Chapter 21

"Ano ba?" Gusto ko sanang isigaw ngunit napangunahan na ako ng pag-iyak.

Pinalis ko agad ang mga 'yon para 'di niya makita pero huli na dahil nakaluhod na siya sa harapan ko, pilit pinatitingala sa kanya.

Pinipigilan kong humikbi dahil ayaw ko ipakita sa kanya ang kababawan ko. Para sa kanya walang namang dahilan kung bakit dapat akong maiyak! Mayroon para sa'kin pero hindi ko yata masasabi!

Hinawi ko ang kamay niyang inaabot ang baba ko para igiya sa kanya. Nagtaka siya pero tuloy kong pinunasan ang mata ko gamit ang likod ng kamay.

Hindi ako makapaniwalang umiiyak ako ngayon sa harapan niya. I've always been tough around him. Matapang. Magagalitin. Nakasigaw. Iritado. Hindi papatalo.

Ngayon, malayong malayo ako do'n. Gusto ko sana siyang sigawan sa bagay na wala naman siyang kinalaman. Pero hindi. Ayoko ng pakiramdam na 'to dahil hindi tama na ibato sa kanya ang galit.

Umiikot ang tiyan ko sa mga bagay na naisip ko. Hindi ko man aminin, my insecurities are creeping in. Alam ko 'yon dahil nararamdaman ko nanaman ang pagbaligtad ng kung ano sa tiyan ko.

Noong nakaraan dahil sa takot. Ngayon sa selos.

Wala na. Isip ko na mismo ang bumigay. Sige, sabihin na nating nagseselos nga ako kay Nancy, pero hindi dahil lagi siyang nakadikit kay Archeus kundi dahil mas lamang siya sa'kin sa lahat ng aspeto.

My mind is betraying me. Sa ibang pagkakataon, wala naman akong pakialam sa ganito. Hindi ko alam. It's just that... when it comes to Archeus, I don't want to appear less. I wanted to be a woman, not just a girl, not just a lady.

"Why are you crying?" Seryoso na ngayon ang boses niya. Even his eyes are no longer amused, it was back on his cold stare instead.

"Wala." Tumawa ako kahit halatang peke iyon. Pumiyok pa ako, hindi ko tuloy matago ang pagsisinungaling.

"Bakit nga?" Tumaas ang isang kilay niya.

"Wala sabi." Ngumiti ako ng tipid.

Sinubukang tignan ang mata niya ngunit hindi ko natagalan. Bumaba tuloy ang tingin ko sa puwesto niya, his left knee was on the ground, hindi siya gaanong kumportable dahil nga sa mga pasa niyang hindi pa magaling.

"Tumayo ka na diyan. Hindi ka pa magaling." Patayo na sana ako pero hinila niya ako pabalik sa puwesto.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." Napakurap ako ng ilang beses. Bumukas ang labi pero hindi tuluyang makapagsalita.

He licked his bottom lip when he realized that it was difficult for me to say it. Yumuko ako dahil hindi ko talaga kayang aminin.

It is not Archeus' job to clear what's running on my mind. It is not his job to fix what bothers me. Because in the first place, hindi naman kami. Hindi ko nga alam kung ano ba kami. We don't even have a name for whatever we have right now.

Naisip ko bigla si Avery. Sinabi niyang gusto niya ako. Si Archeus hindi. He may said some things but that doesn't mean he likes me. Hanggang ngayon kasi duda pa rin ako na posibleng magustuhan nga niya ko.

Malayong malayo ako sa mga tipo niya. Ano nga bang mayroon ako na maaring wala sa mga gusto niya? Siyempre wala.

Iniisip ko pa lang nasasaktan na ako kaya hindi ko alam kung bakit hinintay ko pang umabot sa puntong ganito.

It was so easy back then. Ang mga nakasanayan ko. Ang mga gusto ko. Ang nararamdaman ko.

I was so sure of things and yet here I am. Nasa gitna. Nakalutang. Walang ideya. Walang alam.

Gusto ko nang tapusin. Gusto kong mabigyan ng sagot dahil hindi ako sanay sa ganito. Question is, will I gain something from being honest? Yes. Always.

'Di bale na kung hindi ko magustuhan ang maririnig. 'Di bale na kung mapahiya. At least, in that way I wouldn't be so frustrated.

"May tanong ako." My voice did not waver, pero hindi iyon sapat para sabihing hindi ako kinakabahan.

Kumunot ang noo niya. "Huwag mo daanin sa tanong ang tanong ko." Lumunok ako.

Ilang sandali pa ay mahina siyang nagsalita. "Did I make you cry?"

My chest tightened, as if the air has become solid, blocking me from having a normal breathing system.

Suddenly, he looked more frustrated than I am. Yumuko siya saka nag-iwas ng tingin sa akin. I even saw how he grazed his tongue inside the wall of his left cheek.

Hindi ko na alam kung saan ibabato ang tingin ko kaya minabuti kong makiramdam na lang nang mahanap niya ulit ang mga mata ko.

"I'm sorry. Okay? Come here."

No. I keep telling myself that it was not his fault. It was me. But somehow, I felt comfort that he's taking responsibility for it. I like that he's apologizing for it. I like that he's consoling me.

I didn't say that I was jealous, but it seem like he knows despite the absence of words.

Kaya hindi ko napigilan at tumulo ulit ang luha sa mata ko. Hindi ako lumapit sa kanya kaya siya na mismo ang humila sa akin patayo bago ako ibalot sa mga bising niya.

I buried my face on his chest, inhaling my favorite scent.

"What's your question again?" Bulong niya.

I didn't say a word. Tila naglaho agad lahat ng nasa isip ko. Then it hit me. I don't want to ask him. I don't want him to say anything.

I'm not ready for answers. Gusto ko ganito lang kami. Walang magbabago. Ngayon at sa mga susunod pang araw.

Time escalated too quickly. It was the day before Kuya's graduation when my parents asked us to be in our garage.

Gabi na at patay pa ang mga ilaw do'n kaya't laking gulat namin nang bumukas iyon. There, a brand new car was parked. Smooth and shiny.

"Surprise! Congrats on your graduation!" Mommy and Daddy both shouted.

Nanlalaki ang mata ni Kuya dahil pangarap niya iyon. Agad niyang nasalo ang susing binato ni Daddy sakanya.

"Damn! New baby!" Humagikgik ako sa tawa dahil parang bumalik siya sa pagkabata.

"You earned it!" Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Mommy habang niyayakap si Daddy.

"Dahil diyan, ang dating sasakyan mo, kay Eri na!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Daddy.

"Sure!" Mabilis na binato sa'kin ni Kuya ang dating susi niya bago sumakay sa bagong kotse niya. Napatili ako.

"Kuya!" Tumawa lang siya pati ang parents ko kaya napagaya na rin ako. "Kainis! Pero thank you!"

Hindi pa ako marunong mag drive kaya't ayos na mapag practice-an ko muna ang lumang kotse ni Kuya hanggang sa matuto na ako.

I smiled widely when I saw how Kuya hugged our parents. He was saying 'thank you' so cheerfully, I cringed as I roll my eyes. Natangay nang hinila ako para isali rin sa yakapan nilang tatlo.

"Stop hugging so hard, Kuya!" Tumatawa si Mommy, si Daddy naman ay lalong hinigpitan ang yakap sa aming tatlo.

Then I realized, having my family beside me is the best gift I've ever had. I will always remember this picture of us, even when I get old.

Mabilis dumating ang bukas. Hapon na nang matapos ang ceremony ng graduation nila Kuya. It was neat and solemn. Inaabangan ko pa na maiyak ang parents ko ngunit masaya lang sila para kay Kuya.

"Congrats, old man." I winked as I gave Kuya Emmett the watch I bought for him last month. Actually, it was for his birthday. Pero dahil graduation niya naman inabot ko na.

"Thanks, little one." Ginulo niya ang buhok ko pero mabilis kong tinampal ang kamay niya dahil nakitang kong palapit sa amin si Archeus.

He looked dashing on his black toga. Akala ko talaga hindi siya makakapagsuot no'n dahil sa kapilyuhan. Anyway, it suits him well. Bihira lang siyang magmukhang matino, isa ito sa panahong 'yon.

Ngumisi siya ng makita akong titig na titig sa kanya kaya nataranta ako. Umiwas ng tingin at nagmadaling mag-ayos ng buhok. Inunat ko na rin ang suot kong overlap dress na kulay sage green.

"Archeus! You're so handsome! Congratulations! Where are your parents?" Bungad ni Mommy pagkalapit nito sa amin.

"Thanks, Tita. Mom is with Arkin today, while Dad is at work." Tumango si Mommy.

He then shook hands with Kuya Emmett and tapped his shoulders. "Congrats, Em."

"Congrats din! After party mamaya?" Tumaas ang kilay ni Kuya.

"Pass." Ngisi niya habang umiiling, sabay lipat ng mata sa'kin. Namula yata ang pisngi ko.

"Really? You have plans?" Ani Kuya.

Naputol tuloy ang tingin niya sa'kin. "Yup. Just family thing."

"Alright! Just call me when you're free." Nagyakapan silang dalawa ngunit muling bumalik ang tingin sa'kin ni Archeus.

Naabala na si Kuya sa iba pa niyang kaibigan, habang sina Mommy naman ay p-in-ipicturan ang bawat nakakausap ni Kuya.

Naiwan ako at si Archeus. Hindi ko alam ngunit sa pagkakataong ito, hindi ko alam ang sasabihin ko. I always know how to act beside him. Either tatalakan ko o aasarin pero ngayon hindi ko na magawa.

Napalunok ako. Trying my best to be "that" Eri.

Ngumuso ako at hilaw na ngumiti. "Congrats? Finally, graduate na?"

Nanliit ang mata niya, portraying an offended look pero nagpipigil tumawa.

"Wala ka talagang bilib sa'kin?" Naglalaro ang ngisi sa labi niya.

Mabilis akong umiling. "Hindi sa gano'n!"

"Babati ka na nga lang, iinsultuhin mo pa ako. Asan na ang regalo ko?" Tumaas ang kilay niya.

Huh? Bakit niya ako hinahanapan? Hindi naman required pero medyo nahiya ako na wala nga akong maaabot sakanya gayong nakita niyang may binigay ako kay Kuya!

"U-uh, hindi kasi ako nakapaghanda saka—" Tumawa siya saka ako hinigit para mayakap.

Nanlaki ang mata ko pero kusa ring napatianod. "I think this will do, Eri." Bulong niya.

Agad sumalubong sa'kin ang pamilyar niyang amoy. Hindi ko mapigilang tumingala para tignan siya.

Our eyes met. I see something in it that I couldn't explain. Sobra rin ang tibok ng puso ko. Palagay ko, hulog na nga talaga ko.

"Sorry, I wasn't able to buy you one. I will give this to you instead. Ibalik mo na lang kapag nakabili na ako ng regalo mo." Mahina kong sinabi, bago kumalas sa bisig niya.

I unclipped a small silver barrette from my hair. Tuluyan tuloy bumagsak ang buhok ko mula sa pagkakasinop nito sa gilid. His eyes were in slightly in awe, ngunit mababakas pa rin ang multo ng ngiti sa labi.

"Nagbibiro lang ako. You don't have to give me something." Aniya habang nakaawang ang labi.

Hinawi ko ang buhok ko bago kunin ang kamay niya. Saka pinatong sa palad niya ang barrette. It's one of my favorites, a gift from Mommy, but I'm lending it to him hanggang sa hindi ko pa naaabot ang regalong para sakanya.

"This has a sentimental value. Sorry, iyan lang ang maaabot ko sa ngayon." Ngumuso ako at napatingin sa baba. Nahihiya dahil ano naman ang gagawin niya doon?

Unti-unti siyang ngumiti. "Thank you. I like things that are personal. Especially when it's from you." Saka inalis ang toga cap niyang pinahawak sa akin.

"Tignan mo... Bagay nga, e." Halos humagalpak ako sa tawa nang isuot niya 'yon. His perfectly gelled hair were parted in a cute weird way, making it disheveled.

"Hindi kasi diyan!" Binalik ko sa kanya ulit ang toga cap, at ako na mismo ang nag-ayos sa buhok niya.

"Ayan. Gwapo, ah? Tingin nga?" Tumawa na rin ako dahil mukha siyang Shih Tzu sa ginawa ko.

"Looks like you two are getting along. Himala! Sige, isang picture nga!"

Nagulat ako sa pagdating ni Mommy at Daddy. They are both smiling, and although, I'm a bit caught off guard, hindi ko na rin napigilang sumunod lalo na nang hinila ako ni Archeus, inakbayan bago bumulong.

"Ayaw ko sanang magpakuha ng nakaganito pero sige. Basta sa'kin ang kopya."

"Okay... 1, 2, 3... Smile!" Kasabay ng flash ng Instax camera ay ang pagpula ng mga pisngi ko.

Inabot ni Mommy ang film sa'kin matapos ipagpag. Pero bago ko pa makita ng buo, inagaw na ni Archeus 'yon at binulsa.

"Mine." Kumindat siya at tuluyan nang hinatak ng ibang kaibigan.

Hindi ko na alam bakit pagdating kay Archeus, laging iba ang takbo ng kaba sa dibdib ko. I wanted to protest, but who am I kidding? I am slowly giving in.

Kaya sa mga nagdaang araw, it became more clearer to me. Today is just the confirmation.

I am falling for Archeus, and it's making me feel sick in the head. All this time, I am attracted to him, natatakpan lang ng pagdi-deny dahil ayaw ko sa reputasyon niya bilang basagulero, babaero, at sakit sa ulo.

But knowing him... deeply, made me realize that there is so much more than we see on the surface. He's a good friend. A good brother. A good person. He may be a pain in the ass sometimes, but aren't we all?

His parents, especially Tito Chester, may think ill of him but not me. At gaya ng lagi kong sinasabi, malamang may rason kung bakit malayo ang loob niya rito, at narito ako, hindi para manghusga kundi para intindihin iyon.

I don't even know what's the real score between us. He might be just the usual Archeus, the happy-go-lucky one. 'Yung lahat katuwaan lang sakanya. Walang sineseryoso.

Pero maaari ring hindi. Based on our recent interaction, ganoon pa rin ba kung nakababatang kapatid lang ang tingin sa'kin? Malabo. Naghalikan na nga kami, e? Posible kayang ramdam niya nang hulog ako sakanya kaya naging gano'n na ang pakitungo niya?

Tila humapdi ang puso ko sa huling naisip. I don't want it that way pero hindi ko mapigilang mag-isip. Paano kung ganoon nga?

Ngunit sa kabila noon, gusto kong sumugal. Wala na akong pakialam kung masaktan.

I may be young, maybe I still don't know how to love, but surely, being honest about my feelings even if I will not be as liked is already a step towards knowing love. After all, it's my honesty that will matter.

Lumipas ang ilang araw, I am still determined in confessing to Archeus. Kaso sa loob yata ng dalawang linggo ay hindi kami nagkita.

I'm not sure if Kuya Emmett is seeing him, I bet they don't, since bihirang nalabas si Kuya sa bahay nitong araw. At kung lalabas man, it is to run some home errands not to bond with his friends.

So I messaged him instead.

Eanthie Ria Hulleza:
Bakit 'di ka na pumupunta sa bahay?

My message was delivered right away. Ngunit hindi s-in-iseen! Wow ha!

Eanthie Ria Hulleza:
Naka-graduate ka lang, ang yabang mo na!

It was supposed to be a joke ngunit hindi ko nalagayan ng emoji kaya magta-type sana ako ng capslock na tawa when I saw him typing something.

I was waiting for like 2 minutes. Ang tagal naman mag reply nito?!

Eanthie Ria Hulleza:
Ang bagal mo sumagot. Buti pa ang iba, mabilis.

Gusto ko lang siyang inisin para magreply pero hindi na dumating ang tinitipa niya. Ano kayang problema no'n?

Ilang sandali pa, tumunog ang notification ko.

Archeus Melgajero:
Just fixing some things. You can message that Avery if you want.

Huh? Avery? Bakit naman siya nadamay? Napakunot ang noo ko pero sumilay naman ang ngiti sa labi.

Nagseselos ba siya? Umamin nga pala si Avery sa'kin, at ngayong naalala ko na gano'n nga, I don't want him to give false hope kaya kakausapin ko na rin siya sa susunod na araw.

Eanthie Ria Hulleza:
Bakit? E, ikaw nga ang gusto kong kausap.

He only seen my message, wala yatang balak magreply kaya dinugtungan ko.

Eanthie Ria Hulleza:
Punta ako sa inyo, may bibigay lang ako so I can have my barrette back. :)

I already bought him a gift! Dumating sa bahay ang package no'ng isang araw. It's a luxury men perfume, one that reminds me of his scent. Sandalwood.

Hindi ko alam kung 'yun ba ang gamit niya, pero kabisado ko kasi ang amoy niya kaya iyon ang naisip kong ibigay sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top