Chapter 3
"Buti nasa mood si Coach Roy at may break time. Grabe! Ngayon lang ako inuhaw ng ganito kahit 'di naman ako mahilig sa tubig." Tumawa ako sa sinabi ni Les.
Panay iced coffee kasi itong babae na 'to! 'Yon na yata ang likidong tatakbo sa buong sistema niya kung hindi dugo.
She's my classmate at pareho ko pang miyembro sa dance troupe ng school kaya't magkasundo talaga kami.
"Kabisado na rin naman natin ang steps kaya good vibes 'yon! Bukas na kaya laban natin. Manonood ba sila mama mo?" Bumaling ako sakanya habang patuloy kaming lumalakad papuntang canteen.
"Siguro. Palagi naman tuwing may event 'di ba?" Ngumiti siya at medyo nakaramdam ako ng inggit sa narinig.
Supportive kasi talaga ang Del Mundo family. Siguro dahil nasa hilig rin kasi talaga ng parents niya ang pagpe-perform. Swerte ni Leslie!
"Sana all." Biro ko ngunit may kaunting bahid ng pait.
Nakailang performance na rin kasi ang org namin pero kahit isang beses ay hindi nakapanuod sila Mommy. Kung hindi busy sa business ay may ibang gawain naman.
Hindi ako nagtatampo, pero minsan nag-iisip rin ako kung anong pakiramdam nang may nanonood sa akin ng live. Palagi lang kasing sa video.
Gusto ko rin maranasan na may lalapitan ako matapos kong magtanghal sa entablado. Matalo man o manalo.
"Mag jowa ka na kasi para may manuod sa'yo." Banat ni Leslie saka ako inakbayan.
Mas matangkad sa akin si Leslie ng kaunti. Maiksi at kulot ang kanyang buhok at medyo may laman kumpara sa akin.
Tumingin ako at umirap sakanya.
"Hindi pa ako ready!" Tumawa siya at bahagya akong inalog-alog.
"Mukha mo 'di ready. Baka kamo si Avery ang hindi pa ready? Hinihintay mo?" I shrugged my shoulders and bit my lower lip.
"'Di ah. 'Di ko na crush 'yun." Pagtanggi ko kahit 'di naman mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi ko.
"Hindi raw crush pero panay stalk sa facebook." Nanlaki ang mata ko.
"Hoy! Paano mo nalaman?" Tumawa ako dahil wala ng maisip na palusot kay Les.
"Laging ikaw ang unang nakapuso sa mga pictures at status no'n! Halatang nakaabang ang gaga. Huwag mo naman masyado pahalata uy." Kinurot ako sa tagiliran ni Leslie dahilan ng pagsigaw ko.
"Eh automatic kasi 'yon! Malay ko ba na gano'n ka-active ang kamay ko pagdating sa mga post niya. Kahit bihira lang."
"Ewan ko sa'yo! Sa socmed ka lang malakas, personal-in mo kasi. Malay mo next compet natin, may number one fan ka na sa audience." Humalakhak ako sa sinabi ng kaibigan at medyo nag-init ang pisngi nang ma-imagine nga ang scenario.
Hindi malayong magkatotoo. Sige lang, Eri. Ang kapal talaga ng mukha mo!
Dumapo ang ihip ng hangin sa labas ng eskwelahan. Medyo pawis pa ako kaya't ramdam ko ang lamig sa likod ko. Naka racer back pa man din ako bilang pang-itaas.
Pinunasan ko ang gilid ng noo ko gamit ang bimpo sa balikat ko at hula ko namumula pa rin ako ngayon dahil sa intensidad ng pagsasayaw namin kanina!
Lumingon ako sa paligid at napansin ang mga dumadaang estudyante sa hallway.
Biglang napawi ang ngiti sa labi nang madatnan sa may locker si Archeus. Nakatalikod siya ngunit kahit nasa malayo palang kami alam kong siya nga 'yon.
Sa 'di malamang dahilan ay muling kumulo ang dugo ko kahit wala naman siyang ginagawa pero nang mapansin kong may kasama pala siyang babae ay biglang naging valid ang rason ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko!
Sinong hindi kukulo ang dugo at talagang sa eskwelahan pa lumalandi ang isang 'to?!
Parang bumagal ang lakad namin ni Leslie kahit na normal naman 'yon. Siguro dahil sa pagtitig ko kanila Archeus. Sino ba 'yong babae?
Nang mas nakalapit ay napagtanto kong si Nancy 'yon! Akala ko ba hindi niya type?! Tss! Sinungaling!
Umikot ang mata ko lalo na nang makita ang paggapang ng kamay ni Archeus sa baywang ng babae.
Where's the class?? Dito talaga!? At bakit pumayag naman iyong si Nancy?!
Unti-unting sumibol ang kaba sa dibdib ko lalo na nang makita ang paglapit ng mukha noong babae kay Archeus.
Shit! She kissed him! What the hell?!
"Hoy! Nakikinig ka ba?" Kumaway sa harap ko si Leslie kaya nawala ang tingin ko do'n.
"A-ah.. Oo!" Napalunok ako lalo na nang biglang magtama ang mata namin ni Archeus.
Mabilis akong umiwas ng tingin ngunit nasilayan kong nakadantay na lamang ang isang kamay niya sa locker kung saan nakasandal si Nancy na ngayon ay namumula ang pisngi at hawak ang labi.
Anong kahalayan ang nakita ko?!
Halos hilahin ko ang kasamang kaibigan para lang mabilis nang makaalis sa lugar na 'yon.
"Halika na, Les. Para makabalik na agad tayo." Bago sila tuluyang malagpasan ay muling nagtama ang tingin namin ni Archeus.
Nakaawang ang labi niya at mukhang alam niyang nakita ko ang kababalaghang ginawa niya! Matakot talaga siya at isusumbong ko siya sa magulang niya! Kadiri!
Bumilis ang lakad ko lalo habang patuloy na bumabalik sa imahinasyon ang paraan ng paghahalikan ng dalawa.
Shit. Hinalikan siya ng babae at tinanggap niya naman! Syempre, sinong hindi? Panalo na siya kay Nancy!
Ang hindi ko lang maintindihan ay sinabi niyang 'di naman niya type 'yon pero bakit pumayag siyang magpahalik?! Gano'n ba talaga 'pag lalaki?!
Kakamadali at lingon sa likod ay hindi ko na napansing may tao palang pasalubong sa akin!
"Eri!" Hinila ni Leslie ang kamay ko ngunit huli na dahil tumama na ako sa taong nasa harapan ko.
"Hala! S-sorry!!" Halos sumalampak ako sa dibdib nito at napagtantong lalaki siya dahil sa uniporme niyang polo.
Mabilis akong humiwalay dahil alam kong pawis ako at nakakahiya naman sa mabango niyang amoy!
"S-sorry, hindi kita napansi—" Naputol ang sasabihin ko nang mag-angat ako ng tingin sa nabunggo ko.
"Ayos lang." Sabay ngiti niya.
Oh shit.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko bumaliktad ang buong laman loob ko dahil sa taong nasa harapan ko!
"A-avery.." Napalunok ako at pakiramdam ko'y kumalat ang init sa buong pisngi ko.
Mukha akong basahan at talagang ngayon pa kami nagkaroon ng interaksyon!
"Miss Hulleza.." He smiled, showing his dimple.
Alam niya ang apelyido ko?!
Napatingin ako sa kaibigan kong ngayon ay nagpipigil ng ngiti, nanlalaki ang mata at tila nag co-coach ng gagawin ko.
Nagulat ako ng biglang lumuhod si Avery at may pinulot sa sahig. Sa gulat ko ay muntik na akong mapatalon!
"Nahulog mo." Mabilis kong inabot ang bimpo ko dahil sa hiya.
Medyo basa pa naman iyon ng pawis pero okay lang dahil dumaplis ang kamay ko sakanya ng kaunti!
"S-salamat.." Napakagat ako sa labi ko dahil hindi ko na alam ang gagawin.
Siya naman ay nakatingin lang sa akin na parang naghihintay ng sunod kong sasabihin. Na conscious tuloy ako at napaayos sa mahaba kong buhok.
May iilan rin kasing lalaki sa likod niya, marahil ang mga kaibigan niya.
"U-uhh.. Congrats pala! Champion ka sa Science Quiz Bee.." Napalingon ako kay Leslie nang makita ang pag-iling niya.
Bakit? Masyado bang halatang stalker?
"Paano mo nalaman? Kakatapos lang ah." Hindi nawawala ang ngiti sa labi niya.
Para tuloy akong inaanod sa langit. Nakakahalina talaga 'yang mga ganyang ngitian niya.
"A-ano.. Diyan lang. Uhh, narinig ko lang." Napakamot ako sa ulo ng marinig ang pangangantyaw ng mga kaibigan niya.
"Siya 'yung reactor sa facebook ni Avery, pre!" Halos mapapikit ako sa narinig.
Gaga ka talaga, Eri. Obvious ka nga masyado!
Tumawa si Avery ng bahagya at hindi inintindi ang kaibigan.
"Salamat! Good luck rin sa laban niyo bukas." Mabilis akong napatingin sakanya.
Paano niya nalaman 'yon?!
"Patay! Nag good luck na!" Nag apir ang mga kaibigan niya sa likod.
"Panalo na 'yan, oh!" Sabay tawa ng mga ito.
Hindi ko alam kung mahihiya ako o matutuwa sa harapan ni Avery. Hindi ko alam kung paano ko naitago sa itsura ko na kinikilig ako!
"S-san mo nalaman?" Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa mata niya.
Nagkibit siya ng balikat at tumingin sa gilid.
"Narinig ko lang rin." Sabay balik ng tingin sa akin habang nakangiti.
"Kanino niyo ba 'yan narinig? Parinig naman din ako!" May isa siyang tropa na dinikit ang tainga sa dibdib ng kaibigan niya.
"Dug dug dug dug.." Sabi nito saka sila nagtawanan.
"S-salamat.." Hindi ko alam kung saan ibabaling ang tingin.
"Sige. Galingan mo." Tumango ako na tila batang pinagsasabihan ng nanay.
Parang akong tumiklop sa hiya nang muli niya akong tignan sa mata saka ngumiti bago umalis.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan nang makaalis. Inakbayan pa siya ng iba niyang kaibigan habang siya naman ay nakangiti lang.
Ilang minuto rin akong natulala dahil sa nangyari.
Pagkalayo nila Avery ay hindi ko na napigilan ang pagsigaw na pilit kong tinatago kanina.
"Leslie... Leslie!!!!!!"
Para kaming baliw sa hallway habang nagtatatalon, 'di alintana ang mga estudyanteng lumilingon sa aming banda.
Pakialam ko?! Binati ako ng crush ko!!!
Hindi mawaglit ang ngiti sa labi ko. Parang nawala ang pagod at mas lalong ginanahan sa magaganap na laban bukas!
Latagan niyo ako ng mga hugasin at pati paper plate huhugasan ko sa sobrang ganda ng mood ko!
"Jowa! Jowa! Jowa!" Humalakhak ako sa patuloy na pang-aasar ni Leslie.
"Sige, bukas na bukas! Kami na." Mahangin na pagsagot ko sabay tawa.
Katuwaan lang naman pero umaasa talaga ako! Law of attraction!
Napailing na lang kami pareho ni Les sa kalokohan namin at nahinto nang biglang may lumapit sa likuran ko.
"Eri." His tone is a bit low and serious.
Dahil do'n ay unti-unting nawala ang ngiti ko. Boses pa lang ay kilala ko na agad kung sino 'yon. Mabilis akong lumingon.
"Bakit?" Napataas ang kilay ko.
Dalawang araw ko na rin siyang hindi pinapansin simula noong iwanan ko siyang mag-isa sa canteen.
Ito ang una naming interaksyon bukod sa kaninang tinginan namin matapos niyang halikan iyong si Nancy.
"I'll drive you home." Kumunot ang noo ko.
"Huh, bakit? Hindi pa ako uuwi. Saka si Kuya Jud ang susundo sa akin mamaya, hindi ikaw." Tumalim ang mata sa akin ni Archeus na para bang may mali sa sinabi ko.
Siya pa ang may ganang gumanyan?!
"Kunin mo na ang gamit mo. I'll drive you home." Ulit niya ng mas mahinahon.
Umirap ako at mas lalo siyang tinarayan.
"Hindi pa nga ako uuwi at may practice pa kami. Hindi pa tapos, okay? Tara na, Leslie." Hinila ko ang braso ng kaibigan at dumiretso sa canteen.
Kumuha ng tubig si Leslie para sa aming dalawa at bago pa makapagbayad ay inunahan na siya ni Archeus.
Pabida rin ang isang 'to?
"Uy, salamat!" Sabi ni Les at makahulugang tumingin sa akin.
She knows Archeus. Sikat naman kasi ito sa aming eskwelahan lalo na sa mga kababaihan!
Hmm.. I wonder why. Pero mukhang halata naman na ang sagot.
"Bayaran ko sa'yo pagbalik sa room. Nandoon wallet ko." Sabi ko sabay inom sa mineral water at talikod sakanya.
Sumunod sa gilid ko si Leslie at tahimik na nagmasid sa aming dalawa.
"Hindi na. Kunin mo na lang ang gamit mo. I-uuwi na kita." Napahinto ako at hinarap na siya.
He seemed careful. Nakapasok ang kamay sa magkabilang bulsa. Hindi ko alam kung bakit parang nakatingin siya sa bawat kilos ko.
"Bakit ba?! Hindi pa nga kasi ako uuwi!" Sa sobrang inis ko ay tumaas na ang boses ko.
Mukha siyang nagulat sa reaksyon ko. Nang makabawi ay tamad akong tinignan saka sumagot.
"Mommy mo ang nag-utos. Pinapasundo ka sa'kin. Wala ang Kuya mo. Si Kuya Jud ay inutusan ng Daddy mo." I curiously eyed him.
"Huh? Bakit daw?"
"May dinner, 'di ba?" Sandali akong napahinto saka naalala ang sinasabi niya.
Oo nga pala! May dinner ang family namin kasama ang mga business investors at kaibigan nila Daddy. Kabilin-bilinan rin na dapat kumpleto kaming pamilya mamaya sa bahay.
Bawal ma-late kung hindi magagalit si Daddy!
"Shit! Oo nga pala!" Unti-unting sumilay ang multo ng ngiti sa labi ni Archeus.
"Hintayin mo na lang ako sa gate. Hindi pa ako nakakapagpaalam! Samahan mo ako, Leslie!" Tinanguhan niya ako bago kami tumakbo ng mabilis ni Leslie pabalik sa studio.
Naging madali naman ang pagpapaalam ko dahil alam naman ni Coach na kabisado ko na ang piyesa namin.
Hindi na ako nag-abalang magpalit ng damit dahil pag-uwi ay maliligo na rin naman ako at mag-aayos.
Sa gate ay nakita ko na agad ang itim na Range Rover ni Archeus.
Nakasandal siya sa pinto ng passenger seat at saka umayos ng tayo nang makita ako.
His piercing eyes directly darted through me. Mabilis akong umiwas lalo na nang maalala ang halikan nila ni Nancy.
Kung mas bata lang siguro ako ay hindi ako magiging ganito ka-bothered sa nakita ko.
Pero dahil kuryoso na ako sa mga ganoong bagay ay hindi ko mapigilan ang pag-iisip tungkol doon!
Binuksan niya ang pinto sa harap pero sa likod ako dumiretso. Ayaw ko siyang katabi dahil naghuhuramentado ang puso ko sa kaba.
Bubuksan ko na sana ang likod pero pinigilan niya 'yon.
"Sit here. Hindi ako driver, Eri." He sounded offended kaya naman hindi na ako nakipagtalo.
Ano nga ba ang dahilan ko para umupo roon?
Matapos siya samaan ng tingin, umupo na ako sa harapan at nasunod nga ang gusto niya bago ako nagsuot ng seat belt. Umirap ako sa kawalan kahit na nahihirapan sa paghinga.
Archeus the Asshole. Wala ka na ngang ambag sa buhay ko, linalason mo pa ang utak ko sa mga makamundong bagay!
Sumakay na rin siya at kahit malamig sa kotse niya ay para akong pinagpapawisan sa init. Wala namang manggas ang suot ko pero pakiramdam ko naka longsleeves ako!
"I'll turn off the aircon."
"Huwag!" Sigaw ko. Kumunot naman ang noo niya. "Mainit." Dagdag ko saka umayos ng upo.
"Pawis ka." Hindi niya ako inintindi at pinatay nga 'yon saka binuksan ang bintana.
Hindi na ako nagreklamo dahil kotse niya naman 'to.
Tahimik lang ako buong byahe at malas nga naman dahil traffic pa. Rush hour na rin kasi kahit medyo maliwanag pa sa labas.
'Di ko alam kung anong sumapi sa akin nang bigla akong magparinig.
"Linis ng sasakyan, walang bakas ng sinasakay na babae." Ramdam ko ang matalim na pagdapo ng mata sa'kin ni Archeus dahil sa bulgar kong pananalita.
"Wala pa akong sinasakay sa kotse ko." Paliwanag niya sa malalim na boses.
"Ahh, wala pa.. Sa susunod?" Lumingon ako sakanya at sarkastikong umirap.
Tumawa siya ng diretso ang tingin sa kalsada. "Anong klaseng sakay ba ang sinasabi mo, Eri?" Tanong niya at pinasadahan pa ng dila ang ibabang labi niya.
Pakiramdam ko ay lumuwa ang mata ko sa gulat. Napakabastos talaga ng tao na 'to!
Senior High School palang ako pero alam na alam ko na 'yang mga green jokes na 'yan!
"S-sakay! Edi.. edi hatid! Sundo! Ano pa ba?!" Sobrang defensive ng pagsagot ko na lalong nagpatawa sakanya.
Gusto ko nalang tumalon palabas sa bintana para hindi niya makita ang sobrang pagpula ng pisngi ko.
He smirked. "Kung gano'n, ikaw pa lang ang naisasakay ko sa kotse ko."
Kumabog ang dibdib ko kahit na naiirita ako sa paraan ng pananalita niya. Malisyoso kasi ang tono!
"Alam mo ikaw, ilugar mo 'yang pagiging manyak mo. Pasalamat ka at hindi ka nahuli kanina kundi detention nanaman ang bagsak mo." Diretso kong sambit.
Humalakhak siya. Anong nakakatawa?
"Bakit? Ano bang ginawa ko?" Nanatili ang mapaglaro niyang ngiti sa labi. Mapagkunwari!
"Y-you know what you did! Earlier! Huwag mong ipagkaila! Nakita kita!" He looks so amused.
Todo explain kasi ako at talagang dinetalye ko pa ang kahindikhindik na pangyayari kanina.
"Malinaw pa ang mata ko! Kaya 'wag mong i-deny! You saw me, anyway. Hindi ba at gulat ka pa nga? Ano? Takot ka sabihin ko sa magulang mo?" Pinandilatan ko siya ng mata na lalong nagpatawa sakanya.
"Gaano mo kami katagal tinignan? Umiwas ka agad 'di ba? You didn't see the whole story." Pagtatanggol niya sa sarili niya.
"Well, I don't need to see the whole story. I know the ending." Umiwas ako ng tingin at bumaling na lang sa bintana.
Gusto ko nang makauwi!
Humupa ang tawa niya dahil hindi ko na siya pinansin. Ilang minuto rin namayani ang katahimikan ng muli siyang magsalita.
"Sinabi ko na 'to pero uulitin ko ulit. She's not my type."
Umirap ako at nagtakip ng tainga.
"What are you doing? Hindi ka naniniwala? Hindi naman talaga." Tumawa ulit siya.
Why would I believe you, asshole? You let her kiss you. You didn't do anything.
"Stop explaining, Archeus. Para kang tanga, 'di naman ako humihingi ng explanation. Lumandi ka hangga't gusto mo. Wala akong pakialam."
He pursed his lips and nodded his head. Halatang nang-aasar. "You say that now."
Nanlaki ang mata ko at umambang sasabunutan siya pero mabilis niyang nasalag 'yun gamit ang kanang kamay niya.
"Talaga naman! Kapal ng mukha mo!" Kagat-kagat ko ang labi ko sa panggigigil.
Muling bumalik ang alaala ko noong mas bata pa ako, dati palang magkaibigan na sila ni Kuya pero ni minsan hindi ko siya tinuring gano'n.
Sabihan man akong batang walang modo sa bisita ng kapatid ko, ayos lang basta ayoko magkaroon ng interaksyon sa lalaking 'to pero halata namang napaka imposible.
Sa hindi malamang dahilan, lagi siyang nandiyan at naninira ng araw. Magdadalaga pa yata akong bitbit ang init ng dugo sakanya!
"Hey! Stop it! I'm driving, Eri!" Tawa ng tawa si Archeus pero hindi pa rin humuhupa ang inis ko sakanya.
"Kung hindi lang ako nakasakay rito sa sasakyan mo.. Pinasabog ko na 'to." Binaba ko ang kamay ko at pinili na lamang makinig sa music hanggang sa makarating ng bahay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top