Chapter 23
Nakakabingi ang ingay sa paligid ngunit hindi ko magawang idilat ang mga mata ko.
Boses ni Kuya ang naririnig ko pero hindi ako sigurado gayong nakapikit ako at hindi pa tuluyang gising ang diwa.
"Is she going to recover fast? When will she wake up? Please, tell me she's going to wake up!"
Frustration is evident on my brother's voice. Hindi ko siya nakikita pero naririnig ko ang boses niya at palagay kong umiiyak rin siya.
My head is throbbing real hard. I feel like fainting. Gusto kong gumalaw pero tila bato ako sa mga puting telang nakabalot sa'kin.
Wala akong maalala kaya't pilit kong binabalikan ang pangyayari bago ko nagising.
Me in the backseat. Wind blowing. Car was moving. Tama. Kotse. Nasa loob nga ng kotse. Ako at...
Nanlamig ang kamay kasabay ng panginginig nito. Do'n pumasok sa isip ko ang huling nangyari, pabigat ng pabigat ang bawat paghinga ko.
Ang Mommy... at ang Daddy ko!
Kahit na nahihirapan ay pinilit kong idilat ang mata at igalaw ang kamay ko. Sa kabila ng sakit sa katawan ay nagawa kong ihampas ang kamay ko sa bedside table ng hinihigaan ko.
Tumilapon ang mga gamit at napatingin na sa'kin si Kuya.
I saw his bloodshot eyes, and right then, I knew something is not right. My world suddenly collapsed. Humagulgol ako at pakiramdam ko, mali yatang nagising pa ako.
Umiikot pa ang paningin ko pero hindi ko kayang manatili na kalmado.
"K-kuya!! Si Mommy??? Si Daddy??? Kuya..." Pinipilit kong hagilapin siya para makatayo ako sa pagkakahiga ngunit nanghihina ako.
Hinihiga niya ako pero nagpupumiglas ako kaya't agad akong dinaluhan ng mga nurses. Halos manghina ako nang may maramdamang may ituturok sa akin.
"No! H-hindi ko kailangan niyan! Mommy... Daddy... S-sila ang kailangan ko. Kuya... Tulong... Ang Mommy at Daddy..."
Agad akong napatayo sa pagkakahiga. Pawis at mabilis ang kabog ng dibdib. Nanlalamig ang mga kamay.
Palagi akong nananaginip simula ng masalimuot na nangyari sa'min. Isang taon na ang lumipas pero pakiramdam ko'y panaginip lang ang lahat.
Pinalis ko ang luhang kusang tumulo sa mata ko. Hindi ko matanggap na wala si Mommy at Daddy. If only God will permit it, I'd wish to die with them too.
I'm on my second year of college, trying to finish what I've started despite the absence of existence. After what happened, everything is not making sense for me. It feels like I drifted away, along with the death of my parents.
I grew. Not just physically but mentally. Quite older than what I should. I was forced to mature, to let go of the things that reminded me of my foolishness.
Binitawan ko na ang pagsasayaw na maaaring isa sa sanhi kung bakit nawala ang magulang ko. Kung hindi nila ako sinamahan para sa kompetisyon ko, malamang ay buhay pa sana sila ngayon. Kung hindi ako malungkot noon, sana ay hindi na nila ako sinamahang lumabas pa para lang maging masaya ako.
Dahil ngayon, nakalimutan ko na yata paano maging masaya.
Malinaw pa rin sa akin ang lahat. Ang huling imaheng nakita ko sa mga magulang ko. Malubak ang kalsada sa labas ng Maynila kaya't kahit maliwanag pa ay mahirap ang naging daan.
Sabay-sabay pa kaming umaawit kasabay ng radyo hanggang sa may truck na mabilis ang bumalandra sa aming harapan.
Sa gulat ay kinabig ni Daddy ang manibela, natapakan ang gas bago ang break. Sanhi ng pag-iwas niya sa truck ay ang pag-ikot ng aming kotse ng ilang beses hanggang sa tumama ito sa matayog na bato bago ang bangin.
Rinig na rinig ko ang malakas na sigaw ni Mommy at ang impit na ungol ni Daddy bago ang ingay na sinundan ng katahimikan. Mabilis ang pangyayari, hindi ko namalayang napikit na ang mga mata ko.
Nagising na lang ako nang nakahinto pa rin ang kotse. Masakit ang bawat parte ng katawan.
I was bleeding real hard but not as much as my parents. Si Daddy ay ipit sa batong nalaglag mula sa itaas, his head we're bent down on the steering wheel. Si Mommy naman ay halos nakalabas na ang kalahating katawan sa windshield.
Shattered glass were scattered everywhere as our blood spills in a constant flow. Hindi ko maramdaman ang sariling katawan marahil sa sugat na natamo, ang naiisip ko na lang ay lapitan ang mga magulang ko. Hawakan ang mga kamay nila kahit sa huling sandali.
Kahit na durog durog ang kotse at delikadong pumunta pa sa harap, sinikap kong gumapang palapit sa kanila. Ayaw ko nang lumabas pa sa kotse kung ako lang.
Ayaw kong ako lang buhay kaya't pilit ko silang ginising. I went to Daddy first since he was the one nearer to me. There was no respond. He wasn't breathing at all.
Mabigat man ay mabilis na akong lumipat kay Mommy. I touched her hand, and I felt a little squeeze. I saw her crying without a sound, a tear escaped from her eyes. She couldn't talk yet I heard a fainting slurred speech.
"Eri... please. Go... Live. For. Us."
My eyes we're swamped by my own tears and blood. I couldn't make a move. I stayed there until she was out of breath. That's when I realized that my parents were both dead.
Hindi ko na alam kung paano akong nakaligtas. Masama man ngunit hiniling ko na sana ay hindi na lang ako inalis doon. Sana ay kasama na lang nila akong nawala, hindi sana 'yung ganito.
Tumayo na ako bago pa tuluyang sumama ang pakiramdam ko. Tinignan ko sa salamin ang katawan ko. I recovered fast. Pilay at maraming sugat lang ang natamo sa aksidente.
Sa burol ni Mommy at Daddy ay naka-wheel chair pa ako at sa hindi malamang dahilan, tila lahat ay natatandaan ko ultimo maliit na detalye ng pagkawala nila.
Malala rin ang natamo ko pero tila wala lahat ng iyon sa pagkawala ng magulang ko. Kaya't mabilis rin akong gumaling dahil hindi ko na ininda ang sarili ko at dahil na rin inalagaan ako ng Kuya ko.
With the absence of my parents, nahirapang itaguyod ni Kuya mag-isa ang kompanya. We were nearly bankrupt. Even our house were sold just to suffice our needs pati na rin ang naging bills sa hospital at pagpapagaling ko.
Ngayon ay nakatira kami sa mas maliit na apartment kung saan kumpleto naman lahat ng gamit. It's just less grand than the house we're used to live in.
For months, I went to therapy for my immediate recovery, both physical and mental. Hindi madali dahil hanggang ngayon ay masasabi kong hindi pa ako okay.
I'm blaming myself. It wasn't right but it's the truth. Dahil sa'kin kung bakit nawala ang parents ko. Kaya tama lang siguro na magdusa ako hanggang sa nabubuhay ako.
Narinig ko ang katok mula sa pinto ng kuwarto ko. Bumukas iyon sa maliit na awang bago niya ako sinilip.
"Eri... I'm going out. Please take care. Uuwi rin ako agad pagtapos ng trabaho." He smiled weakly.
Kuya Emmett has grown into a strong man. For so long, I knew he was just holding it all together. For me. For Mommy and Daddy.
Ayaw ko nang maging pabigat kaya tumango ako at siniguradong okay lang ako. Para huwag niya na ako alalahanin.
"Huwag mo 'kong isipin, Kuya. Lalabas na lang rin ako para 'di mapag-isa." I showed him my bath towel para alam niyang mag-aayos na ako para umalis rin.
He was a bit hesistant pero sa huli ay tumango na rin. Hindi na namin naisama sa bagong aparment si Kuya Jud at Ate Nilda dahil wala na rin kaming maipapasuweldo sa kanila.
Mula no'n natuto na rin ako mag-isa. Kung paano kumilos ng walang ibang tao kundi ang sarili lang.
Pumasok na ako sa banyo at mabagal na kumilos, hinahayaang gawin ang dapat gawin kahit na hindi alam kung para saan pa.
Maybe I'm doing this for Kuya who's continuously fighting for himself. For me. For us.
"Eri. Do you want to go? I will understand kung ayaw mo... kahit manood lang." Si Leslie.
Kasama ko sila ngayon sa theme park. She was with Keanu and Jackson. After the tragedy, we, as friends became more closer than ever.
Without them, I don't think I will survive alone. Sa mga oras na kinakain ako ng lungkot parati silang nariyan kaya laki ang pasasalamat ko sa mga kaibigan kong 'to.
Sa isang buong taon, palagi silang maingat sa pakikipag-usap sa'kin. Na para bang ticking bomb ako na bigla na lang sasabog at magbi-break down kapag may naalala.
I wanted to thank them, but I'm not as vocal and energetic as before anymore para magpaliwanag ng mga bagay-bagay. Kaya pinaparamdam ko na lang kahit papano.
It is also not my business, but somehow I can sense something between Keanu and Jackson. However, I did not dare to ask.
Hindi nila sa akin sinasabi, siguro para bawas isipin gayong alam nila ang nangyari sa'kin but I just knew.
"Sorry, Leslie. I can't. Kayo na lang muna siguro. I'm okay alone in this bench."
"Are you sure?" Si Leslie na nag-aalangan akong iwan.
Alam kong nakakaburyo na ang trip ko ngayon kaya sigurado akong gusto rin nila mag-ingay ulit at magsaya ng walang isipin.
"Oo naman. Maghanap ka ng makakasama. At kayo, mag-enjoy kayo at huwag niyo akong intindihin." Lumipat ang tingin ko kay Keanu at Jackson na tahimik ring nagkatitigan.
"Alam ko. Hindi niyo na kailangang itago." Ngumiti ako dahil kahit hindi nila aminin, alam kong naintindihan nila ang ibig sabihin ko.
Ngumuso si Keanu at yinakap ako bago mahinhing tumawa. Si Leslie naman ay nakangisi rin habang si Jackson ay namumula ang tainga.
"Kala ko hindi mo napapansin."
"Hindi naman ako gano'n kamanhid no. Sige na!" I shooed them away, quite smiling.
Unti-unti naman silang umalis nang magkakaakbay. Habang pinanunuod silang lumalakad palayo, nawala ulit ang ngiti ko.
I'm still trying to regain my social life. Pero sa ngayon, ayos na muna ako sa maliit na circle of friends ko. Ni hindi ko na rin nakakausap ang mga miyembro ng dance troupe kahit si Coach Roy matapos kong hindi madaluhan ang last competition.
Balita ko hindi nila tinuloy ang performance nang malaman na naaksidente ako. Nahihiya ako na sa gano'ng paraan ay hindi sila nanalo. They visited me in the hospital kahit wala akong maalala at sa pagkakaalala ko, naroon rin sila sa wake ng parents ko.
Still, I cannot face them ngayong tinalikuran ko na rin ang pagsasayaw. Before, I'm pursuing Business Ad with dancing as my passion pero ngayon... tila sinisisi ko na ang sarili ko do'n.
If only I pursued the course my parents want me to take fully, maybe I have spent more time with them. Kaya ngayon, nagsusumikap ako sa eskwelahan kahit na pakiramdam ko'y lagi lang ako lumulutang.
I was taken aback, woken from my own oblivion, when I saw Avery sitting beside me. He was smiling but not much.
"Uh, A-avery... Nandito ka pala? Sino'ng kasama mo?" Luminga linga ako sa paligid.
Tinuro niya sina Tita Ava at Tito Verrick sa malayo. May iilan ring batang kasama.
"Ikaw? Sino'ng kasama mo?" Tahimik akong sumagot, nahihiyang tumingin sa kanya.
"Uh, sina Leslie lang." I clasped my hands.
"Ice cream?" Napalingon ako ng abutan niya ko ng vanilla cone. Tag-isa kami.
"Uh, salamat." Ngumiti ako at sinubukan kainin ang inabot niya. Pilit hinahabol para huwag tumulo.
He chuckled. Agad naman akong namula sa hiya.
"Sorry. Ang cute mo kasi." Napalunok ako.
"Avery."
"Eri."
Sabay naming banggit.
Nahihiya ako. Dahil simula ng aksidente, hindi ko na siya gaanong nakakausap. Ni minsan pa naman ay hindi siya pumalya, palagi niya akong kinakamusta.
Ako lang ang hindi nakakasagot madalas.
"Una ka na." He gave me a gentle smile.
Tumango ako. "Sorry, Avery. Hindi ako gaanong nakakasagot tuwing nagti-text ka. I wasn't very much... present. Madalas wala ako sa sarili. Pasensya kana kun—"
"There's nothing to apologize for. I just wanted to be there for you, Eri. You don't need to explain anything." He patted my head and I was caught off guard.
Hindi alam ang mararamdaman. "You know what? That night, when you we're hopelessly crying, you made it so hard for me to stop myself."
Kumunot ang noo ko. Naalala ko tuloy no'ng pumunta ang pamilya niya sa burol nila Mommy. I was in a wheel chair that time, helplessly crying in front of the two coffins.
Avery was standing behind me, caressing my back. He was quiet that I almost forgot that he was there.
"My heart wept, restraining myself from hugging you. I know how much you love your parents, and I cannot imagine how it is living a life without them. I admire how strong you are, Eri."
Nanghina ako. Avery has been nothing but kind to me.
"If you would let me, I'd like to take care of you." He genuinely smiled, eyes were as gentle as his voice.
Para akong nanigas sa kinauupuan ko. Matapos ang trahedya, hindi na minsang sumagi pa sa isip ko ang parte ng buhay ko na 'to.
Hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin dahil pakiramdam ko, magiging makasarili lang ako kung uunahin ko ang sarili ko. Hindi ko naisip na maaari pa palang maranasan 'to matapos mawala ng mga pinakamamahal ko sa buhay.
"You don't need to answer, Eri. Gusto ko lang malaman mo, handa akong maghintay." I gulped.
Unti-unting tumango bago niya ako tuluyang hinila patayo. Nagpatianod ako at agad namang napaayos nang makitang palapit kami sa magulang niya.
They welcomed me with a hug and enough sensitivity towards the death of my parents. Hindi ako sanay dahil sa lahat ng nakakasalamuha ko tuwing nakikita ako ay iyon na agad ang nagiging bungad.
It felt nice to be treated as normal. An ordinary woman who's getting through life. For the firstime, naramdaman ko ulit kung paano mabuo ang pamilya... sa pamamagitan ng ibang pamilya.
I was living for the life of those that surrounds me. For some reason, even though I wasn't really the "old" Eri, I still get to enjoy what life has to offer.
Hindi na ako muling naghangad pa ng sobra sa kung ano'ng natatamo ko. I learned to be contented. To be in the middle of the shore. Hindi nalulunod, hindi rin lumalangoy.
'Di rin nagtagal, natutunan ko ring masanay kay Avery. I discovered and learned new things with him, we became closer, and maybe I found in him the comfort I yearned for.
I would be a hypocrite if I deny that Archeus never crossed my mind during those times. I did think of him, even though I know that he didn't.
Wala na akong nabalitaan tungkol sa kanya at tinigilan ko na rin ang pagtatanong kay Kuya. I realized that it was all for nothing.
Hindi ko alam kung galit lang ako dahil kahit may trahedyang nangyari sa'min ay hindi siya kailanman nagparamdam.
Pinagsawalang bahala ko iyon at natuto na lang sumunod sa agos ng mundo. Pinilit kong tapusin lahat ng sinimulan ko noon, lahat ng bilin at pangarap nina Mommy para sa'kin, sa amin ni Kuya.
Lahat ng 'yon ay pinagsumikapan ko. Hanggang sa maka-graduate ako. I thought I won't be able to do it but I did—with the help of Kuya, my friends, and Avery...
They became my source of strength. Kung hindi sa kanila ay hindi ko kakayanin.
Kaya naman pagkatapos ko sa kolehiyo ay sinagot ko na si Avery. He waited long enough, and even though I wasn't still sure of myself, at least he is.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top