Chapter 20
I wasn't in the right mind to run outside our subdivision with only my pajamas on. Wala akong panloob kaya't mabilis kumapit ang lamig sa balat ko gayong manipis lang ang seda ng pantulog ko.
I was running aggressively. Umaasang maaabutan ang pagpapatakbo ng kotse ni Kuya. Ni hindi ko na nalingon ang pagtawag sa'kin nila Mommy. Para bang nahanginan ang utak ko at hindi ko na naisipang may kotse pa sa bahay at naroon din si Kuya Jud kung gusto ko mang sumunod kay Kuya.
My breath is hitching. Pakiramdam ko ay hihikain ako sa ginawa ko pero walang wala ito kumpara sa nangyayari kay Archeus ngayon. Hindi malinaw ang sinabi ni Kuya pero sigurado akong naaksidente siya at kritikal ang lagay niya ngayon.
My tears are continuously falling. I looked so helpless. Sobrang dilim pa rin sa labas kaya walang nakakakita sa akin. Huminto ako para sana bumalik na sa bahay para magpahatid kay Kuya Jud pero siya na mismo ang sumundo sa'kin.
Hindi ko alam paano siya napadpad dito dahil hindi pa naman siya gising kanina no'ng nasa baba kaming apat.
Inabutan niya ako ng itim na jacket at tsinelas. Doon ko lang din napagtanto na hindi pala ako nakapag suot no'n sa pagmamadali.
Napangiwi ako sa hapdi dahil ngayon ko lang rin nakitang dumudugo na pala ang talampakan ko sa mga naapakan kong bato.
Hindi ko na ininda 'yon. Sa halip, nagmadali akong makasakay sa kotse. Sa oras na 'to, wala ng mas importante pa bukod sa pagpunta ko kay Archeus.
Umaalon ang paningin ko habang naghihintay. Kahit napakabilis na nang pagtakbo ng kotse, medyo nababagalan pa rin ako. T-in-ext na ni Kuya Jud si Kuya Emmett kaya nalaman namin ang address ng ospital.
Pagkahinto na pagkahinto ng kotse ay lumabas na ako agad at dumiretso sa emergency room kung nasaan si Archeus. Agresibo akong lumapit, nagbabakasakaling mapapasok o kahit silip man lang.
"Ma'am! Off limits po tayo sa ER! Hanggang dito lang po kayo!" Nasigawan ako ng nurse dahil labag sa kanilang protocols ang ginawa ko.
Masisisi ba nila ako? Hindi na ako makapag-isip ng tama. Basta ang gusto ko na lang ay malaman ang lagay ni Archeus.
"Titignan ko lang po! Sandali lang!" Sigaw ko pabalik ngunit nabigo ako.
Nilapitan ako ni Tita Arina. I immediately hugged her because I feel like she needs it badly. Tito Chester is also here, but I don't think I can greet him in his state. He looks like he's about to burst. Galit ang mga mata, gaya ng sa anak niya.
Napatingin ako sa paligid. May long silver chair do'n kung saan puwedeng paghintayan ng mga relatives ng pasyente. I saw Arkin, sitting anxiously. Tila nagkulay papel na sa putla.
Lalapitan ko sana siya ngunit nauna na si Kuya. Tinapik niya ito sa balikat at kinausap ng tahimik.
I don't know what to say. I don't even know how to respond on this kind of situation. Pakiramdam ko nananaginip ako dahil hindi pa rin ako naniniwalang naaksidente nga si Archeus.
Na sa isang iglap lang, maaaring mawala ka na kasabay ng pagguho ng mundo ng mga taong nagmamahal sa'yo.
At hindi pa. Hindi pa ako handang pagsakluban ng langit at lupa kaya nagdasal ako. Naupo ako sa tagong parte ng hospital, malayo sa nag-aalalang pamilya ni Archeus.
Tila nawala lahat ng ingay sa paligid. Tanging tibok ng puso ko at paghinga na lang ang naririnig ko. Sa 'di malamang dahilan, bigla akong kumalma.
Pumikit ako. Hindi man ako paladasal, naniniwala akong maririnig Niya kung ano man ang sasabihin ko.
And to my surprise, wala pang dalawang oras, lumabas na ang doktor mula sa pinto na kaninang kinakalampag ko. He asked for Archeus' parents and talked to them.
Hindi ako nakagalaw agad sa puwesto ko kaya't pinapanuod ko lang silang mag-usap mula sa malayo. Pigil ang paghinga ko hangga't wala pa akong reaksyong nakukuha sa mukha ni Tita Arina at Tito Chester.
Halos manghina ang tuhod ko nang makitang tumango tango si Tita Arina, nagpapasalamat sa doktor. Relief was plastered on her face, gano'n din kay Tito Chester kahit na kunot pa rin ang noo.
Napapapikit ako at do'n lang halos ako nakahinga.
Thank God. He listened to me. He heard me.
Sa eksklusibong kuwarto na inilipat si Archeus. Umaga na at wala pa ring nakakatulog sa amin maliban kay Tita Arina na dala na rin siguro ng pagod. Si Arkin at Tito Chester ay umuwi na muna para kumuha ng mga gamit. Si Kuya may kausap sa labas habang ako naman, nakaupo lang sa gilid, malapit sa may pinto.
Hindi ko magawang lapitan si Archeus at makita siya sa ganoong lagay. Nalaman kong sumalampak pala ang kotse niya sa puno. It's pure accident which angers me more dahil wala akong mapagbuntungan ng galit. Kung may sumira ng break niya maaaring may sisisihin sa nangyari kaso wala. Even the CCTV footage says so. There is no proof that what happened was schemed.
May tumawag lang daw na hindi kilalang numero sa phone ni Archeus saying that Arkin was being beaten up again, when in reality, he's just on his friend's house.
Archeus is rational. Hindi siya susugod lang bigla kung tingin niya ay nanloloko lang, ngunit base sa nangyari, mukhang pinaniwalaan niya ang tumawag. And with Arkin, he's always this protective. Hindi ko alam kung dahil natural na iyon sa kanya o dahil tuwing may nangyayaring masama kay Arkin ay sa kanya lagi ang sisi.
He really loves Arkin though. He cares despite of being compared to him. Despite of him being labeled as the rebellious son because Arkin is the favorite one.
Parang may kung ano'ng kumirot sa puso ko. I, then realized how often I named him the devil, when in fact, he's no evil at all.
I looked at his condition. Ulo niya ang talagang napuruhan. Putok ang kilay at labi niya, medyo maga ang kaliwang mata. Puro sugat ang natamo sa katawan, kung hindi man open wounds ang ilan ay pasa na pakiramdam ko ay mas masakit pa nga. His left arm was also casted kaya nakabenda.
Bumigat ang mata ko. It felt like my eyes are about to fall out of its socket pero hindi pa pagod kakaiyak kaya nagsimula nanaman itong manubig.
Nakita ni Kuya na umiiyak ako kanina pero hindi naman siya magtataka gayong mabilis naman akong maiyak sa mga bagay-bagay.
Sobra ang naging takot ko kanina. Hindi ko mapangalanan, pakiramdam ko'y may tumulak sa'kin sa bangin at nakahinga lang ng maluwag nang malamang may nakasalo pala sa akin.
Ilang sandali pa ay nakita kong gumalaw ang daliri ni Archeus. It was just a glimpse ngunit hindi ko makakaligtaan 'yon gayong nakamonitor ako sa kanya.
Mabilis akong lumapit kahit na namumuo ang luha sa mga mata ko. Medyo malabo pa ang paningin ngunit sinubukan kong abutin ang daliri ni Archeus.
Pikit pa ang mata ngunit nakita ko ang unti-unting pagdaing niya sa sakit ng katawan. He tried to move ngunit hindi ko siya hinayaan.
I hushed him with my cracked voice. "Sandali. Huwag ka muna gumalaw, tatawag ako ng nurse—" Hindi ko alam kung nabosesan niya ba ako gayong nakapikit pa rin siya ngunit mabilis akong napabalik nang pigilan niya ang kamay ko.
Hindi siya nagsalita, siguro ay hirap pa. Hindi ko na rin pinilit at hinayaan ko siyang hawakan lang ako.
Gusto ko sanang tumawag na ng nurse o gisingin man lang ang Mommy niya pero hindi ako makakilos.
"Dito ka lang..." He mouthed with his eyes still closed.
Tumango ako kahit hindi niya nakikita. Ang hikbi ay impit na pinipigilan.
Galit ako sa kanya. I am mad at him for driving recklessly. For not taking care of his body. For not thinking of himself. For caring too much. For scaring me. And for making me feel things I'm not supposed to... for making me realize how much he means to me.
Sa ngayon, wala na akong maisip na iba pang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. I'd prefer not to state the obvious, but for once and for all, I wanted to admit this unnamed feeling for the sake of my own.
I like him. I like Archeus. Hindi ko man masabi dahil sa kung ano'ng dahilan, at least naamin ko na sa sarili ko. Gusto ko nga siya.
Mabilis nagdaan ang mga araw. After being hospitalized, nalaman nila Tito Chester ang may ari ng numerong tumawag. Si Joaquin. They found out that he was drunk when he called Archeus. It was so immature of him to stoop down in that level!
Mabuti na lang at napakiusapan nila si Tito Chester na huwag magsampa ng kaso kahit gusto nito. At dahil si Archeus na rin mismo ang umawat, napawalang bisa na rin ang kagustuhan ni Tito Chester.
He said that it was an accident at kasalanan niya raw iyon dahil agad siyang naniwala sa sinabi ni Joaquin. I can't believe him. Kung ako 'yon ay talagang ipapademanda ko ang lalaking iyon!
He recovered after being confined for two weeks. Within those days, wala yata akong nakaligtaan ni isang araw. Lagi akong pumupunta sa ospital pagtapos ng klase, kung kailan natataong walang bantay kay Archeus. Of course, his parents are still working. Si Arkin may pasok.
Walang kaso dahil ayaw rin naman niyang magpabantay pero naiinis ako dahil mukhang okay naman siya pag wala ako tapos pag dumadating na ako, lahat na lang sa kanya ay masakit.
Hindi ko tuloy alam kung umaarte na lang siya o talagang nasasakto tuwing naroon ako. But I enjoyed taking care of him. Hindi ko alam kung nagtataka na ba siya sa inaakto ko pero hindi naman siya nagsasalita kaya hindi rin ako kumikibo tungkol do'n.
When he was cleared to go, agad siyang pumasok sa eskwelahan kahit kita pa ang mga pasa sa katawan. Magaling na ang maga sa mata niya pero ang mga sugat, naghihilom pa. Ang kaliwang braso ay naka-tourniquet pa.
I hate to admit it pero kahit na sa gano'ng lagay, mas lalo pa yata siyang gumwapo sa paningin ko.
Nakaupo kami ni Leslie ngayon sa canteen kung saan matatanaw banda ang fields. Archeus is with his friends including Kuya Emmett. Nagkakagulo sila habang sinasapak ang mga pasa sa braso ng tuwang tuwang si Archeus.
What the hell? Akala mo hindi hirap no'ng naospital ah!
"Who are you looking at?" Dumungaw si Leslie sa harap ko, tinakpan ang puwesto nila Kuya.
Umirap ako dahil nahuli naman na niya kung sino ang tinitignan ko kanina. Nagtatanong pa.
Naglaro tuloy ang ngisi niya sa labi, para bang nang-aasar.
"Alam mo ikaw, huwag mo nang i-deny. Ilang beses na kitang napapansin. Kay Archeus ka laging nakatingin."
Nag-init ang pisngi ko. Alam kong isa ring alaskador 'tong si Leslie pero hindi ko inaasahang gano'n ako kahalata. Kala ko talagang iniinis niya lang ako dahil nga ayaw ko kay Archeus ngunit panay naman ang pagmasid ko sa kanya.
"Sigurado ka na ba diyan?" Humagalpak ng tawa si Leslie.
Tumaas tuloy ang kilay ko nang makita si Nancy, lumalapit nanaman kay Archeus, tinataboy ang mga lalaking nakapalibot dito.
Feeling main character din talaga!
"Kapal ng mukha." Singhal ko.
Alam kong hindi naman 'yun maririnig sa banda nila dahil halos bulong lang 'yon pero nagngingitngit ang kaloob-looban ko. Ni hindi nga niya nabisita si Archeus sa ospital at ngayon aarteng may pakialam!
"May masakit ba sa'yo???" Hinawakan niya ang katawan ni Archeus. Sa mga parteng wala namang pasa o galos.
Parang nakatunog yata ang isa sa panunumpa ko dahil kung kailan magkasalubong na ang mga kilay ko, do'n pa tumama ang tingin sa akin ni Archeus.
Mas lalong tumalim ang mata ko, inirapan ko siya. Noong una ay nagtataka pa ang reaksyon niya ngunit nang mapansin niyang si Nancy ang kinaiinisan ko, ngumiti siya. He even bit his bottom lip to suppress his laugh.
Habang busy si Nancy sa pagkapa ng mga pasa-kuno niya sa braso, his eyes were directed to mine. Para akong narindi dahil wala siyang ginagawa para alisin ang kamay ng bruhang iyon sa kanya kaya tumayo ako sa kinauupaun ko, nagdabog paalis do'n.
"Hoy joke lang naman, Eri! Sandali!" Rinig kong sigaw ni Leslie habang tumatawa.
Isa pa 'yon! Kainis!
Nang makalayo ako sa puwesto, naglakad na lang ako dahil wala naman ng silbi ang pag iinarte ko dahil ako lang naman din ang napagod.
"Kapag sinabunutan ko kaya ulit si Nancy, mapapa-guidance ako?" Bulong ko sa sarili habang in-i-imagine ang itsura niya kapag ginawa ko nga iyon.
Maliit man ako sa kanya ng ilang inch, sigurado akong mas malakas naman ako sa kanya gayong fit ang katawan ko!
I laugh at my own evil thoughts. How I wish! Kung hindi ko lang talaga pinoprotektahan ang image ko kay Mommy, talagang makakalbo ko siya!
Napailing ako nang maisip ang pagkakaiba namin ni Nancy. Physically, mentally, and emotionally. No doubt, she's more matured than me. Masama nga lang ang ugali pero ako rin naman, ah?
I resort to violence once namuo na ang galit sa loob. Mapang-asar si Nancy pero puro salita lang. She triggers me a lot kasi mabilis akong madala ng emosyon. Mas matalino rin siya kaysa sa akin, mas kilala at paborito halos ng mga nasa school.
She is close with other people. Active sa ibang organizations, madaming connections.
Sa akin lang naman siya inis kaya hindi ko maintindihan kung bakit. Anghel siya sa mata ng iba. Pinipilahan pa nga ng mga kalalakihan pero si Archeus ang gusto niya.
Sigurado ako, alam na ni Archeus 'yon. Hindi naman tinatago ni Nancy ang pagkagusto niya rito kaya hindi ko rin masisisi kung bakit lagi ngang nakadikit 'to sa kanya.
She's older than me. May mga bagay siyang alam na hindi ko alam. Mas may experience. Mas kaedad. Mas akma. Mas bagay para kay Archeus.
I'm not trying to compare myself to her. I'm just stating facts. Dahil do'n, mas lalong kumalat ang pait sa sistema ko.
Napahinto ako nang may humablot sa likod ko. Hinila ang uniform ko kaya halos matumba ako sa damo kung hindi lang ako tumama sa dibdib niya.
Mabilis akong lumingon para lang makita ang tatawa tawang si Archeus. Lumayo ako habang nagpapagpag ng damit. Umaktong nangdidiri.
"Ano?! Umayos ka naman! Walang ginagawa sa'yo 'yung tao gaganyanin mo! Hindi pa nga magaling 'yang mga sugat mo, gusto mo na yatang madagdagan?!"
Nakatingala ako habang sinasalubong ang mga mata niyang may bahid ng pagkaaliw.
Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya. Gusto kong kurutin ang nguso niya para tumigil siya sa ginagawa niya pero hindi ko na kayang hawakan ang labi niya ng hindi naiilang.
Umihip ang malamig na hanging lumulusot sa diamond fence ng school fields. Sakto rin ang lilim ng puno rito at hindi gaanong kita ang lugar dahil sa likod na parte ako dumaan.
"Bakit mo 'ko sinundan? Bumalik ka na do'n at mukhang hinahanap ka na yata ng babae mo!" Sumipat ako mula sa malayo.
Naroon si Nancy kasama ang isa pang alipores niya, naghahanap kung saan pumunta si Archeus. Mukhang natakasan yata ng demonyo!
"Dali! Umalis ka na kung ayaw mo bumalik ang maga sa mukha mo." Tinalikuran ko siya pero inulit niya nanaman ang paghila sa uniform ko!
Sa lakas ng buwelo ko, namali ako ng balanse kaya't tuluyan na akong sumalampak sa damo. Mabilis niya naman akong nasalo ngunit hindi ako pumayag! Hinayaan kong matumba ako sa damo sa pagkayamot!
Hindi ko alam kung ano 'tong inis na nararamdaman ko. Parang pinaghalo halong pakiramdam.
Inis sa pagkakita ko sa kanilang dalawa. Inis sa mga bagay na naisip tungkol kay Nancy. Inis dahil posibleng may katotohanan nga ang mga iyon.
Yumuko ako ng maramdaman ang panunubig ng mga mata ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top