhan lang siya dahil sa bigla kong pag-amin sa kaniya noon kaya mas maigi na bigyan ko pa siya ng oras, kahit gaano pa katagal.

Kailan ba ako nainip pagdating sa kaniya?

"Okay, sige," tanging sagot niya kaya naguluhan naman ako, hindi ko kasi alam ano ang tinutukoy niya.

"Anong okay? Okay na naniniwala ka na o okay na tayo na?" Umiwas siya ng tingin kaya hinuli ko ang mga tingin niya pero kung saan-saan talaga siya tumitingin.

Cute.

"Tingin sa akin, Paige," utos ko. Mukhang nagdalawang-isip pa siya bago niya sinalubong ang tingin ko.

Tinagilid ko ang aking ulo habang nag-aantay na magsalita siya, minsan lang mahiya si Paige sa buhay niya.

Masasabi kong walanghiya kasi ang isang 'yan sa akin kaya naaaliw talaga ako kapag nahihiya siya sa akin dahil minsan ko lang siya makitang ganiyan.

Mukhang alam ko na ang sagot sa tanong ko pero siyempre gusto ko pa rin manggaling sa bibig niya.

She cleared her throat."Okay na tayo na," sambit niya. Hindi ko na naitago ang lawak ng ngiti ko nang sabihin niya iyon. Hinila ko na lamang siya para yakapin nang mahigpit at hinalikan ang tuktok ng ulo niya, wala naman siyang angal sa ginawa ko at niyakap na lang din ako pabalik.

03-19

Nagtutulakan kami ngayon ni Paige kung sino ang magsasabi kayla Tito Frio at Tita Pau na kami nang dalawa.

"Magulang mo 'yon e ikaw na magsabi!" Tinulak ko siya papasok sa bahay nila pero pumalag siya at agad na pumunta sa likod ko para ako ang itulak.

"Ikaw lalaki e." Ako naman ngayon ang tinulak niya.

"Ay stereotyping masama 'yan," reklamo ko sa kaniya pero tinutulak niya pa rin ako. "Ako magsasabi kay Tita Via at Tito Xandro para fair," alok niya pa sa akin.

Pinisil ko ang pisngi niya. "Alam na nila na tayo na, ano ka ba." Nanlaki ang mata niya. Ang totoo niyan hindi pa talaga alam nila Mama, pero alam ko naman na kapag nalaman nila Tito Franco, aabot din 'yan sa kanila.

"Sasabihin ko kay Papa kiniss mo na ako kahit no'ng hindi pa tayo," pananakot niya, kapal ng mukha nito talaga akala mo hindi siya ang nauna.

"Sabihin ko ikaw naunang nagkiss sa akin, hindi makapagpigil masyado 'yang labi mo." Hinampas niya ang braso ko dahil narealize niya na tama ako. Siya naman ang unang humalik sa akin, sinundan ko lang naman siya.

"Primo kasi! Ikaw na lang magsabi," pagmamakaawa niya sa akin, okay lang naman talaga sa akin kung ako ang magsasabi dahil nakapag-usap na rin naman kami dati ni Tito Frio.

Nag-inom pa nga kaming dalawa nang hindi alam ni Paige, kaya lang nakakatuwa lang kasi talaga ni Paige kapag ganiyan siya, hindi ko alam bakit siya nahihiya sa tatay niya e sobrang close nila ni Tito. Siguro first time niya kasi magsasabi na may boyfriend na siya kaya nahihiya pa siya.

"Sige na ako na magsasabi." Agad nanliwanag ang mukha niya nang sabihin ko iyon.

"Sa sobrang ingay niyo riyan, narinig ko na lahat." Agad kaming napaangat ng tingin at nakita si Tito Frio na nakadungaw sa may balcony nila habang may hawak na pandilig, mukhang katatapos lang diligan ang mga halaman ni Tita Pau na parang mga kapatid na ni Paige.

"Tulakan pa kayo nang tulakan diyan, wala na kayong kailangan sabihin pa." Agad nagtago si Paige sa likod ko pero parang ako ang gusto magtago sa kaniya.

"Nagkiss pala ha," singhal ni Tito.

***

Happy 100k 💛

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top