Chapter 22
Masaya akong naglalakad patungo sa bahay nina Archeus. Kuya Jud had me accompanied pero hindi na siya sumama sa loob.
Bukas naman na kasi ang gate, at kahit na walang sumalubong sa'kin, pumasok na ako dahil kilala naman kami ng mga tao rito.
Kahapon, hindi na nakasagot si Archeus, marahil ay busy nga dahil graduate na sila ni Kuya.
I was striding cheerfully, until I saw an unfamiliar housemaid, malawak ang ngiti ko habang hawak ang box na regalo ko kay Archeus. I even wrapped it with a felt paper with letter on the inside.
I don't think I can confess everything in front of him, kaya ang iba ay dinaan na lang sa sulat.
"Hello po, Ate! Si Archeus po? Wala po ang mga kotse nila sa labas?" Malawak ang ngiti ko nang maharap ang isa sa mga katiwala nila.
Puno ng pagtataka ang mukha niya.
"Hello, Ma'am! Ano po? Si Sir Archeus po ba?" Tumango ako at unti-unti nang nawala ang ngiti sa labi dahil pakiramdam ko may mali.
Sumilip ako sa kanilang sala, ang mga gamit ay halos nakaligpit na at mukhang pinatutulungan linisin ng iba pang mga katiwala. Asan na kaya sina Ate Thelma?
"E, wala na po, Ma'am. Kahapon lang. Umalis na pa U.S. Sumunod kanila Ma'am Arina at Sir Chester. Hindi po ba nasabi sa inyo?" Napakamot siya sa ulo bago tinuloy ang pagwawalis sa hardin.
"P-po? Pa U.S.? Sa ibang bansa?" Para akong nalagutan ng hininga. Paano? Kahapon? E, kakausap ko lang sakanya? At anong U.S.? Bakit naman sila biglaang aalis? Hindi man lang nagsasabi?
"Opo. Biglaan nga po, e. Bago lang po kami rito kaya hindi rin nasabihan agad."
"N-nagsabi po ba kung kailan babalik?" Napalunok ako. Seryoso ba 'to? Hindi ako makapaniwala.
"Hindi nga rin po, e. Basta na lang daw kinailangan umalis. Akala ko nga po magpapaiwan si Sir Archeus pero hindi po namin alam, bigla na lang rin nagpaalam kahapon."
"G-gano'n po ba? May binilin po ba siya bago umalis?"
Para akong nalagutan ng hininga. Nangingilid ang luha sa mga mata ko. Paanong hindi man lang siya nagsabi? Kahit kay Kuya man lang kung wala lang pala talaga ako para sakanya?
"Wala naman po. Bakit? Girlfriend niya po ba kayo?" Hilaw akong ngumiti at umiling.
"H-hindi po."
"May numero po ba kayo? Baka pwede ko po kayong sabihan kung may update na." Tumango ako at binigay ang numero ko.
Nagpaalam na ako para hindi makaistorbo sa gawain ng mga katiwala. Nanghihinang bumalik sa kotse habang bitbit ang regalo.
Pagkauwi ay agad ko namang pinuntahan ang messenger ko para sana i-message si Archeus.
Kaya lang, hindi ko na mahanap ang account niya. I even searched it on Facebook. Same result, though. Pati na rin ang numero sa cellphone ay hindi ko ma-contact.
Dali-dali akong pumunta sa kwarto ni Kuya para tanungin siya pero hindi niya rin alam ang tungkol dito. Nagulat siya ngunit hindi gaya ng pagkagulat ko.
Ang sabi niya lang ay baka do'n na maghahanap ng trabaho si Archeus, kasama ang buong pamilya niya. Ni hindi man lang nagtampo sa sariling kaibigan?
"Eri. It's just normal for us na hindi mag update-an sa isa't isa. Lilitaw rin 'yon. Bakit ba aligaga ka?"
Halos mapanganga ako sa sagot niya. Bakit nga ba ako lang ang natataranta? Even sila Mommy ay hindi nabahala, kahit na kataka-taka rin kung bakit biglaan silang umalis.
"Well... Maybe they are planning it beforehand pa, hindi lang nakapagsabi. Wala naman problema kung nag vacation, 'di ba?"
Iyon na lang ang kinakapitan ko bago tuluyang mawalan ng pag-asa. Magbabakasyon lang pala, e, bakit kailangan pa mag deactivate ng account? O baka naman bl-in-ock ako sa messenger? Pero bakit naman?
I asked Kuya kung visible pa ang Facebook ni Archeus sa feed niya, at oo raw pero hindi nagrereply sa messenger.
Meaning, blocked nga ako? Pero bakit? May nagawa ba ako? Did I scare him away? Sa ano'ng dahilan?!
Hindi ko mapigilang sumama ang loob. Pati ang numero ko ay blocked rin dahil hindi ko na siya matawagan kahit ilang beses kong i-call.
Mahirap bang magpaalam? Hindi naman ata aabutin ng araw kung magsasabi, 'di ba? Unless may iba siyang dahilan kung bakit umalis na lang bigla?
Na-seen pa niya ang huling message ko pero ni hindi siya sumagot! Sana ay sinabi na lang niya na ayaw niya akong makita!
Mabilis kumalat ang pait sa sistema ko. Hindi ko alam pero tila may nagbara sa lalamunan ko. Na baka nga laro lang 'to para sakanya. Isa lang ako sa mga nakolekta niya.
Kahit na gano'n na ang nararamdaman ko, I still gave him the benefit of the doubt. Hinintay kong bumalik ang pangalan niya sa messenger ko pero ilang linggo na ang lumilipas ay gano'n pa rin.
I never told anyone about him, or at least my feelings for him. Kaya nagtataka rin sina Mommy sa asta ko nitong mga nakaraang araw.
Panay ang tingin sa'kin ni Mommy tuwing napag-uusapan sa hapag ang pamilya nila Archeus. Narinig kong pati siya ay nag message na kay Tita Arina ngunit wala ring respond na natanggap.
They are not making a big deal out of it kasi normal nga namang lumalabas sila ng bansa once in a while pero ngayon kasi, biglaan. Tapos hindi pa nagpo-post ng mga litrato sa social media.
Dati pa namang Facebook active-user si Tita Arina kaya hindi ako sanay. I'm still not convinced na nagbakasyon lang sila. Dahil buwan na ang lumipas, hindi pa rin sila umuuwi at hindi ko pa rin ma-contact si Archeus.
Palagi akong nagtatanong kay Kuya kung nakakausap niya ba 'to pero hindi raw. Busy na rin si Kuya sa business namin at nakakahiya ring mangulit parati.
He didn't know that I fell for his best friend, and I have no plans of telling him. Not when it's like this. Wala rin namang kasiguraduhan dahil hindi ko rin naman alam ang nararamdaman ni Archeus sa'kin.
Magiging worth it ba kung aamin ako? May mangyayari ba? Baka masira pa sila kung malaman ni Kuya na ganito ang nangyari at ayaw kong mangyari iyon.
Kaya kong itago mag-isa dahil dumaan na ang ilang buwan, nagawa ko namang umakto ng normal. Kahit na palagay kong ramdam ni Mommy dahil tuwing nababanggit ko si Archeus ay lumalalim ang tingin niya sa'kin.
Wala lang akong guts umamin dahil kung noon ay determinado akong maging totoo, ngayon hindi na. Para saan pa?
I was in my room's balcony when Mommy approached me. Hindi ko napansin na pumasok pala siya ro'n sa pinto.
Nadama ko na lang ang marahan niyang pagsuklay sa buhok ko gamit ang aking hairbrush.
"How are you, darling?" Napalingon ako sa pagkabanayad ng kanyang boses.
"I'm okay, Mommy. Just tired." I assured her as I smiled weakly.
"You don't seem yourself these days. What's bothering you?" Iginiya niya ako papunta sa vanity mirror ko at pinaupo kung saan niya ako hilig suklayan.
I looked at her through the mirror. "Nothing. Sa school lang po siguro." She knew that I was lying. Kahit pa magpalusot ako.
She didn't force me to talk though, I guess seeing the luxury men perfume and the letter over my vanity mirror was enough for her to know.
"Do you like him?" Tumaas ang kilay ni Mommy at alam ko na agad na nang-aasar siya.
"N-no." I glanced the other way.
"Bakit no agad? Wala pa ngang pangalan. Sino ang nasa isip mo?" Nakangiti na siya ngayon at kahit na may konting pait pa rin sa puso ko nagawa kong tumawa.
"I know who you are pertaining to, Mommy. You don't have to play riddles with me." Umirap ako ng pabiro saka niya ako niyakap mula likod.
"I don't know what's going on with you two. But you know, Archeus may be difficult. Maybe he has his reasons. I'm not siding with him, though. I just want to balance the situation. I trust that you know what's best for you. Gusto ko lang masaya ka, and for months, I know that you are not. Maiksi lang ang buhay, Anak. I want you to cherish your time kaysa malungkot ka lagi sa kwarto mo. Lumabas labas ka na ulit. Magsasayaw ka kung gusto mo. We won't stop you anymore kahit gabihin ka pa!" Sumilay ang ngiti sa labi ni Mommy.
Agad napawi no'n ang bigat ng puso ko. She's right! I am so young, and time is still running! Hindi dapat huminto ang mundo ko dahil lang sa umalis si Archeus.
I could've achieved another trophy kung hindi lang ako umuuwi agad para i-check ang bahay nila at kung may sulat bang dadating sa aming bahay o kahit sa messenger man lang mula sa kanya. Halos hindi na ko kilala ng bagong miyembro ng dance troupe dahil tuwing practice ay naglalaho ako bigla, sana pala ay inubos ko na lang ang oras ko do'n!
"No one knows that I like him, Mommy. Ikaw lang. Kahit siya ay hindi niya alam." She stopped brushing my hair. I turned to her.
"Hindi mo sinabi?" May tunog pagtataka ang boses niya.
Tahimik akong umiling.
"And you want it that way?"
"I think so. Yes. He blocked me. Maybe he realized something... I don't know. Baka wala lang talaga para sa kanya. Ayaw ko na ring malaman ni Kuya dahil baka magkalamat pa ang pagkakaibigan nila."
Tumango siya ng mabagal. "I like him. Archeus. Pasaway na bata pero mabait naman. Hindi lang nakikita ng parents madalas. He's sweet and respectful. Playful nga lang din." Tumawa si Mommy.
I don't know her point but she kept on talking and I listened. "Nasubaybayan ko 'yun. Silang dalawa ni Emmett. I like him, but if he's making you sad, then I don't. I just want you to know that, okay? Piliin mo lagi ang nagpapasaya sa'yo at tama para sa'yo."
"I don't think it's intentional, Mommy. Gaya ng sabi mo, baka may dahilan. Hindi ko lang maintindihan. Maybe I'll get over it soon. At tama ka po, kailangan kong lumabas na at hindi magmukmok. I'm sorry... And thank you, too, Mommy. Kilalang kilala mo talaga ako." I hugged her waist and I immediately felt the warmth of a perfect mother.
"Dalaga ka na nga. Lovelife na ang pinoproblema mo ngayon. I would love to tell Emerson about it, if you would allow me kasi—" I cut her off.
"Hindi na, Mommy. I don't think there's a need to. I'll soon forget about this. Hindi pa naman malalim ang pagkagusto na 'to. Baka... mababaw lang."
Hilaw ang pagtawa ko, pilit kinukumbinsi ang sarili na baka infatuation nga lang at mabilis rin akong makakalimot.
I would be a hypocrite kung sasabihin kong hindi ako nahirapan sa estadong gano'n. Palagi akong naghihintay ng update mula sa katiwala nila, paminsan rin akong humahagilap ng balita kay Kuya pero wala pa rin kahit konting impormasyon!
Little by little, I am starting to believe that I was only deceived by the devil, and the real horror is that I was ghosted.
Sinikap kong kalimutan si Archeus sa pamamagitan ng pagsama kanila Leslie at Keanu. Si Jackson ay nadadalas rin naming kasama pati na rin si Avery tuwing nag-aaya siya. Kahit na umamin siya sa'kin, masasabi kong hindi ako ilang dahil mabuti naman siyang kaibigan. And lately, I could use a friend.
For all the times I have waited, natanto ko ring kasabay na no'n ang unti-unting pagbalik ng sigla ko. Nalulungkot pa rin paminsan dahil hindi ko maintindihan ano nga ba ang rason bakit bigla na lang akong 'di pinansin.
But Mommy is right. I should not be stuck in a room, crying over him. Umaasa pa rin kasi ako ng update mula sa kanya o kahit sa kanilang katiwala na lang kung hindi talaga kaya pero wala.
It seems like he doesn't care anymore, or worst, he doesn't care at all. Pakiramdam ko nauto ako. Nadala sa charisma ni Archeus na noon kong kinaiinisan.
It felt like I was banged in the head. Akala ko nasa pedestal ako, nahulog lang pala ako sa patibong niya.
Kaya, muli akong nanumbalik sa pagsasayaw. I even got into another competition kung saan pasok na kami sa championship kasama ang mga bagong miyembro ng dance troupe.
I was so pumped up because we're on our way to my final competition outside Manila. Kasama ko si Mommy and Daddy. Kahit na may pasok sila dapat ay nag leave talaga sila para lang suportahan ako.
Plus, this is considered as a trip na rin since I have been stuck at home for months. They wanted to make sure that I am okay and that I will be supported with my passion.
"Thank you, Daddy and Mommy!" I kissed both of their cheeks habang nasa backseat ako ng aming kotse.
Kuya Jud were on vacation kaya si Daddy ang nagda-drive, si Kuya Emmett naman ay naiwan dahil seryoso na siya sa buhay. He's so focused with his career, and even though naninibago ako do'n, I admire him for that!
"All for you, our Eri." Sumilay ang ngiti sa labi ni Daddy habang nakatingin sa daan.
Masaya kaming nagkukwentuhan habang nasa biyahe. Hindi mawaglit sa labi ko ang ngiti gaya ng nasa labi rin ng dalawang magulang ko.
I can't even remember the last time we were this open since they were always busy at work. At kung hindi naman gabi ang uwi ko galing school, lagi akong nasa dance studio.
Ngayon, tila banayad ang lahat. Sumasabay ang usapan sa ihip ng hanging nagmumula sa bukas na bintana.
"Naalala mo ba no'ng bata ka? Sa likot mo, hindi pa talaga sumapat ang daliri mo sa electric fan at pati na ang buhok mo, muntik nang higupin ng elesi kung hindi lang nakita ng Mommy mo. Noon pa man ay makulit ka na talaga kaya makakabahala na malungkot ka nitong mga nakaraang araw.." Ani Daddy.
Hinawi ko ang buhok kong umaalpas sa aking mukha. Bahagyang natawa. "I was so young, Daddy! Siyempre at hindi ko alam na masasaktan pala ako do'n kaya ginagawa ko."
"I know... Kaya ngayong malaki ka na, okay na ako dahil alam kong hindi ka na gagawa ng bagay na alam mong makakasakit sa'yo." Nagtama ang mata namin ni Daddy sa rear mirror.
Nakangiti siya at may marahang dumamping init sa aking puso. Marahil ay kaginhawaan.
"Basta nandiyan kayo ni Mommy... okay ako." Kinindatan ko si Daddy sanhi ng pagtawa ni Mommy.
Simula pa noon, malapit na ako sa dalawa kahit na madalas silang hindi makadalo sa importanteng kaganapan sa buhay ko.
Hindi ako nagtanim ng sama ng loob dahil naiintindihan kong binubuhay nila kami ni Kuya at kalakip no'n ang 'di namin pagkita sakanila ng madalas dahil sa trabaho.
But lately, they were always present and I thank God for that. As a family, we were given a time to reminisce and appreciate each other, to celebrate each victory, to grieve each defeat, and to memorize each one of those moments, whether they are good or bad.
Because it was all glimmer and life when suddenly, the faint echoes of our laughter during the ride had disappeared.
Ang kaninang tawanan ay napalitan ng matining na sigaw at sunod-sunod na busina.
Huli na nang matanto ko ang nangyari. Nagdilim na ang paningin ko at ang huling imaheng nakita ko ay ang duguang katawan ng mga magulang ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top