Chapter 7

Ilang araw na rin ang lumipas pero hindi pa rin matanggal sa isipan ko ang kakaibang pakiramdam ko noong tinuturuan ako ni Archeus ng tamang paglalaro ng archery.

Nahihirapan ako sa paghinga. Nanginginig pa nga ang kamay kaya 'di ko maasinta ang pinaka target sa gitna.

"Dumudulas!" I softly cursed.

Hindi dahil do'n kundi sa nararamdaman ko habang nasa likod ko siya.

I am so tensed! I don't even know why! Hindi naman ganito noon!

Sinubukan kong ipikit ang isang mata ko saka tinantya ang bull's eye. Ginawa ko ring ibahin ang pwesto ng kamay pero inalis ko rin agad para magpunas ng pawis sa gilid ng noo.

'Di ko alam kung dahil ba sa init 'yon at pinagpapawisan ako ng malala o dahil hindi ko kayang tumagal hangga't 'di ako nakakalayo kay Archeus.

I don't know. His presence.. It's just too much.

Napatingin ako sa gilid. Mahangin naman na pero sobrang naiinitan ako!

"You're so tensed." He whispered.

Muntik na akong mapatalon sa sobrang lapit ng labi niya sa kanang tainga ko. Ramdam ko rin ang init na hatid ng hininga niya.

Itong lalaking 'to! Napapikit tuloy ako!

He chuckled. "It's your first time.. It's okay to be nervous."

Alam ko namang walang ibig sabihin 'yon pero sa paraan ng pagsasalita niya para bang may double meaning 'yon.

Oh baka naman naiisip ko lang? I don't know! Marumi lang ba akong mag-isip o sinasadya niya 'yon?!

Mabilis kumalat ang init sa pisngi ko dahil pakiramdam ko ay nababaliw na yata ako!

Dumoble pa 'yon nang maramdaman ko ang malapad na dibdib ni Archeus sa aking likod.

He's so close.. Pakiramdam ko napagkakaitan ako ng hangin kahit open space naman dito!

Suddenly, he reached for my two hands, putting both in their right places.

Tila ako nakulong sa pagitan ng kanyang bisig. Sa liit ko ba naman kumpara sa kanya ay talagang nagmukhang binabalot ako ng yakap ni Archeus.

Kung wala lang ang bow baka gano'n na nga ang maisip ng ibang makakakita.

Nagulat ako ngunit 'di ako pumalag. Nagtuturo lang naman siya. Ako lang ang OA mag react.

Awtomatiko akong nakuryente pero hindi ko iyon pinahalata. Nanibago lang siguro ako.

All my life, I've never been this close next to a person. Especially not to him. Kilala ko na siya noon pa man pero hanggang tingin lang ang interaksyon naming dalawa dahil naiilang talaga ako sa kanya.

Kasi nakakatakot siya. Mukha pang masungit. Though, I knew him better now. He's an ass.

Tumingin ako sa kaliwang gilid at nakitang nananuod na sa amin si Nancy, busangot ang mukha at nang-irap pa.

Anong problema no'n?

Dahil do'n ay panandaliang nawala ang kaba ko. Napalitan ng pagka-irita.

Bakit niya ako iirapan? Hindi naman kami close at lalong hindi ko siya kilala.

Binabawi ko na ang mga pamumuri ko sakanya gayong ganyan naman pala ang ugali niya!

"I'll teach you so you'll learn the basic positions." Sa mababang boses ay agad akong kinilabutan.

Napalingon ulit ako kay Archeus at ibinababa ang bow. I made a face. Hindi pa sigurado kung anong itsura ng pagmumukha.

"What?" He raised his brows.

He seems confused.. Mukhang wala namang ibang pinapahiwatig. Defensive tuloy akong umiling.

Nakakahiya ka, Eri.

"U-uh, w-wala." Lumunok ako at binalik na ang tingin sa harapan.

Ilang segundo kaming awkward na nakatayo roon.

"You.." Muli akong napalingon sa kanya nang bumulong siya ng kaduda-duda. "You're thinking of something, aren't you?"

Ang pilyong ngiti mula sa labi niya ay kita na ngayon. Isama mo na rin ang tinging nang-aakusa!

Nanlaki ang mata ko at luminga linga sa paligid. Naghahanap ng pwedeng idahilan para makaiwas sa usapang 'to.

Nang makita kong abala ang lahat sa kanya-kanyang ginagawa, nawalan na ako ng pag-asa.

"A-ang bastos.. Ang bastos mo naman!" Mahina ang pagkakasabi ko ngunit sa dulo'y linakasan upang kapanipaniwala.

Dapat sigurado! With conviction!

"Don't put the blame on me, Kid. You're the who's thinking naugh—" I cut him off.

Tinakpan ng dalawang kamay ang bunganga niya bago pa maituloy ang sasabihin!

He's obviously laughing. Iniiwas ang mukha pero madiin ang pagtakip ko ro'n para 'di siya makapagsalita.

Kung tutuusin naman ay kaya niyang makawala pero mukhang na e-enjoy niya ang pang bubwisit sa akin ng ganito!

I opened my mouth yet I closed it again dahil wala akong ma rebut sa kanya! Nakakainis!

Namumula na ang tainga niya kakatawa at halos mayupi na ang mukha kakadiin ng kamay ko sa bibig niya.

"Huwag ka na kasing magsalita!" Sigaw kong pabulong habang linalakihan siya ng mata.

Masindak ka, Archeus!

Tumawa siya lalo. I tiptoed dahil umaatras na siya at mas lalo ko siyang hindi naaabot.

With one swift move, he removed my hands from his mouth. Nagulat ako dahil ang paraan ng pagtanggal niya ay hindi mabigat.

Ibinaba niya ang mga kamay ko gamit ang kanang kamay niya.

Oo at nagkasya sa kamay niya ang dalawang palapulsuhan ko!

I glared at him and tried breaking his hold pero ayaw niyang pakawalan!

I gritted my teeth when I saw his iconic evil look.

"Anong position ba ang nasa isip mo, Eri?" He sensually licked his bottom lip, trying to provoke the hell out of me.

My face heated up. Nag-iwas ng tingin at lumingon kung saan-saan basta huwag lang sa kanya.

In my peripheral vision, napansin ko ang pag-iling niya habang nakatitig sa akin na may halong pagkamangha. 

Nang mahuli ko ang mata ni Kuya Emmett, humingi na ako ng tulong.

"Kuya!!!" I shouted as I gave him my most nakakaawang face.

Kumunot ang noo niya at tumigil sa pakikipag-usap sa kaibigan. Mabilis na lumakad sa amin.

"Ayos papunta na rito ang Kuya mo. May sasabihin pa naman ako." Lumawak lalo ang ngiti sa labi ni Archeus habang ako ay mas nanggalaiti.

Inipon ko ang buong lakas ko upang bawiin ang dalawang kamay ko sa kanya not knowing na bibitawan na pala niya iyon!

"Gago!" Sigaw ko nang bumalentong ako sa damuhan habang iniinda ang sakit sa pwet.

"Eri!" Mabilis akong tinayo ni Kuya habang ang walang hiyang Archeus ay patawa tawa sa aking harapan.

Hinubad ko ang isa kong rubber shoes at pinalo iyon sa kanya. Sinalag naman niya ng braso iyon at tila masaya pa nga sa nangyayari.

"Napaka epal mo talaga kahit kailan! Nadumihan na tuloy ang damit ko! Ikaw ba ang maglalaba nito?! Nakakainis ka! Kairita! Kuya ipagtanggol mo naman ako diyan sa kaibigan mo!" Masama kong tinignan si Kuya ngunit pati siya ay nakitaan ko ng multo ng ngiti sa labi.

Ngumuso siya para maitago iyon pero alam ko na gusto niya na ring sumabog sa tawa!

Lumapit na ang iba nilang kaibigan sa banda namin at nakakahiya pa dahil pati si Joaquin ay naroon din!

They all looked concern. Si Nancy naman ay nakisingit rin pero hindi para magtanong sa nangyari kundi para pagtawanan ako.

She looked at me with a mocking smile. I glared at her. Bitch.

"Clumsy ng kapatid mo, Emmett. Sabagay, bata pa kaya ganyan." She giggled.

Pinagpag ko ng padabog ang palda ko at muli nang sinuot ang rubber shoes. Iritable na sa araw na 'yon.

"Ano bang nangyari?" Tanong ni Kuya.

Ngunit hindi ko na siya pinansin at linagpasan na lang silang lahat doon.

Ayos na rin 'yon at may dahilan kung bakit ako umalis sa tabi ni Archeus. Hindi ko na rin kasi alam kung anong sunod kong mararamdaman kung hindi ako nainis bigla sa kanya.

Gano'n ang nangyari at simula noon, sinubukan ko nang iwasan siya.

Kaya marinig ko pa lang ang boses niya sa garage 'pag pumupunta siya sa bahay, mabilis na akong umaakyat sa kwarto ko at pilit inaabala ang sarili.

Maganda rin naman ang naging resulta dahil hindi siya kawalan! Isa pa, hindi ko talaga siya papansinin matapos ng ginawa niyang pamamahiya sa akin 'no!

It's early in the morning. I giggled as I ran through messenger. Sa chat namin ni Avery, specifically. Oo! In-accept niya na kasi ako sa facebook nitong nakaraang araw!

Nahiya ako dahil nabasa niya lahat ng mga messages ko dati at sobrang dami no'n! By now, alam na siguro niyang patay na patay ako sakanya!

Pakiramdam ko nga ay napipigilan ako. Hindi ko naman siya kinukulit pero kating-kati na akong gawin iyon!

Lalo na't nagreply na siya pero humingi lang ako ng sorry no'ng last time na kumain kami sa labas.

Syempre, nakakahiya at may kasama kaming 'di naman niya close at mukhang inaangasan pa siya.

Hindi rin naman niya ako close pero ibang usapan 'yon!

Avery Lucente:
It's okay. Bantay mo 'yun.

Eanthie Ria Hulleza:
Thank you. Hindi ko talaga bantay 'yun. Nagpapapansin lang, hindi ko nga alam bakit sumama eh. Baka type ka :D

Avery Lucente:
He's a guy. Haha

Eanthie Ria Hulleza:
What's wrong with that? Sa panahon ngayon, hindi na malabo. After all, love's not limited. I think he likes you! :(

Sad face kasi mukhang aagawan pa yata ako! Natawa ako habang naaalala ang t-in-ype no'n.

Magandang ideya kasi para maisip ni Avery na nagpapansin lang nga si Archeus sa kanya at hindi na dapat pang kausapin pa!

Avery Lucente:
Is he.. Wait. For real?

Humagalapak na ako sa tawa at matagumpay na nagdiwang ng pagkapanalo.

Eanthie Ria Hulleza:
Not sure. I have a feeling tho. Sa gwapo mong 'yan sinong 'di magkakagusto. Haha! Kumain ka na?

Napasapo ako sa ulo ko nang natantong masyado pala akong mabilis.

I u-unsend ko pa sana pero na seen na niya.

Avery Lucente:
Not yet. You?

My smile grew wider. Nagtatanong na rin siya!!

Eanthie Ria Hulleza:
Hindi pa rin. Sabay na tayo! Eat well! I hope makasabay ulit kitang kumain sa labas. 'Yung walang epal :D

Avery Lucente:
You're funny. Haha

Marami pa ang naging usapan namin sa gabing 'yon at habang nangyayari, hindi ako makapaniwala. Parang panaginip, ang kaibahan nga lang ay dilat ako at buhay na buhay ang diwa sa kilig!

Para akong kiti-kiti no'n na pangingisay dahil nabuhusan ng asin!

I hummed cheerfully while sitting in front of the vanity mirror in my room. Muling nagtipa ng chat kay Avery.

Naudlot nga lang nang biglang pumasok sa kwarto si Mommy wearing a cream silky dress.

"You're up early." She smiled at me.

Usually hindi naman ganito si Mommy pero tingin ko may dahilan kung bakit niya ako binisita sa kwarto ko ngayon.

"Good morning, Mommy." Lumapit siya sa aking likuran at inabot ko ang pisngi niya upang halikan.

"Your debut party is coming. May gusto ka pa bang ipabago sa mga plano?" Kinuha niya ang hair brush sa aking drawer at simulang suklayan ang straight kong buhok ko sa likod.

I mentally counted the dates in calendar. Tatlong araw na lang nga! Halos nawala na 'yon sa isip ko dahil matagal naman nang naplano ni Mommy 'yon!

"Anything you want to change? Theme? Gown? Souvenir? What?" Umiling ako sa harap ng salamin dahil doon ko siya tinitignan.

"No, Mommy. I think everything is fine. Your taste is perfect." Sumibol ang ngiti sa labi ni Mommy.

"How 'bout your last dance?" She wiggled her brows.

Siguro kung hindi alam ng iba na may anak na siya ay mapagkakamalan pa siyang bagets sa ganda!

"Well.. Sa last dance.. Uh.." Nag-isip ako sandali dahil wala pa akong napipili noon.

Syempre! Matik na si Avery pero hindi niya naman alam na nag e-exist ako four months ago! Pero ngayong nakakausap ko na siya, baka pwede na?

"Who's the lucky guy?" Mapanuyang tanong ni Mommy.

"H-hindi ko pa po siya natatanong."

"Boyfriend mo?" Pinitik niya ang tainga ko.

"No! Mommy wala pa akong boyfriend! Sasabihin ko naman agad pag mayroon na.. Crush crush lang." Tumawa ako at nanlaki ang mata nang may mapagtanto.

"Bakit?! Pwede na ba ako mag boyfriend, My?!" Gulantang kong tanong.

They're always strict when it comes to me. Never naming napag-usapan ang tungkol dito pero sinasabi ni Mommy lagi na bata pa ako para sa gano'ng bagay.

But now she's talking about it!

"Three days from now, you're legal, so.." Tumango siya habang natatawa.

"Nice! I should inform him nang ligawan na ako!" Pasimpleng sinabunutan ni Mommy ang buhok ko gamit ang hair brush.

"You're not doing that!" Kumunot ang noo ni Mommy pero bakas ang ngiti sa labi. "What's his name, by the way?"

Hindi naman ako nagtatago ng sikreto kay Mommy. Madaldal ako sakanya at halos lahat yata ng pangyayari sa buhay ko'y alam niya maliban na lamang simula noong mag SHS ako dahil madalas na silang nasa trabaho ni Daddy.

Maybe, now is the right time to open up to her again!

"Lucente.. Avery Lucente." I said, suppressing my lips from smiling as I emphasized his last name. My soon-to-be surname.

"Lucente? Like Ava and Verrick's?" Nangunot ang noo ko nang may banggitin siyang pangalan.

Sandali akong natulala at napagtantong iyon 'yung kasama namin sa dinner no'n!

That's why their faces are bit familiar! Do'n ko naalala na nakita ko na nga sila sa tagged photos ni Avery dahil parents niya nga ang mga ito!

"Y-yes, Mommy. Ngayon ko lang nalaman. Sila nga iyon!"

"Great! The Lucentes are kind. Is their son, too?" Niliitan ako ng mata ni Mommy.

"He is, Mommy. Super. Parang anghel na bumaba sa langit. Pwede na ring pumasang santo na sasambahin ko." Humagikgik ako dahil hindi ko pa yata nakitang sumimangot iyon sa ilang taon kong pag i-stalk sa kanya.

"Eanthie! Sinasabi ko sa'yo, pinapayagan ka nang mag boyfriend but know your limitations! And please, your choice of words.." Tumango ako at masayang yinakap si Mommy.

I know we're different in a lot of things yet I would never wish to have a mother same with my likes if it's not her.

Ultimo pagsasalita nga magkaibang-magkaiba kami kaya medyo nagugulat 'yan sa mga sinasabi ko minsan.

"Okay! Sorry! Yes. Thank you, Mommy! I love you!" She chuckled.

I'm not usually like this, but then, being vocal about my feelings won't do any harm at all.

"I love you, too. Kayo ng Kuya mo."

Ngumisi ako nang ma-realize na pwede na nga akong mag boyfriend. Boyfriend na lang talaga..

Si Avery na lang. Siya na lang ang kulang!

Pinagpatuloy ni Mommy ang pasuklay sa aking buhok at maligaya akong nagkwento tungkol sa mga interesanteng nangyari sa eskwelahan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top