Chapter 5

Sa maingay na backstage ng mall ay kumpol-kumpol kaming magkakagrupo habang nag-aayos ng make up at costume.

"Guys! Ready na ba? Remember the cues, alright? Matagal nating pinaghandaan 'to! Let's give our best shot!" Coach Roy shouted at the top of his lungs.

"Yes, Coach!" We answered in unison.

This is it! This is the day we've been all waiting for! Hindi ko alam ang mararamdaman ko pero ngayon pa lang ay doble na ang kaba ko.

Competition na namin at nagkalat na sa back stage ang iilan naming kalaban na galing din sa iba't ibang eskwelahan.

"Eri. Pakisikipan pa nga ang tali nito." Nahinto ako sa paglalagay ng pulang lipstick nang makisuyo si Leslie.

Binaba ko agad ang hawak ko at sinikipan ang itim na tali sa likuran ng kanyang black long sleeves crop top na pare-pareho naming suot. Sa mga lalaki naman ay plain pull-over na itim.

Tumerno iyon sa camouflage naming cargo pants. Nagmistula kaming grupo ng mga sundalo dahil sa costume lalo na't boots na itim rin ang napili naming suot sa paa.

"Ayan, okay na ba?"

"Yes, thank you!" Ngiti lamang ang sinagot ko sa aking kaibigan.

Nagulat ako nang hawakan niya ako sa magkabilang balikat saka inalog-alog.

"Eri?! Ikaw ba 'yan? Lumabas ka masamang espirito!"

"Aray! Parang baliw, Les!" Umirap agad ako kahit na natatawa na rin.

"Ikaw ang front mamaya, hindi pwedeng wala ka sa mood ha!"

Tumango ako at na-realize na tama nga siya. Excited naman ako pero totoong matamlay rin ako ngayong araw.

Bukod kasi sa wala si Kuya dahil may pasok ay hindi ko rin napilit manuod sa akin si Mommy at Daddy... Tapos hindi pa rin mawala sa isipan ko ang kagabing sinabi ni Archeus.

May mali ba sa ginawa ko sa dinner? He doesn't need saving? Eh hindi ko naman siya pinagtanggol! Nagsabi lang ako ng opinyon ko!

I'm just being honest! Totoo namang bata pa siya para magseryoso sa business nila at naniniwala rin akong magiging matagumpay siya!

Irita man ako sakanya palagi pero hindi ako gano'n kasama para makita lang ang bad side niya.

Positive akong tao dahil tinatak ko talaga sa utak ko na if I dwell in negativity too much at pinansin ang imperfections ng ibang tao, mamamatay ako ng maaga.

Mabuti na iyong palaging masaya at walang pinoproblema pero taliwas yata sa pinaniniwalaan ko ang pakiramdam ko ngayon.

Hindi ko kasi siya gets! Pasalamat nga siya't naawa ako sakanya at hindi ako nakigatong sa pagalit ng parents niya!

"Oh ba't naman nakakunot na ngayon ang noo mo?" Napawi ang pagkatulala ko nang tumambad ang mukha ni Leslie sa harap ko.

"Uh, wala." Umiling ako at pinilit na ngumiti.

Mayamaya lang ay lumapit sa amin ang isa naming kagrupong lalaki sa dance org. Si Lim Uy.

"Good luck sa atin mamaya, Eanthie. Panigurado ako, ikaw ang magdadala sa grupo." Ngumiti siya dahilan ng paniningkit ng kanyang mata.

Chinito kasi at talagang may dugong intsik. May iilan ring nagsasabing crush raw ako nito pero hindi naman umaamin kaya hindi ako naniniwala.

"Nako, hindi 'no! Tayong lahat kaya! Good luck sa atin!" Nginitian ko siya pabalik at kaagad namang namula ang tainga niya sabay kamot sa batok.

"Sige, Eanthie. Kapag sa susunod na piyesa may partnerings, okay lang ba kung makapares kita?"

Kahit nahihiya siya ay nagawa niyang itanong iyon. Hindi ko tuloy napigilang tumawa.

"Sige ba! Basta dapat mabilis ka sa pag pick-up ng steps at hindi nawawala sa practice." I wiggled my brows.

Lalo tuloy siyang namula.

"Oo naman! Magaling ako do'n, huwag kang mag-alala. Papantayan ko ang galing mo." Bago pa ako makasagot ay hinila na siya ng isa niyang kaibigan.

"Hoy, Intsik! Kanina pa kita hinahanap, pumuporma ka nanaman! Uy hi, Eanthie! Hiramin ko lang saglit 'to ha."

Tumango lamang ako habang nakangiti at pinanuod ang pag-alis ni Lim habang binabatukan ng lalaking kaibigan. Mukhang kinakantyawan.

"Lakas talaga ng kamandag, Eri." Umikot ang mata ko sa sinabi ni Les.

"Si Avery lang naman 'di tinatablan." Sagot ko na ikinatawa ni Leslie.

"Agree." Sinamaan ko ng tingin ang kaibigan pero pabiro lamang.

Halakhak lamang ang naisagot niya dahil 'di kalaunan ay narinig na namin ang maingay na hiyawan sa labas nang tawagin na ang pangalan ng aming school.

It's our turn! Pakiramdam ko ay bigla akong nabuhayan. Kahit pa 'di maganda ang mood ko kanina, mabilis 'yong nabago nang pumatak ang oras ng aming pagtatanghal.

This is the exact feeling.. The feeling that I will never forget when I turn old. Even when my feet couldn't move and my body couldn't dance anymore.

"Break a leg, guys! Hindi literal, ayokong may isugod sa ospital. Come on!" Tinipon kami ni Coach Roy at sandaling naglaan ng minuto upang maghawak-hawak.

After our short prayer, lumakas na ang loob namin, handa na upang sakupin ang entablado.

Muling binanggit ang pangalan ng aming eskwelahan kasabay nang mabilis naming entrance habang nakayuko.

Iyon pa lamang ang ginagawa namin ngunit umani na iyon ng masigabong palakpakan at sigawan.

Lihim akong napangiti nang magsimula na ang piyesa namin. Halong HipHop at Femme ang tema kaya't buhay na buhay ang mga manunuod sa harapan.

Sa simula ay nagmukha kaming bulto ng mga sundalo na sabay-sabay sa pagmamartsa habang naka V formation.

Ako ang nasa harapan ngunit kahit na gano'n ay hindi ako tinamaan ng anumang hiya.

Nang magsimula na ang kanta ay walang alinlangang sumabay ang aming mga katawan sa saliw ng mabilis na musika.

Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa gaan ng katawan ko habang sumasayaw. Siguro dahil kabisadong kabisado ko na ang mga galaw at paghinto. Tantsa ko na rin kung kailan dapat humataw at kumalma.

Hindi kasama sa aming inensayo ngunit hindi ko rin mapigilan ang paglabas ng emosyon sa aking mukha lalo na't ramdam na ramdam ko ang bawat beat sa tugtog.

Nagpapalit-palit ang kulay ng mga spotlight na nakatutok sa amin na siyang nakatulong sa pagpapa-ingay ng crowd.

Nakakabingi ang mga sigaw at tili roon pero hindi naman ito naging hadlang para ma-distract ang aming grupo sa pagsasayaw.

Sa halip ay mas lalo kaming ginanahan. Remix ang piyesa namin at sa bawat pagpalit ng kanta, lalong lumalakas ang palakpak ng mga manunuod.

Marahil namangha sa aming pagkakasabay-sabay at pinapakitang galaw.

Sa kalagitnaan ay dumagundong lalo ang ingay sa mall nang matira na lamang ako sa gitna kasama ang apat pang babae para sa aming parte ng sayaw.

From an upbeat tune, the music suddenly turned into sensual one. Bumagal ang kanta kaya't sakto rin doon ang bawat hampas ng aming katawan.

Dahil seductive ang tugtog ay sinabayan ko rin iyon sa pamamagitan ng reaksyon sa mukha.

I parted my long straight hair into one side habang lumalakad sa pinakaharap.

Umalon ang katawan namin ng sabay-sabay. Ultimo paghagod ng kamay sa leeg pababa sa katawan ay mas bumagal kumpara sa nauna.

I was really having a moment, enjoying the sexiness of the song when a person caught my attention.

Lalaking pamilyar ang laki at hubog ng katawan. Madilim man sa harap ay hindi ko maipagkakaila na kilala ko 'yon.

With eyes like silver lightning, hindi ko mapigilang hindi masilaw. Gano'n palagi ang kanyang tingin. Matulis. Matalim. Mapanganib.

My mouth went agape. Why is he here?

Mabuti na lamang at gamay ko ang mga steps kaya't awtomatikong gumagalaw ang katawan ko. Muscle memory.

I bit my lower lip and licked it unconsciously. Mabilis ko binali sa isipan kong naroon siya't nanunuod dahil kung hindi ay matutulala na lang ako rito!

Nakakahiya naman sa'yo, Archeus. Ako pa ang mag a-adjust sa'yo!

Bigla ko tuloy na-realize, bakit ako papaapekto sa presensya niya? Wala naman din siyang ginagawa, why am I acting like this?

I shouldn't. This dance is a battle. I am the warrior. Hindi kami mananalo kung aarte ako dahil lang sa nanunuod siya!

Dahil sa motibasyong 'yon, mas lalo kong ginalingan. I even made some extra movements na mas lalong nagpasigaw sa crowd like pulling my top up pero sa huli'y 'di ko tinutuloy. Ang mabagal na paghagod sa buhok pababa at ang malagkit na paninitig sa mga nanunuod.

OA na kung OA pero may iilan kaming supporters na halos sirain na ang barricade malapit sa stage dahil lang sa 'di nila ma-contain ang nararamdaman.

Muling bumalik ang ilang miyembro sa gitna ng stage at tinapos ang huling formation. After the last cue, we did our final pose.

"Gago! Eanthie! Pakasalan mo ako! Sobrang galing mo! Ang ganda mo!" Nagulat kami sa lalaking sumigaw na galing yata sa ibang school dahil iba ang uniporme.

Rinig na rinig siya dahil namatay na ang kanta no'n at palakpakan na lamang ng mga tao ang natira.

Natawa nalang ako at nakipag-kamayan sa mga kagrupo habang hinihingal sa aming madugong performance.

I felt the satisfaction right after. The rush in my pulse is beating so fast— reflecting the eagerness I have in my system. I know.. It's within me. This is what I'm called to do. This is where I belong.

"Congrats, guys! Sabi ko na! Lahat ng paghihirap natin ay worth it! Hindi ako bias pero kayo talaga ang pinakamagaling sa lahat!" Masaya kaming sinalubong ni Coach Roy sa back stage.

Ginawaran niya ng yakap ang bawat isa kahit na medyo pawis pa kami. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko lalo na nang bumulong siya sa akin.

"You're really a great dancer, Eanthie." Nagpasalamat ako at pinamulahan ng pisngi.

Pati si Lim ay hindi ako napigilang batiin at nagpakuha pa nga ng litrato kasama ako.

Ngumiti ako sa camera na hawak ng kaibigan niya. Ramdam ko naman siya sa aking likuran kaya amoy na amoy ko ang panlalaki niyang pabango.

"Grabe, Eanthie. Ang hot mo kanina sa stage. U-uh, ano! Hindi kita binabastos ha! Basta! Ang galing kasi. Ang swabe mo sumayaw saka—" Hindi alam ni Lim kung itutuloy pa ba niya ang sasabihin niya dahil sa hiya.

"Oo, gets ko. Salamat! Ikaw rin. Lahat tayo magaling kanina." Isang ngiti pa ang binigay ko bago siya iwanan.

Alam ko namang pinuri niya lamang ako at walang ibang intensyon sa sinabi.

Pabalik ay nakita ko si Leslie na sinalubong ng yakap ng kanyang magulang.

They are so proud of her. Nag groupie pa nga silang tatlo kaya't lumapit ako para mag prisintang kuhanan silang pamilya.

"Ako na po, Tita." Mabilis naman niyang pinahiram sa akin ang cellphone.

"Smile po in 3, 2, 1!" Pagtapos ng limang kuha ay kami naman ni Leslie ang nag selfie.

Hindi pa kuntento ang Mama niya kaya't umulit pa silang pamilya ng picture. Iyon na rin ang naging hudyat ko upang umalis doon.

Lumapit na ako sa vanity mirror na kinapupwestuhan ng bag ko kanina. I was about to remove my makeup dahil wala na rin namang magpa-picture sa akin nang sumulpot bigla sa likod si Archeus.

Sumandal siya sa pader habang pinapanuod akong kumuha ng makeup remover sa bag.

Muling bumalik ang kaba sa aking dibdib. Sa 'di malamang dahilan, nanuyot ang lalamunan ko.

He's wearing a uniform. Nakahalukipkip ang braso at seryosong nakatingin sa akin.

May pasok sila sa pagkakaalam ko ah!

"B-bakit ka nandito?" Sa salamin ko siya tinignan dahil kita naman ang repleksyon niya do'n.

"I ditched my class. Went here and found out that you're competing." He drawled.

"Nag cutting ka?!" 'Di ko naiwasan ang paglakas ng boses ko dahil kakapagalit pa nga lang sakanya ni Tito Chester, gumagawa nanaman siya ng panibagong kalokohan.

"Kakasabi ko lang, Eri." Ang mapaglaro niyang ngiti ay sumilay.

Lumakad siya sa aking likuran kaya't lumingon na ako sakanya. Ayaw kasing tumigil ang kabog ng dibdib ko.

"Bumalik ka na sa school! 'Pag nalaman ng parents mo 'yan, papagalitan ka nanaman!" Pinanatili kong matapang ang aking boses kahit na medyo nanghihina.

"'Di ba ayaw mo ngang liniligtas ka! 'Wag ka gumawa ng ikakagalit nila kung ayaw mong pinagtatanggol ka!" Napatuop ang bibig ko sa sariling nasabi.

I saw him froze. Shit.

Nakapagtanghal na ako't lahat ngunit hindi ko pa rin maalis sa isipan ko 'yong sinabi niya.

Sige na, Eri! Aminin mo na kasi na-hurt ang ego mo! Okay! Totoo naman. Siya na nga kasi ang tinulungan, siya pa may ganang gumano'n sa akin!

Umiwas ako ng tingin at naupo na lamang sa harap ng vanity mirror. Sinubukang abalahin ang sarili sa pagtatanggal ng pulang lipstick.

Para na rin manahimik ang bibig ko!

Ayoko na siyang tignan ngunit nagulat ako sa paglapit niya sa likuran ko. Yumuko kasi siya bandang kanang tainga ko kaya't napatingin ako sakanya sa may salamin.

Our eyes locked. Nakatingin rin siya sa akin. Muntik na akong mahigitan ng hininga.

"I'm sorry.." He whispered.

Umiwas siya ng tingin nang sandali kong makitaan ng paglambot ang kanyang mata.

Napanganga ako kaya't umayos na siya ng tayo.

"I was just embarrassed." Nagkibit siya ng balikat at hindi na muling tumingin sa akin habang ako ay napatanga na lang habang hawak ang cotton pad sa labi.

Did he just tell me that he's sorry? Hindi ba ako nananaginip?

Hindi ito ang unang beses na narinig ko iyon mula sakanya pero pakiramdam ko ito ang unang beses na sinabi niya ito ng sincere.

Hindi ko alam. Iba lang ang dating no'n kumpara sa dati. It weirded me out.

Nang makabawi ay sinikap kong sumagot. Napalunok ako.

"O-okay lang.." Sandali kaming nanahimik dalawa. Naputol lamang iyon ng magsalita siya.

"The way you dance.. Gano'n ka lagi sa practice?" His eyes were now directed to me.

Kung kanina ay nakitaan ko ng kalambutan, ngayon ay tila lumiliyab nanaman sa 'di malamang dahilan.

"Huh?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

Hindi ko maintindihan ngunit pumasok sa utak ko ang mga extra movements na ginawa ko kanina.

Iyon ba ang tinutukoy niya?

"U-uhh.. Hindi pero minsan.. gano'n." Hindi ko alam kung bakit nanliit ang boses ko gayong hindi naman dapat.

Para niya kasi akong papagalitan sa itsura ng kanyang mukha. I was ready, expecting a bad comment from him pero walang dumating.

He just nodded. Slowly. Tila may iniisip.

Naninibago ako. What is happening?!

Mas lalong nag huramentado ang puso ko sa kaba. The hell!

"Huwag mo nang uulitin 'yon. Baka ikatalo niyo." Banat niya.

His eyes are now playful while bitting his lower lip and touching it with his thumb.

For a moment, I was stunned. Asshole! Akala ko pa naman nagbago na siya! Bwisit pa rin pala talaga!

Umirap ako nang mapagtantong kailan man 'di magbabago ang isang gaya niya.

Once an epal, always an epal!

He laughed. Kita ko rin ang pamumula niya dahil do'n kaya binilisan ko na ang pag-alis ng makeup.

When I'm finally done, mas gumaan ang pakiramdam ko dahil nakahinga na ang aking mukha.

I stood up and gathered my things. Sinuot ko ang bag ko at lumakad na.

"Maghihintay ka ba ng announcement?" Hindi ko siya sinagot dahil hinahanap ko si Leslie para magpaalam.

Lagpas na ang lunch time at hindi pa ako kumakain!

Sumusunod sa likod ko si Archeus pero minabuti kong 'di siya lingunin. Mapagod siya kakasalita diyan!

"Les! Kain lang ako. Balik rin ako mamaya! Text kita!" Tumango naman siya bilang sagot dahil kinakausap rin siya ng Papa niya.

Nagmadali ako palabas ng back stage at kumaripas pa nga ng takbo maiwala lang si Archeus sa likod ko.

Dahil maliit ako kumpara sakanya, nakakasingit ako habang siya ay nahaharangan ng ibang tao.

Ngiting-ngiti ako nang makita kong stuck siya sa nag pi-picture na grupo ng mananayaw.

"Buti nga.." Humalakhak ako at nagpatuloy na ulit sa lalakaran.

Kaagad na napahinto nang matanto kung sinong nasa harapan.

Napatulala ako at nag-init ang aking pisngi.

Si Avery.

"Congrats, Miss Hulleza.. Ang galing mo." Ngumiti siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top