Prologue
It didn't kill me but something inside me died that day.
I was blaming myself for years. Determined to put everything behind without acknowledging the fact that I must forgive myself first to finally abandon that lingering past.
"Yes, of course, Eri! Nasabi ko na rin 'yan." Mabilis akong napailing nang marinig ang sagot ni Leslie sa kabilang linya.
That stopped me from thinking too much. I am here. Still here. So I need to focus my mind on what is to come.
"No! Please! Just talk to her! Buy me some time, papunta na ako riyan! Sandali lang! Aray!" I winced.
Muntik nang tumilapon ang hawak na cellphone nang matapilok ang kanang paa sa pagsuot ng itim na heels kakamadali.
Yumuko ako at mabilis na dinaluhan ang namumula kong paa. I immediately massaged it to lessen the pain. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko ngunit wala akong oras para damhin pa ang sakit na dala no'n.
"Hello? Eri? Still there? Bilisan mo at baka umalis na 'to!" Muli kong tinapat sa tainga ko ang phone at inipit sa pamamagitan ng ulo at balikat.
"Pigilan mo! Mabilis lang ako, promise!"
Before she could even protest, I hung up. Kasabay rin no'n ang pagtayo ko na ka'y hirap gawin kaya paika-ika akong lumakad palabas sa aming apartment.
"What a beautiful way to start the day." I sarcastically said.
Matapos i-double check ang gate ay kaagad na akong tumawag ng taxi sa labas. Mabuti na lang ay mayroon ng nakaabang.
"Manong. Morning Brew lang po. Puwede po bang pakibilisan? May hinahabol lang. Thank you!"
Inabot ko na ang bayad ko para hindi na kumain pa ng oras mamaya bago bumaba.
"Sige po, Ma'am."
Gaya ng sabi ni Manong ay gano'n nga ang nangyari. Buti na lang at wala gaanong traffic kung hindi.. Ewan ko na lang.
Sumandal ako sa back seat at pumikit sandali. I tried to keep still and breathe normally but I just can't!
Abot-abot ang tahip sa aking puso na para bang kakawala ang nasa loob no'n anumang oras.
Tumingin ako sa bintana para maibaling ang pokus sa ibang bagay. Nakita ko ang abalang siyudad ng Maynila. Marami na agad tao sa labas kahit umaga pa lang.
Napatingin ako sa langit at bahagyang nasilaw. Ang sinag ng araw ay tumatagos sa loob ng taxi ngunit hindi naman gano'n kainit dahil malakas ang aircon sa loob.
Mula sa himpapawid ay nakita ko ang mga ibong nagliliparan. Marami sila at tila may isang lider na nauuna't sinusunod ng lahat.
Hindi ko tuloy maiwasan isipin kung natural kaya sa kanila ang pagsunod sa lider na 'yon? Hindi nga sila nakakulong sa hawla ngunit hindi ba sila nalilimitahan sa paglipad kung may iba naman silang gustong direksyon?
Minuto rin namayani ang katahimikan at ang mahinang tugtog sa radyo na lang ang naririnig.
Binaling ko ulit ang tingin ko sa loob na siyang nagpabalik rin sa aking diwa.
No! I cannot afford to lose another employee!
So.. I practiced my speech quietly. Ilang beses ko na itong nabanggit ngunit tuwing may ganoong eksena ay hindi pa rin ako nasasanay. Hindi rin kasi ako payag!
"Ma'am? May kausap po ba kayo?" Sandaling lumingon si Manong sa akin.
"Nako! Wala po! Nagpapraktis lang po ako ng sasabihin sa mag re-resign kong empleyado. Ayoko ko na po kasing mabawasan."
Pinagsalikop ko ang dalawa kong kamay saka mahinang inulit ang sasabihin.
Napakamot naman ng ulo si Manong.
"'Yun lang, Ma'am. Hindi naman po natin mapipigilan 'yan kung gusto talaga umalis."
Sandali akong natigilan. Mas lalo pa yatang dumoble ang kaba ko sa sinabi ni Manong.
Alam ko naman 'yun. Pero kasi..
"Narito na po tayo, Ma'am. Good luck! Sana po'y hindi nga umalis ang empleyado mo." Ngumiti ako kay Manong at tumango naman siya.
"Salamat po."
Mabilis kong binuksan ang pinto para lumabas saka sinuot sa balikat ang dalang bag.
Napatitig ulit ako sa itsura ng cafe sa harapan ko. The architecture of this two-storey building is precisely cozy. Naglalaro ito sa kulay tsokolate, abo, at itim na bagay naman sa naglalakihang glass windows nito.
There are plants dangling from the second floor's veranda, adding some spice to the main entrance.
Aaminin ko na hindi kami nagkamali sa pagpili ng arkitekto dahil nakahahalina talaga at elegante ang kanyang pagkakagawa.
Sabagay, the design were inspired by the cafes of Brooklyn, New York. Hindi na ako magtataka kung bakit marami rin ang nag pi-picture taking sa labas man o loob nito.
I saw my reflection in the glass door. I am wearing a white button down shirt tucked in a blue denim jeans. Bukas ang una't pangalawang butones nito, showing my gold thin necklace na kapares ng maliit na gintong hoop earrings ko.
My long jet black hair was parted in the middle and tied in a low bun.
I looked exactly like my mom ngunit sa pananamit nga lang. Napaisip tuloy ako. I am becoming like her. I should be proud, right?
Ngumiti ako ngunit bakas ang lungkot sa mata. Dapat ba talagang narito ako?
Mula sa loob ay natanaw ko na si Leslie na sumesenyas. She's my friend since I was in Senior High School.
Mabilis kong binuksan ang pinto dahilan ng pagtunog ng wind chimes na nakasabit roon.
Natahimik bigla ang mga empleyadong kaninang nag-uusap usap at napayuko.
"I'm sorr—" I was cut mid-sentence when my phone rang. "Wait lang. Sandali lang talaga." I gazed at them apologetically.
Dumiretso ako sa loob ng counter para makalayo at naupo sa wooden stool matapos ipatong ang bag sa ilalim.
"Kuya.." I answered.
"Hey, Eri.. I've heard. Hayaan mo na kung mag re-resign." Umiling ako na para bang makikita niya 'yon mula rito.
"Hindi puwede, Kuya! Ate Beth is a brilliant employee! Bukod sa magaling talaga siya sa business at mapagkakatiwalaan.. Kuya, siya lang ang napapagtanungan ko rito!" I lowered my voice at paminsang tumitingin kay Ate Beth na ngayon ay nagpapaalam na sa mga kaibigan.
"Then, I'll help you. We're in this together, remember?" I sighed.
"Alam ko naman 'yun, Kuya. Pero hindi naman puwedeng hati ang atensyon mo gayong ikaw rin ang nag-aasikaso ng business na naiwan ni Daddy." I bit my lower lip, supressing it from trembling.
Sandaling natahimik si Kuya Emmett.
"Kung sana lang kasi ay inayos ko ang pag-aaral ko no'ng college. Sana alam ko.. sana hindi ganito." Humina ang boses ko nang sabihin iyon.
That's the truth. Kung mas pinahalagahan ko lang sana 'yon at nakinig sa mga advices nila Mommy.
"Our last money was invested on this business. I cannot stand another failure, Kuya! Ilang empleyado na rin ang umalis dahil sa late na pasahod. Ibibigay naman pero.." Hindi ko na napigilan at nanginig na ang aking labi.
"Huwag naman sanang umalis.. Kahit konting palugid lang. Kapag nakarami ng benta, puwede naman natin silang bigyan ng bonus, 'di ba? O kaya pati sahod ko ay hatiin na lang sa kanila, Kuya. Ayos lang sa akin basta hindi ko sila hahayaang umalis.." I said with a hopeful tone.
"That's not how business works, Eri. You can't force your employee to stay. Kahit pa paulanan mo ng benefits 'yan, kung gusto nang umalis, hindi mo dapat pigilan." He said in a calm way, trying to knock some senses.
"Pero Kuya.. Hindi pwedeng ako na lang ang matira dito. Natatakot ako. Baka mas lalong lumubog 'to. Hindi ko na alam kung paano. I'm not used to this. Please, tell me what to do. Kuya.." I am so frustrated that my voice quivered.
Mabuti na lamang at walang tao sa loob ng cafe. Rinig ang mahinang Jazz music ngunit bukod doon, wala ng ingay na masasagap ang tainga.
"Listen to me, Eri. It's not your fault. You have your own dreams. You were just doing what makes you feel alive, and now you are being compromised." He said.
A lone tear escaped from my eye. Mabilis ko 'yong pinunasan nang makita si Leslie na tinuturo si Ate Beth, gusto nang magpaalam sa akin.
Napatuop ang aking labi at sumenyas ng sandali. Hindi ko na talaga alam ang gagawin.
"Don't be anxious. Ganyan talaga sa business. Walang sure win sa larangan na 'to, Eri. It's about risking at kung hindi ka matututo no'n, walang mangyayari. Failure is part of it, too. Mahaba pa ang oras, you'll learn. You will grow. Believe me." I nodded.
I never thought that it would be this hard. Kung alam ko lang ay hindi ko na sana tinuloy 'to.
Naalis ang kunot sa aking noo. Hindi rin.. If there would be turn of events, I'd probably do the same thing 'cause this was the only way I know how to preserve my parents' memories.
Plus the fact that they wanted me to handle a business, and not some impractical art career, as other people call it.
"Pero Kuya... If only.. I.. I considered what they have told me years ago. Siguro hindi ako mahihirapan ng ganito."
"Maybe yes, maybe not. We don't know, Eri. Ang mahalaga ay ang nangyayari ngayon. Don't pity yourself.." I heard him sighed.
"Damn. Where the hell did your confidence go? That's not the sister I know. Bring her back, please."
"I'm... I'm still m-me, Kuya.. What are you talking about?" Ngumiti ako ng hilaw. I tried to sound cool, but deep down I know, he's right.
Pakiramdam ko ay nagbago nga ako. There was something inside of me missing, and I couldn't put a name on it. Parang... nawala ako.
"You know what I mean." I stiffened as I heard his serious tone. Hindi makaimik.
"Eri.." Napalingon ako sa marahang tumawag sa akin.
"Hold the phone, Kuya." Binaba ko muna ang cellphone ko at ibinigay ang buong atensyon sa babaeng tumulong sa akin simula no'ng opening nitong negosyo na 'to.
"Ate Beth.." Mabilis ko siyang dinaluhan sa harap ng counter at yinakap.
She's in mid-thirties at nasa katamtamang laki ang pangangatawan. Ang maiksi niyang brown na buhok ay umaalpas sa mukha niya kaya sininop niya ito.
"I'm resigning.. Sana ay maintindihan mo ako. I have a family and I need to provide for them. Hindi ko magagawa iyon kung mananatili pa ako rito.. Pasensya na. Ito ang resignation letter ko." Bago niya pa iyon maabot ay yinakap ko na siya.
"I understand.. Sorry if I thought of holding you back here. Your family deserves better, of course. Mas madali lang kasi para sa akin kung mayroon akong Ate Beth dito. Huwag ka pong mag-alala, I'll work harder.." Kahit anong pigil ko ay may nagbabadyang luha pa rin sa mga mata ko.
I looked up and wipe the tears to keep it from falling. Meanwhile, the other employees are watching me cry in the middle of work.
Nakakahiya! Ang hina naman ng boss nila!?
"I'll still help you. Alam mo namang halos anak na rin ang turing ko sa'yo. May i re-recommend na rin ako sa'yong pwede pumalit sa akin. Huwag mangamba. Maaasahan mo pa rin naman ako." Tumango ako at kahit mabigat sa loob, pinirmahan ko ang letter niya.
Ilang pamamaalam muli ang iginawad niya sa lahat bago tuluyang lumabas sa pinto.
Sa pangalawang pagkakataon ay tumunog muli ang wind chimes at pakiramdam ko, kasabay noon ay mayroon ulit sa parte ko ang nawala.
Binalikan ko ang aking cellphone kahit nanlulumo at pinatong ang dalawang siko sa counter. Nakatayo pa rin.
"I signed the resignation letter."
"Good. Now, try managing a smile. Even without seeing you, I can tell. Nakabusangot ang itsura mo. Where's your boyfriend, anyway?" I rolled my eyes dahil kilalang kilala talaga ako nitong kapatid ko.
"He's with his parents. Outing." Simple kong sagot.
"Hindi ba't second anniversary niyo?!" Halos mapapitlag ako sa lakas ng boses ni Kuya.
"Yep."
Narinig ko ang muling pagbukas ng pinto hudyat na may customer na kaya sumenyas ako kanila Leslie na magsimula na.
"You two have plans, right? Nangako siya hindi ba? How come naiwan ka diyan mag-isa? Bakit hindi ka man lang sinama?" From here, I can tell that he's now starting to get mad.
"It's exclusive for them! Family matter, duh." Muli kong inipit sa tainga ang phone ko at nag-ayos ng mga coffee cups sa counter.
"Hindi ba't doon ka rin naman papunta? Unless, walang balak 'yang boyfriend mong gawin kang parte ng pamilya nila?!" I breathed out.
"You're over-reacting, Kuya. It's okay, binati niya naman na ako.." I bit my lower lip.
I lied. I'm still waiting for his greeting, hindi pa naman tapos ang araw 'di ba?
"Siguraduhin mo lang na hindi nagloloko 'yan ha? Kung hindi.." He warned.
"He's not like that! Ano ka ba, Kuya? Syempre hindi! I know him! You know him!"
"Whatever. I have to go now. Just call me when you need anything, alright?"
"Okay. I will. Thanks, Kuya!" I beamed and the line got disconnected.
Pagkababa ay awtomatiko rin ang pagkawala ng mga ngiti sa labi ko.
Bumalik ako sa loob ng counter, naupo muli at nahanap na lang ang sariling tinititigan ang litrato ng mga magulang.
"I miss you, Mommy.. Daddy.." I whispered.
Hanggang ngayon ay naaalala ko pa ang lahat. It was so vivid inside my head that sometimes I dream of it at night.
I still remember how our supposed trip turned into tragedy. Hindi pa rin maalis sa memorya ko ang mga huling salitang binanggit ng mga magulang ko sa akin bago huminto ang paghinga nila.. bago huminto ang mundo ko.
"I'm sorry.. I failed you both."
Tumulo na nang tuluyan ang mga luha ko. Ang bigat ng puso ay hindi makukumpara sa anumang bagay.
Parang kahapon lang.. Siguro kung gaya lang ng dati ang sitwasyon ngayon ay mas madali.
I was very young back then yet everything was already planned. I know each steps, I know which move I shall take next. Pero minsan, kahit pala sigurado mo na ang bawat daan at pasikot-sikot, wala pa ring katiyakan na hindi ka maliligaw.
Mapait akong napangiti.
Muling naalala ang mga nagliliparang ibon sa himpapawid na nakita kanina. Do'n ko napagtanto na isa pala ako sakanila, gustong humiwalay sa karamihan ngunit sumunod na lang dahil 'yun ang nakasanayan.
Gaya ng mga linikha na 'yon, gusto kong lumipad ng malaya at tumahak ng direksyon na ayon sa sariling kagustuhan ng walang paglilimita at problema.
Ang kaso.. hindi ko na alam kung paano ulit magsisimula.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top