Chapter 2
"Yes, Eri! It's there, for sure! Magpatulong ka kasi! Use your eyes, not your mouth!" My brows shot up when I heard what he just said on the other line.
"Kuya! I already checked the whole living room! Wala nga kasi dito! Ano ba kasi 'yang friend mo?! Napakaburara!" I shouted back habang nanlilisik ang mga mata.
Muli akong dumapa sa sahig ng aming sala at tinignan ang ilalim ng sofa kung may makikita ba ulit pero wala.
"Then, check again. Nandiyan lang 'yan. Nakita kong linapag niya sa mesa kagabi." His voice toned down.
Marahil dumating na ang professor sa klase nila kaya pati ang kaninang ingay ng mga estudyante ay nawala na.
"Kung saan-saan naman kasi nagpapapatong 'yang friend mo, Kuya?! Ako pa ngayon ang naistorbo para lang sa wallet niya? Wala ba siyang extra cash?! Pautangin mo na lang! Gusto ko pang matulog, Kuya. Please!" I faked a sob.
Napuyat kaya ako kagabi! Guess why? Dahil lang rin naman sa magaling na Archeus na 'yon!
"Please, Kuya.."
Habang nakadapa sa sahig at nakapikit, hawak ko ang aking cellphone sa kanang tainga.
Anong oras pa lang kasi at tumawag siya bigla para lang paghanapin ako ng wallet ng best friend niya. At ito pa, ako pa talaga ang magdadala ha?
"Can't. May bibilhin ako at hindi rin 'yun papayag umutang. Please, Eri. Pahatid ka na lang sa driver. My prof's already here. Okay? Gotta go. Bye." Naputol na ang kabilang linya at wala akong nagawa kung hindi ang magpapadyak ng nakadapa.
"Oh, Eri? Okay ka lang ba riyan? Ito ba ang hanap mo?" Awtomatiko akong napatayo at nagpagpag ng damit sa sinabi ni Ate Nilda.
She looked at me victoriously dahilan ng paglabas ng kanyang ngipin at wrinkles. She's in mid 50s. Medyo may puti na rin ang buhok.
Mabilis akong lumapit sakanya at nanggalaiti ang tingin sa itim na wallet na 'yon. Kung nakakasunog lang ang titig ko, malamang ay nagliyab na 'to.
"Nakasiksik roon sa tukador ng mga picture frames kaya talagang hindi mo makikita kung diyan ka naghahanap." Biglang uminit ang pisngi ko.
May pasabi-sabi pa akong hinalughog ko ang buong living room tapos nandoon lang pala?!
"Thank you, Ate Nilda. 'Di ko talaga alam ang gagawin ko 'pag wala ka." Lumawak lalo ang ngiti niya nang pabiro ko siyang yakapin.
I grew up in a house with three maids. Since busy nga sila Mommy at Daddy sa business, minabuti nilang kumuha nito.
That explains why Kuya and I are close with them. Lalo na kay Ate Nilda dahil siya ang pinakamatagal rito.
"Oh siya, bata. Mag ayos ka na at magpahatid kay Jud." Mabilis akong kumaripas ng takbo paakyat sa aking kwarto para makapaligo.
I didn't even bother to eat my breakfast dahil sabi pa ni Kuya kailangan raw na dalhin ko na agad.
How demanding. I bet inutusan siya ng lalaking iyon para siguro sirain ang umaga ko!
I quickly finished my bath and daily routine than usual. Nagsuot na rin ako ng uniporme kahit mamaya pa ang klase ko dahil hindi na ako uuwi.
Wala namang traffic dahil 7 o'clock pa lang ng umaga kaya mabilis akong nakarating sa school habang bitbit ang bag ko.
"Thank you, Kuya Jud." Ngumiti ako bago isara ang pinto. Kumaway na rin hanggang mawala na sa aking paningin ang kotse.
The healthy sun rays touched my delicate skin. Rinig rin ang pagkislot ng mga tuyo't na dahon na winawalis ng school maintenance sa labas.
Kung maganda lang sana ang gising ko ay sobrang ma-a-appreciate ko ito.
Sinubukan kong ibahin ang vibes ko kaya lang mabilis napawi iyon nang makita kong ang demonyong Archeus sa harapan ng school gate.
Dito pa lang ramdam ko na ang mapanuya niyang pagkatao, paano pa kapag lumapit na ako?
He's leaning on the wall. Ang kaliwang paa ay nakatukod rin sa pader habang nakamasid sa mga estudyanteng nagkukumpulan sa labas.
Dahil sa pagka side view niya mas lalong nadepina ang tangos ng kanyang ilong. His jaw is undoubtedly carved perfectly. His brows are thick at ang kumumpleto sa kanyang itsura ay ang kanyang mapanganib na mata na sinasaluhan din ng makapal na pilik mata.
He looks.. dangerous. Not in a literal way, though. Maybe because of his aura. It's like when you're around him, there's so much intensity that you won't be able to bear.
Everything about him looks rough except for his red lips which is now forming a half smile.
Our eyes locked. Tinagilid pa niya ang kanyang ulo habang mariin akong tinititigan sa malayo.
Mabilis kong pinutol ang tingin at kinunot ang noo.
With his white polo uniform, slacks and black leather shoes, akala mo talaga mabuting miyembro ng eskwelahan.
Lagi namang nasa detention!
I checked each side of the road before crossing. Nag-alangan pa ako sa unang attempt pero paglagpas ng isang kotse, kalmado na akong lumakad.
Nakahinga ako ng maluwag nang makarating ako sa gate ng ligtas at buhay.
"Hindi ka marunong tumawid?" His eyes widen as if kasalanan ang hindi pagkatuto nito.
Syempre, hindi ako aamin 'no!
I cleared my throat and faced him angrily.
"Bulag ka?! Paano ako nakarating dito kung hindi?!" Muli ko siyang inirapan dahilan ng kanyang pagtawa.
"No. If I'm blind, I won't see how pale you are when you were crossing that road. Buti hindi ka hinimatay." His voice turned serious.
But I can tell in his eyes.. He's mocking me!
Hindi ko siya sinagot. Sa halip, binunot ko ang kanyang wallet sa aking bulsa at binato sa kanyang mukha.
"Sa susunod idikit mo sa noo mo nang hindi mo maiwan."
Pumasok na ako sa school at inisip na lang na hanapin si Avery gayong maaga naman 'yun pumapasok.
I heard Archeus' footsteps. Tumakbo para mahabol ako.
"Init naman ng ulo umagang umaga." He whispered.
Even without looking, I know he's smiling evilly. Tss.
Liliko na sana ako sa building namin nang bigla niyang hatakin ang bag ko sa likod kaya ako napabalik sa pwesto ko.
"Ano ba?!" I glared at him pero tinitigan niya lang ako.
"Samahan mo akong kumain sa canteen." Hindi pa ako nakakasagot ay nahila niya na ako do'n.
Ang mga estudyanteng kababaihan ay napapatingin sa gawi namin. Bumusangot ako para makita nilang hindi fun kasama ang lalaking 'to.
"Ate, tatlong kanin at ito po." Tumuro si Archeus sa isang putahe saka bumaling sa akin.
"Ano sa'yo?" Tumaas ang isang kilay niya.
Sandali akong natahimik. Ililibre niya ako? Sabay kaming kakain sa isang mesa?
Lihim akong napangiti. Panahon na para bumawi. Ginto pa naman ang paninda sa school na 'to.
"Egg sandwich pakilagyan po ng gulay sa gitna. Hotdog on stick po, tatlo. Wala pong mayonnaise pero may hot sauce. Saka po isang order ng fries, salt and pepper flavor. Dalawang waffles na rin po na ham and cheese at tuna ang laman saka po chocolate pudding." Halos hindi ako huminga sa sinabi ko.
Napatingin naman si Archeus sa akin. I gave him a sweet smile.
Oh bakit? Buti nga dinala ko ang wallet mo rito!
"May gusto ka pa?" Aniya.
My eyes wandered around refreshments. Tinuro ko ang paborito kong inumin.
Tumango naman siya bago kumagat sa labi, nagpipigil ng ngiti.
"Ano pa po?" Tanong ni Ate.
"Pineapple juice and coke. Thank you." Bumunot ng pera sa wallet si Archeus at inabot sa tindera.
Hindi ko na siya hinintay pa at humanap na ako ng upuan.
Pinili ko ang sa bungad para kita sa malayo ang field ng school. Ilang sandali lang dumating na si Archeus bitbit lahat ng binili niya.
"What time is your class?" Napatingin ako sakanya nang seryoso niya akong tanungin habang linalapag sa mesa ang mga binili.
"N-nine." Tumingin siya sa relo niya at tumango.
When everything's settled, nagsimula na siyang kumain kaya gano'n na rin ang ginawa ko.
Walang nagsalita sa amin ngunit paminsan ko siyang nahuhuling nakatingin.
Rinig ang mumunting ingay sa field ng school kaya napapatingin ako do'n ng hindi sinasadya.
Nagulat tuloy ako nang sa kalagitnaan ng pagkagat ko sa sandwich ay bigla siyang nagsalita.
"Didn't know you have real appetite." Bumagsak ang tingin niya sa mga nasa harap ko at ngumisi.
Umirap ako at nagpatuloy na lang sa pagsubo ng sandwich.
Ang bilis niyang natapos samantalang ako hindi ko pa nagagalaw ang ibang binili!
Ngayon pinapanuod niya na lang akong kumain.
"D-do'n ka tumingin." Napalunok ako ng sumandal siya sa upuan niya at mas lalo akong tinitigan.
"Ayoko nga." He chuckled.
Bigla rin siyang lumapit at kinuha ang pineapple juice sa tabi ko.
"Hoy!" Sigaw ko pero huli na dahil nakainom na siya do'n.
"Masarap pala 'to?" He said after he took a sip.
Nag-init agad ang pisngi ko sa pag-iisip na ginamit niya ang straw ko!
Hindi pa niya talaga winaglit ang titig sa akin habang umiinom ha?
Sa ginawa niya ay muling nanumbalik ang galit ko sakanya kagabi! Kala niya yata nakalimutan ko na!
"Akin na nga 'yan!" Marahas kong binawi sa kamay niya ang pineapple juice dahilan ng pagtapon no'n sa uniform ko.
What the hell?! Really? What a lucky day.
"Bakit mo hinatak?" Mabilis siyang nakadampot ng tissue at pinahiran ang bandang dibdib ko!
"Archeus! Akin na!" Nanlaki ang mata ko ng tumawa lang siya.
"Don't worry, kid. Wala akong nakapa." Kumindat siya saka inabot ang tissue sa akin.
Parang umusok ang ilong ko sa inis. Pati tainga ko ay nag-iinit nang maalala ang nangyari kagabi.
"Mommy? Dinner na?" Tanong ko habang pababa ng hagdan.
Basa pa ang buhok ko galing pagkakaligo kaya ipinusod ko 'yon sa tuktok ng ulo ko. Ayaw ko kasing mabasa ang puting shirt ko.
"20 minutes, Eri." I nodded and jumped my way on our couch.
I scrolled on my phone. Panay ang stalk kay Avery.
"Pogi talaga." Humagikgik ako habang tinitignan ang mga tagged photos niya.
May iilang hibla ng buhok na humaharang sa mukha ko kaya hinawi ko na lang.
Inangat ko ang paa ko sa couch, hindi mapakali sa pwesto dahil sa kilig.
I wonder kung may nabasa na ba si Avery sa mga messages ko sakanya? Hindi kaya nakukulitan siya sa akin? O baka 'di naman interesado?
Napasimangot ako sa huling naisip. Hindi naman siguro? 'Wag ka mawalan ng pag-asa, Eri!
Mayamaya lang nakarinig ako ng ingay sa labas.
I know my Kuya's voice kaya pagkarinig pa lang sa tawa niya ay alam ko na nang siya ang parating kaso may ibang boses pa akong narinig.
"I told you, bro. Type ka no'n ni Nancy." I immediately turned my head only to see his friend with him.
Aba't! Ano nanamang ginagawa ni Archeus dito?!
"Not my type." Umismid ako sa mayabang na sagot niya. Buti hindi tinangay si Kuya sa sobrang hangin ng kasama niya!
As far as I know, complete package na iyong si Nancy na ka-batch nila! Maganda! Matalino! Sexy!
Ang choosy niya naman pala.
"Oh, Kuya! Nandiyan ka na pala. Good. Sabay-sabay na tayong mag dinner. Eri, your Kuya's here with Arch." My mom said.
"Hey, Mom. Dad." Mabilis bumati si Kuya kanila Mommy habang ang kasama ay gumaya rin sakanya.
"Good evening, Tita Riesa. Tito Emerson." My parents greeted him back at pinaupo muna sila sa living room gayong hinihintay pa ang dinner.
Sumalampak si Kuya sa single couch habang tumatawa sa kanilang pinag-uusapan.
Ang makapal na mukha naman ng friend niya ay tumambad sa gilid ko. Ang luwang ng couch talagang didikit pa?!
Mabilis umirap ang mata ko sakanya nang magsalita siya.
"Ito type ko." Seryoso niya akong tinignan at tila bumaba pa ang tingin sa labi ko.
Agad akong umiwas at nailang.
"A-anong pinagsasasabi mo diyan?! L-lumayo ka nga!" I pushed his broad shoulders pero parang kamay ko pa ang nasaktan.
'Di siya huminto. Sa halip, mas lalong linapit ang mukha sa'kin at nang mapatingin ulit ako. Alam ko nang mas mapula pa sa kamatis ang mukha ko.
He smirked when he saw my reaction. Unti-unti, sabay silang humalakhak ni Kuya.
"Damn it, bro! Don't mess with my little sister! Hindi bagay!" It took a minute bago niya putulin ang titig sa mata ko.
Tumawa siya at umiling. Then, he licked his bottom lip.
"I won't. Not interested with premature babies."
Napasinghap ako sa narinig. Wala talagang lumalabas sa bibig niya kung hindi panlalait sa akin!
Makahulugan niya akong tinignan mula ulo hanggang... dibdib.
Mabilis akong napatingin sa white shirt ko nang mapagtantong wala akong suot na bra.
Shit! Mabilis akong napabalikwas ng upo saka umamba paalis nang magsalita siya sa paraang ako lang ang makakarinig.
"There's nothing to hide, though. Don't bother." He stifled a laugh while looking at a different direction.
Mabilis kong binato ng unan ang pagmumukha niya na ikinatawa nila ni Kuya saka ko siya tinignan ng masama.
I know that he's evil, but I didn't expect him to be this evil. What he just said is offending and way out of the line!
Kumaripas ako ng takbo sa kwarto para magkulong. Hindi na ako bababa para mag dinner!
The heck is wrong with that guy?! Hindi ko naman siya inaano pero lagi niya na lang napapansin ang mga bagay na kahinaan ko!
I admit it, okay?! I don't have big boobies, but that's because I'm still on puberty stage!
Mayroon namang late bloomer 'di ba?!
Mabilis umandar ang oras, alam ko rin na nakauwi na si Archeus. But still, the night ended with me not having my dinner.
Nag explain na lang ako kay Ate Nilda ng palusot para sabihin kanila mommy na sumama ang pakiramdam ko kanina at hindi na ako kakain.
Pero ang totoo, I was crying. It sounds stupid, yes. But that was my insecurity.
Hindi naman big deal sa akin ang physical appearance but I kinda feel humiliated by Kuya's friend.
Napaisip tuloy ako kung 'yun ba ang basehan ng pagiging attractive ng isang babae? Paano kung hindi rin ako magustuhan ni Avery?
That's why, I was up all night browsing ways to gain perfectly shaped body.
Ang babaw ko, hindi ba? Buong magdamag yata ako nag scroll hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
"Hey." I was brought back to reality when he snapped his fingers in front of me.
Tahimik ko siyang tinignan saka tinanggap ang tissue. Hindi ako nagsalita ng kung ano.
He suddenly froze. Do'n siya nakaramdam.
"Hey.. Eri. About last night. I'm sorry, okay? I was just teasing you. I didn't mean to offend y—" I glared at him.
Because obviously, at the very first place, it was his plan to annoy the hell out of me.
"Well, I.. It was. Uh, kinda supposed to annoy you. But promise, it's not like I want you to lock yourself up in your room. You're still a kid and it's normal to have a body.. like that."
Muli niyang pinasadahan ng tingin ang katawan ko kaya't namula nanaman ako.
"Okay. But next time, don't joke about somebody else's insecurities. You're not perfect, too. Baka maubos ko ang araw sa kalendaryo pag inisa-isa ko ang kalait-lait sa pagkatao mo. Pasok na ako." I said without a break.
There. Nalaglag ang kanyang panga. Hindi yata inaasahan ang sinabi ko.
Mabilis kong binitbit lahat ng pagkaing pinabili ko sakanya at iniwan siyang mag-isa ro'n.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top