Chapter 6

Ang banayad na hangin ay umihip ng katamtaman dahilan ng pagsayaw ng mahaba kong buhok.

Mabilis kong inipon iyon at tumingala sa open field na agad namang nakakapagsisi dahil sa sinag ng araw na dala nito.

The weather is not that hot ngunit mataas pa rin ang sikat ng araw.

We are in Archery Place somewhere in Manila. Hindi ko lang alam ang eksaktong pangalan ng lugar dahil biglaan lang naman ang pagsama ko kay Kuya.

Maganda rito at sobrang lawak. Ang mga berdeng damong nakalatag sa lupa ay pinong-pino ang pagkakapantay. May mga bench rin sa bawat gilid at waiting shed kung saan may lilim dahil sa bubong o 'di kaya naman dahil sa puno.

Sa dulo makikita ang mga iilang nakatayong target na iba't iba ang layo mula sa starting point.

Siguro upang makapili rin ang maglalaro o 'di kaya'y konsiderasyon iyon para sa mga baguhan at mag-aaral pa lang matuto.

It's relaxing to the eyes but it's Saturday today! I was supposed to be at home, sleeping or watching my favorite netflix series!

Ang kaso ayaw nila Mommy na maiwan ako mag-isa sa bahay dahil umalis silang dalawa ni Daddy for some business gatherings. Dahil do'n, pilit nila akong pinasama sa lakad ni Kuya kasama ang mga kaibigan niya.

Wala naman sanang problema pero 'pag sinabi kasing kaibigan, automatic naroon rin si Archeus at ayaw ko siyang makita ngayon!

Not after what he did! Nakakainis talaga siya! Isa siyang salot sa buhay ko!

Umirap ako sa kawalan habang tinitignan sa malayo si Archeus na nakikipagtawanan kasama si Nancy, Kuya, at iba pa nilang lalaking tropa.

Oo. Kasama si Nancy. I wonder what's the score between them gayong sobra naman yatang makayapos ang babaeng iyon sakanya.

Nangasim ang mukha ko. Kawawa naman si Nancy kung ganoon. Bukod sa sasaktan lang siya ng lalaking 'yon, masasayang pa ang oras niya. Wala pa namang substance 'yon.

Sarkastiko akong tumawa habang pinagmamasadan ang dalawa.

Sayang ang pagiging matalino ni Nancy kung papatol siya kay Archeus. Kung close lang kami ay babalaan ko talaga siya! Ngunit sa siste ng pakikipagharutan niya rito ay imposibleng makinig ito sa akin.

Maniniwala ba siya sa gaya kong batang paslit!?

Sumimangot ako dahil muli kong naisip ang agwat ng edad ko sakanila. Apat na taon! Baka mapagkamalan pa akong immature ni Nancy o sabihang naninira ng relasyon kung sakali kahit concern lang naman talaga ako 'no!

Naputol ang titig ko sakanila nang may marinig akong panlalaking boses mula sa aking likuran.

"Kapatid ka ni Emmett, 'di ba?" Napalingon ako sa kaliwa ko.

Pamilyar na sa akin ang mukha niya dahil nakikita ko rin ito madalas kasama nila Kuya ngunit 'di ko siya maalala!

"Eanthie, tama? Joaquin." Tumango ako at inilahad naman niya ang kamay niya.

"Joaquin. Kuya Joaquin pala." Tinanggap ko iyon at nag-init ang pisngi.

"Sorry. 'Di ko kasi agad naalala ang pangalan mo. Pero pamilyar naman sa mukha. Kaibigan ka ni Kuya." I smiled apologetically.

"Ayos lang. Huwag mo na akong tawaging Kuya." He smirked.

Do'n ko napansin ang kanyang itsura. His twinkling eyes are brown. Kumpara kay Kuya ay mas moreno ang balat niya at sobrang tangos rin ng ilong. Mukha siyang Latino ngunit hindi ko na sinabi 'yon.

"O-okay.." Umiwas ako ng tingin dahil medyo naiilang ako sa paraan ng pagtingin niya.

Somehow hindi rin naman pumasok sa isipan kong tawagin siyang Kuya kaso baka sabihan niya naman akong walang galang kapag ganoon.

"Ang lawak dito 'no? You know what? We have a land in province. Parang ganito rin pero triple yata ang laki. Mayaman kasi ang family ko at malaking investment daw kapag may lupang gano'n." Aniya.

Napatingin ako sa gawi niya dahil sa sinabi. Lowkey flexing, huh.

Tumango na lamang ako dahil 'di ko alam ang isasagot.

"Ngayon lang kita nakitang sumama. Sayang at hindi mo ko napapanuod maglaro. I'm good at archery. No offense pero talo ko lagi ang Kuya mo pati ang iba naming tropa. Mga 'di kasi marunong." He laughed.

Okay. May itsura pa naman siya ngunit mahangin pa yata ito sa hanging habagat. Turn-off.

"Gusto mo turuan kita? Ganito lang 'yan.." Hindi pa ako nakakasagot ay pumuwesto na siya sa likuran ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

Hindi na ako nakapag-react nang i-abot niya sa'kin ang mga equipment habang patuloy na nagsasalita.

Napalingon ako sa paligid at natagpuan ang titig ni Archeus sa aming banda.

Kung kanina ay nawala sa isipan ko ang nangyari.. Ngayon ay unti-unting bumalik ang paninira niya sa nag-iisang tyansa ko sana kahapon kasama ang crush ko!

"Congrats, Miss Hulleza.. Ang galing mo." Natulala ako saglit sa ngiti at pagbati ni Avery.

Walang pang anunsyo kung sino ang panalo sa competition pero pakiramdam ko, nanalo na ako dito!

He's not wearing uniform. Sabagay, wala naman kasi siyang pasok kapag Biyernes.

Hindi ko siya maiwasang titigan dahil ang gwapo niya sa suot niyang pull-over na navy blue at pantalong itim. Kapansin-pansin rin ang kaputian niya at ang dimple na lumalabas sa pisngi niya tuwing nagsasalita.

"S-salamat.. Nanuod ka ba?" Pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng sobra. Ang kapal ko talaga!

Sandali siyang natahimik. Napalunok at kumamot sa batok.

"Oo.. Kami ng mga kaibigan ko."

"U-uh, n-nasaan pala sila?" Kumakabog ang dibdib ko ngunit kailangan kong ipagpatuloy 'to dahil gusto ko pa siyang kausap!

"Nawala bigla. Kakain sana kami."

"Ako rin! Gutom na kasi ako! Hindi pa ako nag almusal kaninang umaga!" Maligaya kong sinabi. Hindi nawawaglit ang ngiti sa labi.

Mabilis rin naman naglaho nang mapansin kong hindi yata akma ang itsura ko sa sinabi ko.

"I mean.. Masakit na ang tiyan ko. Ayoko rin kasing kumain kanina dahil baka mabuwal ako habang nag pe-perform sa stage." Napakamot ako sa ulo at hindi na tumingin sakanya.

Naramdaman ko ang sandaling paninitig niya ngunit hindi ko iyon sinalubong kaya nagulat ako sa sinabi niya.

Awtomatikong nanlaki ang mata sa narinig.

"Gusto mong kumain? Libre na kita. Kung gusto m—"

"Hala, sige ba! Saan ba?" Hindi niya napigilan matawa dahil sa agaran kong pagsagot.

Pagkain lang naman ang sasagutin niya pero pakiramdam ko ako na mismo ang sinagot ni Avery!

Mahihiya sana ako pero tumawa na lang rin ako. Aayaw pa ba ako?

Hindi, Avery. Ganyan ako kaatat pagdating sa'yo!

Hindi pa naaalis sa labi ko ang ngiti nang lingunin ko kung sino ang kumalabit sa likod ko.

Mabilis akong sumimangot nang sumalubong sa harap ko ang walang emosyong mukha ni Archeus.

"Ano?!" Pabalang kong tanong ngunit mahina lang para 'di marinig ni Avery.

"Anong ano?" Malamig niyang tanong pabalik.

"Anong ano ka diyan!? Ikaw nangangalabit! Kakain ako, huwag ka magulo!" Tatalikuran ko na sana ngunit may sinigaw siya.

"Hindi mo papakilala boyfriend mo?" Sabay tapon ng tingin sa likuran ko.

Nanlaki ang mata ko dahil sigurado akong narinig siya ni Avery kasi umiwas ito ng tingin at nagkunwaring may hinahanap sa malayo.

Epal talaga!

"H-hindi ko siya boyfriend. U-uh, si Avery, ka-batch ko.." Umangat lang ang kilay niya at tila naghihintay na siya rin ay ipakilala.

Wala akong naging choice!

Tumingin ako kay Avery. "Kaibigan siya ng Kuya ko."

Huh! Take that! Hindi naman kita kaibigan eh.

Nag-abot ng kamay si Avery ngunit hindi iyon tinanggap ni Archeus. Sa halip ay tinapik siya sa balikat.

"Archeus." Magalang na tumango si Avery at binawi ang kamay sa ere.

"Pinababantayan sa'kin ng kapatid niya. Makulit kasi. Kakain ba kayo?" Halos lumuwa ang mata ko nang ituro ako ni Archeus.

Anong pinagsasasabi niya?!?

Agad kumulo ang dugo ko dahil sa kademonyohan niya. Sisirain pa talaga ang una naming date!

"Oo. Gutom na kasi. Inaya ko na kasi kakain rin naman ako." Mahinahong sagot ni Avery.

Pinanuod ko silang dalawa dahil tila nagkaroon ng interaksyon ang isang anghel at demonyo. Sobrang magkaiba ang pisikal na itsura nila. Sa tindig pa lang ay makikita na ang pagkakaiba.

Lihim akong napangiti dahil halata namang nang i-intimidate si Archeus pero mukhang hindi yata tinatablan si Avery kahit na mas bata siya dito. Lalo akong nahuhulog!

"Talaga? Pinayagan ka ba ng Daddy mo, Eri?" Tumaas ulit ang kilay ni Archeus sa akin at ngumuso naman ako.

"A-ayos lang naman sakanya. Kakain lang naman kami!" Umirap ako dahil hindi ko na napigilan.

Sandali akong tinitigan ni Archeus. I can sense it, may balak ang isang 'to! Alam ko na agad iyon sa multo ng ngiting sumisilay sa labi niya.

"Okay. Sasama na lang ako."

"Ano?!?" Sigaw ko na medyo OA. Sinipat ko si Avery at kumunot ang noo niya.

"I mean.. ano? Bakit? 'Di ba aalis ka na kanina sabi mo?" Bawi ko sa mas mahinahong boses.

"Hindi ah. Sino ang nagsabi niyan? Nagugutom na rin ako eh. Pwede naman sigurong sumama, hindi ba?" Tinapunan ng tingin ni Archeus si Avery sa huling pangungusap.

"Huh? H-hindi—"

"Ayos lang, Eanthie. Baka nga magalit ang Daddy mo. Mabuti nang may bantay ka."

Nanlambot ang puso kong nagngingitngit sa galit nang marinig ko ang pangalan ko mula kay Avery.

Unang beses niya akong tinawag sa pangalan at hindi sa apelyido!

Hindi sana ako sang-ayon pero bahala na. Basta matuloy.

"O-okay.." Tumango ako at ngumiti naman ng tagumpay si Archeus na akala mo'y nanalo sa isang palaro.

Asshole.

"Alright! Where are we eating?" He asked in a high pitched tone.

Walang sumagot sa amin. Sa huli, si Archeus na ang pumili.

Ang awkward kasi hindi kami makapag-usap lalo na't pumapagitna sa amin si Archeus bigla.

Minsan naman ay sasabat pa kung kailan nagsasalita na si Avery. Bastos talaga!

We're already eating. Isang mamahaling restaurant pa itong pinasok namin ngunit mukhang wala namang pakialam ang dalawa.

Sabagay parehong mayaman pero kahit na! Hindi naman gano'n kasarap ang pagkain, sayang ang bayad.

Pang-apatan ang pwesto namin at kahit malaki ang katawan ni Archeus, talagang pinagsiksikan niya ang sarili niya sa tabi ko.

Kaharap ko si Avery at sa tabi niya ay blankong upuan lamang. Humingi ako ng paumanhin sa pamamagitan ng tingin at mabilis naman niyang naintindihan 'yon saka ako nginitian.

"Senior ka din?" Tanong ni Archeus kay Avery.

"Oo. Stem student."

"Nice. So, you like science and math. Eri. 'Di ba ayaw mo no'n? Takot ka sa numbers eh." Tumawa si Archeus at napapikit na lang ako sa pamamahiya niyang 'yon.

"Uhh.. Ayos lang. Napag-aaralan naman." Halos isuka ko ang kinain ko sa sagot ko.

Kasi hindi! Kahit anong aral ang gawin ko, 'pag math na ang usapan, nabobobo talaga ako!

"'Di ba kaya ka nga nag ADT kasi wala masyadong—"

Pinutol ko na si Archeus dahil baka maniwala pa si Avery sa mga kasinungalingan niya.

Well, medyo tama siya ro'n pero hindi lang naman iyon ang dahilan! Gusto ko talaga ang ADT!

"U-uh, saan na pala mga kaibigan mo, Avery? Nagsabi na ba kung nasaan sila?" Sandali niyang sinulyapan ang phone niya dahil tumunog iyon.

"Wait.. Excuse me." Tumayo siya at pumunta ng comfort room upang sagutin ang tawag.

Sinamantala ko na iyon para bungangaan ang katabi ko!

"You know what? I hate you! Napaka sagabal mo! Wala ka bang ibang pwedeng gawin? Mangbabae ka na lang! Do'n ka na lang! Dikit ka ng dikit sa akin, eh! Crush mo ba ako?!" I hissed.

Hula ko ay pulang pula na ako sa inis. Hindi ko na alam kung paano siya pakikitunguhan! Pati love life ko mauudlot dahil sakanya!

Hindi siya sumagot kundi tumawa lang siya ng malakas. As in sobrang lakas. Napatingin tuloy ang ibang kumakain sa amin!

Napahawak pa sa tiyan si tanga at naluluha pa ang mata. Sinapak ko siya sa braso ngunit kamao ko yata ang sumakit.

"Shit! Aray!" Binawi ko ang kamay ko at kinagat ang labi.

Do'n lang siya nahimasmasan at ngumuso para pigilan ang tawa.

"Bakit kasi nanununtok? Patingin nga." Kinuha niya ang kamay ko ngunit mariin ko iyong hinablot, tumama tuloy sa mukha ko.

"Ano ba 'yan! Umalis ka na nga! Paepal ka lang rito, eh! Bwisit!" Pilit kong tinulak ang dibdib niya palayo sa akin dahil naaalibadbaran talaga ko sa kanya.

Ngumisi lang siya habang sinasalag ang kamay ko. He's even playing his tongue while looking at me evilly.

Gago ka, Archeus!

Mabilis kong binawi ang kamay ko ng makitang pabalik na si Avery.

"Manahimik ka diyan. Binggo ka na talaga sa akin, isa mo pang salita." Umirap ako at mabilis nagbago ang timpla pagkaupo ni Avery sa harap ko.

"Sino 'yun? Kaibigan mo?" I asked in a sweet casual tone.

"Uh, no. My mom. Eanthie, something came up. Okay lang ba kung mauna na ako? Pasensya ka na.."

Sandali akong napahinto ngunit sumagot rin.

"Nako, ayos lang! Pasensya ka na rin." Sagot ko at sumulyap kay Archeus na nagpipigil ng ngiti.

"Ililibre pa rin naman kita. Sorry talaga." Tumayo siya at tinawag na ang lalaking waiter.

"Bayad na po, Sir." Anito.

"Huh? Hindi pa po kami nagbabayad." Tumayo na rin ako.

"Binayaran na po ng kasama niyo kanina." Sabay turo niya kay Archeus na mayabang na nakasandal sa upuan.

Napatulala ako dahil nagsalita si Avery.

"Magkano ang sa amin? Ako ang nagyaya kumain kay Eanthie kaya ako sana ang magbabayad para sa'ming dalawa." Mariin ang boses niya ngunit kalmado at magalang pa rin naman 'yon.

"There's no need for that, Kid. Ipunin mo na lang ang ipangbabayad mo, baon mo sa school."

Muntik nang malaglag ang panga ko sa paraan ng pagsagot ni Archeus. What an ass!

Hindi kumibo si Avery kaya nagsalita na ako.

"Uh, sa susunod na lang ulit, Avery. Hayaan mo na siya. Ganyan lang talaga ang mga Kuya." I emphasized the last the word. Hoping that he would act like it.

Ang isip bata kasi!

"Sige. Mauna na ako. Salamat." Sumulyap siya ng isang beses kay Archeus at tumango naman ito.

"U-uh, sige, thank you! See you on Monday! Ingat ka!" Habol kong sigaw kahit na nakapaglakad na siya paalis.

My mood turned sour after that. Linayasan ko si Archeus at hindi kinausap kahit nagpapapansin siya sa likod ko.

Balak ko nang umuwi at magmukmok sa kwarto! Kung wala siya, edi sana ang dami na naming napag-usapan ni Avery!

"Hindi mo ba hihintayin ang announcement? Baka manalo kayo." Mas binilisan ko ang lakad ngunit walang kwenta iyon dahil malaki rin ang hakbang ng lalaking ito.

Masikip man ay pilit akong nakipagsiksikan para 'di ako maabutan ni Archeus ngunit sa gitna no'n ay narinig kong tinawag ang pangalan ng aming school.

Napahinto ako nang napuno ng sigawan at palakpakan ang buong crowd. I even saw my other groupmates na paakyat ng entablado.

Nakita ko ro'n si Leslie na mukhang may hinahanap. Nang magtama ang tingin namin ay kumaway siya upang tawagin ako papanik!

Masyado yata akong overwhelmed kaya hindi ako nakakilos agad.

Nanalo kami??

Nagulat na lang ako nang inakbayan ako ni Archeus upang dalin sa stage.

He's almost covering me sa laki ng katawan niya. Ginawa niya 'yon upang hindi ako masangga ng mga tao sa crowd.

My heart skipped. Kinabahan ako hindi dahil nanalo kami kundi dahil sa presensya niya.

Kanina lang ay inis ako sakanya ah! Pero kasi, I was shock at his sudden gesture kaya nakatitig lamang ako sa mukha niya habang siya ay seryosong umiiwas sa mga tao.

I never thought that he's capable of doing this. It might be a small thing, but for me, it isn't.

I was looking for this. 'Yung taong dadaluhan ako matapos makaranas ng pagkatalo at taong tutulak sa akin paakyat ng entablado kapag nakamit ang panalo.

Nakatingin pa rin ako sakanya at kung hindi pa siya nagsalita ay hindi ako matitinag.

"Go. Get your trophy." He smiled. Walang bahid ng panunukso.

Sinundo ako ni Leslie sa hagdan at tuluyan na kaming nagtatatalon nang maabot sa amin ang tropeo.

Halos dumagundong ang stage kakatalon ng mga kasamahan ko at ultimo si Coach Roy ay napa-split pa sa gitna dahilan ng pagkakatawa ng lahat.

"We won! Thank God! Nagbunga ang ating pinaghirapan!" Sigaw ng aming Coach habang yinayakap ang lahat.

Nakangiti ako habang binabati ng iilang ka grupo ngunit sa kabila no'n, hindi ko maiwasan ang pagsulyap kay Archeus mula baba.

He was standing there. Smiling like a fool like he's proud of me or something. O baka naiisip ko lang 'yon?

Nakaramdam ako ng pagdaplis ng kamay sa aking baywang kaya nabalik sa reyalidad ang aking diwa.

Puting crop top at plaid skirt ang suot ko ngayon kaya ramdam ko agad iyon sa aking balat.

"Naintindihan mo ba kung paano titirahin ang target, Eanthie?" Napalunok ako sa lapit ng katawan ni Joaquin sa akin.

"U-uh, s-sorry.." Umusog ako ng konti at pinorma ko na ang kamay ko habang hawak ang bow.

Lalapit pa sana si Joaquin pero biglang dumating sa tabi namin si Archeus.

Kaagad na nanginig ang tuhod ko. Para akong nanghina.

Nang mapansin iyon ni Joaquin ay awtomatiko siyang lumayo sa akin.

"H-hey, Arch. You're here. Uh.. Tinuturuan ko lang si Eanthie. Gusto niya daw matuto eh."

Kumunot ang noo ko. Wala akong sinabi!

Matalim ang tingin sa akin ni Archeus. Hindi ko alam pero nanliit ako kahit wala naman akong maling ginagawa.

"Really? Then, she must learn from the marksman."

Napasinghap ako nang tuluyan na siyang pumalit sa pwesto kanina ni Joaquin.

Shit!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top